• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS SOLON, INIHAIN ANG FUEL CRISIS RELIEF ACT

ISINUSULONG ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapatibay ng isang panukala na naglalayong patatagin ang mga pamilihan at protektahan ang mga mahihinang sektor mula sa masamang epekto ng tumataas na gastos sa gasolina.

Inihain ni Tiangco ang House Bill No. 8715, na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapataw ng pansamantalang pag-freeze sa mga pagtaas ng residential at commercial rental rates ng MSME, na nagpapahintulot sa pagpapaliban ng mga pagbabayad sa housing loan na walang multa, pagpapahintulot sa mga emergency loan mula sa SSS at GSIS, at pagdedeklara ng moratorium sa accrual ng interes sa mga pautang ng gobyerno.

“Sa panahon ng krisis, kailangan ang agarang aksyon. Responsibilidad ng pamahalaan na gawin ang lahat ng makakaya nito para maibsan ang hirap na ating pinagdadaanan,” aniya.

Ang Pilipinas aniya ay nag-aangkat nang higit sa 90 porsiyento ng mga pangangailangan nito sa langis mula sa Middle East, na kasalukuyang nababalot sa gitna ng digmaan sa Iran. Nahaharap sa matinding kahinaan sa global oil shocks, ang bansa ay nakaranas ng magkakasunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Grounded on data from the Philippine Statistics Authority (PSA) and the Department of Energy (DOE), the proposed interventions are designed to help temper inflationary pressures, projected to exceed four percent (4%), while providing regulatory clarity and enforceability through the appropriate government agencies,” dagdag niya.

Napansin ni Tiangco ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), na bumubuo ng 99.6% ng mga negosyo sa buong bansa, ay kabilang sa mga pinaka-apektado ng krisis sa petrolyo.

Ang panukala ay nagpapahintulot din sa mga ahensya ng gobyerno at sa kanilang mga subsidiary na makipagsosyo sa registered transport providers upang maghatid ng libreng pampublikong transportasyon sa panahon ng national or local emergencies para matiyak ang patuloy at mabilis na pagkilos ng mga pampublikong sasakyan.

Ipinag-uutos din nito sa DTI, at DOE na pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya, na panatilihing makatwiran ang mga presyo ng produktong petrolyo, pangunahing bilihin at kagamitan kabilang ang mga telcos at internet service provider sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi makatwirang pagtaas, na may awtoridad na magpataw o magrekomenda ng price ceilings, pigilan ang pag-iimbak at pagkakakitaan, at ipatupad ang mga kinakailangang interbensyon tulad ng pag-aatas ng requiring price justification, subsidies o buffer stocking upang patatagin ang supply at protektahan ang mga mamimili.

“It is our job to protect vulnerable sectors from the adverse effects of sudden fuel price hikes. To this end, it is imperative that we provide immediate relief, while ensuring fiscal sustainability and equitable burden-sharing,” aniya.

Gayunman, iginiit ni Tiangco na pansamantala lamang ang mga relief measures at tatagal ito ng hanggang anim na buwan mula sa bisa nito, o hanggang sa ma-certify ng Pangulo. (Richard Mesa)