• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANILA HALAL FESTIVAL, BINUKSAN SA MAYNILA

OPISYAL nang binuksan sa lungsod ang kauna-unahang ‘Manila Halal Festival’ na nagtatampok ng mga sertipikadong produktong Halal .

Ang pagdiriwang ay hindi lamang isang pagtitipon kundi isang pagdiriwang ng kultura, pananampalataya, negosyo at pagkakaisa na isang pagkakataon para makilala ang Halal Industry na sumisimbolo sa intergridad, kalidad at respeto sa tradisyon.

Isinakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaang lungsod at DTCAM na siyang nag-organisa sa programa , DTI Halal Project Management Office at Department of Tourism, Halal Tourism and Muslim Concerns .

Dumalo sa pagbubukas ng Manila Halal Festival sina Mayor Isko Moreno-Domagoso ,Vice Mayor Chi Atienza kasama si DTI Secretary Cristina Roque at DOT Usec Myra Paz Abubakar .Ito ay bukas mula Marso 23 hanggang 25 na matatagpuan sa International Court ng Manila City Hall.

Ang aktibidad ay tampok ang mga ibat-ibang Halal certified products ,masasarap na pagkain at mga natatanging serbisyo na sumasalamin sa ating mayamang kultura at inklusibong komunidad.

Hinimok naman ni Roque ang publiko na makibahagi sa Halal Industry dahil sa lumalaki nitong potensyal kung saan nasa multi- trillion dollar worldwide business na ang nasabing industriya.

Sinabi naman ni Mayor Isko na patuloy na ipapalaganap ng Manila LGU ang food tourism sa lungsod .

Paliwanag ng alkalde , ang Halal ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain o pang-Muslim kundi isang sistema .

” A system there is a process as a matter of respect to their believes and way of life”, aniya.

Sa Maynila aniya ay pantay-pantay ano man ang relihiyon at kasarian ay malaya lahat sa lungsod.

Kaya naman hinihikayat ng alkalde lalo na ang mga MSMEs na lagi silang welcomed sa Maynila at maari nilang ibenta dito ang kanilang produkto basta sumunod lamang sa mga alituntunin ng pamahalaan.

Aniya ang Maynila ay isang malaking merkado kung saan mayroong mahigit dalawang milyong night time population at mahigit tatlong milyong day time population na malaking bilang kung saan may oportunidad sa bawat isa.

“Today is the window opportunity and stating lagi kayong welcome sa lungsod ng Maynila”, pagtatapos ng alkalde . (Gene Adsuara)