• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2025

Kauna-unahang NAVOTAS BUSINESS CONFERENCE, matagumpay na naisagawa

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MINARKAHAN ng Lungsod ng Navotas ang isang makasaysayang milestone sa pagtatanghal ng kauna-unahang Navotas Business Conference na ginanap noong Oktubre 28–29, 2025, sa Navotas Convention Center.

Ang kaganapan ay inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter (PCCI–Navotas), sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na tinipon ang mga pinuno ng industriya, mga opisyal ng gobyerno, mga negosyante, at mga innovator.

Ang conference ay may temang “Navotas Rising: Empowering Industries from Sea to City,” na layong magbigay ng lugar para sa pagtalakay sa mga oportunidad sa paglago, inobasyon, at kolaborasyon sa mga pangunahing sektor ng Navotas.

Sa kanyang talumpati, binalikan ni Mayor John Rey Tiangco ang mga simpleng simula ng lungsod at ang pagbabago nito mula sa isang bayan ng pangingisda patungo sa isang maunlad na urban economy.

“There was a time when Navotas was known only for fish—our economy, identity, and life bound to the sea. But through the years, we have evolved into a diverse urban economy powered by trade, manufacturing, logistics, and services,” ani alkalde.

“At the heart of it all is the Navotas Fish Port Complex, the largest in the country, supplying over 70% of Metro Manila’s fish,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Mayor Tiangco na ang Navotas Economic Roadmap ay nakabatay sa limang pangunahing haligi: blue economy, cold chain corridor, paggawa ng barko, smart industry zones, at digital transformation na lahat ay layong isulong ang pagpapanatili ng paglago at iposisyon ang Navotas bilang isang modernong industrial hub.

Ipinagmalaki din niya ang mga mahahalagang proyekto na sinimulan ng lungsod tulad ng mga bagong paaralan, pinahusay na mga kalsada, flood control systems, ang Navotas Convention Center, Navotas Polytechnic College, Navotas feeder line mula C3 hanggang Centennial Park, at ang Skyway extension mula 5th Avenue hanggang R10, na kapwa suportado ng lokal at pambansang pondo.

Pinondohan din ng pribadong sektor ang shore protection dike sa pagkontrol ng baha at isang access road patungo sa New Manila International Airport at Barangay Tanza 1 at Tanza 2, na magbubukas ng mga bagong gateway para sa komersyo at kalakalan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang lumalaking estratehikong kahalagahan ng lungsod at ang mahalagang papel ng mga negosyo sa pag-angat ng mga lokal na kabuhayan.

“Navotas will soon be geographically positioned between the New Manila International Airport and the shipping ports. Instead of being at the edge of Metro Manila, we will become a center of economic activity. That is what we are preparing for,” pahayag niya.

“It is vital for businesses to thrive because true progress happens when people have jobs. We are doing our best to strengthen enterprises in Navotas,” dagdag niya.

Tampok sa conference ang mga natatanging panauhin, kabilang sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) Gen. Manager Atty. Glenn Pangapalan, at motivational speakers na sina Bo Sanchez at Lloyd Luna. (Richard Mesa)

700 miyembro ng Parañaque IATF tutok sa Undas 2025

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA 700 tauhan ng Parañaque Inter-Agency Task Force Oplan Undas 2025 ang ipinakalat sa lungsod sa iba’t ibang sementeryo sa paggunita ng Undas 2025, ayon kay Mayor Edwin Olivarez.

Ang Manila Memorial Park, Loyola Memorial Park, Parañaque Catholic Cemetery, at Himlayang Palanyag, ay apat na pa­ngunahing sementeryo na tututukan ng inter-agency task force ng lungsod para sa Oplan Undas 2025 para sa seguridad at pamamahala ng trapiko, public assistance at pagpapanatili ng kalinisan.
Ang inter-agency task force ay binubuo ng 392 miyembro ng Philippine National Police (PNP) personnel, 100 tauhan ng Traffic and Parking Management Office (TPMO), 150 mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at 29 mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Karagdagan o force multipliers ang itinalaga naman na tauhan mula sa 16 na barangay.
Ipinaaalala rin na bawal sa semen­teryo ang pagdadala ng firearms at bladed weapons; alcoholic ­beverages; sound systems na malalakas, iligal na droga, flammable items, baraha at iba pang gamit sa pagsusugal at mga alagang hayop, maliban sa Loyola Memorial Park, na may pansariling alituntunin sa pagdadala ng alagang hayop.

