• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2023

Layuning turuan at itaas ang kamalayan ng publiko: BARBIE, kasama na sa “Stream Responsibly. Fight Piracy.” campaign

Posted on: February 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nanumpa si Maria Clara at Ibarra lead star and Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang isa sa mga ambassadors ng GMA Network para sa Anti-Piracy campaign “Stream Responsibly. Fight Piracy.

“It is such a responsible campaign to be part of. Being an artist myself, it is important to have and to be part of campaigns like this.
“This validates the hard work of the people not only in front but behind the camera, who give their best efforts, day in and day out, to produce quality shows for our viewers,” pahayag ni Barbie.

Bahagi rin sa roster of Kapuso ambassadors for “Stream Responsibly. Fight Piracy.” Sina Voltes V: Legacy stars Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, at Raphael Landicho, kasama rin ang co-Sparkle star nila na si Mikee Quintos.

Layunin ng kampanya na hikayatin ang mga manonood, lalo na ang mga nakababatang henerasyon na bigyan ng kahalagahan at halaga ang mga malikhaing gawa ng mga tao sa likod ng mga serye at pelikula sa pamamagitan ng panonood lamang sa mga ito mula sa mga lehitimong mapagkukunan.

Nilalayon din nito na turuan at itaas ang kamalayan ng publiko sa mga potensyal na pinsala ng pag-click sa mga pirated na website at app.

For more stories about the Kapuso network and its initiatives, visit www.gmapinoytv.com/subscribe or www.GMANetwork.com.

(ROHN ROMULO)

Ads February 11, 2023

Posted on: February 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MMDA: Sariling coding schemes puwedeng ipatupad ng mga LGUs

Posted on: February 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit mayroon ng Metro Manila Traffic Code, ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa rin na magpatupad ng kanilang sariling regulasyon sa trapiko.

 

 

 

Isa na rito ang regulasyonsa coding scheme na nagbabawal sa mga sasakyan na dumaan sa mga pangunahing lansangan depende sa last digit at plate number ng sasakyan isang araw sa isang linggo.

 

 

 

Tulad ng lungsod ng Makati, ang kanilang sistema sa number coding ay epektibo sa loob ng 12 oras mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. Walang window hours ang number coding sa Makati. Habang ang MMDA  naman ay nagpapatupad ng number coding mula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi lamang.

 

 

 

“We are giving leeway to local governments to implement their own policy as far as number coding scheme is concerned. Makati has peculiar circumstances because it being the country’s premier business district and a lot of vehicles pass by the city, especially during rush hours,” wika ni MMDA acting chairman Romando Artes.

 

 

 

Dagdag pa ni Artes na mas alam ng mga local na pamahalaan ang kanilang mga concerns kung kaya’t sila ay pinapayagan na magpatupad ng kanilang sariling coding schemes.

 

 

 

Ang mahuhuling motorista na lumabag sa number coding ay magmumulta ng P500 ayonsa single ticketing system na pinatutupad sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code.

 

 

 

Nilabas ng MMDA ang bagong matrix para sa mga multa kung saan ito ay nakalagay at makikita sa Facebook page ng MMDA.

 

 

 

Samantala, ayon sa bagong matrix, ang mga mahuhuli ay kinakailangan magbayad ng mga sumusunod: P500 kada isa para sa number coding, tricycle ban at arrogance/discourteous conduct; P1,000 kada isa para sa disregarding traffic sign, attended illegal parking o di kaya ay kung ang driver ay nasa loob ng sasakyan, obstruction, overloading, defective motor vehicle accessories, loading at unloading sa mga bawal na lugar, overspeeding at walang seatbelt; P2,000 kada isa para sa unattended illegal parking, light truck ban at unauthorized modification at P3,000 naman para sa truck ban.

 

 

 

Depende naman sa kung ilan beses ginawa ang offenses, ang mga mahuhuli ay magmumulta ng P1,000 sauna, P2,000 sa ikalawa, at P2,000 na may kasamang seminar sa mga susunod na offenses para sa reckless driving.

