• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2025

Kapalaran ng Prime Water deals, depende sa resulta ng imbestigasyon – Malakanyang 

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DEPENDE sa magiging resulta ng imbestigasyon ang magiging kapalaran ng Villar-owned PrimeWater Infrastructure Corporation.
Kasalukuyan kasing sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang PrimeWater Infrastructure Corporation. dahil sa sinasabing ‘palpak na serbisyo’ nito.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na inaasahan nito na magpapalabas sa lalong madaling panahon ang Local Water Utilities Administration (LWUA) ng kanilang findings sa imbestigasyon ng di umano’y hindi magandang serbisyo ng PrimeWater.
“Tandaan po natin, ang estimated po na sinasabing naapektuhan po ng hindi magandang serbisyo ng PrimeWater ay umaabot na po sa 16 million na katao so kailangan lang po talaga na ito’y mabilisang maaksyunan,” ang sinabi ni Castro.
Nauna rito, naghain ng reklamo ang Bayan Muna Party-list at mga consumer ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa Malakanyang na nananawagan ng kanselasyon ng lahat ng joint venture agreements (JVAs) sa pagitan ng Villar family-owned private water utility firm at local water districts sa buong bansa.
Tinukoy ang malaganap na ‘service failures at legal violations.’
Sa reklamo na naka-address kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ng grupo na ang JVAs ay nagresulta ng madalas na pagkaantala ng suplay ng tubig, mahinang kalidad ng tubig, mataas na rates, at hindi tumutugon na serbisyo sa customer sa mga lugar kabilang na ang San Jose del Monte sa Bulacan, Bacolod City, Quezon, Cavite, at Bukidnon provinces.
Sinabi ng Bayan Muna na ang JVAs, karamihan ay pumasok sa administrasyong Duterte ay ‘disadvantageous’ sa publiko at lumabag sa probisyon ng Presidential Decree 198, na nagkakaloob ng operational control ng water districts sa kani-kanilang boards.
Binalaan din ito ng potensyal na paglabag sa Saligang Batas at public-private partnership regulations.
Sinasabing isang malaking pasanin ng mga consumers ang mataas na halaga sa kabila ng masamang serbisyo, sinasabing ang rates sa San Jose del Monte ay tumaas mula P280 sa P499.53 para sa unang 10 cubic meters ng pagkonsumo mula nang mag-takeover ang PrimeWater noong 2018.
Tinukoy din sa reklamo ang displacement ng water district employees at kinuwestiyon kung ang PrimeWater ay nagtsa-charge ng corporate income taxes sa consumers, isang isyu na dati ng ipinarating sa Supreme Court.
Ang apela pa rin ng Bayan Muna kay Pangulo ay magpalabas ng isang executive order na nagpapawalang-bisa sa JVAs, atasan ang Local Water Utilities Administration na kuning muli ang kontrol ng apektadong distrito at pag-utos ang ‘full investigation’ sa kasunduan.
At sa tanong kung bukas ang Malakanyang sa panawagan na kanselahin ang umiiral na kasunduan sa PrimeWater, sinabi ni Castro na kailangan muna nilang hintayin ang resulta ng imbestigasyon kasunod ng naging direktiba ni Pangulong Marcos.
“Kung meron pa pong mga tao na nagrereklamo, may mga ahensiya, may mga government agency na umaayon sa ginagawa ng Pangulo patungkol po sa pag-iimbestiga, particularly sa PrimeWater, iyan po ay ating wine-welcome dahil ibig sabihin, ang aksyon pong ginawa ng Pangulo ay hindi lamang po pamumulitika,” ang litanya ni Castro.
“Unang-una po, ang Pangulo at ang administrasyon ay naniniwala po sa due process. Hindi po tayong laging may kasabihang , ‘Cut the process’. So, aalamin po natin lahat, kung ano ba, kung may anomalya, kung ano ba yung pagkukulang, at kung anuman ang dapat ipahinto,” ang pahayag nito.
( Daris Jose)

CSC, nirepaso, wiansto ang ‘qualification standards’ para pahintulutan ang high school grads sa gov’t service