Kaligtasan ng mga estudyante sa loob ng kanilang classrooms, pinasisiguro ng mambabatas

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa mas ligtas na classrooms, hinikayat ng isang mambabatas ang Department of Education, Commission on Higher Education, at DPWH na iimprove ang kanilang regulatory minimum standards sa design, specifications, construction, and safety ng classrooms at school buildings.

Ayon kay BH Partylist Rep. Robert Nazal, dapat siguruhing matatag ang mga classrooms at school buildings para kayanin ang pagtama ng bagyong may signal No. 4, Magnitude 8 na lindol at matinding pagbaha.
Tanging mga magagling at propesyunal na builders ang dapat pagkatiwalaang gumawa ng mga pasilidad kung saan nag-aaral ang mga bata at nagtatrabaho ang mga guro.
“Hindi dapat sa mga under-capitalized proprietorships at kumpanya ina-award ang kontrata,” anang mambabatas.
Maaari ring iimprove ang National Structural Code of the Philippines.
Magagawa ito nsng hindi na kailangang magpasa ng batas.
Ilang contractors, lalo na ang mga nagtatayo ng high-rise condominiums ay maaaring magpatupad ng mas mataas na standards kumpara sa minimum standards of law and regulations.
“Dapat itaas ng DepEd at CHED ang kanilang standards. Ipagkatiwala lamang sa mga pinakamahusay at may kredibilidad na contractor sa pribadong sektor ang paggawa ng mga silid-aralan. Huwag ibigay sa DPWH o sa mga fly-by-night na contractors gumagamit ng maliliit na pako at turnilyo sa bubong at bintana. Lalong huwag sa mga contractor na gumagamit ng malabnaw na semento, maninipis na bakal, at marurupok na yero para sa mga pader, sahig, bubong, at pundasyon,” dagdag pa ng kongresista.
Bistado sa inspection ng DepEd at DPWH na napakababa ng kalidad ng pagkakagawa ng ilang nasirang silid-aralan at gusali.
Marami sa mga ito ang bumigay dahil sa lindol, baha, at malalakas na bagyo.
Kitang-kita rin aniya ang kawalan ng maayos na drainage at perimeter protection laban sa pagbaha.
(Vina de Guzman)

Traffic advisory sa Maynila ngayong Undas 2025

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang mga ilang kalsada na pansamantalang isasara at re-routing ng mga sasakayan upang mapanatili ang kaayusan sa pagdiriwang ng Undas 2025.
Ayon sa MTPB, isasara ang mga nabanggit na kalsada alas-10:00 ng gabi ng October 30, 2025 hanggang alas-7:00 ng gabi ng Nobyembre 3, 2005.
Kabilang sa mga isasara ang kahabaan ng Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang Aurora Blvd.; kahabaan ng Dimasalang mula Retiro St. hanggang Calavite St.; kahabaan ng Maceda mula Makiling St. hanggang Dimasalang St.; Southbound Lane ng Dimasalang Bridge; Aurora Blvd. mula Felix Huertas Rd. hanggang Matandang Sora (Chinese Cemetery South Gate).
Kabilang naman sa isasagawang re-routing ng mga sasakyan kung saan lahat ng mga sasakyan na manggagaling mula sa Dimasalang Road na gagamit ang Blumentritt Road ay liliko pakanan sa Makiling Street patungo sa pupuntahan.
Lahat ng mga sasakyan na manggagaling mula Quezon City na dadaanan ang A. Bonifacio Ave. ay liliko pakaliwa sa Labo St. patungo sa pupuntahan habang ang lahat ng sasakyan na manggagaling sa Maceda St. na dadaan sa Dimasalang St. o sa Retiro St. ay liliko pakanan sa Makiling St. patungo sa pupuntahan.
Kabilang naman sa mga inilaan na mga parking areas ang P. Guevarra St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.; F. Huertas St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd. at Oroquieta St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.
Ang pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay maaring magbago base sa sitwasyon ng trapiko.
Magsasagawa naman ng field inspection si Manila Mayor Isko Moreno sa Manila North Cemetary. (Gene Adsuara)

