• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 12th, 2026

PBBM, sa batas na papayagan siyang magsuspinde ng fuel excise tax: I’ll declare it as urgent

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IDEDEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng emergency power para pansamantalang suspendihin o bawasan ang oil excise tax.
”Actually, I will declare it as urgent once the…Because there’s no point declaring it as urgent before the committee report has been completed,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa New York City.
”And that is what I told them, both Houses. And I said, the minute that you have completed your committee reports…Because the – when you declare a bill as urgent, it the – the shortcuts, if we say, only begin on the plenary debates,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, inaprubahan na ng House ways and means committee, araw ng Martes, Marso 10, ang isang walang bilang na substitute bill na pinapayagan si Pangulong Marcos na suspindihin o bawasan ang excise tax sa gasolina sa gitna ng alitan ng mga puwersa ng US-Israel at Iran.
Espesipikong pinahihintulutan ng panukalang batas ang Pangulo na bawasan ang excise tax sa mga produktong gasolina sa loob ng anim na buwan sa maximum nito, sa kondisyon na lalampas ang average na presyo ng krudo sa Dubai sa US$80 kada bariles sa loob ng isang buwan bago ang suspensiyon o pagbawas ng excise tax.
Gayundin, isinasaad sa panukalang batas na may karagdagang awtoridad ang Pangulo hanggang Disyembre 31, 2028 lamang.
Sa ulat, lumampas na sa US$100 noong Marso 9 ang presyo ng krudong langis sa Dubai.
Magsasagawa ng pagdinig ang Senate committees on ways and means and energy sa Miyerkoles, Marso 10, sa hindi bababa sa limang panukalang batas na naglalayong payagan ang Pangulo na suspindihin ang excise tax sa langis.
Nauna nang inihayag ni Energy Secretary Sharon Garin ang kaniyang suporta sa panukala, na sinabing maaaring magpababa ng presyo ng diesel ng hanggang P6 kada litro ang dalawang buwang suspensiyon.
Nito ring Martes, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hihintayin ng Pangulo ang ulat ng komite sa iminungkahing panukala bago ito isertipika bilang urgent. (Daris Jose)

Nagpakalat ng private and intimate content, kakasuhan… ARRON, naglabas na rin ng official statement sa viral sex video scandal

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

LAST Tuesday, March 10, naglabas na rin ng official statement ang Tarlac Provincial Board Member at aktor na si Arron Villaflor tungkol sa viral sex video scandal na pinagpipiyestahan hanggang ngayon sa social media.
Isa nga si Arron sa tinaguriang “Big 4” kasama sina Gil Cuerva at Nikko Natividad, at Ron Angeles na may leaked sex video.
Sa kanyang Instagram post, nagdesisyon na si Arron na magsalita tungkol sa pinag-uusapang sex scandal.
Panimula ng aktor, “I am formally addressing the unauthorized recording and illegal distribution of private video materials that have been circulating online in recent days.
“My previous statement dated February 27 referred only to old film clips taken from past projects. However, the recent coordinated release of alleged private footage is a serious criminal matter.
Pagpapatuloy pa ni Arron, “The unauthorized recording and distribution of private and intimate content is a clear violation of Republic Act No. 9995 and other laws that protect individuals from digital abuse and violations of privacy.
“As both a citizen and a public servant, I strongly condemn the weaponization of private content and all forms of digital violence. No person deserves to have their dignity violated in this way.”
Pagtatapos sa kanyang statement, “The matter has now been formally referred to the authorities for proper investigation. Out of respect for the legal process, I will refrain from making further comments while the investigation is ongoing.”

