• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

NAVOTAS SOLON, INIHAIN ANG FUEL CRISIS RELIEF ACT

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapatibay ng isang panukala na naglalayong patatagin ang mga pamilihan at protektahan ang mga mahihinang sektor mula sa masamang epekto ng tumataas na gastos sa gasolina.

Inihain ni Tiangco ang House Bill No. 8715, na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapataw ng pansamantalang pag-freeze sa mga pagtaas ng residential at commercial rental rates ng MSME, na nagpapahintulot sa pagpapaliban ng mga pagbabayad sa housing loan na walang multa, pagpapahintulot sa mga emergency loan mula sa SSS at GSIS, at pagdedeklara ng moratorium sa accrual ng interes sa mga pautang ng gobyerno.

“Sa panahon ng krisis, kailangan ang agarang aksyon. Responsibilidad ng pamahalaan na gawin ang lahat ng makakaya nito para maibsan ang hirap na ating pinagdadaanan,” aniya.

Ang Pilipinas aniya ay nag-aangkat nang higit sa 90 porsiyento ng mga pangangailangan nito sa langis mula sa Middle East, na kasalukuyang nababalot sa gitna ng digmaan sa Iran. Nahaharap sa matinding kahinaan sa global oil shocks, ang bansa ay nakaranas ng magkakasunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Grounded on data from the Philippine Statistics Authority (PSA) and the Department of Energy (DOE), the proposed interventions are designed to help temper inflationary pressures, projected to exceed four percent (4%), while providing regulatory clarity and enforceability through the appropriate government agencies,” dagdag niya.

Napansin ni Tiangco ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), na bumubuo ng 99.6% ng mga negosyo sa buong bansa, ay kabilang sa mga pinaka-apektado ng krisis sa petrolyo.

Ang panukala ay nagpapahintulot din sa mga ahensya ng gobyerno at sa kanilang mga subsidiary na makipagsosyo sa registered transport providers upang maghatid ng libreng pampublikong transportasyon sa panahon ng national or local emergencies para matiyak ang patuloy at mabilis na pagkilos ng mga pampublikong sasakyan.

Ipinag-uutos din nito sa DTI, at DOE na pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya, na panatilihing makatwiran ang mga presyo ng produktong petrolyo, pangunahing bilihin at kagamitan kabilang ang mga telcos at internet service provider sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi makatwirang pagtaas, na may awtoridad na magpataw o magrekomenda ng price ceilings, pigilan ang pag-iimbak at pagkakakitaan, at ipatupad ang mga kinakailangang interbensyon tulad ng pag-aatas ng requiring price justification, subsidies o buffer stocking upang patatagin ang supply at protektahan ang mga mamimili.

“It is our job to protect vulnerable sectors from the adverse effects of sudden fuel price hikes. To this end, it is imperative that we provide immediate relief, while ensuring fiscal sustainability and equitable burden-sharing,” aniya.

Gayunman, iginiit ni Tiangco na pansamantala lamang ang mga relief measures at tatagal ito ng hanggang anim na buwan mula sa bisa nito, o hanggang sa ma-certify ng Pangulo. (Richard Mesa)

MANILA HALAL FESTIVAL, BINUKSAN SA MAYNILA

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang binuksan sa lungsod ang kauna-unahang ‘Manila Halal Festival’ na nagtatampok ng mga sertipikadong produktong Halal .

Ang pagdiriwang ay hindi lamang isang pagtitipon kundi isang pagdiriwang ng kultura, pananampalataya, negosyo at pagkakaisa na isang pagkakataon para makilala ang Halal Industry na sumisimbolo sa intergridad, kalidad at respeto sa tradisyon.

Isinakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaang lungsod at DTCAM na siyang nag-organisa sa programa , DTI Halal Project Management Office at Department of Tourism, Halal Tourism and Muslim Concerns .

