• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senado, Kamara pinirmahan na bicam report ng 2026 national budget

NILAGDAAN na kahapon ng mga mambabatas mula sa Senado at Kamara ang ulat ng bicameral conference committee sa panukalang 2026 General Appropriations Bill.

Pinangunahan ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairperson ng Senate panel on finance at kanyang counterpart na si Rep. Mika Suansing, chairman ng House appropriations committee, ang signing sa Philippine International Convention Center.

Inabot ng mahigit apat na buwan ang pagtalakay sa panukalang P6.793 trilyong budget na nagsimula noong Agosto 13 nang pormal na ibigay ng Executive Branch sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang kopya ng National Expenditure Program (NEP).

Sinabi ni Gatchalian na mas binigyan ng malaking alokasyon para sa 2026 ang sektor ng edukasyon, kalusugan, at agrikultura.

Ngayong Lunes, Disyembre 29, magkahiwalay na raratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang General Appropriations Bill saka ipapadala sa MalacaƱang.

Nauna rito, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na mapipirmahan ni Marcos ang 2026 budget sa Enero 5.
( Daris Jose)