(ROHN ROMULO)

Isang malaking sorpresa ang pagkakaroon ng anak… SMOKEY, inamin ang kalagayan ni KIKO na na-diagnose with autism

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ACHIEVE na achieve ni Ashley Ortega ang pagiging kontrabida sa kanyang karakter sa ‘Apoy sa Dugo’.
Ibinahagi ng aktres na sumailalim siya sa konsultasyon sa isang psychiatrist upang mas maunawaan niya ang kanyang karakter na si Angel Sangalang, na may borderline personality disorder.
“In preparation for my character, nag-usap kami ng producer, director, and mga writers, and I also talked to a psychiatrist para mapag-usapan namin kung ano ‘yung disorder ni Angel, and kung ano ‘yung mga behavior na ginagawa niya,” kuwento niya.
Ikinuwento rin ni Ashley na mas naging maingat siya sa pagganap sa kanyang karakter dahil tinatalakay sa serye ang usapin ng mental health.
“The show is about mental health as well, so it is something na we have to take seriously as well, kasi sensitive siya, kasi may mga tao talagang ganon na disorder, so I really have to take care of my character,” paliwanag niya.
“Kasi parang ito rin ‘yung point of view nila, I mean ayun rin ‘yung sinabi ko kila Direk na bilang antagonist, ayoko ‘yung nagma-maldita lang siya for the away away lang,” aniya.
Dagdag pa niya, “Parang sabi ko game naman na magkaroon ng mga breakdowns si Angel. Basta may pinanggalingan para makita rin ng mga tao ‘yung mga taong pinagdadaanan ‘yun. Meron talaga silang pinanggagalingan and may mga trigger moments sila.”
***
NAGING isang malaking sorpresa para sa actor na si Smokey Manaloto at sa kanyang non-showbiz partner nang i-welcome nila ang anak na si Kiko noong 2022, lalo na at 51 na siya nang magkaroon ng anak.
Isang “welcome accident” ang pagkakaroon niya ng anak, lalo na at matagal na niyang gustong mangyari ito.
“I’ve always wanted to have a kid. Kaso lang, ang problema, I haven’t found the perfect partner to have a kid with. And now, I’m very happy, very satisfied that the person I am with right now, I can truly say is my soulmate,” sabi ni Smokey.
Pero inamin din ni Smokey ang kalagayan ng kanyang anak.
“My son is diagnosed with autism. He’s in the spectrum and it’s tough, pero every milestone — alam mo, napapansin ko nga na ibang tao, they take for granted ‘yung maliliit na mga bagay na nagagawa ng anak.
“Pero for a parent who has a kid who’s on the spectrum, the small things mean a lot. Tapos it’s very emotional for me to talk about it pero I really, really love my kid, kahit ano pa siya.”
Ayon pa ng ‘Born To Shine’ cast member, mas na-a-appreciate niya ngayon ang maliliit na bagay na nagagawa ng anak niya na madalas ay hindi napapansin ng ibang magulang.
***
HINDI raw muna titira ang singer na si Rihanna sa kanyang Beverly Hills mansion pagkatapos na pagbabarilin ito ng isang stalker.
Ayon sa report ng TMZ, ang stalker na bumaril sa mansion ng “Umbrella” singer ay nagngangalang Ivanna Ortiz.
“Ivanna Ortiz was booked for attempted murder at 2:06 a.m. Monday. Her bail has been set at $10.225 million.”
Pinost pa raw ni Ortiz sa social media ang pagratrat niya ng AR-15 type rifle sa bahay ni Rihanna
Sa isang YouTube video, sinabi ni Ortiz na: “Rihanna’s face is the devil. I don’t like her and she’s always trying to steal from me… She only did her little music thing so she could do witchcraft and so that she can steal from people. Yeah, she’s a witch. I’m a watchman. She’s a witch… Get that stupid girl out of here.”
Kinasuhan na si Ortiz for attempted murder.

(RUEL J. MENDOZA)

Marami ang kinikilig sa nabubuo nilang tandem… JILLIAN, nababaitan kay EMAN at willing makasama sa project