Dumalo sa pagbubukas ng Manila Halal Festival sina Mayor Isko Moreno-Domagoso ,Vice Mayor Chi Atienza kasama si DTI Secretary Cristina Roque at DOT Usec Myra Paz Abubakar .Ito ay bukas mula Marso 23 hanggang 25 na matatagpuan sa International Court ng Manila City Hall.

Ang aktibidad ay tampok ang mga ibat-ibang Halal certified products ,masasarap na pagkain at mga natatanging serbisyo na sumasalamin sa ating mayamang kultura at inklusibong komunidad.

Hinimok naman ni Roque ang publiko na makibahagi sa Halal Industry dahil sa lumalaki nitong potensyal kung saan nasa multi- trillion dollar worldwide business na ang nasabing industriya.

Sinabi naman ni Mayor Isko na patuloy na ipapalaganap ng Manila LGU ang food tourism sa lungsod .

Paliwanag ng alkalde , ang Halal ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain o pang-Muslim kundi isang sistema .

” A system there is a process as a matter of respect to their believes and way of life”, aniya.

Sa Maynila aniya ay pantay-pantay ano man ang relihiyon at kasarian ay malaya lahat sa lungsod.

Kaya naman hinihikayat ng alkalde lalo na ang mga MSMEs na lagi silang welcomed sa Maynila at maari nilang ibenta dito ang kanilang produkto basta sumunod lamang sa mga alituntunin ng pamahalaan.

Aniya ang Maynila ay isang malaking merkado kung saan mayroong mahigit dalawang milyong night time population at mahigit tatlong milyong day time population na malaking bilang kung saan may oportunidad sa bawat isa.

“Today is the window opportunity and stating lagi kayong welcome sa lungsod ng Maynila”, pagtatapos ng alkalde . (Gene Adsuara)

LOKASYON NI ATONG ANG BINEBERIPIKA

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na biniberipika ng National Bureau of Investigation (NBI) ang impormasyong natatanggap tungkol sa lokasyon ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang

Sinabi ni NBI Director Atty.Melvin Matibag na masusi nila itong sinusuri kung saan may nagsasabi na hindi pa nakakalabas ng bansa ang sinasabing mastermind ng missing sabungeros pero ang iba naman ay sinasabing nakalabas na ng Pilipinas.

Ayon kay Matibag , nagtalaga na ang NBI ng partikular na grupo na tututok sa paghahanap kay Atong Ang na itinuturing na ring isang pugante.

“I dedicated specific team composed of four to track”, ani Matibag.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Atong Ang ang ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping and serious illegal detencion’.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nahahanap at lumulutang ang akusado sa kabila ng mga kinakaharap nitong mga kaso.
(Gene Adsuara)

Muntik nang mag-give up dahil sa ngalay at matinding lamig… TANYA, anim na oras na nakatayo para masaksihan ang comeback free concert ng BTS

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAY anim na oras yatang nakatayo sa Gwanghwamun Square in Seoul si Tanya Garcia noong comeback free concert ng BTS sa Korea.

Kahit na super fan siya, muntik na raw siyang mag-give up dahil hindi lang ‘yung ngalay sa pagtayo from 3 pm to 8 pm kunsaan nagsimula ang concert, nasa 7 degree pa raw ang weather ng araw na ‘yon at kahit apat na patong na raw ang damit niya, talagang iba pa rin ang lamig.

But anyway, super worth it naman daw dahil first time n’yang mapanood ng live at makita ang BTS member na kumpletong mag-perform.

Hindi kasama si Tanya among the celebrities or content creators na ipinadala ng Netflix Philippines, instead, talagang magaling daw ang kaibigan niya na nakakuha ng tickets nila.

Si Jungkook ang pinaka-bias ni Tanya sa lahat. At sey pa niya, cry raw siyang talaga, lalo na nang inawit na ng mga ito ang kanta for their Army na “Mikrokosmos.”

In two weeks time, balik Korea na naman si Tanya, this time, sa talagang kick-off na ng world tour concert ng grupo. At kasama na rin niya ang mga anak, lalo na ang eldest na si Mischa na mas naunang maging Army than Tanya.

