• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2023

P100 taas-sahod, hirit ng grupo ng mga manggagawa sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin sa PH

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HIRIT ngayon ng grupo ng mga manggagawa ang P100 taas sa sahod sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.

 

 

Hinikayat ng Partido Manggagawa (PM) ang kongreso na bumalangkas ng special legislation na maggagarantiya sa pantay na taas na sahod para sa lahat ng mga rehiyon sa bansa.

 

 

Ayon sa grupo, ang halaga ng minimum wage sa Metro Manila ay bumaba ng P88 dahil sa pagtaas ng presyo ng commodities.

 

 

Ang panawagan naman ng grupo ay iba pa mula sa kanilang petisyon sa Regional Wage Board sa National Capital Region (NCR) para sa limitadong annual wage increase sa mga empleyado.

P10K ayuda ng DSWD sa 160 indigent patient sa NKTI

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAGKALOOBAN  ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD)  ng tig-P10,000 pinansiyal na tulong ang nasa 160  indigent patient na kasalukuyang nagpapagamot sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue Quezon City.

 

 

Mismong sina Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary  Rex Gatchalian ang personal na nag-abot ng P10,000 bilang bahagi ng Assistance to Indivi­duals in Crisis Situation kasabay ng anibersaryo ng  naturang ospital noong Lunes.

 

 

Bukod dito, magbibigay din ng medical assistance ang DSWD sa iba pang mga nangangailangan ng medical assistance, burial, transportation at educational assistance.

 

 

Noong nakaraang taon, umabot sa 5,336, 381 ang nabigyan ng tulong ng ahensya sa ilalim ng DSWD- AICS.

 

 

Tiniyak din ng DSWD na patuloy na aalalay ang ahensya sa publiko na walang kakayahan na tustusan ang kanilang pangangailangan. (Daris Jose)

Presyo ng ilang basic goods, magtataas base sa bagong SRP guide na inisyu ng DTI

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGTATAAS ang presyo ng ilang basic goods base na rin sa inisyung bagong suggested retail price (SRP) guide ng Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Kabilang dito ang presyo ng mg de lata, tinapay, gatas, sabon, baterya at mga kandila.

 

 

Paliwanag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kanilang inuna ang mga bahagyang nagkakaroon ng problema na mga manufacturer ng mga produkto mula sa kanilang pagkalugi o kaya naman ay nagsara dahil sa epekto ng pandemya.

 

 

Sa kabila ng pagtaas, ilang manufacturer ang nagpahayag na hihirit pa sila ng umento dahil hindi aniya sapat ang itinaas sa SRP. (Daris Jose)

Ads February 10, 2023

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, tinitingnan ang Japanese investments sa Philippine agriculture

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-usap sa Japanese o Hapones hinggil sa investments sa  agricultural sector sa Pilipinas at sa agricultural products nito na pumapasok sa Japanese market.

 

 

Binanggit ito ni Pangulong Marcos  habang sakay  ng PR001 patungo sa kanyang official visit sa Japan.

 

 

“Number one, that opens up [not just] the usual exchange of technology—but that’s an important part of it—but also, investment in agriculture, and, hopefully opening up markets in Japan for our agricultural products,” ayon kay Pangulong Marcos nang tanungin kung ano ang kanyang inaasahan sa kanyang official vissit sa nasabing bansa.

 

 

“So that’s a very wide-ranging discussion.  So, yes, we hope to do a lot in that regard [to accelerate our] agricultural development,” dagdag na wika nito.

 

 

Makikita sa data ng  Philippine Statistics Authority na ang  Japan ang ‘third largest export market’ ng Pilipinas na may  $10.73 bilyong halaga ng export receipts noong  2021.

 

 

Sa kahalintulad na taon, ang Japan ang ‘second largest source’ ng imported goods na may kabuuang trade value na $11.11 bilyong dolyar.

 

 

Sa five-day official visit ng Pangulo, inaasahan ng Punong Ehekutibo na magkakaroon siya ng  bilateral meetings sa mga business leaders ng Japan.

 

 

Samantala, sa  pre-departure speech ng Pangulo, sinabi nito na ang kanyang pagbisita sa Tokyo ay “part of a larger foreign policy agenda to forge closer political ties, stronger defense and security cooperation as well as lasting economic partnerships with major countries in the region.” (Daris Jose)

PBBM, gustong muling pasiglahin ang ‘natutulog’ na PH-Japan biz partnerships

Posted on: February 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling buhayin at pasiglahin  ang ”business partnerships” ng Pilipinas at Japan na bahagyang pinatulog ng Covid-19 pandemic.

 

 

Para sa Pangulo, makatutulong ito para lumago ang ekonomiya ng dalawang bansa.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay binanggit niya sa isang dinner meeting kasama ang mga executives ng Mitsui & Co. at Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) makaraang dumating sa  Tokyo.

 

 

Sa official Facebook account ng  state-run Radio Television Malacañang (RTVM), makikita rito ang  video footage ni Pangulong Marcos kasama ang Mitsui at MPIC executives gaya nina  Mitsui & Co. chief executive officer Kenichi Hori at MPIC chairperson Manny Pangilinan.

 

 

“The partnership between not only Mitsui but the whole of Japan and the Philippines has been a long-standing one. We can point to so many of the developments that happened in the Philippines with the assistance of the different Japanese funding agencies and our government-to-government (G2G) arrangements and commercial arrangements, and these have been to the benefit of both our countries,” ayon sa Pangulo.

 

 

“The partnerships, I think, that we have developed with our friends here in Japan, with Mitsui, in particular…We will have to revitalize them as they have been dormant to a degree, during the lockdowns of the pandemic,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Looking forward naman si Pangulong Marcos na ang mga pag-uusap na mangyayari sa panahon ng kanyang five-day official visit ay makatutulong para maging “a driver in the transformation of our economy.”

 

 

Maliban kay Pangilinan, ang iba pang  business leaders na kasama sa delegasyon ng bansa  ay sina San Miguel Corp’s Ramon Ang at Ayala Corp’s Jaime Augusto Zobel de Ayala.

 

 

Sinamahan naman ang Pangulo ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at ilang key government officials kabilang na sina  Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

 

 

Ang Mitsui & Co. ay isang Japanese company “that primarily engages in product sales, logistics and financing, infrastructure projects, iron and steel products, information technology (IT) and communication, among other businesses. It currently operates in 128 offices in 63 countries including the Philippines.”

 

 

Samantalang ang  MPIC ay isang Philippine-based investment management at infrastructure holding company na karamihan ay inuugnay sa  strategic partnerships sa pamamagitan ng pag-improve sa “operational efficiency, pagtataas sa customer coverage, at mahigpit na pakikipagtulungan sa  regulators at iba pang  partners o katuwang sa gobyerno.

 

 

Samantala, sinabi pa  ni Pangulong Marcos na masigasig ang Pilipinas na isapinal ang ilang proyekto sa Japan na natigil lamang dahil sa Covid-19 pandemic at maging sa bagong  viable projects.

 

 

Tinukoy nito kung paano ang dalawang bansa ay “very well-developed interactions about G2G or even commercial ventures.”

 

 

“So what we’re really having to do now is we are going to have to… we’re finalizing some of the projects that, for example, were postponed because of the pandemic lockdowns and also now some new projects that are follow on from kung ano ‘yung dati ng proyekto,” aniya pa rin.

 

 

Giit pa ng Pangulo,  ang  official trip niyang ito sa  Japan ay hindi na pagpapakilala sa Pilipinas kundi mayroong “very specific” schedule. (Daris Jose)

Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey, maituturing na pinakamalakas sa kasaysayan nang bansa

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAITUTURING  umano na pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Turkey ang naitalang magnitude 7.8 na lindol sa nasabing bansa.

