BAGONG kanta ni Ronnie Liang ang revival ng classic Christmas song ni Jose Mari Chan na “A Perfect Christmas.”
“It’s my new Christmas song, available on Spotify, iTunes, digital Apple Music, ang original po nun ay si Sir Idol Jose Mari Chan.”
Unang beses ni Ronnie na mag-revive ng isang kanta ni Jose Mari.
“And dumaan sa masusing approval, and nagpapasalamat ako kay Ma’am Katheen Go [managing director] ng Universal [Records] and kay Sir Jose Mari Chan sa pag-allow nila and thank you for the privilege para mag-cover.
“Ako po ang nag-produce, ako yung nag-arrange ng lahat, so I just paid the license
“Medyo mahal lang kasi Jose Mari Chan, naintindihan ko naman,” ang nakangiting kuwento ni Ronnie.
“Pag narinig itong Christmas song na ito mas lalo mong mararamdaman ang espiritu ng Pasko, lalo na sa panahon ngayon na hindi ko talaga masyadong naramdaman ang spirit of Christmas nowadays, I don’t know, iba, e!
“Nung mga nakaraan, mga ganitong panahon marami ka nang maririnig na Christmas songs, marami ng Christmas decors. Ngayon parang iba, something is missing, something is lacking, parang ang lungkot ng ating bansa.
“Kaya ho nag-release ako ng song para maka-contribute naman kahit konti na makapag-send ng good vibes this Christmas season.”
Sunud-sunod rin kasi ang mga hindi magagandang pangyayari sa Pilipinas tulad ng lindol, bagyo at korapsyon sa gobyerno.
“Pero at least ang message ng song is that Christmas is not only about the material things, hindi lang about the Christmas bonus but yung, Christmas is about spending time with your loved ones, magkakasama tayong magkakapamilya, magkakapuso, magkakapatid ngayong Pasko.
“Iyon ang pinaka-importante, iyon ang pinaka-essence ng Christmas and gusto kong i-dedicate iyon sa lahat ng mga OFWs, mga nagtatrabaho na malayo sa pamilya, walang holiday, mga sundalo, mga pulis mga iba pang mga, like yung mga nasa hotel business din, na kapag holiday, mga nasa restaurant business, mga call center agents, na kahit holiday hindi sila makauwi, in the name of service, in the name of duty.
“Kaya gusto kong ialay sa kanila iyon na, yung Christmas magiging perfect pag nagkakasama -sama tayo ngayong Pasko.”
Para kay Ronnie ano ba ang perfect Christmas?
“Sa akin, kagaya yung sinabi din nung song, kaya din napili ko iyon, spending time with your loved ones, especially sa pamilya natin, sa ating nay at tatay, mga kapatid.
“Kung hindi man iyon basta, kahit magkakaibigan, yung iba malalayo s apamilya, improtante a nadun yung satisfaction, happiness, fulfillment, that we have done something na happy kayo with the family.
“Like ako I always plan na magkakasama ang family, magdadagat kami, sama-sama kaming kakain, iyon yung perfect Christmas.”
Maraming beses na raw nilang nagawa iyon, tulad ng pagsasama-sama sa Batangas pero mas madalas raw ay sa ancestral home nila sa Pampanga.
Wala na ang ina ni Ronnie na pumanaw noong March 2017, kaya sila ng kanyang ama at anim na mga kapatid ang magkakasama tuwing Pasko at Bagong Taon; bunso si Ronnie sa pamilya, at kasama rin nila ang mga bayaw at hipag niya at mga pamangkin.
“Mahigit beinte kami, pag nagkasama-sama po kami e parang may cooking show, kasi Kapampangan kasi more on pagluluto,” at natawa si Ronnie.
“Nakukumpleto kami, we really make it happen,” saad pa ni Ronnie.
Artist ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie at kaka-renew lamang niya ng panibagong kontrata.
“Nag-expire lang last October then ni-renew nila ako.”
Hiningan namin ng reaksyon si Ronnie sa pag-alis ni Mr. Johnny Manahan o Mr. M sa Sparkle at nasa TV5 na ngayon.
“It’s an unprecedented event… hindi ko inaasahan, ang alam ko GMA siya e, Sparkle, nagulat na lang ako nag-sign siya sa Kapatid.
“Pero iyon ang kanyang desisyon, kung saan siya masaya and tingin ko naman na-fulfill na niya yung kanyang mission sa Sparkle in a way na nakatulong din siya ng malaki.
“So gusto niya ding i-share siguro yung kanyang skills or kanyang magic, spark, sine-share niya sa mga artista sa channel 5 naman.”
(ROMMEL L. GONZALES)