O, ‘di ba, sana all!

***

KOREAN content pa rin.

Ang kilalang Korean director na si Nam Ki Hoon na ang mga notable works, Tunnel, The Beauty Inside, Voice 3, Oh My Baby, Kiss Sixth Sense, Big Bet (Casino), and Destined with You ay masasabing nagustuhan ang Pilipinas and have only nothing but good words sa bansa.

Kasama niya rin si Ilho Lee- CEO of LIFE communications, Korean by Nationality but filipino at heart. Isang marketing genius at involved din sa global hit Korean series na “Boyfriend on Demand” starring Jisoo of Blackpink.

At sa bansa, si Tristan Cheng ng Trifecta Brand Lab ang kanilang ka-collab.

Meron na silang posibleng maging leading man, isa sa Korean Superstar. Ang hinahanap na lang nila ay ang Filipina Leading Lady. Most likely, baka sa April ay meron ng mapipili.

Kung kadalasan sa mga Korean-Filipino movies ay 80% ang location ay sa Korea, this time, baligtad, mas maipapakita ang ganda ng bansa. Twenty percent lang daw ang kuha sa Korea.

And it’s going to be a romcom film.

Overall, gustong ipakita ni Director Nam sa mundo kung gaano kaganda ang Pilipinas through a beautiful story and show the world that we have great talent as well.

(ROSE GARCIA)

Nagtataka kung bakit doble-doble ang dapat bayaran… ROCCO, viral ang pagre-reklamo sa natanggap na Meralco bill

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL ang pagre-reklamo ng Kapuso actor na si Roccon Nacino dahil sa natanggap na latest bill mula sa Manila Electric Company o Meralco.
Isa nga sa kino-question ng aktor ang nakalagay na “differential bill” na umabot sa mahigit P31,000 bukod pa iyan sa kanilang regular monthly bill.
Panimula ng kanyang post, “Meralco may I be connected to your customer service line? I am being billed for a differential bill of 31k plus.
“Saan galing ‘yan at ano basis ninyo for a ‘differential’ bill aside from my monthly bill?
Tapos magpapadala kayo ng technicians for disconnection.”
Dagdag taong pa ni Rocco, “Kanino pa ito nangyari? Pls share any explanations kung mali man ako. Nakakapagtaka na doble doble ang bills.”
Post pa niya, “I’ll be seeing you soon Meralco.”
Pagkaraan ng lang oras, nagbigay naman si Rocco ng update tungkol dito, “Meralco finally called to explain billings. Ending. Bayad.
“Pag-request ko ng billing history, 6 digits na ang annual na binabayad namin sa kuryente. Jusko, PHILERGY German Solar let’s upgrade na my system para 0 na ang bill! Hayyyy,”
Komento naman ng netizens sa paghihimutok ni Rocco dahil sa malaking bill ng kuryente…
“IMAGINE! Si Rocco nga nainda na yung bills. Pano pa kami na sumasahod lang ng 400+ per day?”
“Hindi ka nag-iisa madaming ganyan silang case lalo na yung mga pinalitan ng kuntador to digital eme nila biglang lobo ang bill tinalo pa commercial eh resedential lang naman.”
“Samin naman may bill deposit pa. Bukod yung monthly bill. 12 months to pay daw. So idadagdag siya sa regular monthly bill namin. Last year ang dumating samin na bill deposit 500+ yung binayaran namin for 12 months plus yung regular bill namin monthly. So yung bill namin na 2200 plus 500+ monthly ang binabayaran namin. Ngayon naman may dumating ulit na bill deposit. 600+ naman.”
“Mas mainam po kung pupuntahan sa main office po ng meralco para makausap po ninyo ng maayos at magbigyan din nila kayo ng advice sa mga need na gawin.”
“Same samin 5k + n dati nsa 2k+ lng wla nmn nbago s pggamit pra n cla nanghuhula kng gsto nla taasn isip nla no choice mga yan mgbbyd kesa s wla cla kuryente mga pahirap.”
“Grabe nga ung bill now, last month 1.5k lng, ngayon bill 2.5k na bakit ganon kabilis naman 1k tlga ang itinaas nang bill?? Tapos pati sa water bill may scam din, fully paid nako last bill tapos ngayon meron ako for disconnection dahil meron ako previous bill na 60pesos.”
“Laking tulong talaga ng Solar na ayaw suportahan ng Gobyerno kase nga …. Basta …”
“Ganyan po talaga no matter what bayad pa din ending lahat nalang mahal ngayon grabe bawal na tamad sa panahon ngayon.”
“Balang Araw lahat ng bahay naka-solar na.. tas biglang gagawa ng paraan si Meralco para magtiwala muli sa kanila mga tao, sabay babalik ulit sa panloloko sa billings!!”

