• September 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2025

Pagdiriwang ng Pasko sa Luneta buhay na buhay pa

Posted on: December 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DAGSA pa rin ang tao sa Rizal Park o Luneta na mas piniling mag-bonding sa araw ng Pasko na matagal nang nakaugaliang puntahan lalo ng mga pamilyang Pinoy.

Maaga pa ay makikita na sa nasabing parke ang grupo-grupo ng mga nagkakasiyahan na pawang mga naglatag ng mga banig, at iba pang uri ng sapin para sa kanilang upuan at higaan habang nasa tabi ang mga baong pagkain.
Ilan din ang may dala dalang sariling upuan at mga pet o alagang aso.

Isang malaking picnic area ang Luneta na may magandang tana­win at open-air para sa mga nagtitipid na pamilya o mga limitado lamang ang badyet ngayong okasyon.

Patunay na hindi pa rin kumukupas ang halaga ng Luneta sa usapang tradisyunal na pamamasyal na tinatangkilik ng mga Pinoy sa loob ng maraming dekada.

Pinagtanggol ni Sofia ang kanyang coach and mentor… ZACK, tinawanan lang ang isyu dahil siguradong ‘di mabaho

Posted on: December 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTANGGOL ng ‘The Voice Kids’ season 2 champion na si Sofia Mallares ang kanyang coach and mentor na si Zack Tabuldo sa issue na may naamoy na hindi maganda rito noong mag-perform ito sa University of Santo Tomas (UST) Paskuhan.

Nag-share si Sofia ng photo na magkayap sila ni Zack during the finals of The Voice Kids at may caption na: “I can attest… Mabango po talaga si Coach Zack!! Hindi po nakakadagdag sa buhay mo ang bashing, pero nakakasira sa buhay ng iba. Is that what you want to contribute to the world?? I hope that bashers and trolls find peace of mind and heart.”

Bukod kay Sofia, pinagtanggol din si Zack ng ibang netizens at mga kaibigan sa industriya.

Tinawanan na lang ng singer ang issue sa kanyang pinost na video on social media.

“Sabi nila, ‘Tindi ng amoy n’ya, beh, nu’ng andiyan kami.’ Sure ba kayo ako ‘yun? Baka naman… ewan ko. Okay, noted. Next gig, bawal mag-gray shirt tsaka fitted kasi pawisin po ako, pero promise, ‘di po tayo mabaho.”

***

BINALIKAN ni Sparkle artist Charlie Fleming ang naranasan niyang panic attack sa loob ng Bahay ni Kuya.

Isa raw iyon sa pinaka-memorable niyang journey ngayong 2025.
“’Yung pinakamalala kong moment talaga sa loob ng bahay is nag-panic attack ako na hindi nila inere ‘yun, and that’s why naging close kami ni Ate Michelle Dee
“I was having a panic attack parang early symptoms na siya, nasa corner ako ng room sa Bahay ni Kuya. There was a corner na I was sitting at and then, kasi I was breathing, kasi I noticed na parang hala hindi na ako makahinga, iiyak na ako tapos biglang lumapit si Kira [Balinger] then lumapit si Josh [Ford] tapos unti-unting na-notice na nila na parang may panic attack na akong nangyayari, and they don’t know what to do.
“They kept coming closer, they kept surrounding me and mas lalo akong na-overwhelm, mas lalo akong umiyak, and then sabi ko talaga “No, it’s okay, I’m okay” gumaganon ako, humahagulgol ako na hindi makahinga.”
Laking pasasalamat ni Charlie nang lapitan at tulungan siya ni Michelle upang makontrol muli ang kanyang paghinga.
“Ate Michelle, na-notice niya, and she knew how to handle it kaya nilapitan niya ako tapos she’s just ‘Everyone, move away’ ganon tapos si Ate Michelle, ako tapos she let everyone move away, I couldn’t even look at them like hindi ako nakatingin talaga sa kanila ng maayos.”
Inamin ni Charlie na inabot siya ng tatlong oras bago tuluyang naka-recover mula sa panic attack habang nasa confession room siya.

