• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbibigay ng awareness sa mga tao: MICHAEL V, bentang-benta sa panggagaya kay SARAH DISCAYA

IBA ang sigaw ng mga tao ngayon nang ipakilala si Michael V bilang isa sa mga “reader” sa ginanap na book launching ng National Artist na si Ricky Lee sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center.
Walang duda na very much aware ang mga Pinoy, kasabay ang damdamin sa isyu ng flood control at ng Discaya couple.
Hindi naman naka-parody si Bitoy nang humarap sa book launch ni Sir Ricky, pero habang binabasa niya ang ilanh excerpt sa isa sa mga pelikula ng National Artist, nakakahirit siya at talagang bentang-benta sa lahat.
Nai-segueway at nai-promote n’ya tuloy na manood na lang daw ng ‘Bubble Gang’ sa Linggo at kilalanin si Ciala Dismaya.
Hindi na bago kay Bitoy ang gumawa ng parody, pero itong panggagaya niya kay Sarah Discaya ay hindi plinano, pero may clamor kasi ang tao.
Sabi nga niya, “actually, ayoko na nga sana na mag-mujer, pero wala e, magkamukha kami, maraming nag-aabang.”
Nakikita raw ni Bitoy na posibleng ang ginagawa niya rin ngayon ay mas magbigay ng awareness sa mga tao.
***
IMPOSIBLENG hindi alam ng karamihan ang ilan sa mga hit songs ng bandang Freestyle, ilan sa mga ito ang “Before I Let You Go,” at “So Slow” na parehong komposisyon ng original member na si Top Suzara.
Well, majority rin naman talaga ng kanta ng Freestyle, si Top ang nagsulat and at the same time, vocalist ng grupo.
For a while ay medyo lie-low ang banda, may ilang taon din na nawala si Top, pero muling nagbalik. At ngayon nga, they’re five band members. Aside from Top, nandiyan din sina IJ Garcia, Ian Tan, Bouy Manalo at Gibson Viduya.
Sa September 19, magkakaroon muli ng concert via “It’s About Time” sa Newport Performing Arts ang Freestyle. Isa sa sure guest na ng banda ay ang Neocolors.
Sa mga hindi nakakaalam, ang Freestyle ay nabuo, nagsimula sa Davao noong 1996, naalala namin sa kanila ang sikat ngayong banda, ang Cup of Joe na sa Baguio naman nagsimula.
Pareho silang naka-crossover ng bongga ng mainstream, pero ang kaibahan ng Freestyle noon, wala pang social media o internet.
(ROSE GARCIA)