 

 

Sa panayam kay Correspondent Lorie Ann Cabanilla Argallion, mula sa nabanggit na bansa, sinabi nito na una nang nakapagtala ng malakas na lindol noong 1990 na ikinamatay naman ng maraming tao.

 

 

Dagdag pa ni Argallion, aabot sa 2,200 ang mga binawian ng buhay habang nagpapatuloy pa umano ang assessment ng kabuuang numero ng mga nasugatan sa ngayon.

 

 

Ayon pa kay Argallion, tiniyak nang Turkish Government ang tulong sa mga naapektuhan subalit nahihirapan sa isinasagawang rescue operation dahil sa makipot at pag-crack ng mga daanan.

 

 

Mayroon naman umanong ginagamit na chopper subalit problema ang mahangin na panahon.

 

 

Samantala, mayroong mga area sa nasabing bansa ang nawalan ng kuryente dahil sa nangyaring lindol.

 

 

Nakakalungkot din umano ang sitwasyon nang ibang mga residentes na nananatili sa mga tent na kung tutuusin hindi maganda dahil sa malamig na panahon.

 

 

Sa ngayon, maliban sa tulong ng Turkish government, mayroon naman na ipinapaabot na tulong ang ibang bansa. (Daris Jose)

CA retired justice, ika-5 miyembro na bubusisi sa PNP generals, colonels

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang ika-5 miyembro ng five-man committee na nakatakdang magrepaso sa courtesy resignations na isinumite ng mga senior officials ng Philippine National Police (PNP).

 

 

“Si Justice Sadang ay naging Associate Justice ng Court of Appeals nung 2011 up to 2017, presiding judge ng RTC Cavite City nung 2000 up to 2011 at talagang dumaan sa pag-iiscreen at kami ay nagpapasalamat kay Justice Melchor Quirino Cabarroguis Sadang sa pagtanggap niya bilang 5th member nitong advisory group,” ayon kay Abalos.

 

 

Una nang tinukoy ni Abalos ang apat pang mi­yembro na sina retired police general at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., dating defense secretary Gilberto Teodoro at retired police general Isagani Nerez.

 

 

Magko-convene na ang komite sa Lunes ng susunod na linggo. Ang naturang komite ang magsusumite sa Napolcom ng mga pangalan ng mga opisyal ng pulisya na ang courtesy resignation ay kanilang tatanggapin, para sa panibagong beripikasyon bago tuluyang isumite ito sa Pangulo.

 

 

Inaasahan ni Abalos na magiging patas ang isasagawang assessment at matatapos nila ang naturang proseso sa loob ng 3 buwan. (Daris Jose)

Never nag-regret na nagpakasal: CARLA, wala ng chance na makikipagbalikan pa kay TOM

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NALUNGKOT ang mga fans ng Pambansang Ginoo na si David Licauco, nang aminin niya sa interview ng Kapuso Showbiz News, na nakakaranas siya ng sleep apnea, at kailangan niyang magpagamot sa isang specialist.  

 

 

Ngayon pa naman namamayagpag ang career ni David sa pagganap niya bilang si Fidel, katambal si Barbie Forteza as Klay, kaya nabuo ang kanilang FiLay loveteam.

 

 

Healthy looking si David, pero serious pala ang sleeping disorder niya.

 

 

“It’s scary talaga, it’s been my insecurity since it started when I was 16 years old, so it’s been 11 years na yung sleep apnea ko, na my breathing stops, about 30 seconds straight about 24 times in an hour when I’m sleeping.

 

 

“Ilan sa symptoms nito ay ang pagiging irritable, daytime drowsiness, at fatigue dahil sa interruptions ko sa pagtulog.  Kaya humihingi ako ng tawad sa mga taong nasungitan ko dahil sa effect ng condition ko.

 

 

“Sa gabi lamang umaayos ang mood ko, kaya pupunta muli kami ng mom ko sa doctor ko for a check up again.  Baka I need an operation soon, kasi nahihirapan na ako.”

