• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2025

Ads October 31, 2025

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Its neither quick nor right Mr. President

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINAGOT ni Presidente Bongbong Marcos ang tanong kung kailan ba masasampahan ng kaso ang mga sangkot sa flood control scam. Inip na ang tao at kahit ang mga mapagpasensyang sektor ng mga negosyante ay nababagalan sa proseso. “We would rather do it right than quick” sabi ng Pangulo. Baka daw balang araw ay maabswelto pa ang mga kakasuhan. Pero sa Pilipinas kapag ang akusado ay makapangyarihan ay llamado sa laban. Ibig bang sabihin ng Pangulo na kaya na abswelto ang mga sangkot sa PDAF scam ay minadali ang kasong sinampa? Pero bakit ba nababagalan ang sambayanan? Aba’y base na rin sa tinatakbo ng imbestigasyon at pahayag ng mga nag-iimbestiga ay wala pa ring nakikitang ebidensya laban sa mga opisyal at may mga hurdles pa bago makapagsampa ng kaso.Sa kasalukuyan ay gathering of evidence at invitation of resource speakers ang ginagawa ng ICI. Hindi pa demanda yan! Pagkatapos nila (kung kailan man) ay irerekomenda nila sa DOJ ang mga kakasuhan. At ang DOJ ay magse-set ng preliminary investigation. May makukulong na ba sa stage na ito? WALA PA. Ano yung preliminary investigation?Sa Rule 112, Section 1Preliminary investigation is an INQUIRY OR PROCEEDING to determine whether there is sufficient ground to engender a well founded belief that a crime has been committed and the respondent IS PROBABLY GUILTY THEREOF, AND SHOULD BE HELD FOR TRIAL.Matagal po ba ang preliminary investigation? Ang procedure ay nasa Rule 112, Sec 3 ng Revised Rules of Criminal Procedure.Pero makikita natin na sa preliminary investigation ay mabibigyan pa ulit ng pagkakataon na sagutin ng mga kinasuhan ang demanda.At kapag kinasuhan na sa Husgado ay saka pa lamang magkakaroon ng warrant of arrest. Ang pagkainip ng tao ay dahil na rin sa tinatakbo ng imbestigasyon. Nasa poder pa rin ang mga balyenang politiko na nasasangkot sa iskandalo. May pera at kapangyarihan na maaring gamitin laban sa katotohanan.Heto ang pinupunto ng mga tao Mr. President, hindi yung bagal kundi yung panahon na maaring magawa ng mga makapangyarihan para hindi sila makasuhan . At dito sa puntong ito pwede yung ‘QUICKLY’. Tanggalan sila ng impluwensya, kapangyarihan, pera, at iba pa na pwede magamit laban sa katotohan. At kapag nagawa na yan then do it ‘RIGHTLY’ para ang reasonable certainty of conviction ay mailatag sa mga sangkot KASAMA ANG MGA MASTERMIND.SO MR. PRESIDENT WITH DUE RESPECT, DO IT QUICKLY AND RIGHTLY. Both can be done.======================================================Atty. Ariel IntonFounder, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)09178174748

BSKE registration, suspendido sa Undas

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WALANG voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) mula tanghali ng Oktubre 30 hangang Nobyembre 2 para sa paggunita ng Undas 2025, ayon sa abiso ng Commission on Elections (Comelec)

Ipinagpatuloy ang pagpapatala ng mga botante noong Oktubre 20 para sa 2026 BSKE.

Ayon sa Comelec, umabot na sa kabuuang 150,000 ang nakapagparehistro sa buong bansa.

Muling nilinaw ng Comelec na hindi kasama rito ang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa bilang na naitala, higit 50 libo rito ang mga bagong botante. (Gene Adsuara)

Sen. Bam Aquino, ginawaran ng Honorary Degree ng PLM

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

GINAWARAN ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si Senator Bam Aquino ng Doctor of Education, honoris causa sa kanilang 57th Commencement Exercises nitong Miyerkules, Oktubre 29 kung saan siya ang guest of honor.

Sa naturang seremonya, nagpahayag si Aquino ng suporta sa four-point development strategy ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, pabahay, at trabaho.

Ayon kay Aquino, tugma ito sa kanyang mga adbokasiya sa Senado gaya ng pagpapalakas sa Free College Law at sa panukalang Classroom-Building Acceleration Program (CAP) upang matugunan ang kakulangan sa silid-aralan.

Giit naman ni Mayor Isko, mananatiling pangunahing prayoridad ng lungsod ang edukasyon at kalusugan, kabilang ang plano niyang itayo ang PLM College of Medicine and Allied Health Sciences.