BUONG PUWERSA NG BI, NAKAANTABAY PARA SA UNDAS

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

FULL force ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng paliparang internasyonal sa buong bansa ngayong darating na Undas, dahil inaasahang libu-libong biyahero ang magtutungo sa iba’t ibang destinasyon upang samantalahin ang mahabang weekend.
Sinabi ng BI na inaasahan nilang dadagsa ang mga pasahero sa mga pangunahing paliparan simula Biyernes hanggang sa susunod na linggo kasunod ng pagdedeklara and October 31 bilang special non-working holiday.
Tiniyak ng BI ang maayos na pagproseso ng mga dumarating at umaalis na pasahero.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nagpadala na ang ahensya ng karagdagang tauhan at nagpatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga pasahero sa kabila ng inaasahang pagdami ng mga biyahero.
“Ang aming mga opisyal ay magtatrabaho nang round-the-clock upang tugunan ang dagsa ng mga pasahero ngayong Undas break,” ani Viado.
“Pinapayuhan namin ang mga biyahero na dumating sa paliparan nang hindi bababa sa tatlong oras bago ang kanilang biyahe upang makaiwas sa pagkaantala.”
Pinaalalahanan din ni Viado ang publiko na asahan ang ilang pila sa mga immigration counters dahil sa dami ng pasahero, ngunit tiniyak niyang mananatiling maayos at mabilis ang proseso.
Dagdag pa niya, bagama’t may mga isinasagawang airport improvement works na maaaring bahagyang makaapekto sa galaw sa ilang terminal, magpapatuloy pa rin ang normal na operasyon.
“Mahigpit kaming nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng paliparan upang matiyak na sa kabila ng mga konstruksyon at facility upgrades, tuloy-tuloy pa rin ang aming serbisyo,” sabi ni Viado.
“Humihiling kami ng pang-unawa at pasensya ng publiko dahil ang mga proyektong ito ay para mapabuti pa ang kabuuang karanasan ng mga pasahero sa paliparan.”
Hinikayat din ng BI ang mga biyahero na bisitahin ang Facebook.com/officialbureauofimmigration, kung saan regular na ina-upload ang mga update at larawan ng operasyon sa paliparan upang makatulong sa mga pasaherong gustong makita kung gaano ka-busy ang mga terminal bago sila pumunta.
(Gene Adsuara)

Pinas, kumpiyansa na makaka-attract ng mas maraming investments sa gitna ng APEC Summit 2025

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang Pilipinas na makapaghahatid ng mas maraming investments sa bansa ang 2025 APEC Summit sa Gyeongju, South Korea sa kabila ng usapin ukol sa korapsyon sa bansa.
Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapartisipa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Summit, nakasentro sa kalakalan at ekonomiya, mula October 30 hanggang November 2.
”Yes, these are opportunities for us to get more investments from the Republic of Korea,” ayon kay DFA spokesperson Angelica Escalona sa press briefing nang tanungin kung ang corruption scandal sa Maynila ay makaaapekto sa mga plano ni Pangulong Marcos na ligawan ang mga investors sa sidelines ng Summit.
Ani Escalona, nagkaroon ng interes ang Pilipinas pagdating sa economic aspect.
At nang tanungin naman si Escalona ukol sa 700-billion won o P28-billion infrastructure loan project sa Pilpinas na ipinag-utos ni President Lee Jae-Myung na itigil, sinabi ni Escalona na naplantsa na ang usaping ito.
”’Yung issue na ‘yun, ‘yung alleged loan, we consider that a closed matter. The Republic of Korea has issued a clarification on this at sinabi na rin ng Korea, they reassured us of their support for advancing development cooperation with the Philippines,” ang sinabi ni Escalona.
Sa kabilang dako, inaasahan naman na magkakaroon ng mga miting si Pangulong Marcos sa mga business leaders sa sidelines ng APEC Summit.
Magkakaroon din siya ng ‘meet and greet’ sa Filipino community sa Busan.
Ani Escalona, mayroong 70,000 na mga Filipino sa South Korea, kung saan 42,000 ay pawang mga overseas Filipino workers. ( Daris Jose)

