• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No auto-pass policy sa public schools- DepEd

PATULOY na pinaninindigan ng Department of Education (DepEd) na walang “auto-pass” na polisiya na ipinag-uutos sa mga pampublikong paaralan.
Gayunman, binigyang diin DepEd Secretary Sonny Angara ang pangangailangan na ireporma ang ilan sa sistema ng para tugunan ang aktuwal na ‘learning gaps’ at tiyakin ang karunungang bumasa’t sumulat sa hanay ng mga mag-aaral sa mga pampublikong eskuwelahan.
“Wala pong policy ang DepEd na automatic na pagpasa sa mga estudyante,” ang sinabi ni Angara.
“Mass promotion isn’t a written rule, but it’s become a silent norm in some places. We want to change that.” dagdag na wika ng Kalihim.
Kabilang na rito ang mga kasanayan, gaya ng ‘incentive structures’ na nag-udyok sa kalakaran ng ‘mass promotion’.
“We have to admit, some features of our system we inherited may be putting quite pressure on schools and teachers to promote students. That’s something we are determined to correct,” ang tinuran ni Angara.
Binigyang diin din ni Angara na mas maraming “holistic” na tagapagpahiwatig ang ginagamit para sa performance-based evaluations.
“When school-level success is measured mainly by how many students move up, and when teachers feel that their evaluations and promotions depend on that too, then we can’t be surprised if the system bends in that direction,” anito.
Kabilang na rito ang “Performance, Process, Financial, at Citizen or Client Satisfaction Results.”
At para makatulong sa pagresolba na lutasin ang nasabing alalahanin, nagsasagawa ang DepEd ng isang “comprehensive review” saklaw ang kasalukuyang ‘assessment, remedial, at promotion rules.’
“Promotion should be earned through real learning. And real learning should be what our system makes possible, not just expected,” ang winika ni Angara.
Layon ng review na tiyakin na ang promosyon ng mga mag-aaral sa higher grade levels ay suportado ng “clearer standards, more effective remediation programs, and fairer teacher evaluation mechanisms.” ( Daris Jose)