 

Tamang-tama naman na natapos na ang taping ng buong cast ng historical fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’ nasa last two weeks na lamang mapapanood sa GMA-7 every 8 pm.

 

 

Don’t miss kung ano ang magiging ending ng FiLay love team.  Masunod kaya ang gusto ng mga fans nila na sa pagtatapos ng serye ay sasama si Fidel kay Klay sa pagbalik nito sa bagong panahon?

 

 

***

 

PUMAYAG si Kapuso actress Carla Abellana na sumailalim sa legit lie detector test ni Bea Alonzo para sa personal vlog nito.

 

 

Sinagot namang lahat ni Carla ang mga tanong ni Bea at pasado naman ang mga sagot niya sa machine, like may nagpaparamdam na ba sa kanyang manligaw ulit, meron daw  nagpaparamdam pero wala namang nanliligaw.

 

 

Wala siyang regret na nagpakasal siya, pero hindi pa raw siya ready na ma-in love ulit at muling mag-asawa.  Hindi na niya babalikan si Tom Rodriguez, no more second chance.  Pero napaisip si Carla sa tanong if he will work again with Tom.

 

 

Ayaw na raw niya, pero paano raw kung gusto ng GMA na muli silang pagtambalin?

 

 

May Valentine’s Day date ba siya sa February 14?

 

 

“Wala, may Baguio trip lamang kami ng mga barkada ko, na mga friends ko na sila since elementary pa lamang kami noon.  Tiyak na mag-ienjoy kami sa Baguio.”

 

 

Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Carla ang balik-tambalan serye nila ni Gabby Concepcion na “Stolen Life” sa GMA Network, na makakasama nila si Beauty Gonzalez.

 

 

Una silang nagtambal ni Gabby sa “Because of You” in 2017.  Malapit na ring mapanood si Carla sa “Voltes V: Legacy” sa second quarter of 2023.

 

 

***

 

MARAMI nang naghihintay sa world premiere ng action adventure series na “Mga Lihim ni Urduja” na magpapabalik sa Jewels of Primetime na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez, na una silang nagsama-sama noon sa “Encantadia.”

 

 

Makakasama rin nila sa serye sina Michelle Dee, Arra San Agustin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Kristoffer Martin, Rochelle Pangilinan, Jeric Gonzales at Zoren Legaspi.

 

 

Sa story, Kylie and Gabbi will work in a special law enforcement operation entrusted with the recovery of precious, pre-colonial jewelry ng legendary and mythical Queen Urduja (Sanya Lopez) of the 1300s.      Ang “Mga Lihim ni Urduja” ang papalit sa magwawakas nang “Maria Clara at Ibarra.”

(NORA V. CALDERON)

Pinakamabilis makahawa na Omicron XBB.1.5 subvariant, nasa Pinas na

Posted on: February 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPASOK na rin sa Pilipinas ang Omicron subvariant XBB.1.5 na sinasabing higit na nakakahawa kaysa sa ibang sublineage makaraang matukoy ng Department of Health (DOH) ang unang kaso nito.

 

 

Sa huling COVID-19 biosurveillance report, iniulat ng DOH ang 196 sa 1,078 na samples na isinailalim sa sequencing ang klinasipikado na XBB, kabilang dito ang isang kaso ng XBB.1.5.

 

 

Ayon kay World Health Organization (WHO) COVID-19 technical lead Maria Van Kerkhove, ang XBB.1.5 ang pinaka-nakakahawang subvariant na kanilang natukoy sa mga Omicron XBB subvariants.

 

 

Tinukoy rin ito ng European Center for Disease Prevention and Control bilang “variant of interest”, habang ang ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, ang naturang subvariant ang bumubuo sa 66.4% kaso mula Enero 29 hanggang Pebrero 4.

 

 

Pero nilinaw din ng WHO na base sa kasaluku­yang mga ebidensya, walang ipinapakita na mas malala ang idinudulot na sakit ng XBB.1.5 kumpara sa mga orihinal na Omicron variant.