ASEAN, China lumagda sa free trade upgrade protocol

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina ang ASEAN-China Free Trade Agreement (ACFTA) 3.0 Upgrade Protocol.
Isinagawa ang paglagda sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Meetings at sinaksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Chinese Premier Li Qiang, at iba pang ASEAN leaders.
Sinabi ng Malakanyang na ang upgrade “reflects the shared commitment of ASEAN and China to deepen regional integration and promote sustainable and inclusive growth across the region.”
Ang ACFTA, unang ipinatupad noong 2010, ay unang trade deal na nilagdaan ng ASEAN kasama ang external partner at nagsimulang lumikha ng isa sa pinakamalaking free trade zones sa buong mundo.
Ang orihinal na saklaw ng kasunduan ay “kalakalan sa goods, rules of origin, customs procedures, trade facilitation, standards and technical regulations, sanitary and phytosanitary measures, services, investment, at economic and technical cooperation.”
Ang nilagdaang protocol ay nagdaragdag ng guidance sa ‘competition at consumer protection, digital and green economies, supply chain connectivity, at micro, small and medium enterprises participation.’
Samantala, nilagdaan nina Malaysian Minister of Investment, Trade, and Industry Senator Tengku Datuk Seri Utama Zafrul Tengku Abdul Aziz at China’s Minister of Commerce, Wang Wentao ang upgraded deal.
Matapos ang signing ceremony, ang dokumento ay pormal na iniabot kay ASEAN Secretary General Kao Kim Hourn.
( Daris Jose)

Edgar Wright? Check. Glen Powell? Yes, please! Stephen King? Of course! Check out more reasons to watch “THE RUNNING MAN”

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Running Man, starring Glen Powell and directed by Edgar Wright, based on Stephen King’s novel, is opening on November 12 in Philippine cinemas.
“I’m definitely fired up about it,” said Powell in a behind-the-scenes featurette.
Ahead of the film’s opening day, read on for reasons not to miss The Running Man.
The Running Man is based on a novel by Stephen King
First published under King’s pseudonym Richard Bachman in 1982, The Running Man is an action-packed thriller set in a then near-future dystopian America (2025!) where the economy is in ruins, violence has become a way of life, and power is held by the very greedy, wealthy few. Just like in the source material, this year’s film adaptation, which King co-executive produces, The Running Man tells the story of Ben Richards (Powell), a working-class father desperate to save his sick daughter and is then forced to join the top-rated show on television – The Running Man, a deadly competition where contestants, known as Runners, must survive 30 days while being hunted by professional assassins, with every move broadcast to a bloodthirsty public and each day bringing a greater cash reward. However, Ben’s defiance, instincts, and grit turn him into an unexpected fan favorite – and a threat to the entire system.
Watch the trailer: https://youtu.be/85sWo8ppvHM

Edgar Wright, whose filmography includes the well-loved Scott Pilgrim vs. the World, Shaun of the Dead, and Baby Driver, directed and co-wrote The Running Man movie
As a fan of Stephen King and of the novel itself, Wright made it a mission for his adaptation to be as faithful to the novel as possible. At the recent New York Comic Con, Wright joked that filming a faithful movie adaptation to The Running Man, where main protagonist Ben Richards plays the world’s deadliest game of hide-and-seek, running from city to city to escape his hunters, was exhausting.
“But I’m proud of it,” he said. “It’s an expansive movie that was ambitious.” Wright also got the highest stamp of approval he could possibly get as a fan himself – from Stephen King. Shared Wright, “In an email [Stephen King] said, ‘It’s more faithful to the book to keep the fans happy, but different enough to keep me on my toes and excited.’”

Glen Powell leads his first action movie
And how! Ben Richards is a very angry man. But in the hands of Powell, Ben is angry but funny and relatable. In terms of action, Ben learned from quite a roster of action heroes. He was part of the ensemble cast of The Expendables 3, starring alongside Sylvester Stallone, Jason Statham, Jet Li, Wesley Snipes, Dolph Lundgren and Arnold Schwarzenegger, who played Ben Richards himself in the 1987 movie adaptation of The Running Man. And when it comes to action scenes with a lot of running, Powell learned from the best: his Top Gun: Maverick co-star Tom Cruise. During a fun red carpet moment with his Running Man co-stars, Wright and Cruise at Cinema Con in April, Powell said, “I will say that all of my running technique did come straight from Tom.”

