• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2025

Nanggulat sa intimate wedding ceremony CARLA, ini-reveal na ang identity ng doktor na pinakasalan

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULA soft launch ng kanilang relasyon hanggang sa araw ng kanilang kasal, isiniwalat na rin ni Carla Abellana ang identity ng lalaking bumihag sa kanyang puso na si Dr. Reginald Santos.Pinag-usapan sa social sina Carla at Reginald matapos sorpresahin ang mga fans sa kanilang intimate wedding ceremony noong December 27 sa Tagaytay City.Unang lumabas si Reginald at pagkatapos ay muling lumitaw nang maraming beses sa mga soft-launch na larawan, na nagpapakita ng kanyang mga braso at paa.Ngayon ay opisyal na siyang inihayag sa publiko.Si Dr. Reginald Kristian Carlos Santos ay 39 taong gulang na respected doctor sa Diliman Doctors Hospital (DDH) sa Quezon City.Ayon sa SeriousMD, si Dr. Santos ay may 12 taong karanasan sa larangang medikal, na nagsilbi bilang head ng Emergency Department, head ng Patient Safety, at naging Chief Medical Officer.Ipinagpatuloy ni Dr. Santos ang kanyang pag-aaral sa Far Eastern University-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) sa Quezon City. Nakuha niya ang kanyang Doctor of Medicine degree noong 2012 at nakapasa sa Physician Licensure Examination noong Agosto 2013.Bukod sa pagiging respetado sa larangan ng medisina, si Dr. Santos ay may hilig din sa sining. Kasama siya sa nagtatag ng Badass Art Gallery, isang kontemporaryong espasyo sa sining, kasama ang arkitekto na si AJ Pelayre at ang propesyonal na artist-designer-photographer na si Tamerlane Urao.Ayon sa website ng Badass Art Gallery, ang doktor ay mahilig sa sining na nag-e-enjoy sa big bike rides, kape, at beer.Unang lumabas si Dr. Santos sa Instagram ni Carla noong Agosto 17, sa isang larawang nagpapakita ng kanilang mga paa, na may caption na purple hearts.Nakatanggap sina Carla at Dr. Reginald ng buhos ng pagmamahal at suporta sa comments section, na puno ng heart emojis, matapos muling mag-post ang aktres ng soft launch photo ng kanilang mga braso.Ang aming pagbati sa mga bagong kasal!***NI-REVEAL ng legendary singer na si Barry Manilow na meron siyang lung cancer.Post ng 82-year old singer via IG: “As many of you now I recently went through six weeks of bronchitis followed by a relapse of another five weeks. Even though I was over the bronchitis and back on stage at the Westgate Las Vegas, my wonderful doctor ordered an MRI just to make sure that everything was OK. “The MRI discovered a cancerous spot on my left lung that needs to be removed. It’s pure luck (and a great doctor) that it was found so early. That’s the good news. The bad news is… I’m going into surgery to have the spot removed. “The doctors do not believe it has spread and I’m taking tests to confirm their diagnosis. So, that’s it. No chemo. No radiation. Just chicken soup and ‘I Love Lucy’ reruns.”Dahil sa kanyang sakit, apektado ang schedules ng kanyang comeback concert tour sa US.“I’m very sorry that you have to change your plans. Just like you, we were all looking forward to the January shows and hate having to move everything around. Ticket holders for the January concerts will be able to use their existing tickets for the rescheduled dates,” caption niya.Pinasikat ni Manilow ang mga classic ballads na ‘Somewhere Down The Road’, ‘Even Now’, ‘The Old Songs’, ‘I Write The Song’, ‘This One’s For You’, ‘Mandy’, ‘Looks Like We Made It’, ‘I Made It Through The Rain’, ‘If I Should Love Again’ at marami pang iba. (RUEL J. MENDOZA)

Pagpasa sa Independent Peoples Commission Bill, mas kinakailangan

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Robert Nazal na ang pagbuo sa panukalang Independent People’s Commission (IPC) ay mas kinakailangan at dapat madaliin kasunod na rin sa mga kaganapan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung saan iisa na lamang ang naiwang miyembro dito.Ayon kay Nazal, hindi na magagawa ng epektibo ng ICI ang kanyang tungulin matapos na mawala na ang kanyang quorum. Tanging si retired Justice Andres Reyes ang nananatili sa komisyon.“Now that only one of the three ICI commissioners remains, the establishment of the Independent People’s Commission has become more urgent. The ICI is no longer capable of fulfilling its mandate because it has lost both its quorum and credibility,” ani Nazal.Dagdag nito, na kahit pa mapunan ng dalawang bagong commissioners ang bakanteng mga posisyon ay nawala na umano ang tiwala ng publiko dito.“Even with replacements, the ICI has become useless because of the lack of transparency that has surrounded its work,” saad ni Nazal.Sinabi pa ni Nazal na layon ng panukala na palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa ginagawang proseso ng gobyerno.“This is about restoring trust. The people deserve a credible, transparent, and functioning body that acts in the public interest.” (Vina de Guzman)

Tinalo ni Nick Kyrgios si women’s world number 1 tennis plaer Aryna Sabalenka sa “Battle of the Sexes”.

