• June 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After na mag-react ni Raymart sa mga pangit na isiniwalat: MARJORIE, naglabas ng saloobin sa nakagugulat na rebelasyon ng ina

PAGKATAPOS na basagin ni Raymart Santiago ang kanyang katahimikan sa lahat ng mga pangit na isiniwalat ng ina ni Claudine Barretto na si Inday Barretto laban sa kanya, ang anak ni Inday na si Marjorie Barretto naman ang naglabas ng kanyang saloobin sa pamamagitan pa rin ng Instagram account.
Bilang isang anak, ramdam namin ang sakit na pinagdadaanan ni Marjorie. Kung susumahin ang mahabang IG post ni Marjorie, madaling sabihin na tila kasinungalingan ang mga sinabi ng kanilang ina sa naging exclusive interview kay Ogie Diaz.
Bongga yung statement ni Marjorie na “I was shocked to learn that she and I were supposedly not on good terms, when we were just together every day, from that one day in the hospital to my brother’s three-night wake and his inurnment.
“Was I not taking my mom home from the wake? Was I only dreaming that we were talking, hugging, and comforting each other?”
Sabi pa rin niya na obviously, ang tinutukoy na ‘youngest child’ ay si Claudine, “Was this really necessary to drag our grieving, non-showbiz family members into a new scandal while everyone is still mourning my brother’s sudden death?
“Or am I once again damage control? The Mission: Destroy Marjorie—to make the youngest child look good and clean.”
Katulad ng ani Raymart, binigyang-diin din ni Marjorie sa kanyang statement na kasinungalingan ang mga naging pahayag ng ina laban sa kanya.
Aniya, “This Part 2 interview was just as false, unfair, and destructive as my moms Part 1 interview about Raymart. God is all-knowing. God is watching.
“My mom said I was strong-willed – in a bad way. Mom, I should not be punished and insulted for being strong-willed.”
Sa kabila ng lahat, sinabi pa rin ni Marjorie na, “Mom, I want you to know that I love you. And I have learned to accept whatever kind of love you can give me.”
Kaya lang din daw siya nagsalita o nag-post na ay dahil kailangan niyang klaruhin ang lahat dahil siya ang misunderstood.
“And when someone close to you distorts the truth in a very public way, it creates an ache that my silence cannot hold anymore.”
In fairness, binasa namin ang mga nag-reply sa post na ito ni Marjorie. Walang-duda na nasa kanya ang suporta at simpatiya ng mga kaibigan niyang celebrities tulad nina Karla Estrada, Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla, Isabel Oli, Jenny Miller at iba pa.
Lalo na ang mga anak niyang sina Julia, Dani at Leon Barretto.
***
ILANG araw pa lang halos ang mga bagong housemates sa loob ng Bahay ni Kuya para sa ‘PBB Celebrity Collab Edition 2.0’, pero ilan na sa kanila ang naglabas ng mga bubog na dala-dala nila.
Tinawag nila itong multo ng buhay nila dahil na rin sa nalalapit na Halloween. Isa sa mga housemate na nagpaluha rin sa mga kapwa niya housemates ay si Rave Victoria.
Si Rave ang tinatawag na “Optimistic Apo ng Tarlac” at napag-alaman din namin na isa rin pala sa mga talent ng Triple A Management. At base sa ibinahagi ni Rave, bagay nga sa kanya ang title na binigay sa kanyang “optimistic.”
Aniya, “’Yung kapatid niya, saka Lolo ko, pumunta sila ng Korea dahil ikakasal na ang Mama ko at hindi nila ‘ko sinama.
“Alam n’yo yung feeling na gusto kong makapunta ro’n, maging happy para sa kanya. Wow Ma, na-achieve mo na ang buhay na gusto mo.
“Pero, may question sa akin na bakit hindi mo ako sinama? Wala naman akong gagawing masama.”
Kaya raw pinangako n’ya sa sarili na kapag siya ay nagkaroon na ng pamilya, hinding-hindi niya ito gagawin. Na habang bata pa ang mga anak niya, papanoorin niyang lumaki at ipapadama niya ang pagmamahal niya.
Kahit sa Twitter ay maraming nag-post at naantig sa kuwentong ito ni Rave. At bukod dito, isa rin siya sa itinuturing na “green flag” among the housemates.
Pero siyempre, mahaba pa ang journey nila at nagkakaalaman talaga ng mga totoong karakter habang tumatagal.

(ROSE GARCIA)