Parehong naniniwala sina Aquino at Moreno na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad at pagkakapantay-pantay sa Maynila (Gene Adsuara)

Batas na magpapalakas sa ICI, isinusulong ni Tiangco

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Navotas City Representative Toby Tiangco ang isang panukalang batas para palakasin ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), na nagbibigay ng higit na kapangyarihan upang imbestigahan ang katiwalian sa mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.

Inihain ni Tiangco ang House Bill No. 5699, na naglalayong lumikha ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) na dumidinig at mag-iimbestiga sa lahat ng anomalya at kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga proyektong pang-imprastraktura.

“The people demand a mechanism to ensure accountability and transparency in government infrastructure projects, which have been a constant source of corruption,” pahayag ni Tiangco.

“Naiinip na ang taumbayan. Kailangan na nating bilisan ang aksyon at bigyan ng kapangyarihan ang ICAIC upang mapanagot ang mga may kagagawan ng mga anomalya, hindi lamang para sila ay makulong dahil sa pang-aapi sa ating mga kababayan, kundi para mabawi rin ang kanilang ninakaw,” dagdag niya.

“When the demand for accountability resonates louder in all walks of life, the government should not simply turn a blind eye. The government must proactively address the public’s demand and ensure that the highest form of accountability and culpability will be imposed,” sabi pa niya.

Sa ilalim ng iminungkahing panukalang batas, ang ICAIC na may pagsang-ayon ng mga appropriate bodies, ay magkakaroon ng kapangyarihang magsampa ng mga kaso, mag-isyu ng subpoena, at humingi ng preventive suspension at hold departure orders laban sa mga opisyal na pinaghihinalaan ng katiwalian.

“Sa mga nagdaang hearing, nakita naman natin ang limitasyon ng ICI sa powers nilang mag-imbestiga. Wala silang power to issue contempt kapag hindi nag-appear ang mga naisyuhan nila ng subpoena. Binigyan din natin sila ng power to issue hold departure orders, at mag-apply sa korte para makarekober, at mag-sequester ng properties,” ani Tiangco.

“The proposed commission shall serve as a means to strengthen the current ICI’s capacity to effectively and efficiently prosecute cases,” dagdag niya

Nilinaw din ni Tiangco na ang panukalang ICAIC will not in any way take over the functions or duties of the Office of the Ombudsman or the Department of Justice.

“The commission’s findings and recommendations are intended to assist the Office of the Ombudsman or the Department of Justice, as the case may be, in case build-up and prosecution. This is to ensure that cases filed in court will be successfully prosecuted and that convictions will be obtained. When the public sees that public officials are held accountable, the government can regain the people’s trust and confidence,” aniya. (Richard Mesa)

ASEAN, hindi magpapadala ng observer sa Myanmar election- PBBM

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI magpapadala ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng isang observer sa Myanmar elections sa Disyembre.

Sa pagsasalita sa mga mamamahayag matapos ang kanyang naging partisipasyon sa 47th ASEAN Summit and Related Summits sa KUALA LUMPUR, Malaysia, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang usapin ng pagpapadala ng monitoring team ay masusi at maingat na pinag-usapan sa high-level gathering.

“I think what’s happened is ASEAN is leaving it to each country to decide on their own. ASEAN will not take a common position.

Because in our discussions, everyone has a different idea,” ang sinabi ng Pangulo.

“So, we will have to decide for the Philippines what it is that we think we should do. We will watch other countries to see what they should do,” aniya pa rin.

Kumpiyansa naman ang Pangulo na makabubuo ng isang consensus ang mga bansa sa kung ano ang gagawin sa Dec. 28 kung saan naka-iskedyul ang eleksyon.

Hindi naman idinetalye ng Pangulo kung magpapadala ang Pilipinas na sarili nitong observer o kung nakaayon ito sa posisyon ng bloc.

“[I]t would be much preferable if ASEAN moves as one,” aniya pa rin.

Ibinahagi naman ng Pangulo na mayroong iba’t ibang opinyon sa hanay ng ASEAN member states, “but the differences are not enormous.”

“I think that if we talk about it some more, we will find a common ground as to what to do. What that is, I cannot predict,” anito.

Sa ulat, nalublob sa kaguluhan ang Myanmar nang magsagawa ng kudeta ang military at pinatalsik ang democratic government noong February 2021.

Sa 15th ASEAN-United Nations Summit nito lamang Oct. 27, sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na “appalled by the deplorable situation” sa Myanmar, sabay sabing ang military takeover ay mayroong “piled calamity upon calamity” sa bansa.

“Villages bombed or burned. Thousands killed. Millions displaced. Regional stability at risk. A military attacking the civilians it’s meant to protect. And now the spectre of elections within an active conflict,” anito.