(RUEL J. MENDOZA)

Ranking ng MMFF entries, magbabagjo after ng awards night… ‘Call Me Mother’ ni VICE GANDA, nangunguna sa takilya tulad ng inaasahan

Posted on: December 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KATULAD nang inaasahan, sa opening day ng 51st Metro Manila Films Festival noong araw ng Pasko, mangunguna sa takilya ng pelikulang Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre, kasama ang batang si Lucas Andalio na talaga namang marami ang pinahangan sa ginanap na MMFF Premiere Night noong December 23 sa SM Megamall.
Ayon sa bali-balita naka-49M pesos daw ang kinita ng naturang pelikula.
At katulad ng mga nagdaang taon, hindi naglabas ng official box-office results ang pamunuan ng MMFF sa first day ng naturang film festival.
Positive nga ang feedbacks sa ‘Call Me Mother’ sa premiere night hanggang sa first day of showing kaya siguradong makukuha na nila ang Top 1 sa buong pagpapalabas ng pelikula hanggang sa January.
Sumunod naman na tinangkilik ng mga Pinoy ay ang ‘Shake, Rattle & Roll: Evil Origins’, na sa umpisa pa lang ay hinulaan na tatabo rin sa takilya kahit na media malayo sa kinita ng pelikula ni Vice Ganda.
Nasa Top 3 din namin na kikita sa takilya ang UnMarry nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, na tiyak na lalakas pa pagkatapos ng awards night na mangyayari ngayong gabi sa Dusit Thani Manila sa Makati City.
Paniwala ng mga unang nakapanood sa premiere night, posibleng humakot ito ng awards, puwede pang rumatsada sa takilya at mag-number 2.
Sumunod naman sa UnMarry na pinakamalakas sa takilya ay ang Bar Boys: After School.
Kaya nag-post ang 901 Studios na may additional cinemas ang movie nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Will Ashley, at Odette Khan. Inaasahan naming mananalo sina Will at Ms. Odetter ng acting awards.
Samantala, nasa panlimang puwesto raw ang Love You So Bad nina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu.
Sumunod naman ang pinag-uusapang I’mPerfect nina Earl Amaba at Krystel Go, ang mga aktor na parehong may Down syndrome.
Nasa ika-pitong puwesto ang Manila’s Finest nina Piolo Pascual at Enrique Gil.
At panghuli ang Rekonek nina Gerald Anderson, Legaspi family, Bela Padilla, Andrea Brillantes, at Gloria Diaz.
Ayon lumabas na balita, umabot daw ng PHP98M ang kinita ng walong pelikulang kalahok sa unang araw at kalahati nito ay ang kinita ng Call Me Mother.
Tama rin ang desisyon ng MMFF na walong pelikula lang ang official entries, para lahat ay puwede pa ring kumita.
Ayon naman sa post ng MMFF sa kanilang Facebook page, dumagsa ng moviegoers sa mga sinehan after ng Christmas day, dagsa rin today, dahil nag-umpisa na ring magami ang complimentary pass ng MMFF 2025.
Samantala, kaabang-abang naman ang magiging resulta ng ’51st MMFF Gabi ng Parangal’ na gaganapin ngayong gabi sa Dusit Thani Hotel, Makati City.
May livestream ito umpisa 8:00 P.M. sa Facebook page ng TV5.
Bukas, araw ng Linggo, tiyak na lalong dadagsa ang manonood dahil nahayag na ang mga nanalo sa 51st MMFF.
***

Purple Hearts Foundation, naghatid ng saya sa Year-End Gift-Giving Outreach

MATAGUMPAY na isinagawa ng Purple Hearts Foundation ang kanilang year-end outreach progr
am na pinamagatang “Purple Hearts Foundation Gives Back” sa Kryzl Farmland, kung saan 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan.
Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya—mga magulang at anak—bilang pagpapakita ng paniniwala ng Foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama ang pamilya.
Ang programa ay pinangunahan nina Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid, na personal na nagplano at lumahok sa gift-giving, mga laro, at salu-salo. Bilang pasasalamat sa patuloy na biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng Purple Hearts Supplement Products, pinili nilang ibahagi ang tagumpay sa komunidad sa isang personal at taos-pusong paraan.
Bilang bahagi ng outreach, tumanggap ang mga pamilya ng mga grocery package, habang ang mga bata naman ay nabigyan ng mga laruan. Nagkaroon din ng mga laro, raffle, at sabayang tanghalian na nagpatibay ng diwa ng pagkakaisa at pasasalamat.
Kasabay ng programa, inilunsad din ang bagong music video ni Love Kryzl na pinamagatang “Opo, Thank You Po,” isang awiting nagbibigay-diin sa pananampalataya at taos-pusong pasasalamat.
Ang mensahe ng awitin ay lubos na tumimo sa puso ng mga dumalo at nagdagdag ng emosyonal na lalim sa okasyon.
Naging posible ang tagumpay ng programa sa tulong ng Purple Hearts Foundation, Purple Hearts Production, at ng mga kawani ng Kryzl Farmland at Kryzl Gamefarm, na nagkaisa upang matiyak ang maayos, ligtas, at masayang karanasan ng lahat.
Nagtapos ang programa sa isang panalangin ng pasasalamat, na muling pinagtibay ang layunin ng Purple Hearts Foundation na maging patuloy na daluyan ng pagmamahal, malasakit, at serbisyo sa komunidad.
Ngayong Linggo, ilalalabas ang “Opo, Thank You Po” na latest single ni Love Kryzl kasabay ng official music video nito sa Facebook page at YouTube channel ni Love Kryzl.
Sa kasalukuyan ay available na for streaming ang nasabing kanta sa spotify worldwide.

