• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

DOTr: Muling binuksan ang aplikasyon sa PUV consolidation

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang aplikasyon sa consolidation ng public utility vehicle (PUV) sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng pamahalaan.

     Nilagdaan ni DOTr Secretary Vince Dizon ang isang Department Order No. 2025-009 na nagsasaad na muling binubuksan ang aplikasyon sa consolidation at nagbibigay rin ang Order ng guidelines para sa mga individual na operators at drivers na hindi pa nagko-consolidate.

     “I signed DO No. 2025-009, which reopens the application for consolidation, and provides guidelines for individual operators and drivers who have not yet consolidated,” wika ni Dizon.

     Sa nasabing kautusan, ang mga public utility jeepney (PUJs) at UV Express operators na hindi pa nag consolidate o di kaya ay may pending na aplikasyon at “motion to accept consolidation” na may confirmed na units sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at may rehistro sa Land Transportation Office (LTO) ng taong 2023 o 2024 lamang ang nasasakupan nitong Order.

     Nagsimula ang programa noong 2017 kung saan naglalayon na ang PTMP ay palitan ang mga traditional jeepney ng at least ay Euro 4-compliant na makina upang mabawasan ang polusyon. Naglalayon din ang programa na palitan ang mga units na hindi na hindi na roadworthy.

     Ang isang modern jeepney unit ay nagkakahalaga ng P2 milyon na masyadong mahal na maski ang Land Bank at Development Bank of the Philippines (DBP) na siyang pinagkukunan ng pondo ay nagsabing masyadong mataas ang presyo para sa mga drivers at operators.

     Sa unang bahagi ng programa ay dapat ang mga consolidated na prangkisa ay kailangan magtayo ng isang korporasyon o di kaya ay kooperatiba.

     Noong April 30, 2024 ay nagkaron ng deadline para sa consolidation at ang mga unconsolidated na PUVs at ang hindi nakaabot sa deadline ay considered na colorum o wala ng prangkisa. Subalit muli itong binuksan noong October 15 hanggang November 29, 2024.

     Noong March 2025 ay nagpahayag si Dizon ng kanyang openness na magkaron ng mga pagbabago sa programa upang mapagbigyan ang mga kahilingan ng grupo sa transportasyon.

     “Absolutely, we’re open to changes. This time it would be different. We would open to changes because clearly there are some issues that need to be resolved,” wika ni Dizon.

     Sa ngayon ay may 86 porsiyento ng mga PUVs ang nag apply na sa consolidation bilang isang hakbang tungko sa pagpapatupad ng programa sa PTMP. Subalit may 40 porsiyento lamang ang nabibigyan ng approval.  LASACMAR

6 drug suspects, timbog sa drug den sa Valenzuela, P408K shabu, nasabat

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang high-value individual (HVI) drug pusher nang maaresto, kasama ang lima pa sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni P/Major Jeraldson Rivera, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang suspek na si alyas “Wangbu”, 38, residente ng lungsod.
          Ayon kay Major Rivera, positibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa illegal drug activities ni alyas Wangbu kaya ikinasa nila ang buy bust operation, katuwang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Sub-Station 3 ng Valenzuela City Police, sa koordinasyon sa PDEA.
          Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na hudyat na positibo na ang transaksyon, agad pinasok ng mga operatiba ng DDEU ang isang bahay sa Phase 2, Lahuerta, Brgy. Marulas saka dinamba ang suspek dakong alas-3:35 ng madaling araw.
          Kasama ring inaresto ng mga operatiba ng DDEU ang lima pang suspek na edad 34, 38, 33, 38, at 41, matapos maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa loob ng naturang bahay na ginagawa umanong drug den ni alyas Wangbu.
          Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 60 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P408,000, at buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang pirasong P1,000 boodle money at drug paraphernalias.
          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
“This accomplishment underscores the effectiveness of NCRPO’s AAA Strategy—Able, Active, and Allied—a holistic approach to reducing crime and combating illegal drug activities. By enhancing skills, proactive operations, and building strong community partnerships, NCRPO ensures seamless efforts to prevent crime and promote safer neighborhoods across Metro Manila,” ani Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director ng NCRPO. (Richard Mesa)