Josh Brolin and his fellow bad guys are villains having a lot of fun
Brolin has famously played a villain before, but in The Running Man, his ruthless Network producer Dan Killian is so charming it’s not surprising that he was able to convince Ben to sign up – though begrudgingly and rather angrily – for the very dangerous Running Man game. And he’s not the only one. As the host and main visual for the Network’s games, Colman Domingo’s Bobby Thompson is the very definition of showmanship. And then there’s Lee Pace’s McCone, the masked muscle, lead hunter and executioner who seems to always be one step ahead of Ben.

Michael Cera and William H. Macy play brief but very memorable roles
Their screen times are brief but William H. Macy and Michael Cera (who previously worked with Wright in Scott Pilgrim vs. the World) play characters that are essential to Ben Richards’s survival and could potentially be fan favorites.

A near-future dystopian world that is both fascinating and familiar
In the film, there are fascinating futuristic aspects in the world inhabited by Richards and Killian but it’s all still rooted in today’s reality, making the movie feel familiar, relatable and relevant. The Running Man movie is not set in any specific time in the future, but Wright describes it as retro-futuristic, “a feeling like it’s both in the future and in the ’80s as well, in the spirit of the book.”
Get ready for the hunt to begin when The Running Man opens, only in cinemas, November 12. #RunningManMovie(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Destiny niya na mag-compete sa ‘Miss Universe’: AHTISA, pinayuhan ni SHAMCEY na ‘wag masyadong ma-pressure

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SHARE ng words of advice si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup kay Ahtisa Manalo na siyang mag-represent ng ating bansa sa upcoming Miss Universe pageant in November sa Thailand.
Si Shamcey ang kasalukuyang Miss Universe Philippines National Director.
“Huwag ka lang masyadong ma-pressure. I know a lot of fans love you, and because we love you, they will really try to push you. But I hope you take it positively.
“Not every girl will have that same kind of support. This is once in a lifetime so I hope you make the right decisions, and you stick with it no matter how many people will say don’t do this. Kung ano ang nasa puso mo, gawin mo,” sey ni Shamcey sa send-off party ni Ahtisa.
Naging first runner-up si Ahtisa sa Miss International 2018. After six years ay sumali ito sa Miss Universe PH in 2024 at naging Miss Cosmo PH siya. Sa pagsali niya ulit this year, natupad ang dream niyang mag-compete sa Miss Universe pageant.
Ayon kay Shamcey, destiny iyon ni Ahtisa: “I do believe that there’s destiny. The destiny awaits you. You just have to be ready to grab it. So you do what you can do, the other half, you leave it to fate. I am really, really happy that you tried again.”
***
INAMIN ni Rachel Alejandro na marami siyang hindi nagawa para sa amang si Hajji Alejandro noong nagkasakit ito.
“‘Yung parang I just wanted him to tell me, ‘Ano ‘yung mga bilin mo?’ Kasi at the end, you want for him to, I wanted him to tell me what he wanted and of course, a lot of it had to do with kung gusto ba niyang to go back to the hospital.
“Sinabi niya na gusto na lang niya nasa bahay na lang siya, ayaw na niyang magpagamot and of course, I wanted, it was the hardest kasi gusto ko siyang lumaban sana,” sey niya.
Pero nagdesisyon na noon ang kanyang ama na manatili na lang sa bahay at sumailalim sa palliative care, isang specialized medical approach kung saan nakatuon ang pansin sa pagpapaganda ng quality of life ng isang taong may malubhang sakit.
Pag-amin ng singer na hindi na niya nasabi sa ama ang gusto niyang mangyari dahil bilang respeto at pagmamahal dito, sumunod na lang niya ang mga gusto nito.
***
NAGKAROON na ng first public appearance as a couple sina Katy Perry at former prime minister of Canada Justin Trudeau.
Perry and Trudeau attended a cabaret show at the Crazy Horse Paris last Oct. 25.
Nitong nakaraang summer lang unang nakitq sina Perry and Trudeau na nagde-date sa Montreal, Canada.
Pareho naman silang single. Naghiwalay na si Katy sa ex-fiancé nitong si Orlando Bloom last June. Si Trudeau ay separated na sa wife niyang si Sophie Grégoire noong 2023 pa.
Perry is currently touring the globe as part of her Lifetimes Tour, in support of her latest album, 143.