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang kinikilig sa nabubuong tandem nina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao.
At ngayong kakapirma lang ni Jillian ng renewal contract niya on her 16th year sa Sparkle GMA Artist Center, papayag ba siya kung sakaling magkakaroon ng project sa GMA na sila ni Eman ang magkapareha?
“If that means na mas lagi kaming magkikita, siguro yes,” ang tumatawang bulalas ni Jillian.
“Well siyempre open po ako and sobrang bait niya po e, as in,” pagtukoy pa ni Jillian sa binatang anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
“Kahit this morning he texted me, nangangamusta siya. So if I will be working with somebody that supportive, why not, di ba?”
Ano ang opinyon ni Jillian tungkol sa mga loveteams sa Philippine showbiz?
“Kasi po, ano iyan e, to each to their own, siyempre kung saan kumportable ang isang artista, but personally, when I was younger gusto ko talaga na, I wanna do everything solo pero ngayon I’m open to everything.
“Kasi gusto ko po talagang matuto pa and maging versatile talaga.”
Ano ang career plans para kay Jillian this year?
“Well sobrang dami po akong plans for this year and the next few years pa po.
“Siyempre gusto ko pong ma-challenge yung sarili ko in terms of acting and I want to kumbaga mag-grow pa po in terms of my performer side.
“Gusto ko po talaga na ma-master ko yung craft ko this year so mas marami po akong mga ginagawang trainings.
“I’m planning to do more workshops, more classes para po sa dancing, singing and acting,” sinabi pa ni Jillian, ang itinuturing ngayon na Star of the New Gen.

(ROMMEL L. GONZALES)

Rep. Erice, iminungkahi ang naturalization reform upang makabuo ng P1 trilyon

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Caloocan 2nd District Representative Edgar “Egay” Erice na ang bansa ay nahaharap sa isang malubhang krisis sa pananalapi na dulot ng paghina ng paggasta ng gobyerno at pagtaas ng presyo ng langis sa mundo, at inihayag na maghain siya ng panukalang batas na naglalayong makabuo ng hanggang ₱1 trilyon sa mga bagong kita ng gobyerno.

Sa kanyang privilege speech sa House of Representatives, sinabi ni Erice na ang kasalukuyang presyur sa pananalapi ay nagmumula sa isang trilyong pisong anomalya sa imprastraktura na nakaapekto na sa mga paggasta ng gobyerno at aktibidad sa ekonomiya, na nagreresulta sa nawalan ng mga trabaho, naghihirap na negosyo, pagbaba ng mga pamumuhunan, at nabawasan ang mga koleksyon ng buwis.

Aniya, ang sitwasyon ay pinalala ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tumitinding tensyon at tunggalian na kinasasangkutan ng Estados Unidos, Israel, at Iran, na maaaring magdulot ng mas mataas na gastos sa transportasyon at pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

Napansin ni Erice na hiniling ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na bigyan ng espesyal na awtoridad na suspindihin ang fuel taxes upang pigilan ang mga mamimili sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Gayunpaman, nagbabala siya na ang pagsususpinde sa 12% value-added tax (VAT) sa gasolina sa loob ng anim na buwan ay maaaring magresulta sa humigit-kumulang ₱300 bilyon na nawalang kita, habang ang pagsususpinde sa mga excise tax sa petrolyo ay maaaring humantong sa isa pang ₱125 bilyon na foregone income — o kabuuang potensyal na pagkawala ng ₱425 bilyon.

Upang matugunan ang posibleng agwat sa pananalapi, inihayag ni Erice na maghahain siya ng panukalang batas na nag-aamyenda sa Administrative Naturalization Law upang lumikha ng legal na landas sa Philippine citizenship for qualified foreign nationals na matagal nang naninirahan sa bansa ngunit nananatiling iregular ang katayuan sa imigrasyon dahil sa mga nakaraang paglabag sa dokumentaryo.

Sa ilalim ng panukala, ang mga aplikante ay dapat na nanirahan sa Pilipinas ng hindi bababa sa pitong taon, nagpapakita ng magandang moralidad, at kumuha ng mga clearance mula sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police. Ang mga kwalipikadong aplikante ay kailangan ding magbayad ng ₱5 milyong administrative application fee at ₱1 milyong naturalization fee.

Ayon kay Erice, ang consultations sa mga pinuno ng Filipino-Chinese organizations ay nagpapahiwatig na aabot sa 50,000 long-term residents ang posibleng maka-avail ng programa.