***

Hapag ng Kulay: Isang Makulay na Pagsasalo sa Sining at Lasang Pinoy

NGAYONG Abril, ang sarap ng pagkaing Pilipino ay hindi lang matitikman kundi makikita rin sa mga obra sa pagbubukas ng Hapag ng Kulay art exhibit.

Bilang pagdiriwang ng Philippine National Food Month, gaganapin ang eksibisyong ito sa LRI Design Plaza mula April 4 hanggang April 30, 2026. Mula sa makulay na palengke hanggang sa usok ng boodle fight, ipinapakita ng bawat painting ang malalim na koneksyon ng ating panlasa at mga alaala.

Ang proyektong ito ay pinangunahan nina lead organizer Arvino Yanuario at co-organizer Rene “MD” Dominguez. Tampok dito ang iba’t ibang artists na gumagamit ng simbolo at abstraksyon upang muling buhayin ang init ng kusina at saya ng pagsasalo ng pamilya.

Ang espesyal na Opening Night sa April 8 ay strictly by invitation only kung saan panauhing pandangal ang sikat na food curator at author na si Mr. Guillermo ‘Ige’ Ramos. Para sa mga nais bumisita, magkakaroon din ng Arts & Craft at Food Bazaar sa venue simula sa April 17.

(ROHN ROMULO)

Sumabak sa frontal nudity kasama ang co-stars… Direk VINCE, mapangahas sa pelikulang ‘Ang Bangkay’

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ANG pelikulang “Ang Bangkay” ng award-winning actor-director na si Vince Tañada ay kalahok sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival full-length film category.
Ito ay halaw sa kanyang Palanca-award winning full-length play noong 2012.
Nagkuwento si Direk Vince ukol sa kanilang pelikula.
“Ang ‘Ang Bangkay’ po ay tungkol sa isang pamilya, but I remember very vividly when this won in the Palanca, the granddaughter of Palanca talked to me and she said, ‘Don’t you know that story the story doesn’t have a moral?
“And it has like hundreds of profanity, ang dami pong mga murahan, it’s about incestuous relationship, it’s about violence and tungkol sa pagmamalabis ng isang ama.
“Sabi ko, ‘Do you need me to edit the script because I know that you are using Palanca for educational institutions and for I mean, scholastic release.’ Sabi niya, ‘No, it’s about time that we be revolutionary about literature.’ And I said,’ I’m sorry to tell you but there is also a moral to the story.’
“Kasi tayo pong lahat nangangailangan ng trahedya ngayon. Kasi para po kapag nakakita tayo ng isang malalim na trahedya, sasabihin natin na mas masuwerte tayo kaysa sa pinapanood natin.
“So this is not only about darkness, it is also appreciating the light that we have,” mahabang esplika pa ni Direk Vince na by profession ay isang abogado.
Daring sa pelikulang ito si Direk Vince, pati na ang karamihan sa co-stars niya, na mapangahas na sumabak sa mga frontal nudity.
Ginagampanan niya rito si Don Segismundo Corintho, isang biyudong embalsamador at makikita rito ang mga misteryong itinatago ng kanyang pamilya.
Bukod kay Vince, kabilang sa cast sina Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, Juan Paulo Calma, Mercedes Cabral, Sarah Javier, JP Lopez, at OJ Arci.
Ang Sinag Maynila ay itinatag ng movie producer na si Wilson Tieng ng Solar Studios, Inc. Kasama rito ang award-winning filmmaker at Cannes Best Director na si Brillante Mendoza bilang Festival Director.
Ibinida naman ni Direk Brillante na maraming students ang lumahok sa short films.
“Well, bawat taon naman ay iba-ibang pelikula… Actually, this year, ito iyong may pinakamaraming estudyanteng short films na sumali so far sa lahat ng mga edition. A total of 333 short films, so hindi biro iyon.”
Aniya pa, “Despite sa mga nangyayari sa ating industry ngayon, kapag nakakakita tayo ng ganyang karaming mga short filmmakers at mga estudyante na nagkaka-interest na gumawa ng pelikula, kahit paano nagkakaroon tayo ng pag-asa na huwag sanang mawala, kasi sila ang mga future directors at filmmakers natin, e.”
Ang iba pang entrysa 8th Sinag Maynila ay ang “All About Her” ni Direk Joel Lamangan, “Pinikas” ni Cris Fuego, “Desperada” ni Direk Louie Ignacio, “Sweet Escape” ni Rommel C Ricafort, at “Lanaya” ni Clyde Capistrano.
Ang theatrical run ay mula Marso 23 hanggang 29, 2026 sa Gateway Cineplex, Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas.