Sinabi pa niya na ang ‘cycle of impunity’ ay kailangang matuldukan na, muling inulit nito ang panawagan para sa agarang pagtatapos ng karahasan.

Aniya pa, may pangangailangan para sa “genuine commitment to inclusive dialogue” at “a credible path back to civilian rule– starting with the swift release of all those arbitrarily detained.”

Samantala, suportado naman ni Guterres ang ASEAN Five-Point Consensus, nanawagan para sa agarang pagtatapos ng karahasan, dayalogo sa lahat ng partido at humanitarian assistance ng ASEAN, bukod sa iba pa. (Daris Jose)

Bawal at illegal na… PBBM, tinintahan na ang Anti-POGO Act of 2025

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na opisyal na magbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa at pagdedeklara ng kanilang operasyon at iba pang kaugnay na aktibidad bilang illegal.

Sa katunayan, nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 12312 o mas kilala bilang Anti-POGO Act of 2025 nito lamang Oktubre 23, base sa kopya ng dokumento na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Miyerkules,

“The State recognizes that the maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and the promotion of the general welfare are paramount for the meaningful enjoyment of democracy. The State likewise values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights,” ang nakasaad sa bagong batas.

“To this end, offshore gaming operations in the Philippines are hereby banned and declared unlawful,” dagdag nito.

Sa ilalim ng batas, pinagbabawal ang pagsasagawa kabilang na ang ‘pagtatayo, operasyon o pagsasagawa ng offshore gaming sa Pilipinas, maging ang pagtanggap ng anumang uri ng pagtaya o pustahan para sa offshore gaming operations.

Ipinag-utos din ng batas ang permanenteng kanselasyon ng lahat ng lisensiya na ipinalabas para sa POGO operations.

Ang lahat ng Alien Employment Permits at certificates of exemption at exclusion na ipinalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE), at maging ang anumang visa or work permit na ipinalabas ng Bureau of Immigration (BI) o ng iba pang visa-issuing agencies sa POGO workers ay pinapawalang-bisa.

“Upon the effectivity of this Act, the DOLE, the BI, and other visa-issuing agencies shall not be allowed to issue any visa or work permit to any person for purposes related to offshore gaming operations,” ang nakasaad sa batas.

“The BI shall ensure that any foreign national whose visa is cancelled in accordance with this provision shall be deported directly to the country of his or her birth or citizenship, in coordination with the appropriate embassy or consulate,”ang nakasaad pa rin sa batas.

Sa ilalim ng RA 12312, ang lahat ng POGOs, at maging ang POGO gaming content providers, accredited service providers, at local gaming agents na napawalang-bisa ang lisensya, nananatiling liable para sa taxes, duties, regulatory fees, at lahat ng iba pang charges hanggang sa huling araw ng kanilang operasyon.

Ito ay ‘due at payable’ sa gobyerno para sa mga obligasyon na nagmula sa o may koneksyon sa kanilang operasyon.

Inatasan naman ang Bureau of Internal Revenue (BIR) “to audit persons and entities” para idetermina ang anumang outstanding tax liabilities, sa kabila ng pagpapawalang bisa ng lisensiya at pagsasara ng mga operasyon.

Ang POGO local gaming agent ay magpapatuloy na kumilos bilang authorized representative para sa pagbabayad ng buwis na nagresulta mula sa BIR audit.

“The law directs the DOLE to formulate and implement transition plans, programs, and activities for affected Filipinos previously employed in the POGO industry,” ayon sa ulat.

Ang DOLE ay inatasan na makipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority, Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry, at Commission on Higher Education para sa pagsasanay, retooling, skills development, at transisyon ng mga apektadong Filipino workers sa kalidad ng trabaho.

Ang RA 12312, nagtatag ng Administrative Oversight Committee, na uupuan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission bilang chair o organizational successor-in-interest nito, upang tiyakin ang tama at epektibong implementasyon ng pagba-ban.

Ang ibang mga miyembro ng komite ay kinabibilangan ng DICT, Department of Justice, at Department of the Interior and Local Government.

Ang AOC ay may mandato na magsumite ng isang ‘compliance monitoring report’ sa Office of the President, Senado, Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi lalampas sa isang taon matapos ang pagiging epektibo ng batas.

Ang mga lumabag sa batas ay mahaharap sa pagkabilanggo ng hanggang 8 taon at pagmumultahin ng P15 million para sa first offense; hanggang 10 taon na pagkabilanggo at multa P 30 million para sa second offense; at hanggang 12 taon na pagkabilanggo at multa ng hanggang P 50 million para sa third offense.

Kapag ang offender ay isang public official o empleyado, ang maximum penalty ay ipapataw.