(ROHN ROMULO)

Mula ito sa kinita ng kanyang famous vlog… ALEX, namahagi kasama si MIKEE ng Noche Buena package sa 100 families

Posted on: December 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

EVERY Christmas, namamahagi talaga si Alex Gonzaga ng pang-Noche Buena para sa mahihirap na nakatira sa kalye o kalsada.
At ang ipinamimigay na ito ni Alex ay galing sa lahat ng mga nalikom niya sa pangangaroling mula sa mga bigating pulitiko at negosyante at sa sarili niyang bulsa.
Pero this year, dahil sa pagod na, at nagahol na sa oras. Yung bahagi ng kinita ni Alex sa kanyang famous and well watched vlog ng netizens ang kanyang personal na ipinamili sa supermarket kasama ang bestfriend na si Fifth Solomon at personal assistant na si JC Bagio.
At sangkaterbang grocery items talaga ang binili ni Alex. Siniguro talaga niya yung importanteng daily needs tulad ng kape, asukal, gatas, de lata, noodles, pasta and spaghetti sauce, fruit salad at mustard cake para sa panghanda ang kanyang mga ipagkakaloob.
Ipinamigay niya ito kasama ang mister na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada bago mag-Pasko. Inikot talaga ng famous couple ang mga kalsada kung saan nakatira sa kariton at naglalatag lang ng karton ang mga homeless nating mga kababayan.
At parehong masaya at fulfilled sina Alex at VM Mikee sa kanilang goal na makatulong sa maliit nilang pamamaraan, na kung saan nakapagbigay sila this Christmas sa 100 families.
***
EARLY December pa lang ay sunod-sunod na ang dating ng regalo sa famous celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Galing ang Christmas gifts sa mga friends and super generous clients ni Atty. Maggie. This is their way para pasalamatan ang friend naming lawyer, na base sa record ay marami ng mga naipanalong kaso dito sa iba’t-ibang lugar sa Mega Manila at probinsya.
And wow super fabulous yung gift na natanggap ni Atty. Maggie from her friend Happy Marnique Del Rosario na set of diamonds na ring and earings.
Well, nakapag-build-up naman kasi ng friendship ang nasabing celeb lawyer sa mga ito. At pagdating naman sa kanyang mga client, they are all in good hands.
By the way, sa kanyang social media accounts ay pinasalamatan lahat ni Atty. Maggie ang lahat ng mga nakaalala sa kanya ngayong Pasko.

(PETER S. LEDESMA)

Lala Sotto invites Filipinos to support MMFF 2025 entries

Posted on: December 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MOVIE and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson and CEO Lala Sotto has encouraged Filipinos to watch and support the entries in the Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 beginning December 25.

In a video message, Sotto called on the public to celebrate Filipino creativity by watching the eight films featured in this year’s festival.

“Ngayong darating na Pasko, inaanyayahan ko ang lahat na panoorin ang lahat ng pelikulang kasali sa 2025 MMFF,” Sotto said.

She urged viewers, particularly parents and guardians, to use the MTRCB classification ratings as a guide in choosing films that are appropriate for familily viewing.

“Gamitin po natin bilang gabay ang MTRCB ratings sa pagpili ng papanooring pelikula ngayong kapaskuhan,” Sotto said. “Sama-sama po tayong mag-enjoy sa walong pelikulang inihanda ng MMFF.”

This year’s entries are family-friendly, with the majority earning G and PG ratings, indicating suitability for children accompanied by parents or guardians.

The 2025 MMFF entries:

l “I’m Perfect” – Rated G (General Audience). Suitable for viewers of all ages.

l “Bar Boys: After School” – PG. Suitable for viewers aged 13 or below and accompanied by their parents or guardian.

l “Call Me Mother” – PG.

l “Love You So Bad” – PG.

l “Manila’s Finest” – PG.

l “Rekonek” – PG.

l “Unmarry” – PG.

l “Shake, Rattle and Roll: Evil Origins” – R-13, for viewers aged 13 and above.

