• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

It seems that everyone is after his chainsaw heart. Watch the new trailer for “Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc” 

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DIE a devil or live as a devil hunter. Your choice. The beloved anime from creator Tatsuki Fujimoto is making its big debut with Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc. Denji is back and trouble never seems to let up as he faces his deadliest battle yet.

Watch the new trailer: https://youtu.be/dIFsoVPj-KU

Need a refresher? We’ve got just what the devil hunter ordered. Here;s a series recap to get you up to speed on the action: https://youtu.be/LtcRNLgEKG4

It’s about to get wild as Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc opens in Philippine cinemas on September 24.

About Chainsaw Man – The Movie: Reze Arc:

For the first time, Chainsaw Man slashes his way onto the big screen in an epic, action-fueled adventure that continues the hugely popular anime series. Denji worked as a Devil Hunter for the yakuza, trying to pay off the debt he inherited from his parents, until the yakuza betrayed him and had him killed. As he was losing consciousness, Denji’s beloved chainsaw-powered devil-dog, Pochita, made a deal with Denji and saved his life. This fused the two together, creating the unstoppable Chainsaw Man. Now, in a brutal war between devils, hunters, and secret enemies, a mysterious girl named Reze has stepped into his world, and Denji faces his deadliest battle yet, fueled by love in a world where survival knows no rules.

Based on the original work “Chainsaw Man” by Tatsuki Fujimoto (Serialized in Shueisha’s “Shonen Jump+”)

Directed by:  Tatsuya Yoshihara , Screenplay by:  Hiroshi Seko, Production by:  MAPPA.

 
(ROHN ROMULO)

Nagbibigay ng awareness sa mga tao: MICHAEL V, bentang-benta sa panggagaya kay SARAH DISCAYA

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IBA ang sigaw ng mga tao ngayon nang ipakilala si Michael V bilang isa sa mga “reader” sa ginanap na book launching ng National Artist na si Ricky Lee sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center.
Walang duda na very much aware ang mga Pinoy, kasabay ang damdamin sa isyu ng flood control at ng Discaya couple.
Hindi naman naka-parody si Bitoy nang humarap sa book launch ni Sir Ricky, pero habang binabasa niya ang ilanh excerpt sa isa sa mga pelikula ng National Artist, nakakahirit siya at talagang bentang-benta sa lahat.
Nai-segueway at nai-promote n’ya tuloy na manood na lang daw ng ‘Bubble Gang’ sa Linggo at kilalanin si Ciala Dismaya.
Hindi na bago kay Bitoy ang gumawa ng parody, pero itong panggagaya niya kay Sarah Discaya ay hindi plinano, pero may clamor kasi ang tao.
Sabi nga niya, “actually, ayoko na nga sana na mag-mujer, pero wala e, magkamukha kami, maraming nag-aabang.”
Nakikita raw ni Bitoy na posibleng ang ginagawa niya rin ngayon ay mas magbigay ng awareness sa mga tao.
***
IMPOSIBLENG hindi alam ng karamihan ang ilan sa mga hit songs ng bandang Freestyle, ilan sa mga ito ang “Before I Let You Go,” at “So Slow” na parehong komposisyon ng original member na si Top Suzara.
Well, majority rin naman talaga ng kanta ng Freestyle, si Top ang nagsulat and at the same time, vocalist ng grupo.
For a while ay medyo lie-low ang banda, may ilang taon din na nawala si Top, pero muling nagbalik. At ngayon nga, they’re five band members. Aside from Top, nandiyan din sina IJ Garcia, Ian Tan, Bouy Manalo at Gibson Viduya.
Sa September 19, magkakaroon muli ng concert via “It’s About Time” sa Newport Performing Arts ang Freestyle. Isa sa sure guest na ng banda ay ang Neocolors.
Sa mga hindi nakakaalam, ang Freestyle ay nabuo, nagsimula sa Davao noong 1996, naalala namin sa kanila ang sikat ngayong banda, ang Cup of Joe na sa Baguio naman nagsimula.
Pareho silang naka-crossover ng bongga ng mainstream, pero ang kaibahan ng Freestyle noon, wala pang social media o internet.
(ROSE GARCIA)

OVP, nilinaw ang isyu ukol sa hindi natuloy na pagdinig ng Kamara sa kanilang pondo