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IN-UPDATE ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa first-level government positions, pormal na pinapayagan ang mga high school graduate, kabilang na iyong nakakompleto ng Junior High School (Grade 10) at Senior High School (Grade 12) under the K to 12 program, na makapasok sa government service.
Ang pagbabago ay opisyal na ginawa sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2500229, ipinahayag noong March 6, 2025.
Sa isang kalatas, araw ng Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ng CSC na ang resolusyon na nagwawasto sa educational requirements para sa entry-level government jobs ay magbibigay paliwanag sa structural reforms na ipakikilala ng K to 12 Basic Education Program, na ipinatupad sa buong bansa noong 2012.
Ang mga pangunahing pagbabago sa educational requirements ay ang mga posisyon na dating minamandato ng high school graduate ay maaari ng tumanggap ngayon ng high school graduate bago ang 2016 o ang mga nakakumpleto ng Grade 10 o Junior High School na nagtapos simula noong 2016.
Maging ang mga posisyong nangangailangan ng high school graduate o nakakumpleto ng relevant vocational o trade course ay kinikilala na ang high school graduates bago ang 2016, ang mga Grade 10 graduates simula noong 2016 o mga indibidwal na nakakumpleto ng relevant vocational o trade course.
At para sa mga posisyong nangangailangan ng mga graduate ng 2-years sa kolehiyo, tinatanggap na ang mga nakakumpleto na ng dalawang taon sa kolehiyo bago ang 2018 o Grade 12/Senior High School simula noong 2016.
Para sa mga posisyon na kailangang nakapagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo o high school graduate na may relevant vocational o trade course, kinikilala na sa revised standards ang mga aplikante na nagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo bago ang 2018, high school graduates na may relevant vocational o trade courses bago ang 2018, Grade 12 graduates sa ilalim ng Technical-Vocational-Livelihood track o Grade 10 graduates na may relevant vocational o trade courses simula noong 2018.
Gayunman, hindi naman kasama sa revised educational standards ang mga posisyong nagmamandato ng partikular na higher education degrees o practice of professions na pinamamahalaan ng board regulations.
Binigyang diin din ng CSC na ang mga aplikante ay dapat na pasok sa iba pang kwalipikasyon sa bawat posisyon gaya ng mga pagsasanay, karanasan at eligibility para makonsidera para sa appointment.
Samantala, nananatili naman sa diskreksyon ng appointing officer o awtoridad sa ilalim ng umiiral na civil service law, rules, at regulasyon ang pagtatalaga sa government position.
(Daris Jose)

PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Anthony Albanese matapos na muling mahalal bilang PM ng Australia

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Anthony Albanese makaraang muling mahalal bilang prime minister ng Australia.
”To my friend, Prime Minister Anthony Albanese, on your resounding victory, congratulations. This renewed mandate speaks volumes of the trust and confidence your people have in your leadership,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video message, Huwebes ng gabi.
”And I have no doubt you shall carry it forward with the same resolve and vision that you have long defined [in] your public service,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Ipinagmalaki naman ni Pangulong Marcos ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay lumakas sa mga nakalipas na mga taon, sabay sabing naka-angkla ito hindi mana sa sinasabing ‘shared values; kundi maging sa ‘genuine friendship.’
”Perhaps this is a sign that it’s time for another visit,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.
”I look forward to our next conversation, whether it’s over a flat white down under or a rich cup of chocolate here in Old Manila,” aniya pa rin.
Matatandaang February 2024, nagpunta si Pangulong Marcos sa Canberra, Australia para sa isang two-day official visit kung saan nagsalita sa Australian parliament kung saan humingi ng suporta sa Australia sa gitna ng regional threats.  (Daris Jose)

Weightlifters ng bansa handa na sa pagsabak sa Asian Weightlifting Championship

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANDANG -HANDA na weightlifters ng ating bansa sa pagsabak nila sa Asian Weightlifting Championship.
Pangungunahan ni two-time Olympian Elreen Ando ang national team sa torneo na gaganapin sa Mayo 15 sa Jiangshan , China.
Sasabak si Ando sa women’s 64-kilogram division kung saan kapag magtagumpay ito ay tiyak na ang puwesto niya sa 2028 Los Angeles Olympics.
Kasama nito na ang pambato ng bansa na sinaKristel Macrohon (women’s 71kg), Fernando Agad, Jr. (men’s 55kg) at fast-rising sister tandem Rose Jean (W45kg) at Rosegie Ramos (W49kg).
Naniniwala naman si Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevell na makakahakot ng gintong medalya ang bansa.

Pagbaba sa kahirapan, food insecurity – nagpapakita na naibibigay ng PBBM admin ang tunay na progreso

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang resulta ng pinakabagong Tugon ng Masa (TNM) Survey na isinagawa ng OCTA Research, kung saan bumaba ang self-rated poverty and food insecurity sa bansa.
“The numbers tell a powerful story of progress. More than 2.1 million Filipino families no longer consider themselves poor. That’s not just a statistic—it’s a breakthrough in the fight against poverty. It’s a signal that our programs are working, and the nation is moving forward,” ani Romualdez.
Ayon sa April 2025 TNM Survey, tanging 42% ng pamilyang Pilipino ang kinukunsidera ang sarili na mahirap, bumaba ng 50% kumpara noong limang buwan.
Bumababa rin ang food poverty mula 49% sa 35%, o katumbas ng nasa 3.7 million pamilya ang nakakaramdam na hindi kayang bumili ng pagkain.
“These are real and measurable gains. From livelihood assistance to food security, from cash transfers to job generation—this administration is delivering on its promise to uplift lives,” pahayag nito.
Nanawagan naman si Speaker Romualdez sa mga government agencies, LGUs at mambabatas na panatilihin ang takbo o momentum. “This is proof that the Bagong Pilipinas vision of President Marcos is not just aspirational—it is attainable. But we must keep pushing.”
Hinikayat din niya ang publiko na pagtuunan ng pansin ang katotohanan o facts at ibasura ang walang basehan at negatibong storya.
Siniguro ni Speaker Romualdez ang patuloy na ng kamara sa pagsuporta sa mga lehislasyon na magbabawas sa inequality, pagpapalawig sa oportunidad at suporta sa paglago ng ekonomiya.
(Vina de Guzman)

400 bilang ng reklamo ng vote buying at abuse of state resources, naitala

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGIT 400 reklamo ng vote buying at abuse of state resources (ASR) ang iniulat bago ang May 12 midterm elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec-Committee on Kontra-Bigay chairperson Commissioner Ernesto Maceda sa Meet The Manila Press na may kabuuang 439 vot buying at ASR ang inihain hanggang noong May 8.
Sa nasabing bilang ,268 ang vote buying, 139 ang ASR at 41 ang vote buyin at ASR.
Ayon sa komisyuner, karamihan sa uri ng vote buying inireport ay pamamahagi ng pera, cash assistance at mapapahagi ng mga bagay na may halaga.
Sa kabilang banda, ang ASR ay mga gawain sa uri ng “ayuda” o social welfare assistance.
Sinabi naman ni Comelec Chairman George Garcia na handa nilang suspindihin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato na may pending disqualification cases. (Gene Adsuara)

Pagpili ng bagong Santo Papa sinimulan na

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA ang pagtitipon ng 133 cardinals mula sa iba’t ibang panig ng mundo para pumili ng bagong Santo Papa.

Bago isagawa ang conclave ay bawat isa sa kanila ay nagtungo sa harap para banggitin ang oath of secrecy sa Sistine Chapel.

Naging mahigpit ang gagawing conclave dahil walang pinayagan na magdala ng cellphone at camera para maging sagrado ang pagpili ng Santo Papa.

Sa kasaysayan ng Pilipinas ay mayroong tatlong Cardinals ang kabilang sa conclave at ito ay pinangunahan nina Luis Antonio Tagle ang pro-prefect at the Vatican’s Dicastery for Evangelization,; Cardinal Jose Advincula ng Archdiocese ng Manila at Kalookan at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Pablo Virgilio David.

Matapos ang pagbabasa ng kanilang mga oath of secrecy ay pinalabas ni Archbishop Diego Giovanni Ravelli,Master of Papal Liturgical Celebrations, ang ibang mga tao at tanging mga cardinals lamang ang naiwan sa Sistine Chapel.

Isinara rin ni Ravelli ang pintuan ng Sistine Chapel kung saan guwardiyado ito ng mga Swiss Guard.

Magugunitang mayroong apat na Cardinals ang pinagpipilian na susunod na maging Santo Papa at ito ay sina: Cardinal Peter Kodwo Appiah Turkson ng Ghana,, cardinal Pietro Parolin ng Italy , cardinal Luis Antonio Gokim Tagle Pilipinas , cardinal Fridolin Ambongo Besungu ng Congo, Cardinal Robert Francis Prevost ng US, cardinal Matteo Zuppi ng Italy, cardinal Peter Erdo ng Hungary at cardinal Pierbattista Pizzaballa ng Italy.