The 51st MMFF showcases diverse stories that reflect the creativity and talent of the local film industry.

Ads December 26, 2025

Posted on: December 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3, iaalok sa lahat ng mga pasahero sa Rizal Day

Posted on: December 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Mag-aalok ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Line – 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line -3 (MRT-3) sa lahat ng mga pasahero sa partikular na mga oras sa araw ng Martes, Disyembre 30 kasabay ng paggunita ng Rizal Day.

Sa anunsiyo ng pamunuan ng dalawang rain transits ngayong Sabado, epektibo ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Una nang idineklara ng Palasyo Malacañang bilang regular holiday ang Disyembre 30 bilang pag-alala sa anibersaryo ng kamatayan ng ating magiting na pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. ( Gene Adsuara)

MRT-3 hindi magtataas ng singil sa 2026

Posted on: December 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAWI ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pangamba ng publiko dahil sa umano’y pagtaas sa singil sa pasahe.

Ayon kay MRT-3 General Manager Mike Capati, na hindi pa nila tinatalakay ang nasabing pagtaas ng singil sa pasahe sa susunod na taon.

Dagdag pa nito na kasalukuyang inaayos nila ang mga pasilidad.

Sa 2026 ay marami aniyang mga pagsasaayos na gagawin sa MRT-3 stations gaya ng escalators at iba pa.

Hanggang sa katapusan ng 2026 ay maaring magamit na ang nasa 48 na Dalian trains.

Mga negosyante ng lechon sa Quezon City, nakakabawi na matapos ang pagsasara ng 3 linggo

Posted on: December 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA nang makabawi ang mga negosyante ng lechon mula sa La Loma , Quezon City.
Ito ay matapos na maipasara ang mga ito ng mahigit tatlong linggo dahil sa banta ng African swine fever (ASF).
Sinabi ni Ramon Ferreros ang pangulo ng Lechoneros Association of La Loma, na nakabangon na ang kanilang negosyo matapos na sila ay nalugi ng ilang milyon pesos dahil sa pagsasara.
Ang pinakamaliit na lechon ay nagkakahalaga ng mula P10,000-P12,000 habang ang pinakamalaki ay mula P15,000-P20,000.
Ang mga kulang sa budget ay mayroon naman per kilo ang benta na mula P1,500 hanggang P1,600.
Pagtitiyak na ang nasabing presyo ay hindi magbabago hanggang sa pagtatapos ng taon.
Inaasahan nila na dadami ang bibili ng lechon sa noche buena at medya noche.
( Gene Adsuara)

Firecracker related injuries, pumalo na sa 112 – DOH

Posted on: December 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa 112 ang kaso ng pinsala mula sa paputok mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28, 2025.

Ayon sa Department of Health, mas mababa ito ng 26% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, tanda ng epektibo umanong kampanya laban sa paputok.

Ayon sa Department of Health, mas mababa ito ng 26% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, tanda ng epektibo umanong kampanya laban sa paputok.

Pinakamaraming kaso ay mula sa National Capital Region, kasunod ang Ilocos Region, Central Luzon, at Western Visayas.
Karamihan sa mga biktima ay mga batang lalaki edad 5 hanggang 14, na madalas gumagamit ng mga paputok gaya ng Piccolo, Kwitis, at 5-Star.

Bukod sa paputok, naitala rin ang 376 aksidente sa kalsada at 190 kaso ng noncommunicable diseases tulad ng stroke, heart attack, at asthma.

Ayon sa DOH, mas madalas tamaan ng stroke at heart attack ang mga lalaki, habang mas karaniwan ang asthma sa mga babae.

Patuloy na nananawagan ang DOH sa publiko na umiwas sa paggamit ng delikadong paputok at piliin ang ligtas na alternatibo upang maiwasan ang pinsala ngayong Kapaskuhan.

Nagsimula ng makabawi ang mga negosyante ng lechon mula sa La Loma , Quezon City.

Ito ay matapos na maipasara ang mga ito ng mahigit tatlong linggo dahil sa banta ng African swine fever (ASF).

Sinabi ni Ramon Ferreros ang pangulo ng Lechoneros Association of La Loma, na nakabangon na ang kanilang negosyo matapos na sila ay nalugi ng ilang milyon pesos dahil sa pagsasara.
(Gene Adsuara)