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABAS ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay ng mga lumalabas na ulat tungkol sa hindi natuloy na pagdinig sa kanilang panukalang budget.
Ayon sa OVP, ang Kamara ang tumanggi sa delegasyon na pinangunahan ng isang Assistant Secretary.
Bagamat senior official ito bilang presidential appointee, iginiit ng Kamara na dapat ay isang Undersecretary ang dumalo, alinsunod sa tradisyon.
Noong alas-10:07 ng umaga ng Setyembre 12, ipinaalam sa budget sponsor na ang Bise Presidente mismo ang dadalo sa pagdinig bilang kapalit ng Undersecretary.
Sa halip na ituloy ang pagdinig, pinili ng sponsor na ipagpaliban ito.
Inatasan din ang OVP delegation, kabilang ang pangalawang pangulo, na huwag nang tumuloy sa Kamara.
“For the information of the public, it was the House of Representatives that declined to accept the OVP delegation led by the Assistant Secretary — who is a senior official by reason of the status as presidential appointee — citing House tradition and stating that an Undersecretary should attend. At 10:07AM of September 12, the budget sponsor was duly informed that the Vice President herself would attend the hearing in lieu of an Undersecretary. However, instead of proceeding with the hearing, the budget sponsor opted to defer it and instructed the VP and the OVP group not to go to the HOR,” pahayag mula sa OVP.
Nilinaw ng tanggapan na handa silang dumalo at ipagtanggol ang kanilang budget sa tamang forum.
Patuloy umano nilang igagalang ang proseso ng Kongreso at umaasang maipapaliwanag ang kanilang panukalang pondo sa susunod na pagdinig. (Daris Jose)

Duterte’not fit to stand trial’ – Kaufman

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
WALA na umanong maalala si dating Pangu­long Rodrigo Duterte tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay at limot na rin maging ang mga miyembro ng kanyang pamilya, ayon sa abo­gado niyang si Nicholas Kaufman.
Ayon sa public redacted na bersyon ng “Defense Request for an Indefinite Adjournment” na inilabas ng ICC noong Setyembre 11, sinabi ni Kaufman na ang 80-anyos na si Duterte ay wala ng kapasidad na ipagtanggol ang sarili. Hindi rin daw kayang iproseso ni Duterte kung bakit siya nakakulong.
“With his impaired memory and concomitant inability to retain new information or to recall events, places, timing or even members of his close family and defense team, Mr. Duterte is unable to fully understand the nature and implications of the  proceedings conducted against him,” sabi ni Kaufman.
Kahit pa mayroong medical o psychiatric intervention, inaasahang mananatiling “static” o mas lumubha pa umano ang lagay ng dating pangulo.
“[REDACTED] Mr. Duterte’s pathology clearly suggests that “a trial and continued detention… would also not serve the interests of justice”. In these circumstances, the pursuit of legal proceedings against a [REDACTED] incapacitated individual must be terminated,” dagdag ni Kaufman. ( Daris Jose)

Japan, hindi titigil sa pagbibigay ng murang big-ticket projects loan sa PH

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI ititigil ng gobyerno ng Japan ang pagbibigay ng murang halaga ng pautang sa big-ticket projects ng Pilipinas gaya ng mga tulay, spillway at sa maritime.
Tiniyak ito ng Japan sa gitna ng imbestigasyon sa mga maanomaliyang flood control projects kasama ng isinasagawang pagdinig ng Kongreso sa pondo sa Pilipinas.
Para mabusisi ang progreso ng infrastructure projects na pinondohan ng Japan, pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto ang delegasyon ng Pilipinas sa pakikipagkita kay Mori Masafumi, Special Advisor to the Prime Minister of Japan.
Kung saan ayon sa Japan envoy, pinagtibay ng naturang diskusyon ang patuloy na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa kabilang na ang malalaking infrastructure development, disaster prevention, information and communications, energy at Mindanao peace process. (Daris Jose)

Naka-move on na sa pagkatalo sa eleksyon: ARA, balik-trabaho na at busy sa kanilang business