“If implemented, this measure could generate hundreds of billions, possibly up to ₱1 trillion in revenues that can help stabilize our economy and allow the government to suspend fuel taxes to protect our people from rising costs,” ani Erice.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang panukala ay hindi lamang isang revenue-generating measure kundi isang paraan din upang matugunan ang matagal nang iregularidad, maiwasan ang korapsyon, at pormal na kilalanin ang mga indibidwal na nag-ambag sa paglago ng ekonomiya at trabaho sa bansa.

Nanawagan din si Erice sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na seryosong isaalang-alang ang panukala, at sinabing makakapagbigay ito ng kinakailangang espasyo sa pananalapi habang tinutulungan ang mga Pilipinong mamimili at mga negosyo mula sa epekto sa ekonomiya ng pagtaas ng presyo ng pandaigdigang gasolina.
(Richard Mesa)

NHA, NAKIISA SA BUONG BANSA SA PAGDIRIWANG NG 2026 NATIONAL WOMEN’S MONTH

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA ang National Housing Authority (NHA) sa pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month ngayong buwan ng Marso, na nagpapakita ng mas pinagtibay na pangako ng ahensya sa gender equality at women’s empowerment.

Sa ilalim ng pamumuno ni General Manager at Gender and Development (GAD) Champion Joeben A. Tai, buo ang suporta ng ahensya sa kampanya ngayong taon na pinangunahan ng Philippine Commission on Women (PCW), alinsunod sa temang “WE for Gender Equality and an Inclusive Society” at ang sub-theme nitong “Lead like the Babaylans, Filipinas!”

Binibigyang-diin ng pagdiriwang sa taong ito na ang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian ay isang kolektibong responsibilidad. Nananawagan ito sa konsepto ng ‘Women and Everyone (WE)’ na naglalayong pagpapaunlad ng ligtas, inklusibo, at isang matatag na komunidad. Buhat sa inspirasyon mula sa lakas, karunungan, at pamumuno ng mga Babaylan–na mga simbolikong pigura ng impluwensya ng kababaihan sa kasaysayan ng Pilipinas–kinikilala ng NHA ang hindi matatawarang papel ng kababaihan sa paghubog ng mga tahanan, pagpapalakas ng mga institusyon, at pagbuo ng bansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-linaw ni GM Tai ang malalim na pagpapahalaga ng NHA para sa mga babaeng empleyado ng ahensya, habang kinikilala ang kanilang mahalagang kontribusyon bilang mga propesyonal, pinuno ng kani-kanilang komunidad, may-ari ng kanilang mga kabahayan, at mga katuwang sa pagbuo ng bansa.

“Ang kanilang dedikasyon ay nagpapalakas sa aming trabaho at pangako na mas mapaglingkuran ang bawat pamilyang Pilipino nang may dignidad, pagkakapantay-pantay, at pagdamay,” ani GM Tai.

Pinagtibay pa nito ang tunguhin ng NHA na i-mainstream ang gender equality sa mga patakaran, polisiya, at programa ng ahensya.

“Bilang General Manager, pinapangako po ng NHA na mas itataguyod namin ang mga inklusibong oportunidad, pagtiyak ng isang ligtas at patas na ahensya, at pagsuporta sa mga inisyatibang nagbubukas ng pagkakataon para sa ating mga kababaihan tungo sa kanilang paglago,” dagdag ni GM Tai.

Upang mas suportahan ang makabuluhang pagdiriwang ng buwang ito, naghanda ang NHA-GAD Advocacy, Networking, and Public Communications Committee (ANPCC) na pinamumunuan ni Community Support Services Department Officer-in-Charge Maricris G. Maninit, ng ilang aktibidad.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, muling pinagtitibay ng NHA ang mandato nito na bumuo ng mga komunidad kung saan ang bawat kababaihan ay maunlad, namumuno, at nagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng pagsulong ng isang mas inklusibo at pantay na lipunan para sa lahat. (PAUL JOHN REYES)

16-anyos pababa bawal sa social media

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UPANG mailayo sa negatibong epekto ng mga social media, isinulong ni CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang House Bill 8260 na magbabawal sa mga edad 16-anyos pababa na magkaroon ng access sa social media platform sa Pilipinas.