(RUEL J. MENDOZA)

After na mag-react ni Raymart sa mga pangit na isiniwalat: MARJORIE, naglabas ng saloobin sa nakagugulat na rebelasyon ng ina

Posted on: October 31st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS na basagin ni Raymart Santiago ang kanyang katahimikan sa lahat ng mga pangit na isiniwalat ng ina ni Claudine Barretto na si Inday Barretto laban sa kanya, ang anak ni Inday na si Marjorie Barretto naman ang naglabas ng kanyang saloobin sa pamamagitan pa rin ng Instagram account.
Bilang isang anak, ramdam namin ang sakit na pinagdadaanan ni Marjorie. Kung susumahin ang mahabang IG post ni Marjorie, madaling sabihin na tila kasinungalingan ang mga sinabi ng kanilang ina sa naging exclusive interview kay Ogie Diaz.
Bongga yung statement ni Marjorie na “I was shocked to learn that she and I were supposedly not on good terms, when we were just together every day, from that one day in the hospital to my brother’s three-night wake and his inurnment.
“Was I not taking my mom home from the wake? Was I only dreaming that we were talking, hugging, and comforting each other?”
Sabi pa rin niya na obviously, ang tinutukoy na ‘youngest child’ ay si Claudine, “Was this really necessary to drag our grieving, non-showbiz family members into a new scandal while everyone is still mourning my brother’s sudden death?
“Or am I once again damage control? The Mission: Destroy Marjorie—to make the youngest child look good and clean.”
Katulad ng ani Raymart, binigyang-diin din ni Marjorie sa kanyang statement na kasinungalingan ang mga naging pahayag ng ina laban sa kanya.
Aniya, “This Part 2 interview was just as false, unfair, and destructive as my moms Part 1 interview about Raymart. God is all-knowing. God is watching.
“My mom said I was strong-willed – in a bad way. Mom, I should not be punished and insulted for being strong-willed.”
Sa kabila ng lahat, sinabi pa rin ni Marjorie na, “Mom, I want you to know that I love you. And I have learned to accept whatever kind of love you can give me.”
Kaya lang din daw siya nagsalita o nag-post na ay dahil kailangan niyang klaruhin ang lahat dahil siya ang misunderstood.
“And when someone close to you distorts the truth in a very public way, it creates an ache that my silence cannot hold anymore.”
In fairness, binasa namin ang mga nag-reply sa post na ito ni Marjorie. Walang-duda na nasa kanya ang suporta at simpatiya ng mga kaibigan niyang celebrities tulad nina Karla Estrada, Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla, Isabel Oli, Jenny Miller at iba pa.
Lalo na ang mga anak niyang sina Julia, Dani at Leon Barretto.
***
ILANG araw pa lang halos ang mga bagong housemates sa loob ng Bahay ni Kuya para sa ‘PBB Celebrity Collab Edition 2.0’, pero ilan na sa kanila ang naglabas ng mga bubog na dala-dala nila.
Tinawag nila itong multo ng buhay nila dahil na rin sa nalalapit na Halloween. Isa sa mga housemate na nagpaluha rin sa mga kapwa niya housemates ay si Rave Victoria.
Si Rave ang tinatawag na “Optimistic Apo ng Tarlac” at napag-alaman din namin na isa rin pala sa mga talent ng Triple A Management. At base sa ibinahagi ni Rave, bagay nga sa kanya ang title na binigay sa kanyang “optimistic.”
Aniya, “’Yung kapatid niya, saka Lolo ko, pumunta sila ng Korea dahil ikakasal na ang Mama ko at hindi nila ‘ko sinama.
“Alam n’yo yung feeling na gusto kong makapunta ro’n, maging happy para sa kanya. Wow Ma, na-achieve mo na ang buhay na gusto mo.
“Pero, may question sa akin na bakit hindi mo ako sinama? Wala naman akong gagawing masama.”
Kaya raw pinangako n’ya sa sarili na kapag siya ay nagkaroon na ng pamilya, hinding-hindi niya ito gagawin. Na habang bata pa ang mga anak niya, papanoorin niyang lumaki at ipapadama niya ang pagmamahal niya.
Kahit sa Twitter ay maraming nag-post at naantig sa kuwentong ito ni Rave. At bukod dito, isa rin siya sa itinuturing na “green flag” among the housemates.
Pero siyempre, mahaba pa ang journey nila at nagkakaalaman talaga ng mga totoong karakter habang tumatagal.

(ROSE GARCIA)