• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ranking ng MMFF entries, magbabagjo after ng awards night… ‘Call Me Mother’ ni VICE GANDA, nangunguna sa takilya tulad ng inaasahan

KATULAD nang inaasahan, sa opening day ng 51st Metro Manila Films Festival noong araw ng Pasko, mangunguna sa takilya ng pelikulang Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre, kasama ang batang si Lucas Andalio na talaga namang marami ang pinahangan sa ginanap na MMFF Premiere Night noong December 23 sa SM Megamall.
Ayon sa bali-balita naka-49M pesos daw ang kinita ng naturang pelikula.
At katulad ng mga nagdaang taon, hindi naglabas ng official box-office results ang pamunuan ng MMFF sa first day ng naturang film festival.
Positive nga ang feedbacks sa ‘Call Me Mother’ sa premiere night hanggang sa first day of showing kaya siguradong makukuha na nila ang Top 1 sa buong pagpapalabas ng pelikula hanggang sa January.
Sumunod naman na tinangkilik ng mga Pinoy ay ang ‘Shake, Rattle & Roll: Evil Origins’, na sa umpisa pa lang ay hinulaan na tatabo rin sa takilya kahit na media malayo sa kinita ng pelikula ni Vice Ganda.
Nasa Top 3 din namin na kikita sa takilya ang UnMarry nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, na tiyak na lalakas pa pagkatapos ng awards night na mangyayari ngayong gabi sa Dusit Thani Manila sa Makati City.
Paniwala ng mga unang nakapanood sa premiere night, posibleng humakot ito ng awards, puwede pang rumatsada sa takilya at mag-number 2.
Sumunod naman sa UnMarry na pinakamalakas sa takilya ay ang Bar Boys: After School.
Kaya nag-post ang 901 Studios na may additional cinemas ang movie nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Will Ashley, at Odette Khan. Inaasahan naming mananalo sina Will at Ms. Odetter ng acting awards.
Samantala, nasa panlimang puwesto raw ang Love You So Bad nina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu.
Sumunod naman ang pinag-uusapang I’mPerfect nina Earl Amaba at Krystel Go, ang mga aktor na parehong may Down syndrome.
Nasa ika-pitong puwesto ang Manila’s Finest nina Piolo Pascual at Enrique Gil.
At panghuli ang Rekonek nina Gerald Anderson, Legaspi family, Bela Padilla, Andrea Brillantes, at Gloria Diaz.
Ayon lumabas na balita, umabot daw ng PHP98M ang kinita ng walong pelikulang kalahok sa unang araw at kalahati nito ay ang kinita ng Call Me Mother.
Tama rin ang desisyon ng MMFF na walong pelikula lang ang official entries, para lahat ay puwede pa ring kumita.
Ayon naman sa post ng MMFF sa kanilang Facebook page, dumagsa ng moviegoers sa mga sinehan after ng Christmas day, dagsa rin today, dahil nag-umpisa na ring magami ang complimentary pass ng MMFF 2025.
Samantala, kaabang-abang naman ang magiging resulta ng ’51st MMFF Gabi ng Parangal’ na gaganapin ngayong gabi sa Dusit Thani Hotel, Makati City.
May livestream ito umpisa 8:00 P.M. sa Facebook page ng TV5.
Bukas, araw ng Linggo, tiyak na lalong dadagsa ang manonood dahil nahayag na ang mga nanalo sa 51st MMFF.
***

Purple Hearts Foundation, naghatid ng saya sa Year-End Gift-Giving Outreach

MATAGUMPAY na isinagawa ng Purple Hearts Foundation ang kanilang year-end outreach progr
am na pinamagatang “Purple Hearts Foundation Gives Back” sa Kryzl Farmland, kung saan 150 kabahayan mula sa mga kalapit na barangay ang nabiyayaan ng tulong, saya, at makabuluhang samahan.
Bawat kabahayan ay kinatawan ng buong pamilya—mga magulang at anak—bilang pagpapakita ng paniniwala ng Foundation na ang tunay na diwa ng pagbibigay ay mas nararamdaman kapag magkakasama ang pamilya.
Ang programa ay pinangunahan nina Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid, na personal na nagplano at lumahok sa gift-giving, mga laro, at salu-salo. Bilang pasasalamat sa patuloy na biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng Purple Hearts Supplement Products, pinili nilang ibahagi ang tagumpay sa komunidad sa isang personal at taos-pusong paraan.
Bilang bahagi ng outreach, tumanggap ang mga pamilya ng mga grocery package, habang ang mga bata naman ay nabigyan ng mga laruan. Nagkaroon din ng mga laro, raffle, at sabayang tanghalian na nagpatibay ng diwa ng pagkakaisa at pasasalamat.
Kasabay ng programa, inilunsad din ang bagong music video ni Love Kryzl na pinamagatang “Opo, Thank You Po,” isang awiting nagbibigay-diin sa pananampalataya at taos-pusong pasasalamat.
Ang mensahe ng awitin ay lubos na tumimo sa puso ng mga dumalo at nagdagdag ng emosyonal na lalim sa okasyon.
Naging posible ang tagumpay ng programa sa tulong ng Purple Hearts Foundation, Purple Hearts Production, at ng mga kawani ng Kryzl Farmland at Kryzl Gamefarm, na nagkaisa upang matiyak ang maayos, ligtas, at masayang karanasan ng lahat.
Nagtapos ang programa sa isang panalangin ng pasasalamat, na muling pinagtibay ang layunin ng Purple Hearts Foundation na maging patuloy na daluyan ng pagmamahal, malasakit, at serbisyo sa komunidad.
Ngayong Linggo, ilalalabas ang “Opo, Thank You Po” na latest single ni Love Kryzl kasabay ng official music video nito sa Facebook page at YouTube channel ni Love Kryzl.
Sa kasalukuyan ay available na for streaming ang nasabing kanta sa spotify worldwide.

(ROHN ROMULO)