“The measure responds to escalating global concern over the impact of social media on children’s mental health, safety, and developmental well-being,” paliwanag ni Villanueva sa kanyang HB 8260 o “Social Media Protection for Minors Act”.

Ipinunto ni Villanueva na maraming bansa na ang mayroong ganitong panukala tulad ng Spain, Australia, France habang sa Indonesia ay sini­mulan na ang kahalintulad na probisyon.Sa ilalim ng panukala, lahat ng edad 16-anyos pababa ay hindi papayagang magkaroon ng mga account sa lahat ng social media platform tulad ng Facebook, TikTok at iba pa.
Oobligahin ang mga social media platforms na mag-deploy ng mga teknolohiya para alamin kung menor-de-edad o hindi ang may-ari ng accounts para harangin ito o kaya burahin kung meron na.

Sinabi ni Villanueva na may panga­ngailangan para mapagtibay ang panukalang batas dahil sa panganib sa pagka-adik ng mga bata sa internet kung saan posibleng ma-expose ang mga ito sa mga bayolente, sexual content at maging sa online exploitation.

An all-female filmmaking team tackle transforming Colleen Hoover’s extraordinary novel, “Reminders of Him,” into a feature film

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

A powerful story of motherhood, guilt, and the power of love await in Reminders of Him, the film adaptation of #1 New York Times bestselling author Colleen Hoover’s novel of the same name.

The film stars Maika Monroe, Tyriq Withers, Lauren Graham, and Rudy Pankow.

At the helm of an all-female filmmaking team as director is Veronica Caswill, who had Hoover’s blessing in handling her story. “Vanessa had such a clear vision from the start,” Hoover says. “She understood the exact tone and feel I was hoping the film would have. She approached the film as an artist fully immersed in every detail. Watching her shape the story with that level of intention was incredible.”

In charge of transforming Hoover’s written work into a screenplay is writer Lauren Levine, with Hoover collaborating every step of the way. Levine felt that Caswill’s vision was perfect for the novel, saying,” “Vanessa brings both poetry and precision to her work. Her use of color and light, and the way she collaborates with actors, gives every frame a sense of intimacy. She is European, telling a deeply American story, and that perspective adds dimension without creating distance. The material demands restraint, and Vanessa approached it with such honesty that the film never loses its balance.”

Watch the trailer: https://youtu.be/8DC_9VBSrjk

Reminders of Him is a story that starts with a tragic mistake, when Kenna (Maika Monroe) gets into an accident with her boyfriend that sends her to prison. She returns to her hometown in Wyoming seven years later, hoping to rebuild her life. Kenna also hopes to finally see her daughter, Diem, for the first time, who is in the custody of her paternal grandparents, Grace (Lauren Graham) and Patrick (Bradley Whitford). As tensions rise between the two parties, Kenna finds compassion, and a building romance in former NFL player and bartender Ledger (Tyriq Withers). As she forges her path towards redemption, heartbreak, and the hope for a second chance follows her.

Producer Gina Matthews joined the team soon after the project found its home in Universal, and was excited about how much everyone involved just clicked around the themes of the story. “I had a great meeting with Vanessa, Colleen and Lauren, and everything aligned very quickly,” Matthews says. “What stood out was the cohesion of the group. It was a female-led team at every level, working from a shared understanding of the material.”

Director Caswill found Hoover’s work to be exhilarating to adapt, having directed other adaptations such as Little Women and Love at First Sight. . “One of the things I find most special about Colleen’s writing is that, even when she is dealing with very painful material, there is always a dry wit running through it,” Caswill says. “With a story this emotional, that balance matters. It cannot become relentlessly heavy, but it also cannot soften the weight of what these characters are going through. We were always aiming for that space in between. My instinct was to stay faithful to the book and trust that the visual language would come naturally from the material. If I could capture the heart of the story honestly, I was confident the film would find its own voice.”

Embark on a journey of healing and love as Reminders of Him is now showing in Philippine cinemas. Check out Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest news and updates.

(ROHN ROMULO)

Ads March 12, 2026

Posted on: March 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads March 11, 2026

Posted on: March 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments