• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2025

UP studes, sumiklab ang galit sa korapsyon sa gobyerno

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
Nagpahayag ng galit ang nasa 2,000 estudyante ng University of the Philippines (UP) sa nangyayaring korapsyon sa pamahalaan partikular na sa flood control projects sa bansa na ipinakita sa isinagawang “Black Friday” protest kahapon.
Ayon kay University Student Council chairperson Joaquin Buenafalor, nakadidismaya ang malawakang korapsyon sa bansa dahil ang taumbayan ang siyang  lunod sa sistema.
Kabilang sa isinisigaw ng mga estudyante ay ang CAL Faculty Center, isang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanatiling hindi kumpleto pagkatapos ng mahigit 8 taon dahil sa umano’y katiwalian.
Bukod sa flood control projects, ikinagagalit din ng mga estudyante ang hindi maayos na social services ng pamahalaan tulad ng edukasyon at kalusugan.
“Definitely, lunod sa katiwalian habang nananatili ang control ng bureaucrat at capitalist sa ating pamahalaan. Habang nananatili ang control ng mga political dynasty, mananatiling baon o lunod sa korapsyon ang bansang Pilipinas.” pahayag ni Buenaflor.
Samantala, sa kabila nito, sinabi ni PNP Public Information Officer Chief BGen. Randulf Tuano na peaceful ang ikinasang kilos protesta mula pa nitong Huwebes at kahapon batay sa kanilang monitoring sa rally.
Una nang nagpahayag ng suporta ang UP Chancellor sa ‘Black Friday’ protest para kondenahin ang korapsyon sa gobyerno. ( Daris Jose)

Tiwala ng Pinoy kay Pangulong Marcos nanatiling matatag – RPMD

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PATULOY na nagtitiwala ang publiko kay Pres. Ferdinand Marcos Jr., batay sa pinakabagong resulta ng “Boses ng Bayan” nationwide survey na isinagawa nitong Setyembre 5–10.
Nakapagtala ang ­Pangulo ng 72% trust ra­ting, tumaas ng dalawang puntos, at 70% approval rating, na nagbigay ng Index of Governance (IOG) score na 71%.
Ipinaliwanag ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs ­Analyst at Executive Director ng RPMD Foundation Inc., na ang IOG ay bagong sukatan na ipinakilala ng RPMD upang pagsamahin ang trust at approval ratings, nagbibigay ito ng mas malinaw na larawan kung paano sinusukat ng taumbayan ang kredibilidad at pagganap ng kanilang mga lider.
Samantala, nakapagtala si Vice Pres. Sara Duterte ng 57% IOG (58% trust, 56% approval) na bahagyang bumaba mula sa nakaraang survey.
Si Senate President Francis Escudero ay nakakuha ng 51.5% IOG (53% trust, 50% appro­val), na nagpakita rin ng pagbaba.
Habang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay uma­ngat sa 62% trust at 65% approval, na nagtulak sa kanyang IOG score sa 63.5%. (Daris Jose)

Pedicab driver, 2 pa huli sa akto sa sugal, droga sa Valenzuela 

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ARESTADO ang tatlong katao kabilang ang isang drug suspect matapos maaktuhan ng pulisya na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento ang naarestong mga suspek na sina alyas “Vic”, 55, ng Brgy., Arkong Bato, alyas “Fred”, 60, pedicab driver at alyas “Lito”, 19, kapwa ng Brgy., Palasan.
Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Valenzuela Police Polo Sub-Station 5 na may naglalaro umano ng ilegal na sugal sa San Diego St., Brgy., Arkong Bato.
Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS5 at naaktuhan nila ang tatlong lalaki na abala umano sa paglalaro ng ‘cara y cruz’ dakong alas-3:15 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Nakumpiska sa kanila ang bet money, tatlong peso coins ‘pangara’ at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakuha kay alyas Vic.
Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at karagdagan na kasong paglabag RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa pa kay alyas Vic. (Richard Mesa)

No. 7, 9 most wanted person ng Valenzuela, timbog 

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SHOOT sa kulungan ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso ng pang-aabuso sa isang menor-de-edad matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation sa lalawigan ng Masbate at Valenzuela City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento na nagtatago sa lalawigan ng Masbate ang akusadong si alyas “Tony”, 35, na nakatala bilang No. 7 sa Ten Top Most Wanted Person sa Valenzuela City Police.
Kaagad nakipag-uganayan ang binuong team ni Col. Talento mula sa mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) at Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Mandaon MPS bago ikinasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado alas-3-15 ng hapon sa Brgy., Sampad, Balud, Masbate.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 172, Valenzuela City, para Lascivious Conduct and Section 5(b) of Republic Act 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, at Discrimination Act (4 counts) na may inirekomendang piyansa na kabuuang halaga na P760,000.
Samantala, dakong alas-2:35 ng hapon nang makorner naman ng pinagsanib na mga operatiba ng WSS at SIS sa joint manhunt operation ang No. 9 MWP na si alyas “Atong”, 22, sa Sta. Monica Compound 1, Brgy. Malinta ng lungsod.
Dinampot ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trail Court (RTC), Branch 270, Valenzuela City noong May 5, 2022 para sa paglabag sa Section 5 ng RA 7610 at Section 4 ng RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act) in relation to RA 7610 Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (3 counts) na may inalaang piyansa na P360,000. (Richard Mesa)

Kelot, kulong sa baril, robbery-extortion sa Caloocan 

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINELDA ang isang lalaki na nanghihingi ng pera sa isang babae kapalit ng hindi pagpost online ng kanyang mga pribadong larawan at videos matapos maaresto sa entrapment operation sa Caloocan City.
Hindi na nakapalag ang 39-anyos na suspek na si alyas “Bert”, nang dambahin ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Emmanuel Gomez, hepe ng Northern Police District–District Special Operations Unit (NPD-DSOU) makaraang tanggapin ang marked money mula sa 21-anyos na biktima na si alyas “Rose”.
Sa pahayag sa pulisya ng biktima, tinatakot umano siya ng suspek na i-post online ang kanyang mga pribadong larawan at videos kung hindi ito magbigay ng P5,000 at hindi pumayag na makipagtalik sa kanya.
Dahil dito, humingi ng tulong ang biktima sa pulisya kaya agad ikinasa ng mga tauhan ni Lt. Col. Gomez ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa isang Apartelle sa A. Mabini St., Maypajo, Brgy., 25 dakong alas-2:45 ng madaling araw.
Nasamsam sa suspek ang marked money, cellphone, at bag na naglalaman ng isang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala.
Sinampahan na ang suspek ng kasong Robbery-Extortion in relation to the Cybercrime Prevention Act (RA 10175) at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

DPWH EMPLOYEE, TIMBOG SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION NG PDEA

Posted on: September 14th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAARESTO ang isang empleyado ng gobyerno na kabilang sa talaan ng High-Value Target (HVT) sa ikinasang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO MIMAROPA – Regional Special Enforcement Team, katuwang ang PDEA Occidental Mindoro Provincial Office at ang Municipal Drug Enforcement Unit ng Mamburao Municipal Police Station noong Setyembre 12, 2025 sa Barangay Payompon, Mamburao, Occidental Mindoro.
Nasamsam mula sa suspek ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1 gramo at halagang Php6,800.00, batay sa Dangerous Drugs Board (DDB) value.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas Mike, 47 taong gulang, isang job order employee ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at residente ng Brgy. Tayamaan, Mamburao.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may parusang habambuhay na pagkakakulong.
Muling pinagtibay ng PDEA MIMAROPA ang kanilang matibay na paninindigan sa pagtugis sa mga lumalabag sa batas laban sa iligal na droga, anuman ang estado, at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas. (PAUL JOHN REYES)

TESDA-DepEd data sharing deal para mapabilis ang certification para sa SHS-TVL learners, pinapurihan

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINAPURIHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang data sharing agreement sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Department of Education (DepEd).
Dahil dito, mapapabilis aniya ang pagbibigay ng certification ng senior high school students sa ilalim ng technical-vocational-livelihood (TVL) track at magbubukas sa mas malawak na oportunidad para sa kanilang employment at paglago ng career.
“This partnership ensures that our SHS-TVL learners will suffer no delay in accessing TESDA’s assessments and services. With faster and more accurate certification, our graduates can more quickly pursue jobs or further studies, giving them a real head start in life,” ani Speaker Romualdez.
Iginiit nito na ang pagsasanib puwersa ng Assessment Schedules Information System (ASIS) ng TESDA sa Learners Information System (LIS) ng DepEd ay magtatanggal sa bottleneck sa pagtatakda at validation at magsisiguro na ang mga mag-aaral sa SHS-TVL ay agad na maassess at masesertipakahan.
“Sa pamamagitan ng kasunduang ito, masisiguro natin ang mas mabilis at mas may na proseso para makakuha ng TESDA certification na ang ating mga kabataang nasa TVL track. Ito ang magsisilbing susi upang mas marami sa kanila ang makahanap ng magandang trabaho o magpatuloy sa mas mataas na antas ng pagsasanay,” pahayag pa ni Romualdez.
Ang pahayag ng speaker ay kasunod sa paglagda nina TESDA Secretary Francisco Benitez at DepEd Secretary Sonny Angara ng kasunduan na pagsanibin ang kani-kanilang databases para sa mga TVL learners sa buong bansa.
Para naman matugunan ang isyu sa data privacy, winelcome din ni Romualdez ang kasiguruhang ibinigay na naglagay ang dalawang ahensiya ng data protection officers at nagpatupad na rin ng mahigpit na pamantanan kabilang na ang encryption, multi-factor authentication at breach notification protocols. (Vina de Guzman)

 DA, nakikitang mananatiling matatag ang presyo ng bigas sa kabila ng import ban

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na mananatiling nasa “controlled levels” o mas bumaba pa ang presyo ng retail rice sa panahon ng “ber” months sa kabila ng ipinatutupad na 60-day rice import ban na naging epektibo nitong Setyembre 1.
Winika ni Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na ang pansamantalang pagpapatigil ay hindi nagresulta ng anumang pagsipa sa market prices.
“Ang maganda rito, despite ‘yung import ban itong first two weeks, we’re not seeing a spike sa prices ng rice. It’s a very good indication,” ang sinabi ni De Mesa sa isang panayam.
Aniya pa, posible na mas bumaba pa ang retail prices, suportado ang pagtataya ng Philippine Statistics Authority’s (PSA) na deplasyon para sa bigas sa mga susunod na buwan.
“Possible iyon talaga plus ‘yung continuous effort of the department to promote the Rice for All plus and P20, you can really expect the prices to continue to go down,” aniya pa rin.
Sa kabila ng import ban, ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa 5% na broken imported rice ay nananatili sa P43 per kg.
“As of Sept. 10, the prices of premium imported rice in Metro Manila range from P42 to P52 per kg., while local premium rice is priced between P42 and P60 per kg., ” ayon sa Bantay Presyo ng DA.
Ang presyo ng imported ay mula P40 hanggang P50 per kg., habang ang local well-milled rice ay P38 hanggang P52 per kg.
Samantala, itinuturong dahilan ni De Mesa ang ‘rice deflation’ sa paglakas ng ani ng local palay (unhusked rice) at matatag na rice stock inventory sa bansa.
“The country’s rice inventory stood at 2.32 million MT in August, the highest for the month in a decade,” ang makikita sa data ng PSA.
Tinukoy pa rin ni De Mesa ang record ng pag-ani sa mga pangunahing rice-producing countries at mas mababang international rice prices bilang karagdagang dahilan na sumusuporta sa price stability.
( Daris Jose)

Pamamahagi ng Calamba City Social Pension, tuloy-tuloy hatid ni Mayor Ross H. Rizal

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TULOY-tuloy ang pamamahagi ng Calamba City Social Pension sa pangunguna ng butihing Mayor Ross Rizal para sa lahat ng minamahal na Senior Citizens.
Ngayong araw, nakapunta sila sa Brgy. Barandal (1276 beneficiaries) at Brgy. Bucal (1799 beneficiaries) upang personal na maihatid ang benepisyo.
Pahayag pa ni Mayor, “Huwag mag-alala mga kababayan, dahil may nakatakdang schedule rin sa inyong mga barangay sa mga susunod na araw. Lubos ang ating pasasalamat sa ating mga taxpayers—kayo po ang tunay na katuwang sa programang ito.”
( Boy Morales Sr.)

PH envoy, winelcome ang bagong tulong mula Estados Unidos

Posted on: September 13th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MALUGOD na tinanggap ng top envoy ng Pilipinas sa Washington ang probisyon ng karagdagang $250-million aid mula sa Estados Unidos para tulungan ang inisyatiba ang administrasyong Marcos ukol sa public health at tuberculosis prevention.
Sinabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez na ang ‘fresh funding’ ng Estados Unidos para sa Pilipinas ay pagbibigay-diin sa commitment nito na mas palakasin ang ugnayan sa long-time treaty ally sa lahat ng aspeto kabilang na ang kalusugan.
“This is another clear manifestation of the deep alliance we have with the United States especially after Pres. Marcos’ official visit to the United States last July where he and President (Donald) Trump established a strong personal working relationship,” ayon kay Romualdez.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni US Ambassador MaryKay Carlson na ipinakikita lamang ng bagong tulong na “the US is proud to stand with the Philippines as friends, partners, allies to build a safe, strong, prosperous future for our peoples.”
Ang hakbang ay matapos na inanunsyo ni US Secretary of State Marco Rubio noong Hulyo ang $63-million funding na naglalayon na pagtibayin at itaguyod ang ‘energy, maritime, at economic growth programs’ ng Pilipinas.
Ito ang kauna-unahang anunsyo ng US government ukol sa bagong foreign assistance para sa kahit na kaninumang bansa sa mundo simula ng magsimula ang second Trump administration.
Tinatayang may $15 million mula sa nasabing halaga ang magsisimulang gamitin para sa private sector development sa Luzon Economic Corridor, isang US-envisioned growth region sa Asya, na naglalayong itaas ang kalakalan at magtatag ng isang economic hub sa hilagang bahagi ng Pilipinas sa pamamagitan ng pangunahing imprastraktura at iba pang mahahalagang proyekto.
Sinabi pa ni Rubio na ang karagdagang $250 million na tulong ng Washington sa Pilipinas ay naglalayon at hangad na tugunan ang tuberculosis, maternal health at banta ng umuusbong na mga sakit. (Daris Jose)