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA ni dating Wimbledon finalist ang score na 6-3, 6-3 sa exhibition game na ginanap sa United Arab Emirates.

Ang nasabing laro ay tila inulit ang laro noong 1973 kung saan nakaharap ni Billie Jean King sti Bobby Riggs.

Sa torneo sa Dubai, ay bawat manlalaro ay magkakaroon lamang ng tig-isang service kung saan mas maliit ng siyam na porsyento naman ang court ng 27-anyos na si Sabalenka para mapigilan ang lakas at bilis ng 34-anyos na si Australian player.

Pinay tennis star Alex Eala nabigo kay Andreeva sa Macau Tennis Masters

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Macau Tennis Masters.

Hindi ito nakaporma kay Mirra Andreeva ng Russia sa score na 6-4, 6-2.

Ang laban niya na ito kay world number 9 ay siyang huling torneo ni Eala ngayong 2025.
Dahil dito ay nakaharap nina Eala at partner nitong si Jerry Shang ng China subalit nabigo sila kay Alejandro Davidovich Fokina ng Spain at Yibing Wu ng China sa score na 7-5, 7–6(1).

Ang pagkatalo na ito ni Eala ay hindi makakaapekto sa ranking niya dahil sa ang Macau Masters ay isang exhibition game at hindi bahagi ng WTA events.

Dalawang beses sanag maghaharap sina Eala at Andreeva isa sa doubles subalit nag-withdraw siya dahil sa dinapuan ito ng sakit.

Mayor JRT, nagbahagi ng saya, pag-asa, at malasakit

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na bumisita si Mayor John Rey Tiangco sa Navotas City Hospital, Navotas Bahay Pag-asa, at Navotas City Jail upang magbahagi ng saya, pag-asa, at malasakit sa kabila ng kanilang pinagdaraanan. Aniya sa munting paraan, nais niyang ipadama na hindi sila nag-iisa at may mga taong patuloy na nagmamalasakit sa kanila.
Dagdag niya, isama sana sila sa ating mga panalangin para sa isang masaya at masaganang bagong taon. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagmamahalan at pagkalinga sa kapwa. (Richard Mesa)

2 pang barangay sa Navotas, idineklarang drug- cleared ng PDEA

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang dalawa pang barangay sa Navotas City makaraang ideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na clear na sa illegal na droga.
Personal na iniabot ni Mayor Tiangco, kasama ang mga miyembro ng konseho ng lungsod, ang PDEA certificates kay Bagumbayan South Barangay Chairperson Joselito Sulit at North Bay Boulevard North Barangay Chairperson Noel Aviles bilang pagkilala sa tagumpay ng kanilang mga barangay.
“This accomplishment reflects the strong cooperation between the barangays, our law enforcement partners, and the community,” ani Mayor Tiangco.
“We urge Navoteños to be vigilant and report any suspicious individuals or activities to TXT JRT. Let us continue working together to win this fight and keep our city and people safe,” dagdag niya.
Sa 18 barangay ng Navotas, ang Bagumbayan South at North Bay Boulevard North ang ika-15 at ika-16 na barangay na idineklarang drug-cleared. Kasama sila sa iba pang mga barangay na matagumpay na napanatili ang kanilang drug-cleared status, tulad ng: NBBS Dagat-dagatan, NBBS Proper, NBBS Kaunlaran, Navotas East, Navotas West, Tanza I, Tanza II, San Rafael Village, Bagumbayan North, Sipac-Almacen, Bangkulasi, Daanghari, San Roque, at San Jose.
Idineklara ng PDEA ang parehong barangay bilang drug-cleared noong Disyembre 18, 2025, kasunod ng masusing proseso ng pagtatasa at pagpapatunay na nagkumpirma sa kanilang pagsunod sa Seksyon 12 ng Dangerous Drugs Board Regulation No. 4, serye ng 2021. Kabilang dito ang pagtiyak na ang mga drug personalities na nasa unified watchlist ng barangay ay mabibigyan ng angkop na interbensyon, pagpapanatili ng isang drug-free workplace, at pagpapanatili ng aktibong adbokasiya laban sa droga sa mga opisyal ng barangay.
Ang mga inisyatibo ng Navotas laban sa droga ay nakaangkla sa programang paggamot at rehabilitasyon na nakabase sa komunidad na kilala bilang Bidahan, na nagbibigay ng rehabilitasyon at pagpapayo, pati na rin ang isang programang pangangalaga pagkatapos ng operasyon na tumatagal ng anim at 18 buwan, ayon sa pagkakabanggit.
Patuloy din na pinalalakas ng pamahalaang lungsod ang kampanya nito laban sa droga sa pamamagitan ng drug awareness at prevention lectures para sa Navoteño students, random at mandatory drug testing sa mga empleyado ng city hall at barangay, pati na rin sa mga benepisyaryo ng programang Bidahan, at patuloy na drug-clearing sa mga barangay.
(Richard Mesa)

Goitia: Malinaw na direksyon sa ilalim ni PBBM, naghatid ng tiyak na resulta para sa mga guro

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULA Patakaran Patungo sa Kongkretong Aksyon, ang promosyon nang mahigit 16,000 guro sa ilalim ng Department of Education ay malinaw na patunay ng epektibong pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Isang matagal nang isyu ang tuluyang tinugunan, hindi sa pamamagitan ng pangako, kundi sa aktwal na aksyon.
“Hindi ito basta nangyari,” ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia.
“May malinaw na desisyon ang pamahalaan na ayusin ang matagal nang hindi naaayos.”

Isang Ehekutibong gumagalaw nang magkakaugnay.
Sa DepEd, naging malinaw ang papel ni Secretary Sonny Angara sa pagsasakatuparan ng direktiba ng Pangulo. Sa kanyang pamumuno, naipakita ang kakayahang pagsamahin ang patakaran at implementasyon, mula sa maayos na paglalaan ng pondo hanggang sa paggalaw ng mga proseso sa loob ng ahensya. Ipinakita nito ang isang kalihim na hindi lamang nagtatakda ng direksyon, kundi marunong ding magpatakbo ng sistema.
“Kapag malinaw ang direksyon at magkakasabay kumikilos ang pamahalaan, kusang umuusad ang reporma,” ani Goitia.

Pagkilala sa mga Guro, Pagpapatibay sa Sistema.
Ang promotion ay higit pa sa usapin ng ranggo o sahod. Isa itong pagkilalang matagal nang hinihintay ng mga gurong siyang haligi ng pampublikong edukasyon. Sa pag-alis ng backlog, ipinakita ng administrasyon na umaandar ang sistema kapag may malinaw na pamumuno at maayos na koordinasyon.
“Hindi magiging seryosong anumang reporma sa edukasyon kung napapabayaan ang mga guro,” ani Goitia.

Tahimik na Pamamahala, Matibay na Bunga.
Maaaring hindi ito umani ng malawak na atensyon, ngunit ang tunay na halaga nito ay mararamdaman araw-araw sa mga paaralan sa buong bansa. Isa itong patunay ng pamahalaang mas nakatuon sa malinaw na direksyon at kongkretong resulta kaysa palabas.
“Hindi kailangang maging maingay ang pamahalaang gumagana, ang mahalaga, ito’y tumutupad sa tungkulin nito,” pagtatapos ni Goitia. (Richard Mesa)

Senado, Kamara pinirmahan na bicam report ng 2026 national budget

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN na kahapon ng mga mambabatas mula sa Senado at Kamara ang ulat ng bicameral conference committee sa panukalang 2026 General Appropriations Bill.

Pinangunahan ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairperson ng Senate panel on finance at kanyang counterpart na si Rep. Mika Suansing, chairman ng House appropriations committee, ang signing sa Philippine International Convention Center.

Inabot ng mahigit apat na buwan ang pagtalakay sa panukalang P6.793 trilyong budget na nagsimula noong Agosto 13 nang pormal na ibigay ng Executive Branch sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang kopya ng National Expenditure Program (NEP).

Sinabi ni Gatchalian na mas binigyan ng malaking alokasyon para sa 2026 ang sektor ng edukasyon, kalusugan, at agrikultura.

Ngayong Lunes, Disyembre 29, magkahiwalay na raratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang General Appropriations Bill saka ipapadala sa Malacañang.

