Its neither quick nor right Mr. President
- Published on October 30, 2025
- by @peoplesbalita
SINAGOT ni Presidente Bongbong Marcos ang tanong kung kailan ba masasampahan ng kaso ang mga sangkot sa flood control scam. Inip na ang tao at kahit ang mga mapagpasensyang sektor ng mga negosyante ay nababagalan sa proseso. “We would rather do it right than quick” sabi ng Pangulo. Baka daw balang araw ay maabswelto pa ang mga kakasuhan. Pero sa Pilipinas kapag ang akusado ay makapangyarihan ay llamado sa laban. Ibig bang sabihin ng Pangulo na kaya na abswelto ang mga sangkot sa PDAF scam ay minadali ang kasong sinampa? Pero bakit ba nababagalan ang sambayanan? Aba’y base na rin sa tinatakbo ng imbestigasyon at pahayag ng mga nag-iimbestiga ay wala pa ring nakikitang ebidensya laban sa mga opisyal at may mga hurdles pa bago makapagsampa ng kaso.Sa kasalukuyan ay gathering of evidence at invitation of resource speakers ang ginagawa ng ICI. Hindi pa demanda yan! Pagkatapos nila (kung kailan man) ay irerekomenda nila sa DOJ ang mga kakasuhan. At ang DOJ ay magse-set ng preliminary investigation. May makukulong na ba sa stage na ito? WALA PA. Ano yung preliminary investigation?Sa Rule 112, Section 1Preliminary investigation is an INQUIRY OR PROCEEDING to determine whether there is sufficient ground to engender a well founded belief that a crime has been committed and the respondent IS PROBABLY GUILTY THEREOF, AND SHOULD BE HELD FOR TRIAL.Matagal po ba ang preliminary investigation? Ang procedure ay nasa Rule 112, Sec 3 ng Revised Rules of Criminal Procedure.Pero makikita natin na sa preliminary investigation ay mabibigyan pa ulit ng pagkakataon na sagutin ng mga kinasuhan ang demanda.At kapag kinasuhan na sa Husgado ay saka pa lamang magkakaroon ng warrant of arrest. Ang pagkainip ng tao ay dahil na rin sa tinatakbo ng imbestigasyon. Nasa poder pa rin ang mga balyenang politiko na nasasangkot sa iskandalo. May pera at kapangyarihan na maaring gamitin laban sa katotohanan.Heto ang pinupunto ng mga tao Mr. President, hindi yung bagal kundi yung panahon na maaring magawa ng mga makapangyarihan para hindi sila makasuhan . At dito sa puntong ito pwede yung ‘QUICKLY’. Tanggalan sila ng impluwensya, kapangyarihan, pera, at iba pa na pwede magamit laban sa katotohan. At kapag nagawa na yan then do it ‘RIGHTLY’ para ang reasonable certainty of conviction ay mailatag sa mga sangkot KASAMA ANG MGA MASTERMIND.SO MR. PRESIDENT WITH DUE RESPECT, DO IT QUICKLY AND RIGHTLY. Both can be done.======================================================Atty. Ariel IntonFounder, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)09178174748