No auto-pass policy sa public schools- DepEd

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PATULOY na pinaninindigan ng Department of Education (DepEd) na walang “auto-pass” na polisiya na ipinag-uutos sa mga pampublikong paaralan.
Gayunman, binigyang diin DepEd Secretary Sonny Angara ang pangangailangan na ireporma ang ilan sa sistema ng para tugunan ang aktuwal na ‘learning gaps’ at tiyakin ang karunungang bumasa’t sumulat sa hanay ng mga mag-aaral sa mga pampublikong eskuwelahan.
“Wala pong policy ang DepEd na automatic na pagpasa sa mga estudyante,” ang sinabi ni Angara.
“Mass promotion isn’t a written rule, but it’s become a silent norm in some places. We want to change that.” dagdag na wika ng Kalihim.
Kabilang na rito ang mga kasanayan, gaya ng ‘incentive structures’ na nag-udyok sa kalakaran ng ‘mass promotion’.
“We have to admit, some features of our system we inherited may be putting quite pressure on schools and teachers to promote students. That’s something we are determined to correct,” ang tinuran ni Angara.
Binigyang diin din ni Angara na mas maraming “holistic” na tagapagpahiwatig ang ginagamit para sa performance-based evaluations.
“When school-level success is measured mainly by how many students move up, and when teachers feel that their evaluations and promotions depend on that too, then we can’t be surprised if the system bends in that direction,” anito.
Kabilang na rito ang “Performance, Process, Financial, at Citizen or Client Satisfaction Results.”
At para makatulong sa pagresolba na lutasin ang nasabing alalahanin, nagsasagawa ang DepEd ng isang “comprehensive review” saklaw ang kasalukuyang ‘assessment, remedial, at promotion rules.’
“Promotion should be earned through real learning. And real learning should be what our system makes possible, not just expected,” ang winika ni Angara.
Layon ng review na tiyakin na ang promosyon ng mga mag-aaral sa higher grade levels ay suportado ng “clearer standards, more effective remediation programs, and fairer teacher evaluation mechanisms.” ( Daris Jose)

Curry hindi makakapaglaro ng isang linggo dahil sa injury

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Golden State Warriors na hindi makakapag-laro ng isang linggo ang kanilang star player na si Stephen Curry.

Sports equipment

Ayon sa koponan , na nagtamo ito ng Grade 1 hamstring strain na kaniyang nakamit sa Game 1 western semifinals nila ng Minnesota Timberwolves.

Dahil dito ay maaring hindi makakapaglaro si Curry ng Game 2 hanggang 4 pero depende pa rin sa approval ng kanilang doctor.

Dahil sa kawalan ni Curry ay nakatuon ngayon ang mata kay Jimmy Butler na noong Game 1 ay mayroon itong 20 points, 11 rebounds at walong assists.

MAY BAGO NANG NAHALAL NA SANTO PAPA

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAYROON ng bagong nahalal na  Santo Papa ng milyong-milyong Katoliko sa buong mundo.
Ito ay sa katauhanni Cardinal Robert Francis Prevost .Panawagan naman ng Archdiocese of Manila, magsama-sama sa panalangin at suportahan si Cardinal Prevost na tatawaging si Pope Leo XIV.
Panalangin ng Archdiocese na magbigay inspirasyon at pagbabago sa lahat ang pamumuno ni  Pope Leo XIV .
Si Pope Leo XIV bago naging Santo Papa ay naglingkod  bilang prefect ng Dicastery for Bishops na responsable sa pagpili ng mga itatalagang pari sa mga diocese ng Simbahang Katolika sa buong mundo.
Ilang beses na rin siyang bumisita sa Pilipinas para sa mga aktibidad sa Simbahan noong 2000 sa Cebu, 2008 para sa pagbabasbas ng imahe ng Sto Niño at noong 2010 sa Maynila.
Wala namang ibang kahilingan ng mga mananampalataya sa bagong Santo Papa kundi ang maipagpatuloy niya ang adhikain ng yumaong Pope Francis at magkaroon ng mabuting kalusugan .(Gene Adsuara)

