Direk Sigrid, ninerbyos sa dahil sa mga direktor na nanood ng ‘ImPerfect’… KRYSTEL at EARL, parehong palaban bilang Best Actress at Best Actor
- Published on December 26, 2025
- by @peoplesbalita
NAGING matagumpay ang pa-premiere night ng 51st MMFF para ‘ImPerfect’ ng Nathan Studios na pinagbibidahan nina Krystel Go at Earl Amaba na gumaganap bilang Jessica Jiro.
Napuno nga ng paghanga at maraming naging emosyonal pagkatapos na mapanood ang movie na isa sa eight entries ng 51st MMFF na nagsimula na kahapon, Araw ng Pasko.
Inamin naman ni direk Sigrid Andrea Bernardo na nakaramdam siya ng nerbyos sa star-studded premiere night ng pelikula sa SM The Block last December 21 dahil maraming direktor ang nanood.
Ang ilan sa mga ito ay ang Presidente ng IdeaFirst Company na si Perci M. Intalan, Andoy Ranay, Puregold Festival director na si Chris Cahilig, at iba pa.
Nagpakita rin ng suporta ang Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Ms Cory V. Vidanes, ABS-CBN executive Leo Katigbak at executives ng mga ahensya ng gobyerno na in-endorso ang pelikula nina Jessica at Jiro.
Anyway, isa nga sa naging kuwento ni Direk Sigrid ay nag-pitch siya sa Nathan Studios ng ibang projects pero hindi interesado raw si Sylvia Sanchez.
“Hindi siya interesado sa pinitch ko sa kanya tinanong ako kung may iba pa at nasabi ko nga itong ‘ImPerfect’ na may teaser na ako 2017 pa, sabi niya basahin niya ang script.
“Hindi ako naniwala baka alam mo na, sabi ko sa sarili ko, sakyan ko na lang baka puwede siya sa next collection, e, after 4 days tumawag na at binanggit na si Ms LT (Lorna Tolentino) na kasama, nagulat ako sabi ko, ‘wag naman po ganu’n.’
Natatakot ako kasi very protective ako sa material kasi ang bida ko talaga sila (actors with Down Syndrome),” kuwento ng direktor.
Nakilala si direk Sigrid sa mga pelikulang ‘Huling Cha Cha ni Anita’ (2013) nina Angel Aquino at Therese Malvar, ‘Lorna’ ni Shamaine Buencamino (2014), ‘Mr & Mrs. Cruz’ nina Ryza Cenon at JC, at‘Untrue’ nina Cristine Reyes at Xian Lim (2019). At ang biggest hit niyang ‘Kita Kita’ nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez (2017), na sinundan ng ‘Walang Kaparis’ (2023).
Last year ginawa naman niya ang ‘Pushcart Tales’ ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino, at ‘Under Parallel Skies’ na pinagbidahan nina Janella Salvador at Thai actor na si Metawin Opas-iamkajorn.
Samantala, muntik na raw siyang tumanggi na malalaking artista ang magsu-support sa DS actors niya dahil pumayag sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Joey Marquez, Tonton Gutierrez, Zaijian Jaranilla at kasama rin si Sylvia.
“Weird nga, kaya gusto ko linawin na hindi ko papalitan ang bida ko, sila (DS actors) po ang bida, gusto ko lang magkalinawan dahil kung hindi sila, hindi ko na lang gagawin.
“Naghintay na ako ng matagal, eh, might as well not do it, “ay hindi, pumayag sila, eh.” na-shock talaga ako lalo na si Ms Janice maliit lang talaga ‘yung role niya, imagine mga supporting actors ko puro award-winning to the point na tumanggi ako kasi nahihiya ako, sana sa next film ko kayo ang bida,” say pa ng premyadong direktor.
Naikuwento naman ni Ibyang na ang mga artistang kasama sa ‘I’mPerfect’ na pawang mga sikat ay nagkasundu-sundo sila na hindi sila puwedeng mangingibabaw dahil ang bida ay ang mga persons with down syndrome.
“Tulad nina Lorna at Janice, sinabihan ko talaga na hindi kayo ang bida rito kundi sina Earl at Jessica, support lang tayo kanilang magba-barkada. Gusto nila (LT at Janice). Kaya sana panoorin ito ng marami dahil magaling lahat at ibang klase,” pagsisiguro pa ni Sylvia.
Simula kahapon, December 25, maraming naka-schedule na block screenings ang ‘I’mPerfect’ na sagot ng mga friends ng parents ng DS actors, kaya excited silang nag-cinema tour.
At bukas, December 27, a-attend naman sila sa 51st MMFF Gabi ng Parangal na gaganapin sa Dusit Thani Manila sa Makati City.
Lalaban ang ‘ImPerfect’ sa Best Picture, ganun din si Krystel at Earl para sa Best Actress at Best Actor.
For sure, may mano-nominate din bilang supporting actor and actress kina Joey, Zaijian, Lorna, Janice at Sylvia.
Best of luck sa Team ImPerfect!
(ROHN ROMULO)