Nauna rito, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na mapipirmahan ni Marcos ang 2026 budget sa Enero 5.
( Daris Jose)

Driver, tinodas ng 3 kapitbahay sa Valenzuela

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DEDBOL ang 34-anyos na driver habang sugatan ang naman nakababata niyang kapatid nang pagtulungan ng tatlong kapitbahay kabilang ang mag-ama sa Valenzuela City.
Dead-on-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktimang si alyas “Florencio”, ng Pinagbayanan St. Brgy. Lingunan sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan at palo ng martilyo sa ulo habang sugatan ang 33-anyos niyang kapatid na si “Jose” na hinataw ng bote ng alak sa ulo.
Naaresto naman sa follow-up operation nina P/MSg Ronaldo Domadigo, P/SSg. Raynald Zaldivar at P/SSg Rommel De Robles ng Valenzuela Police Sub-Station-6 ang mag-amang sina alyas “Jonard”, 46, at “John Mark”, 18, at barkadang si alyas “Roland”, 48, pawang residente rin ng Pinagbayanan St.
Sa ulat ni P/Capt. Robin Santos, hepe ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) kay Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, nagtungo ang mga biktima sa bahay ng kanilang kapatid na babae sa naturan ding lugar upang doon ipagdiwang ang Pasko dakong alas-11:15 ng gabi nang tawagin si ‘Florencio’ ng mga suspek upang kausapin.
Paglabas ng biktima, kaagad siyang sinuntok ni ‘Jonard’ at nang umawat si ‘Jose’, siya naman ang hinataw ng bote sa ulo ng suspek kaya napilitang tumakbo ang magkapatid nang pagtulungan na sila ng tatlong suspek.
Hinabol ng mga suspek ang magkapatid at nang abutan sa tapat ng isang ihawan ay pinagsasaksak ni ‘John Mark’ ang nasawi habang pinagpapalo rin siya ng hawak na martilyo ni ‘Roland’ sa ulo bago nagsitakas ang mga ito.
Lumabas sa imbestigasyon ni IDMS investigator P/MSg. Alvin Pastores na nag-ugat ang alitan ng mga ito nang minsan umanong sapakin ng biktima si ‘Jonard’. Nagpositibo rin ang tatlo sa alcohol nang isalang sa medical examination.
(Richard Mesa)

LTFRB, NAGSASAGAWA NG IMBESTIGASYON KAUGNAY SA FATAL CAMARINES SUR ROAD CRASH, BUS COMPANY IISYUHAN NG SCO

Posted on: December 29th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINASAGAWA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa gabay ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ang masusing imbestigasyon kaugnay ng aksidenteng kinasangkutan ng isang pampasaherong bus sa Camarines Sur na nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa limang indibidwal.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, maglalabas ang ahensya ng isang show cause order (SCO) laban sa bus company upang matiyak na maisasama sa imbestigasyon ang lahat ng pangyayaring humantong sa insidente na naganap dakong 3:25 a.m. noong Disyembre 26 sa Barangay Magais-I, Del Gallego, sa bahagi ng Andaya Highway.

“Natanggap na namin ang kopya ng police report at nakasaad doon na nakatulog ang driver, na siyang naging sanhi ng aksidente,” pahayag ni Chairperson Mendoza.

“Sa pagdinig, sisiyasatin pa natin nang mas malalim kung nasunod ba ang tamang protocol upang matiyak ang mental at pisikal na kahandaan ng mga itinalagang driver,” dagdag pa niya.

Batay sa police report, ang DLTB bus (UYA 479) ay patungong Gubat, Sorsogon mula Cubao nang mahulog ito sa bangin na tinatayang may taas na humigit-kumulang 10 metro.

Bunsod nito, lima ang nasawi, kabilang ang isang 60-anyos na babae at isa pang babaeng pasahero.

Hindi bababa sa 15 katao, kabilang ang driver at alternate driver, ang malubhang nasugatan at agad dinala sa isang ospital sa Tagkawayan, Quezon para sa agarang lunas.

Sa inisyal na beripikasyon na iniutos ni Chairperson Mendoza, lumabas na ang bus ay nakarehistro sa Del Motor Works, Inc. at may Certificate of Public Conveyance na ibinigay noong 2022 at nakatakdang mag-expire sa Marso ng susunod na taon.

“Tutuklasin natin ang puno’t dulo ng insidenteng ito at pananagutin ang sinumang dapat managot,” giit ni Chairperson Mendoza.

Matatandaang inatasan na rin ni Chairperson Mendoza ang lahat ng bus company na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan at handa ang kanilang mga driver para sa dagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Samantala, makikipag-ugnayan ang LTFRB sa insurance provider upang mapabilis ang pagproseso at paglabas ng kaukulang insurance claims.
(PAUL JOHN REYES)