(NONIE V. NICASIO)

“Project Hail Mary” shoots for the stars with biggest debut of the year, with a $140.9 million global box office opening weekend

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AMAZE. Amaze. Amaze!

Epic space adventure Project Hail Mary launched with the highest-grossing film debut of the year, landing at a $140.9 million box office opening weekend. The film opened to $80.5 million in North America, and captured an additional $60.4 million from international markets. The film is an adaptation of The Martian author Andy Weir’s novel of the same name, directed by duo Phil Lord and Christopher Miller.

Project Hail Mary also had a stellar opening weekend in the Philippines, earning 29,258,184 on its first five days. This marks the biggest Hollywood opening weekend of 2026. Propelled by excellent word of mouth, Project Hail Mary is also the biggest Hollywood original non-franchise film opening since Oppenheimer.

Project Hail Mary stars Ryan Gosling as science teacher Ryland Grace, who wakes up aboard a spacecraft with no memory of who he is or why he’s in space. As he slowly recollects his memories, he’s reminded of his mission: To save a dimming sun and prevent the Earth from entering an extinction event. An unexpected encounter leads to an alien ally he names “Rocky,” and together they do what it takes to save their respective homes.

Watch the trailer: https://youtu.be/vaQsHsHF9n8

Project Hail Mary is now showing in Philippine cinemas Project Hail Mary is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #ProjectHailMary @columbiapicph

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”.

(ROHN ROMULO)

Bandang Tamad si Juan, wagi sa Red Horse Beer Pambansang Muziklaban

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT ng bandang Tamad si Juan mula sa Davao City ang trono ng Pinoy Rock sa naganap na Red Horse Beer Pambansang Muziklaban Grand Finals sa Filinvest City Events Grounds, Alabang, Muntinlupa City.

Nag-uwi ang bandang Tamad si Juan ng cash prize na Php1 million kasama ang title na 2025 Red Horse Beer Pambansang Muziklaban Grand Champion.

Ito ay matapos magpasiklab sa entablado sina Marc Louis Vistal sa drums, Reg Twostone bilang vocals, Kram Noiz sa lead guitar, Shed Jabinez sa guitar, at Jepax Jaso sa bass.

“Despite the struggles and the challenges, somehow, we deserve this. Lahat ng kasama naming banda dito, they also deserve this pero blessed enough kami to win,” pahiyaw na sabi ni Vistal.

“We are grateful for what we achieved tonight. Ang layo ng pinanggalingan namin pero it was all worth it,” pahayag naman ni Jabinez.

