Bilang lead actor at co-producer ALDEN, going international at solid na Hollywood film na ang ginagawa
- Published on December 24, 2025
- by @peoplesbalita
HINDI na lang local, pero going international at solid na Hollywood film na ang ginagawa ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ngayon– bilang pangunahing actor at co-producer ng Lux Angeles Studio,Birns & Sawyer, at Voltage Pictures.Ang director/writer ay si Keoni Waxman, an American Filmmaker and most of his directing job was with Steven Seagal. Sa cast, ang mga Hollywood stars na sina Luke Goss, Byron Mann, Katherine Mcnamara at si Max Collins ang makakasama.Nakapag-last shooting day na si Alden ng Big Tiger at sa totoo lang, after just more than one decade in the industry, palagi kaming nasusurpresa ni Alden sa mga nagagawa o nakakaya n’yang i-achive.“I think, it’s time for Philippines to be shown globally and show its beauty. I’m just so proud of how the movie turns out and with all these talented people that I am able to work with.“It’s a great opportunity and it’s my first time to act as an ctor that will be shown globally. And it’s the first time that I’ll be playing an antagonist role.”Bukod kay Alden, kasama n’ya rin ang mga Hollywood stars na sina Luke Goss, Byron Mann at Katherine Mcnamara. Sa local naman, si Max Collins under the direction of Keoni Waxman. Blessed daw si Alden to have found solid co-production ng Myriad Entertainment Corporation, ang Birns & Sawyer Studios, Voltage Pictures at Lux Angeles Studios.***SABI na nga ba! Kahit kami, nagulat, napaisip, parang may iba? Parang bumata? Basta may nabago sa hitsura o kung tawagin ngayon ay face card ni Karla Estrada.Napansin ito nang mag-surprise video guesting siya sa PBB at nakausap ng anak na si Lella Ford.Pero in-address agad ni Karla dahil kahit pala ibang nakapanood, napansin ang pagbabago.Sey ni Karla, “guys ako parin yan! kaloka kayo! ang ganda ng pwede nating matutunan para sa mga anak at sa mga nanay natin , focus tayo dun.“‘Wag ugaliin ang maghanap ng mali sa tao.”Hmmm…(ROSE GARCIA)