GOITIA, IPINAGTANGGOL ANG EXECUTIVE SECRETARY AT GABINETE
- Published on September 14, 2025
- by @peoplesbalita
IPINAGTANGGOL ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Executive Secretary Lucas Bersamin at Gabinete laban sa mga paratang ng katiwalian at kapabayaan.Aniya, malinaw ang katotohanan na ang mga nagbabatuhan ngayon ng sisi sa Malacañang ay sila ring may mabibigat na kasalanan ng katiwalian at kapabayaan.
Ayon kay Goitia, na sa gitna ng mga kontrobersiya ay si Bersamin , na dating Chief Justice ng Supreme Court ang may integridad at ang kanyang paglilingkod ay ginagabayan ng batas.
Ayon pa kay Goitia na dapat linisin muna ng mga mambabatas ang kanilang sariling bakuran bago magsagawa ng imbestigasyon.
Dagdag pa ni Goitia, na mahalaga ring panatilihin ang bisyon ni Pangulong Marcos Jr. para sa tapat at transparent na pamumuno at huwag hayaang mailihis ang atensyon ng publiko.
“Ang panawagan ni PBBM ay simple: tapat na pamumuno para sa sambayanang Filipino. Iyan ang isinusulong ng Executive Branch. Ang mga nagnanais na sirain ito ay hindi lamang humahadlang sa Pangulo—sila ay nagtataksil sa bayan,” ayon kay Goitia.
At sa laban na ito, pinagtitibay ni Goitia na ang Executive Secretary at ang Gabinete ay nananalig at lumalaban para sa katarungan, integridad at para sa sambayanang Filipino.
Si Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ABKD, PADER, LIPI, at FDNY Movement. (Gene Adsuara)