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAKA-MOVE on na si Ara Mina matapos hindi magtagumpay sa eleksyon nitong Mayo kung saan tumakbo siyang konsehala sa Pasig.
Kaya naman back to normal na uli ang buhay niya at balik-trabaho na.
“Busy rin ako sa pag-aasikaso ng business ko,” pahayag pa niya.
Natanong namin kung ano ang next project niya… 
“Itutuloy na yung ‘Poon’, di ba kasama namin si Ms. Jaclyn Jose dun and Tito Ronaldo Valdez, natapos naman ni Tito Ronaldo yung scenes niya.
“Si Ms. Jaclyn the last time I spoke with her, may 2 days pa siya dapat.
“Actually, 1 day ako to 2 days yung natitirang shooting, so ngayon nag-resume na kami, nauna na yung mga bagets, kami nina Janice [de Belen] hindi pa kami nagshu-shoot.”
Horror film ang ‘Poon’ na mula sa direksyon ni Adolf Alix, kasama rin sina Lotlot de Leon, Ms. Gina Pareño, Allen Dizon, JC de Vera, Will Ashley, at Joao Constancia.
Ano ang role niya sa ‘Poon’?
“Magkakapatid kami nina Janice, Lotlot, tapos asawa ko si JC, so family namin yung nag-aalaga ng mga Poon.
“Si Will anak siya ni Janice ba or ni Lotlot? Ganun na katagal nag-stop yung film, nakalimutan ko na, ang anak ko dun si Joao, ang anak namin ni JC.”
Nahinto sila sa shoot ng ‘Poon’vat ngayon lang ulit sila nagpatuloy.
“Lalabas din ako sa Shake, Rattle & Roll, cameo role lang ako dun,” pagtukoy ni Ara sa entry ng Regal Entertainment, Inc. sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa Disyembre, ang “Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins.
“Okay naman,” ang sagot sa amin ni Ara nang kumustahin namin ang kanyang buhay-misis.
Mister ni Ara ang dating pulitiko na ngayon ay businessman mula sa Laguna na si Dave Almarinez.
Wala pa bang baby na “coming soon”?
“Wala pa e, kasi parang kapapayat ko lang,” at tumawa si Ara.
“Darating ‘yan pag ano, di ba?”
(ROMMEL L. GONZALES)

Kaabang-abang ang duet nila ni Jose Mari Chan: JADE, hangang-hanga sa maayos na pagpapalaki ni MARIAN kay ZIA

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISANG enchanting night of love ang matutunghayan at ihahatid ng RMA Studio Academy sa taunang konsiyerto na nagtatampok sa mga mahuhusay na estudyante at mga kilalang celebrity sa ikatlong pagkakataon.
Pinamagatan itong “That’s Amore, A Night At The Movies”, ang kaganapang ito ay naglalayong ipakita ang cinematic celebration of love sa mga musical performance.  Magaganap ito sa Nobyembre 9, 2025, sa Aliw Theater sa Pasay City.
Itatampok ang concert repertoire ng 25 mapang-akit na pagtatanghal na may kahanga-hangang mga production numbers, solos, at medleys na maingat na ginawa upang pukawin ang damdamin, ipagdiwang ang pagkukuwento, at bigyang-buhay ang tema ng pag-ibig sa entablado.
Asahan ang isang live orchestra na nagtatanghal ng mga timeless romantic hit kabilang ang “That’s Amore, A Night At The Movies” ni Dean Martin.  Ang mga mag-aaral ng RMA ay magkakaroon ng kanilang solo, duet, trio, at maramihang pagtatanghal na sinasabayan ng orkestra.
Hindi rin palalampasin ang espesyal na pagtatanghal ng RMA’s founder at Asia’s Jewel na si Jade Riccio, isa ang solo at duet kasama ang music icon at legendary singer na si Jose Marie Chan.  Kakantahin nila ang “Let Love Be the Gift” na kinompos mismo ni JMC at kasama sa second Christmas album niya na ‘Going Home to Christmas’.
Ang iba pang highlight ng concert ay ang inaabangang special performances ng RMA Celebrity Students na kinabibilangan nina Michelle Dee, Maymay Entrata, Rhian Ramos, Ina Raymundo, Pepe Herrera, Rain Celmar, Vivoree Esclito, John Arcenas, Renzo Jaworski, Jema Galanza, Imogen, Tali Sotto, Amari Sotto, Scarlet Snow Belo at Zia Dantes.
And speaking of Zia, natanong si Ms. Jade, kung paano niya napapayag ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sumama sa concert at mag-perform ng solo, sa ikalawang pagkakataon.
“After one year of doing sessions, here came the concert last year.  So, I asked Ms. Marian if she is okay included Zia at the concert,” kuwento ng magandang mang-aawit.
“But Marian is so so nice, and she asked Zia what she wanted  and she never tell what to do.
“Doon pa lang, sabi ko grabe nakapagaling niyang magpalaki ng anak.
“And when I heard Zia’s voice sabi ko kay Marian, your daughter will really go places.
“So, last year, I gave her a solo part which I think became viral, because it was everywhere. And you know, it inspired so many kids and parents as well.
“Everyone was surprised na ang ganda ganda pala ng boses ni Zia.  She’s a very hardworking student.”
Samantala, bago ang konsiyerto, magkakaroon ng “Amore Wall” kung saan maaaring isulat ng mga dadalo ang kanilang mga paboritong love quotes o mag-dedicate ng mga kanta na gusto nilang marinig.
Sa patuloy na adbokasiya ng RMA na baguhin ang buhay sa pamamagitan ng musika, bahagi ng kikitain ng konsiyerto ay ido-donate sa Autism Society of the Philippines (ASP).
Inaanyayahan ni Ms. Riccio ang lahat na magpakita ng pagmamahal at suporta sa paparating na konsiyerto na ito.
“I appreciate your support to our last year’s concert and I hope you will do the same this year,” pahayag ni Ms. Riccio.
Para sa impormasyon ng tiket at mga presyo, mangyaring bisitahin ang https://www.ticket2me.net/.
Para sa iba pang detalye tungkol sa musical extravaganza na ito, mangyaring makipag-ugnayan kay Ms. Veronica Ramos-Baun sa 0918-8133333 o magpadala sa kanya ng email sa vrbaun@jnbrandingconsultancy.com.
(ROHN ROMULO)