Ibinida ng grupo na isang malaking pintuan ang Red Horse Beer Pambansang Muziklaban para sa mga musikero dahil marami silang pinagdaanan bago marating ang grand finals at isang daan para sa kanilang pangarap.

Nakalaban ng bandang Tamad si Juan ang VDS ng Quezon City, Baguio Gold Music ng Baguio City, Hilo ng Cabuyao, Laguna, at Themata mula sa Tacloban City.

Bumida at nagpasiklab rin sa entablado ng Pambansang Muziklaban Grand Finals ang mga bandang Greyhoundz, Wilabaliw, Urbandub, Kjwan, Razorback, Typecast, Chocolate Factory, Setsuna, at ang nakaraang Muziklaban champion, Mayonnaise.
(Richard Mesa)

NAIA-IADITG, NAHARANG ANG ₱102-M HALAGA NG SHABU SA NAIA TERMINAL 1, MALAYSIAN NATIONAL ARESTADO

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAHARANG ng mga awtoridad mula sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), kasama ang mga ahensyang miyembro kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police Aviation Security Group, Airport Police Department, Philippine National Police Drug Enforcement Group, National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration, ang humigit-kumulang 15,000 gramo ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride na kilala sa tawag na shabu sa isang interdiction operation na isinagawa bandang 12:47 ng madaling araw noong Marso 20, 2026 sa Secondary Inspection Area, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 1, Pasay City.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng isang Malaysian national na kinilala sa alyas na “Fati,” 27 taong gulang, isang pasaherong mula sa Kuala Lumpur, Malaysia. Nadakip ang suspek matapos matuklasan ng mga awtoridad ang mga ilegal na droga na nakatago sa loob ng mga chopping board na gawa sa kahoy na nakapaloob sa dalawang kahon habang isinasagawa ang inspeksyon sa pasilidad ng paliparan.

Narekober mula sa kargamento ang ilang self-sealing transparent plastic bags na naglalaman ng humigit-kumulang 15 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nakatago sa loob ng tatlumpung chopping board na gawa sa kahoy. Batay sa karaniwang presyo ng droga na itinakda ng mga awtoridad, ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay tinatayang aabot sa halagang ₱102-M.

Nakumpiska rin sa operasyon ang pasaporte, identification card, boarding pass, cellular phone at iba pang personal na gamit ng suspek. Ang matagumpay na operasyon ng interdiction ay isinagawa ng mga operatiba ng NAIA-IADITG, sa tulong ng mga ahensyang miyembro nito na nakadestino sa paliparan.

Ang naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ng droga ay isusumite sa PDEA Laboratory Service para sa forensic examination, habang ang suspek ay sasailalim sa inquest proceedings. (PAUL JOHN REYES)

Manibela, maglulunsad ng nationwide transport strike

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng transport group Manibela na magsasagawa sila, kasama ang iba pang transport organizations, ng nationwide strike mula Marso 26 hanggang 27 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, na iniuugnay sa umiigting na tensyon at digmaan sa Middle East.

Ayon sa Manibela, naging mabigat ang pasanin ng mga tsuper at operator dahil sa sunud-sunod na oil price hike.

Nanawagan ang grupo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pansamantalang suspindihin ang excise tax sa langis, na anila’y nagpapalala sa problema ng sektor at ng mga ordinaryong commuters.

Noong nakaraang linggo, sinuspinde ni Marcos ang nakaplanong taas-pamahasahe. Nangako rin naman ang pamahalaan ng tulong para sa mga drivers at operators.

Sinabi ng Malacañang na hindi dapat dagdagan ang pasanin ng mga commuters, habang inaalam pa ang mga paraan upang suportahan ang sektor.

Humihiling ang Manibela ng konkretong aksyon — higit pa sa suspensiyon ng fare increase — para matugunan ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa operasyon ng mga jeepney at iba pang pampublikong sasakyan.

Iginiit nila na ang pag-alis o pagbabawas ng excise tax sa diesel at gasolina ang pinakamabisang paraan para maibsan ang pasanin ng transport sector.