Inaambahan ng Duterte Youth Party-List Impeachment vs. PBBM

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAAMBAHAN ng Duterte Youth Party-List ng kasong impeachment si Pangulong Bongbong Marcos sa Kamara.
Sa isang press release, maghahain sana sina dating Undersec. Ronald  Cardema at dating   Duterte Youth Party-List Rep. Marie Cardema sa opisina ni House Sec.Gen’s Office.
Ang reklamo na inindorso ng  Duterte Youth Party-List, nagtungo ang dalawang Cardema sa kamara upang ihain  ang impeachment complaint laban kay Presidente Ferdinand Marcos Jr. dahil sa  pagpayag nito na mailipat si dating Presidente Rodrigo Duterte, na isang Pinoy sa dayuhan.
Ayon sa  Rules of Procedure in Impeachment Proceedings, Rule 2 Section 3.
 “A verified complaint for impeachment by a member of the House or by any citizen upon a resolution of endorsement by any Member thereof shall be filed with the OFFICE of the Secretary-General and immediately referred to the Speaker.”
Habang isinusulat ang balita, sinabihan sila ng staff members ng office of the Sec.Gen na tanging si is  Sec.Gen, na wala sa loob ng kanyang tanggapan, ang maaaring tumanggap ng reklamo at hindi sila. (Vina de Guzman)

PAG-IBIG, itinaas ang cash loan cap ng hanggang 90% ng savings simula Mayo 16

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAAARI nang humiram ang mga miyembro ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng hanggang 90% ng kanilang savings simula May 16.
“Mas pinadali at pinalaki na ang Pag-IBIG Multipurpose Loan sa pamamagitan ng 90 percent loanable amount mula sa iyong savings, pinaikling 12-month eligibility, at mas maraming repayment options,” ang sinabi ng Pag-IBIG Fund sa isang public advisory.
Ang enhancement na ito ay bahagi ng layunin ng Pag-IBIG na bigyan ang mas maraming miyembro ng accessible funds para sa kanilang pangangailangan sa hinaharap.
Ang mga miyembro na may upgraded Regular Savings ay maaaring mag- avail ng mas malaking loan lalo pa’t ang loan entitlement ay base sa kanilang total savings.
Sa nakalipas, maaaring humiram ang miyembro ng 80% ng kanilang savings matapos ang 24 buwan ng kontribusyon.
Ang pagtaas ng cap ay available para sa Health and Education Loan Programs at calamity loan.
Nauna rito, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marlene Acosta na ang multi-purpose loan ay nananatiling affordable sa 1.4583% monthly interest rate sa kabila ng enhancements.
Ipinalabas naman ang state mutual fund na P70.3 billion na cash loans sa mahigit na 3.2 milyong miyembro noong 2024. ang pigura ay pinakamataas na halaga ng cash loans na ginastos ngayong taon.
Layon nito na tulungan ang 3.6 milong miyembro ng may projected cash loan na ipalalabas ng hanggang P95.3 billion ngayong taon. (Daris Jose)

PBBM sa mga Pinoy abroad: Gamitin ang karapatan, mag-avail ng online voting

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Overseas Filipino na magpartisipa sa malalapit na midterm elections sa pamamagitan ng Online Voting and Counting System (OVCS) ng Commission on Elections (Comelec).

Sa pamamagitan ng bagong sistema ayon sa Pangulo ay mas magiging accessible ang botohan at masisiguro ang kanilang boto.

Sa isang video message, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga karapat-dapat na botante sa ibang bansa na sunggaban ang pagkakataon na makiisa sa democratic process, binigyang-diin na inaalis ng online voting ang traditional barriers, gaya ng pagbiyahe at mahabang pila.