Kapag ang guilty offender ay isang foreign national, siya ay kaagad na ide-deport matapos pagsilbihan ang sentensiya at permanenteng pagbabawalan na muling pumasok sa Pilipinas.

Ang RA 12312, na isinapubliko, araw ng Miyerkules, magiging epektibo 15 araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may general circulation.

Matatandaang, noong 2024, ipinag-utos na ni Pangulong Marcos ang pagbabawal sa lahat ng POGO kung saan idinadawit ang mga awtoridad sa mga organisadong krimen gaya ng human trafficking, money laundering, online fraud, kidnapping at maging ang pagpatay.

Sa kaparehong taon, sinalakay ng mga awtoridad ang POGO hubs sa Pampanga at Tarlac. (Daris Jose)

Ricky Vargas nahalal bilang bagong SBP president

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAHALAL bilang bagong pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si PBA chairman Ricky Vargas.

Habang ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan ay nahalal bilang SBP chairman.

Si Vargas ay vice president ng outgoing chief na si Al Panlilio habang si Pangilinan ay dating chairman emeritus.

Pangungunahan nila ang board na binubuo ng 17 upuan kung saan 13 dito ay napunan sa pamamagitan ng halalan ng pederasyon ng 34 aktibong miymbero.

Ang mga sectorial representatives ay binubuo nina Paul Tristan Laus (North Luzon), Edgar Francisco (South Luzon), Robert Uy (Visayas), Renauld Barrios (Mindanao), Jose Franco Soberano (Youth), Bo Perasol, Manuel Raymund Castellano and Eric Altamirano (Schools), Vivian Manila (Women’s) at Pangilinan, Vargas, Alfrancis Chua at Archen Cayabyab (Commercial and Professional).

Sinabi ni Vargas na bubuo sila ng matibay na foundation para sa susunod na henerasyon ng sports leaders para maipagpatuloy ang paglago ng basketball sa bansa.

Pacquiao, itinalaga bilang vice president ng International Boxing Association

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA si eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao bilang bagong Vice President ng International Boxing Association (IBA).

Ito ang kauna-unahang boxing federation sa buong mundo, bago naglitawan ang iba pang mga samahan.

Ginawa ang pormal na pagtatalaga sa Board of Directors meeting ng IBA na ginanap sa Maynila noong Oktubre 27, 2025, kasabay ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng “Thrilla in Manila.”

Bilang vice president, si Pacquiao ay inaasahang mangunguna sa pagbuo ng mga athlete-centered programs, pagpapalawak ng boxing sa rehiyon ng Asya, at pagtataguyod ng karapatan ng mga boksingero sa buong mundo.

Makakatrabaho niya si IBA President Umar Kremlev sa mga reporma at inisyatibong layong ibalik ang tiwala sa organisasyon matapos itong tanggalan ng karapatang mag-organisa ng Olympic boxing events ng International Olympic Committee (IOC) noong 2021 dahil sa mga isyu sa pamamahala at transparency.

Ang IBA na dating kilala bilang Amateur International Boxing Association, ay minsang namamahala sa boxing sa Olympics.

Ngunit sa darating na 2028 Los Angeles Olympics, ang World Boxing na ang mamamahala sa kompetisyon.

Sa kabila nito, nananatiling aktibo ang IBA sa mga pandaigdigang programa para sa mga amateur at professional boxers.

Bilang isa sa pinakakilalang atleta sa kasaysayan ng boxing, inaasahang magiging inspirasyon si Pacquiao sa mga bagong henerasyon ng boksingero.

Ang kanyang paglipat mula sa ring patungong boardroom ay simbolo ng kanyang patuloy na paglilingkod sa sports na nagbigay sa kanya ng pandaigdigang pagkilala.

Caloocan LGU, nakahanda na sa Undas 2025

Posted on: October 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UPANG matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa ngayong taon, ipinatupad na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang mga plano nito bilang paghahanda sa dami ng mga bumibisita sa sementeryo ngayong panahon ng Undas.

Ayon kay Mayor Along Malapitan, patuloy na nagsasagawa ang City Environmental Management Department (CEMD) ng mga clean-up drive, kasama ang flushing and repainting operations, sa mga pampublikong sementeryo ng lungsod kahit ilang araw bago ang Undas.

Bukod rito, nagpaalala ang pamahalaang lungsod sa publiko na sundin ang mga alituntuning itinakda ng mga awtoridad sa pagsasagawa ng mga pagbisita, kabilang ang pagbabawal sa matutulis at mapanganib na mga bagay sa loob ng mga sementeryo pati na rin ang wastong pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar.

Ipinaalala din ni Mayor Along sa publiko na hanggang ngayong araw October 30, 2025 na lamang papayagan ang paglilinis ng mga puntod. (Richard Mesa)