GOITIA, IPINAGTANGGOL ANG EXECUTIVE SECRETARY AT GABINETE

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGTANGGOL ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Executive  Secretary  Lucas Bersamin at Gabinete laban sa mga paratang ng katiwalian  at kapabayaan.
Aniya, malinaw ang katotohanan na ang mga nagbabatuhan ngayon ng sisi sa Malacañang ay sila ring may mabibigat na kasalanan ng katiwalian at kapabayaan.
Ayon kay Goitia, na sa gitna ng mga kontrobersiya ay si Bersamin , na dating Chief Justice ng Supreme Court ang may integridad at ang kanyang paglilingkod ay ginagabayan ng batas.
Ayon pa kay Goitia na dapat linisin  muna ng mga mambabatas ang kanilang sariling bakuran  bago magsagawa ng imbestigasyon.
Dagdag pa ni Goitia,  na  mahalaga ring panatilihin ang bisyon ni Pangulong Marcos Jr. para sa tapat at transparent na pamumuno at huwag hayaang mailihis ang atensyon ng publiko.
“Ang panawagan ni PBBM ay simple: tapat na pamumuno para sa sambayanang Filipino. Iyan ang isinusulong ng Executive Branch. Ang mga nagnanais na sirain ito ay hindi lamang humahadlang sa Pangulo—sila ay nagtataksil sa bayan,” ayon kay Goitia.
At sa laban na ito, pinagtitibay ni Goitia na ang Executive Secretary at ang Gabinete ay nananalig at lumalaban para sa katarungan, integridad at para sa sambayanang Filipino.
Si Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ABKD, PADER, LIPI, at FDNY Movement. (Gene Adsuara)

Caloocan Festiv-Aliwan 2025

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKITANG gilas ang mga estudyanteng Batang Kankaloo mula sa iba’t ibang paaralan ng Caloocan City sa kanilang mga talento suot ang makukulay na kasuutan na nagpapakita ng kultura sa turismo sa pagdaraos ng Festiv-Aliwan 2025 sa pangunguna ng City Cultural Affairs and Tourism Office na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Turismo. Personal naman silang binati ni Mayor Along Malapitan. (Richard Mesa)

Teves, pinayagang makapagpiyansa ng korte sa kasong murder

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Pinayagan ng Manila Regional Trial Court na makapagpiyansa si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sa isa sa mga kasong murder na kinakaharap nito.
Sa 29-pahinang kautusan na inisyu ng Manila RTC Branch 12 na may petsang Set­yembre 10, inaprubahan nito ang hiling ng kampo ni Teves na makapag­hain ng P120,000 na piyansa, kaugnay ng isa sa mga kinakaharap nitong kasong pagpatay sa hukuman.
Sa kabila nito, aminado ang kampo ng dating mambabatas na hindi pa rin ito makakalabas ng piitan dahil sa iba pang kasong kinakaharap nito.
Aminado naman ang legal counsel  ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi pa  makalalaya ang dating kongresista dahil may nakabinbin pang mga petisyon sa iba pa nitong kaso.
Napag-alaman na ang bail petition na ina­prubahan ng Manila RTC ay may kinalaman sa kasong pagpatay kay Lester Bato, bodyguard ni Basay mayoralty candidate Cliff Cordova noong Mayo 2019. ( Daris Jose)