“Tuluy-tuloy po ang overseas voting para sa Halalan 2025. Ito po ang inyong pagkakataong makilahok sa kinabukasan ng ating bayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Ngayon, mas madali na ang pagboto. Kahit nasaan kayo sa mundo, hindi na kailangang pumila o bumiyahe. Sa pamamagitan ng online voting, maipapahayag ninyo ang inyong boses ng mabilis, ligtas, at maayos,”dagdag na wika nito.

Hinikayat din niya ang mga botante na pakaisipin at maging maingat sa pagpili ng lider.

“Gamitin natin ang karapatang ito. Piliin natin ang kandidatong may malasakit, kakayahan at may paninindigan. Sa tamang pagpili, sama-sama nating buuin ang isang Bagong Pilipinas,” ang sinabi ng Pangulo.

Nauna rito, aprubado na ng Comelec en banc ang extension ng OVCS enrollment period para sa internet voting ng mga overseas voters hanggang May 10.

Layon ng ekstensyon na i-accommodate ang kahilingan ng Filipino communities overseas at hikayatin ang mas mas malaking partisipasyon.

Ang Enrollment, nagsimula noong Marso 20, ay required para sa mga overseas Filipinos na bumoto gamit ang OVCS.

Ang rehistrasyon ay maaaring makompleto Registration can be completed online via https://ov.comelec.gov.ph/enrollhttps://ov.comelec.gov.ph/enroll(Daris Jose)

Wala ng masyadong magagawa para sa impeachment dala na rin sa naka-recess ang Kamara

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NILINAW ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi maaaksyunan ng Kamara ang naiulat na impeachment complaint laban kay Presidente Bongbong Marcos habang naka-recess ang Kamara.
“Well, wala pa tayo, we’re not in session right now. So, not much can be done, ‘di ba?” pahayag ni Speaker Romualdez sa isang ambush interview kasunod ng Region 8 unity rally sa pangunguna ng Tingog Party-list niba Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) para sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates.
Hindi aniya available si House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco na tanggapin ang reklamo dahil dumalo ito ng seminar.
“At sa [pagka] alam ko po, maski ‘yung Sec-Gen nasa seminar sila. So, we may have to wait for the proper time to consider that,” paliwanag ni Speaker Romualdez, Lakas-CMD President.
Nang tanungin ukol sa timing ng complaint, sinabi nito na hayaan na lamang ang naghahain nagreklamo at di niya batid kung ano ang nasa likod nito.
Ang naiulat na impeachment complaint laban sa pangulo ay isinusulong ng Duterte Youth party-list.
Ang reklamo ay dala umano sa paglabag sa konstitusyon at betrayal of public trust kaugnay sa pagkaka aresto at pagpapakulong kay dating President Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).
(Vina de Guzman)

Lolo na most wanted sa rape sa Sorsogon, nalambat ng NPD sa Caloocan

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang manyakis na lolo na akusado sa apat na bilang ng panggagahasa matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
          Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Intelligence Section of the District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Northern Police District (NPD) na nagtatago sa lungsod ang 65-anyos na si alyas “Tata Peter”, na nakatala bilang Top Most Wanted Person (TMWP) sa Sorsogon.
          Ayon kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, nakatala din ang akusado sa Department of the Interior and Local Government’s (DILG) bilang Most Wanted Person na may monetary reward na nagkakahalaga ng P160,000.00 para sa pagkakadakip sa kanya.
          Sa koordinasyon sa Technical Support Division ng Intelligence Group at Gubat Municipal Police Station, agad ikinasa ng DMFB sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Renante Pinuela, Force Commander, ang pagtugis kay alyas Tata Peter hanggang sa makorner nila ito sa Llano Road, Barangay 169, dakong alas-9:30 ng gabi.
          Maayos namang naisilbi ng pulisya kay alyas Tata Peter ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 54 ng Gubat, Sorsogon, noong September 24, 2021, para sa apat na bilang ng kasong Rape na walang inirekomendang piyansa at isang bilang ng Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610, na may inilaang piyansa na P80,000.
          Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)