Sa panibagong banat ni VP Sara sa administrasyong Marcos: Malakanyang, pumalag

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NIRESBAKAN ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte para sa panibagong banat nito sa administrasyong Marcos at sa pagsasabing siya at ang kanyang pamilya ay hindi problema ng bansa.
Sa naging talumpati kasi ni VP Sara sa miting de avance ng PDP Laban para sa senatorial candidates ng partido, araw ng Huwebes,
Sinabi nito na ang pambansang krisis ay hindi dapat isisi sa kanilang pamilya kundi sa mga tunay na salot ng lipunan.
Tinawag ni VP Sara na “systematic demolition job” ang mga patuloy na pag-atake sa kanila.
Bilang tugon, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na tila inilalarawan ni VP Sara ang kanyang sarili at ang pamilya Duterte.
”Opo, tayo po ay nakapanood ng kanyang mga tinuran. At ang mga negatibo niya pong nabanggit doon…  sa ating pagsusuri ay mukhang ang dini-describe niya po ay ang kanyang sarili at ang pamilya Duterte,” Castro said.
Hindi man nagbanggit ng mga pangalan, ikinalungkot ni VP Sara na ang bansa ay nagkaroon ng isang lider na walang kakayahan na maunawaan ang kalagayan ng mga tao at hindi kaya na gumawa ng desisyon para sa kapakanan ng mga tao.
Binigyang diin pa rin ni VP Sara na ang bansa ay pinamumunuan ng isang tao na hayagang tumatanggi na sumailalim sa public hair follicle drug test at nagsinungaling hinggil sa posibleng gawin na P20 kada kilo ang bigas.
Patuloy namang binabatikos ni VP Sara ang gobyerno nang payagan na arestuhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa huli ay ilipat sa International Criminal Court (ICC).
Samantala, nang tanungin naman si Castro kung sasampahan ba ng kaso si VP Sara para sa di umano’y pagpapakalat ng fake news laban kay Unang Ginang Liza’ Araneta-Marcos.
Ang naging tugon ni Castro ay ”Sa ngayon po, wala pa po. Wala po.”
(Daris Jose)

Gobyerno, ginagawa ang lahat ng makakaya para mapanatili ang economic growth ng Pinas – Malakanyang 

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
DOBLE ang pagsisikap na ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para mapanatili ang ‘strong growth momentum’ ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa katunayan, winelcome ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang bagay ito bilang ‘magandang balita’ sa pag-improve ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa first quarter ng 2025.
“Natutuwa po ang ating Pangulo, lalung-lalo na po, of course, ang administrasyon dahil nakikita na po at nababanaag, nagma-manifest na po ang mga pagsisikap ng ating mga opisyales para po mapaangat po talaga ang ekonomiya ng bansa,” ang sinabi ni Castro.
“Lalong pagbutihin ang trabaho, lalong maging concerned sa mga pangangailangan ng taumbayan,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sa ulat na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), araw ng Huwebes, bahagyang tumaas ang economic growth ng bansa kung saan nakapagtala ito ng 5.4% mula January hanggang March 2025, mas mataas kaysa sa 5.3% na naitala sa fourth quarter ng 2024.
“The gross domestic product expansion enabled the Philippines to surpass other major economies in the region,” ayon kay Department of Economy Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan.
Makikita sa report ng PSA na ang lahat ng mga pangunahing economic sectors, kabilang na ang ‘agriculture, forestry, at fishing na may 2.2%; industry, 4.5%; at services, 6.3% ay nakapagtala ng year-on-year growths sa first quarter ng 2025.
“On the demand side, easing inflation helped boost household final consumption expenditure which accelerated to 5.3 percent from 4.7 percent in 2024,” ayon sa ulat.
“Government final consumption expenditure also expanded at a faster pace of 18.7 percent, reflecting the front-loading of public programs in anticipation also of the election ban,” ayon pa rin sa ulat.
Samantala, ang gross capital formation ay nakakuha naman ng 4% mula sa 0.8% sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Lumago rin ang pag-export ng goods at services ng 6.2% habang tumaas naman ang imports o pag-angkat ng 9.9%. ( Daris Jose)

Robert Francis Prevost napili bilang kauna-unahang American Pope

Posted on: May 10th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAPILI bilang bagong Santo Papa si Cardinal Robert Prevost.
Ang 69-anyos na si Prevost ay siyang kauna-unahang American pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.
Papangalan siya bilang Pope Leo XIV na siyang magiging ika-267th na Santo Papa.
Si Pope Leo XIV ay ipinanganak noong Setyembre 14, 1955 sa Chicago, Illinois.
Taong 2023 ng italaga siya ni Pope Francis bilang prefect of the Dicastery for Bishops at pangulo ng Pontifical Commission for Latin America.