• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Muling binuksan ang aplikasyon sa PUV consolidation

MULING binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang aplikasyon sa consolidation ng public utility vehicle (PUV) sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng pamahalaan.

     Nilagdaan ni DOTr Secretary Vince Dizon ang isang Department Order No. 2025-009 na nagsasaad na muling binubuksan ang aplikasyon sa consolidation at nagbibigay rin ang Order ng guidelines para sa mga individual na operators at drivers na hindi pa nagko-consolidate.

     “I signed DO No. 2025-009, which reopens the application for consolidation, and provides guidelines for individual operators and drivers who have not yet consolidated,” wika ni Dizon.

     Sa nasabing kautusan, ang mga public utility jeepney (PUJs) at UV Express operators na hindi pa nag consolidate o di kaya ay may pending na aplikasyon at “motion to accept consolidation” na may confirmed na units sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at may rehistro sa Land Transportation Office (LTO) ng taong 2023 o 2024 lamang ang nasasakupan nitong Order.

     Nagsimula ang programa noong 2017 kung saan naglalayon na ang PTMP ay palitan ang mga traditional jeepney ng at least ay Euro 4-compliant na makina upang mabawasan ang polusyon. Naglalayon din ang programa na palitan ang mga units na hindi na hindi na roadworthy.

     Ang isang modern jeepney unit ay nagkakahalaga ng P2 milyon na masyadong mahal na maski ang Land Bank at Development Bank of the Philippines (DBP) na siyang pinagkukunan ng pondo ay nagsabing masyadong mataas ang presyo para sa mga drivers at operators.

     Sa unang bahagi ng programa ay dapat ang mga consolidated na prangkisa ay kailangan magtayo ng isang korporasyon o di kaya ay kooperatiba.

     Noong April 30, 2024 ay nagkaron ng deadline para sa consolidation at ang mga unconsolidated na PUVs at ang hindi nakaabot sa deadline ay considered na colorum o wala ng prangkisa. Subalit muli itong binuksan noong October 15 hanggang November 29, 2024.

     Noong March 2025 ay nagpahayag si Dizon ng kanyang openness na magkaron ng mga pagbabago sa programa upang mapagbigyan ang mga kahilingan ng grupo sa transportasyon.

     “Absolutely, we’re open to changes. This time it would be different. We would open to changes because clearly there are some issues that need to be resolved,” wika ni Dizon.

     Sa ngayon ay may 86 porsiyento ng mga PUVs ang nag apply na sa consolidation bilang isang hakbang tungko sa pagpapatupad ng programa sa PTMP. Subalit may 40 porsiyento lamang ang nabibigyan ng approval.  LASACMAR