 

 

 

Para naman sa dress code, P500, P750 at P1,000. Papatawan ng P2,000 at P5,000 para sa illegal counterflow; P1,000, P2,000 at P5,000 sa hindi paggamit ng child restraint system (CRS). Bibigyan naman ng multang P1,000, P3,000 at P5,000 para sa substandard na CRS; P1,500, P3,000 at P5,000 at P10,000 kung hindi gumagamit ng motorcycle helmet. Habang P3,000 at P5,000 sa paggamit ng helmet ng walang import commodity clearance o ICC marking. Papatawan din ng P3,000, P5,000 at P10,000 kung hindi sumunod sa Children’s Safety on Motorcycles Act. LASACMAR

May M.U. na sila ni Ysabel: MIGUEL, inaming naging sila ni BARBIE at ‘di maganda ang break-up nila ni BIANCA

Posted on: February 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MARAMING naging rebelasyon ang Sparkle actor na si Miguel Tanfelix sa pagsalang niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’
Tinanong ang bida ng ‘Voltes V: Legacy’ tungkol sa mga Kapuso actresses na na-link sa kanya.

Unang tinanong sa kanya ay si Barbie Forteza. Inamin ni Miguel na niligawan at naging sila ni Barbie.

“Pino-post ko po siya dati. Naging kami po. Dalaw po sa set. Kasi hindi po kami magkasama ng show dati, I was doing ‘Niño’ back then tapos iba po ‘yung show niya.

“Kapag may taping siya, pinupuntahan ko, nagdadala po ako ng pagkain. Kapag po malapit ‘yung set nila sa Cavite, kasi taga-Cavite ako, nagdadala po ko,” pahayag ni Miguel.

Sunod naman ay ang tungkol sa dati niyang ka-loveteam na si Bianca Umali. Nagkaroon din daw sila ng relasyon pero hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.

“Naging kami po ni Bianca. ‘Yung dahilan ng paghihiwalayan namin, huwag na tayong mandamay ng ibang tao. Irespeto natin ang ibang tao. Siguro sa issue na lang namin ni Bianca,” diin pa ni Miguel.

Pangatlo ay si Kyline Alcantara na naging special sa kanya.

“We had something special. Lagi kaming magkasama sa ‘All-Out Sundays’. Doon po kami nagka-develop-an,” sey ni Miguel na napanatili ang friendship kay Kyline.

Noong dumating na kay Ysabel Ortega, sagot ni Miguel ay: “Mahal na mahal ko siya.”

Pero paglilinaw ng aktor na nililigawan pa lang niya si Ysabel. Pati raw ang ina ni Ysabel na si Michelle Ortega ay nililigawan din daw niya.

“Kailangan po kasi nating sundin ‘yung nanay ni Ysabel. Medyo strict po si tita, and respeto po sa desisyon niya para sa anak niya dahil kahit paano, kailangan niyo rin pong ligawan ang magulang ng nililigawan mo. Kaya nililigawan ko po silang dalawa.”

May mutual understanding daw sila ni Ysabel. Ayaw din daw ni Miguel na maging distraction siya sa pag-aaral ni Ysabel.

“Nag-aaral po siya ngayon. Gusto ko rin pong bigyan siya ng time, ayokong masakal siya…  kung maging kami man ngayon, baka maging distraction lang ako sa law school niya ngayon,” sabi ni Miguel.

Mensahe ni Miguel para sa ina ni Ysabel ay: “Tita, pinapangako ko po na aalagaan ko po si Ysabel. Huwag po kayong mag-alala pinagdadaanan namin ang bawat steps na kailangan naming pagdaanan para mas makilala pa ang isa’t isa.

“Never po akong magiging distraction sa anak niyo dahil alam kong gusto niyo siyang maging attorney in the future. Nandito lang po ako, naghihintay para sa approval niyo po, and para kay Ysabel.”
 
***
HAPPY ang Sparkle artist at The Clash Season 2 contestant na si Jeniffer Maravilla dahil umakyat agad sa #2 spot ng iTunes Philippines ang debut single niya under GMA Playlist na “Alimuom”.

Maituturing nga ni Jeniffer na first single niya ang Alimuom kahit na inawit niya noon ang theme songs ng mga GMA teleserye na The Lost Recipe at Raising Mamay. May kakaiba raw na dating ang musika ng Alimuom kaya ito ang napili niya sa mga songs na pinarinig sa kanya.

“Ang ‘Alimuom,’ kasi ‘yun ‘yung umuusbong after the rain, it symbolizes rain. Nung pinarinig sa akin ‘yung demo ng song, na-feel ko sobrang unique ng kanta na ito. Ang timely niya rin sa nagdaan na pandemic, despite all the hardships at the end of the day, sa mga tao hindi nawawala ‘yung pagiging hopeful.

“At very original ang song na ito. Ang ganda kung nakakarinig tayo sa radyo ng mga tunog at instrumental na sariling atin. Na-enjoy ko ‘yung process ng paggawa ng song na ito.

“Sobrang grateful ako sa aking Playlist family kasi sumugal sila sa akin para sa ganitong klaseng music,” sey pa niya.

Bukod sa pagiging biritera, paminsan-minsan ay umaarte sa teleserye si Jeniffer. Huli siyang napanood bilang si Sinang sa Maria Clara At Ibarra. Gumanap din siyang best friend ni Heart Evangelista sa I Left My Heart In Sorsogon.

 
(RUEL J. MENDOZA)

Bus terminal sa Quezon City, tinupok ng apoy

Posted on: February 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINUPOK ng apoy ang isang bus terminal sa Cubao, Quezon City hapon ng Pebrero 9, Huwebes.

 

 

Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:46 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Araneta bus terminal na matatagpuan sa Time Square St., Brgy Soccoro, Quezon City.

 

 

Nagsimula umano ang sunog sa barracks ng terminal ng bus.

 

 

Umabot hanggang Task Force Bravo ang alarma ng sunog dakong alas-5:08.

 

 

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa sunog.

 

 

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito. (Daris Jose)

Listahan ng multa sa single ticketing system aprubado na

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang matrix ng multa naibabayad ng mga mahuhuling motorista na lalabag sa mga batas trapiko sa ilalim ng single ticketing system na nasa Metro Manila Traffic Code.

 

 

 

Inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang linggo ang multa mula P500 hanggang P10,000 depende sa violation at kung ilan beses nagawa ng offender ang paglabag.

 

 

 

Umaasa si MMDA acting chairman Romando Artes na ang nasabing naaprubahang bagong code ay makakabawas sa human intervention at sa kalaunan ay mawawala ang korupsiyon sa pamamagitan ng paggamit ng technology sa panghuhuli ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.

 

 

 

“The Metro Manila Traffic Code, I don’t think standing alone will address corruption as far as traffic law enforcement is concerned. But the MMDA with the local government units are investing in technology to eliminate or at least lessen, corruption,” wikani Artes.

 

 

 

Sinabi ni Artes na ang kanilang ahensiya ay bumili ng body cameras na nakakabit sa command center kung saan makikita ang real-time kung paano nahuli ng isang traffic enforcer ang motorista.

 

 

 

Bumubuo rin ang MMDA ng isang handheld device na makapag-iisyu ng tickets at puwedeng tumanggap ng bayad digitally ng mga multa.

 

 

 

“Through this handheld device, we will be able to do away with the paper ticket and, hopefully, the chance to provide grease money,” dagdag ni Artes.

 

Ayon sa bagong matrix, ang mga mahuhuli ay kinakailangan magbayad ng mga sumusunod: P500 kada isa para sa number coding, tricycle ban at arrogance/discourteous conduct; P1,000 kada isa para sa disregarding traffic sign, attended illegal parking o di kaya ay kung ang driver ay nasaloob ng sasakyan, obstruction, overloading, defective motor vehicle accessories, loading at unloading sa mga bawal na lugar, overspeeding at walang seatbelt; P2,000 kada isa para sa unattended illegal parking, light truck ban at unauthorized modification at P3,000 naman para sa truck ban.

 

 

 

Depende naman sa kung ilan beses ginawa ang offenses, ang mga mahuhuli ay magmumulta ng P1,000 sauna, P2,000 sa ikalawa, at P2,000 na may kasamang seminar sa mga susunod na offenses para sa reckless driving.

 

 

 

Para naman sa dress code, P500, P750 at P1,000. Papatawan ng P2,000 at P5,000 para sa illegal counterflow; P1,000, P2,000 at P5,000 sa hindi paggamit ng child restraint system (CRS). Bibigyan naman ng multang P1,000, P3,000 at P5,000 para sa substandard na CRS; P1,500, P3,000 at P5,000 at P10,000 kung hindi gumagamit ng motorcycle helmet. Habang P3,000 at P5,000 sa paggamit ng helmet ng walang import commodity clearance o ICC marking. Papatawan din ng P3,000, P5,000 at P10,000 kung hindi sumunod sa Children’s Safety on Motorcycles Act.

 

 

 

Ayon kay Artes, ang mga law offenders ay dapat magbayad ng multa sa loob ng 10 araw pagkatapos ng pagkahuli. Aalisin ang record ng violation kapag nagbayad na ang motorista ng multa.

 

 

 

Ipatutupad din ang demerit system kung saan ang driver’s license ay kukunin at susupendihin kapag nakarating nasa certain number ng points.

 

 

 

Umaasa si Artes na ang Metro Manila Traffic Code ay makapagbibigay ng disiplina sa mga motorista kahit na ang ibang tao ay naniniwalang ang mga multa ay isang parusa.

 

 

 

Ang Land Transportation Office (LTO) naman ay pinuri ang pagpapatupad ng single ticketing system ng Manila’s Council upang magkaron ng harmonious at streamline na contact apprehension sa National Capital Region.  LASACMAR

Minsan nang ikinahiya ang amang nakakulong: FAITH, matagal nang napatawad ang dating aktor na si DENNIS

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINATAWAD na pala ng Sparkle actress na si Faith da Silva ang kanyang amang si Dennis da Silva.

Naging emotional si Faith sa pagsabi na pinatawad na niya ang kanyang ama sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’. Inamin din niya na minsan na niyang ikinahiya ang kanyang amang nakakulong.

“Actually medyo matagal-tagal nang napatawad ko siya. I’ve made peace with the fact na ‘yung buhay na meron ako ay hindi normal. He has his own family now.

“When I was younger. Magiging honest ako kasi, ito ang chance ko rin para malaman ng papa ko how I truly feel. Kasi hindi pa kami nagkikita in person, and it’s been more than 20 years of my life, and I’ve grown into a person that I am today, and I’m very grateful for him, and for my mama that I’m here.

“Kinahiya ko lang naman noon dahil hindi ko naiintindihan kung ano ang mga nangyayari, siyempre bata ako eh. Sino ba naman ang gugustuhin na magkuwento ka sa classmates mo na, ‘’Yung dad ko is in jail.’ Who would want to say that? No one.

“Truth is my mama has always been supportive na makita namin ng kapatid ko si papa. But I guess when I was younger, siyempre I was immature, I didn’t get kung bakit they had to separate ways, I thought na iniwan niya lang kami kasi magulo na masyado, hindi na kinaya. But palagi ko talaga siyang hinahanap before.”

Never daw siniraan ng ina ni Faith si Dennis sa kanya. At parati raw may pinapaabot na mensahe si Dennis sa kanyang anak.

“That he really loves me, and sabi ng dad ko that I’m the most beautiful girl in the world. Every time na ‘yung confidence ko bumababa, inaalala ko lang ‘yun kasi sa mata ng papa ko ako ang pinakamaganda.

“Palagi ako naghahanap ng pagmamahal sa labas ng pamilya ko, ng isang lalaki. Hindi ko kinailangang gawin ‘yun eh. It was just that, wala akong tatay na kinalakihan.”

Mensahe naman ni Faith sa kanyang ama: “Hi papa, if you’re watching this, I just wanna say na everything that happened in the past, wala na ‘yon sa utak ko. You know you can always start over and gusto kong ma-experience ang pagmamahal ng tatay. At alam ko sa ‘yo ko lang ‘yun makukuha.

“Pero hindi ko mamadaliin ang lahat. Maghihintay ako because I believe in the divine timing of everything. Kapag ready ka na, kapag naging fully ready na rin ako at ‘yung pagkakataon ibigay sa atin ng Diyos, alam ko na ‘yun ang magiging life-changing moment sa buhay ko.”

Dating teen heartthrob noong ’80s si Dennis da Silva na lumabas sa mga pelikulang Ninja Kids, Puto, Captain Barbell, Love Boat: Mahal Trip Kita, Me & Ninja Liit, Lady L at She-Man: Mistress of the Universe.

Nakulong si Dennis for 20 years dahil sa salang rape and physical abuse sa isang 14-year old teenager noong 2001.

***

SA nalalapit na Valentines Day, may hinanda raw na surprise si Allen Ansay ang kanyang ka-loveteam na si Sofia Pablo.

Kahit na busy ang schdule ng AlFia loveteam, naisisingit pa rin ni Allen ang kanyang pag-asikaso sa sorpresa niya kay Sofia.

“Yun talaga ‘yung goal ko everytime na magse-celebrate ng Valentine’s Day kami ni Aki talagang surprise hindi nawawala ‘yan every year simula nang magkakilala kami. Pangarap lang po talaga ‘to tapos ngayon nakapag-work na kami nang magkasama tapos ‘yun katulad nang nabigyan pa kami ng opportunity para mag-spread ng love,” ngiti pa ni Allen.

Nagbigay din ng tip ang tinatawag ngayon na “Next Generation Leading Man” para sa mga nag-iisip pa ng kanilang Valentine gift para sa kanilang special someone.

Sey ni Allen: “Daanin niyo lang talaga sa mga simpleng bagay lang kasi ako ang ginagawa ko talaga alamin mo muna ‘yung kahinaan ng crush mo kasi ako si Sofie ang kahinaan niya mga love letters lang.”

Natutuwa naman ang dalawa sa positive feedback na kanilang natatanggap sa kanilang top-rating primetime series na ‘Luv Is: Caught in His Arms.’

Kamakailan ay ginawaran si Sofia ng Most Admirable and In-Demand Young Actress ng Asia’s Royal Award.

***
HINDI lang pala si Beyonce ang gumawa ng history sa nakaraang Grammy Awards.
Nagtala rin sa kasaysayan ng Grammys si Taylor Swift.

Ang pagpanalo ni Taylor sa category na Best Music Video para sa kanyang “All Too Well: The Short Film,” ang siyang kauna-unahang panalo ng isang music artist bilang director ng sariling music video.

Tinalo ni Taylor sa naturang category sina Adele, BTS, Doja Cat, Harry Styles at Kendrick Lamar.

Ito rin ang second time na manalo ni Taylor sa Best Music Video category. Una siyang nanalo noong 2016 para sa ‘Bad Blood”.

Kaya hindi nasayang ang pagrampa ni Taylor sa red carpet ng 2023 Grammys suot ang gorgeous midnight-blue two-piece custom gown by Roberto Cavalli. Meron itong high-neck crop top with long sleeves with a matching skirt with a train. Ang kanyang bonggang shoes naman ay Giuseppe Zanotti.

Milyones naman ang halaga ng mga suot niyang mga alahas by Lorraine Schwartz.

Nominated din si Taylor sa tatlo pang categories: Best Country Song (I Bet You Think About Me: Taylor’s Version From the Vault); Song of the Year (All Too Well:10 Minute Version) and Best Song Written for Visual Media (Carolina from Where the Crawdads Sing).

(RUEL J. MENDOZA)

Hanga sa pagiging versatile actor… RHIAN, matagal na palang gustong makasama sa movie si PAOLO

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG bagong Marikit Artist Management na ang nangangalaga sa showbiz career ng young actress na si Barbara Miguel.

 

Pag-aari ni Joseph “Jojo” Aleta na dati ring may mataas na puwesto sa GMA bago nagdesisyong magtayo ng sarili niyang talent agency dahil wala na nga si Barbara sa GMA, paano kung may makukuha si Joseph na proyekto sa GMA para sa kanya, ano ang mararamdaman niya?

 

Wala rin daw problema kay Barbara kung muli siyang gagawa ng proyekto sa GMA.

 

“Ako po yes po definitely, kasi nung nag-end naman yung contract ko parati naman akong may guesting sa kanila, and they also have a show, Nakarehas Na Puso, I was also the young Lea there, recent lang din, young ni Ate Vaness [del Moral].

 

“So ako… hindi naman ako umalis sa GMA, umalis lang ako… in-end lang yung contract sa mismong artist management nila which is Artist Center back then pa, so it’s not GMA na iniiwan ko, it’s the management lang, and for me naman kasi, yun nga, open ako sa lahat ng networks, mahirap pag nake-cage ka lang sa isang ano,” pahayag pa ni Barbara.

 

Kasama ni Barbara na mga talents ng Marikit Artist Management sina Kyle Ocampo, Jeremy Luis, Charles Angeles, Angelika Santiago at ang all-male group na Masculados na binubuo nina Robin Robel, Nico Cordova, David Karell, Enrico Mofar, Richard Yumul, at Orlando Sol.

 

***
FIRST time maging magkapareha sa isang movie sina Rhian Ramos at Paolo Contis sa ‘Ikaw At Ako’.

 

“Oo nga, hindi pa naman kami nakaka, as in super full project together pero naka-work ko na siya a few times, for TV, mga episodic shows, dun kami nagsasama. I’ve also worked with him on a musical din pala, that was fun, kumakanta kami, sa All Out Sunday.

 

“Movie hindi pa, but I’ve always wanted to work with him in a movie, kasi siyempre movies parang binibigyan ng more time, kasi ang TV di ba eere siya everyday, so kailangan man mabilis kayong kumilos, sa movie parang binibigyan siya ng more time and then parang it’s so tight on the reactions, tapos I’ve always found him a very good, natural, talented actor, na parang I feel like I can learn a lot from.”

 

Napanood ni Rhian ang movie ni Paolo na ‘Through Night and Day’ kung saan ang galing ni Paolo.

 

“Magaling naman siya lagi,” bulalas ni Rhian.

 

“I think I’ve worked with him as a kontrabida, and parang kaya niya in a very threatening way, and then naka-work ko siya as partners, and kaya niya din yung magpakilig pero light lang, very versatile.”

 

Heavy drama ba ang ‘Ikaw At Ako’?

 

“Hindi naman ganun ka-heavy, oo drama pero parang yung nakita kong nagiging attack namin this morning was more on totoo lang and natural.”

(ROMMEL L. GONZALES)

VP Duterte, umupo na bilang council president ng Southeast Asian education organization

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMUPO na si Vice President and Education Secretary Sara Duterte  bilang council president ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

 

 

Pebrero 8 nang umupo si Duterte sa kanyang posisyon kasabay ng  opening ceremony ng SEAMEO Council Conference, kung saan ang Pilipinas ang papalit sa liderato ng organisasyon. Pinalitan ng Pilipinas ang  Singapore.

 

 

Sa kanyang naging talumpati sa nasabing seremonya, tinukoy ni Duterte na lumala ang “learning poverty” sa panahon ng  COVID-19 pandemic, dahilan para magambala at matigil ang pagpasok sa eskuwela.

 

 

Kaya ang panawagan ni Duterte sa mga member countries ay “act now as we cannot afford to waste more time.”

 

 

“As education leaders, we cannot allow ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) children to miss out on the beauty and benefits of learning,” ayon kay Duterte.

 

 

“We have a responsibility to them. The decisions we make today will help determine the quality of life in our countries, and in the entire ASEAN region,” aniya pa rin.

 

 

Ang SEAMEO Council ayon sa Department of Education (DepEd) ay highest policy-making body ng organisasyon na kinabibilangan ng 11 member countries.

 

 

Ang Pilipinas ang kasalukuyang host ng  SEAMEO council conference sa Maynila mula Pebrero 8, hanggang Pebrero 10, 2023.

 

 

Ang mga member countries ay Brunei Darussalam, Cambodia, Lao PDR, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.

 

 

Ayon sa  DepEd, “the council’s presidency is assumed by the member countries on a rotation basis in alphabetical order, unless a country requests to be skipped in the rotation.”

 

 

Inaasahan na pangungunahan ng Pilipinas ang konseho mula 2023 hanggang  2025. (Daris Jose)

Dahil sensitibo ang tema ng musical film: CASSY, medyo pressured at may takot sa magiging response ng tao

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED si Cassy Legaspi na mapasama sa musical film na ‘Ako Si Ninoy’.

 

“Ang daming first—first movie, first musical. Of course, medyo pressured ako or medyo takot ako sa mga response ng tao.

 

“Pero at the same time, I am very, very proud of what we did here and of what I did here.

 

“I’m excited, I’m excited din to see this film. I hope everyone likes it.”

 

Sensitibo ang tema ng pelikula tungkol sa buhay ni Ninoy Aquino, na ginagampanan ni JK Labajo.

 

“At first, ang alam ko lang movie. Tapos binanggit nila na, ‘Actually, musical ito.’ Sabi nila, ‘We think you should try it. It’s something new.’

 

“At first, natakot talaga ako, but I really, really love my role here.

 

“Sabi ko, ‘You know what, I think this is the right time for me to try new things.’

 

“At first, sabi ko, ‘It’s just a student.’ I don’t wanna stick to the same role, pero may twist pala yung character ko.

 

“Bawal kong sabihin kung ano yung magiging twist, pero this advocacy I truly care about.

 

“Actually mabigat siya, it’s a sensitive topic, but I’m happy to say, I think and I hope I that I portrayed the role right as a victim.”

 

***

TULAD ng nasulat na namin noong 2019 ay wala ng kontrata sa ABS-CBN si Judy Ann Santos!

 

Nag-expire ang kontrata niya sa Kapamilya network noon pang ginagawa niya ang ‘Starla’ na umere mula October 2019 hanggang January 2020.

 

“When I was doing Starla, wala na akong contract with ABS-CBN.

 

“Then pandemic hit. Then they gave me Paano Kita Mapapasalamatan which I am grateful for, considering na wala akong contract and yet ako ang kinonsider nilang host,” kuwento ni Judy Ann sa mediacon ng gagawin niyang horror film na The Diary Of Mrs. Winters.

 

At kahit wala siyang existing contract ay patuloy sa pagiging Kapamilya ang aktres.

 

“Well, actually, nung nag-expire yung contract ko with ABS-CBN, it’s something na di naman ako masyadong… parang okay lang.

 

“Kailangan ko rin naman ng chance na ipahinga yung utak ko.

 

“With ABS-CBN naman, I have a very honest and open relationship with them when it comes to projects na inihahatag nila sa akin.”

 

At kahit wala siyang existing contract ay nagpaalam pa rin siya sa ABS-CBN management na may gagawin siyang isang serye na secret pa muna sa ngayon ang mga detalye.

 

Produced iyon ng Reality Entertainment ng director-producer na si Erik Matti.

 

Kinausap ni Judy Ann si Cory Vidanes, Chief Operating Officer ng ABS-CBN, tungkol sa bago niyang serye.

 

“I called up Tita Cory para ipaalam lang sa kanya, para magsabi, ‘I’m gonna make a series outside ABS-CBN.’

 

“Ipinaalam ko nang maayos. Kasi alam mo yung pakiramdam na wala man akong existing contract with ABS-CBN, yung pakiramdam ko lang na para akong namimindeho ng asawa.

 

“All my life, I’ve been doing all my teleseryes with ABS-CBN. Ito yung first time na gagawa ako ng hindi under sa kanila, so parang feeling ko lang, medyo nagi-guilty ako so kailangan ko sabihin.”

 

Kuwento pa ni Judy Ann ay maayos ang usapan nila ni Ms. Vidanes.

 

“Oh, sobrang na-appreciate ni Tita Cory yung pagtawag ko sa kanya. Sabi niya, ‘Di naman kailangan, Juday, pero na-appreciate ko.’

 

“Ganun kasi ako, ayoko may nasasaktan ako along the way, especially when it comes to work.

 

“Feeling ko di worth it na may tao ka matapakan, para lang sa isang proyekto, para lang sa isang malaking talent fee or something.

 

“Not that I’m saying anlaki-laki ng talent fee ko. Hindi, ah.

 

“Feeling ko lang yung respeto kailangan ibigay mo nang buo sa mga taong bumuo sa ‘yo.”

 

Sa ‘The Diary Of Mrs. winters’ ay muling sasabak si juday sa nakakatakot na genre tulad ng mga nagawa na niyang ‘Kulam’, ‘Ouija’ at ‘T’yanak’.

 

Gaganap siya dito bilang si Charity isang bio-forensic cleaner o tagalinis sa bahay o kuwarto ng isang namatay.

 

Ex-husband naman niya si Victor na gagampanan ni Sam Milby.

 

Nakatutuwa rin na muling aarte sa big screen si Liza Diño na gaganap naman bilang kabit ng dating mister ni Charity.

 

Sa Canada ang kabuuan ng shooting ng moviecat mula sa direksyon ni Rahyan Carlos.

(ROMMEL L. GONZALES)