• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Sariling coding schemes puwedeng ipatupad ng mga LGUs

SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit mayroon ng Metro Manila Traffic Code, ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa rin na magpatupad ng kanilang sariling regulasyon sa trapiko.

 

 

 

Isa na rito ang regulasyonsa coding scheme na nagbabawal sa mga sasakyan na dumaan sa mga pangunahing lansangan depende sa last digit at plate number ng sasakyan isang araw sa isang linggo.

 

 

 

Tulad ng lungsod ng Makati, ang kanilang sistema sa number coding ay epektibo sa loob ng 12 oras mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. Walang window hours ang number coding sa Makati. Habang ang MMDA  naman ay nagpapatupad ng number coding mula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi lamang.

 

 

 

“We are giving leeway to local governments to implement their own policy as far as number coding scheme is concerned. Makati has peculiar circumstances because it being the country’s premier business district and a lot of vehicles pass by the city, especially during rush hours,” wika ni MMDA acting chairman Romando Artes.

 

 

 

Dagdag pa ni Artes na mas alam ng mga local na pamahalaan ang kanilang mga concerns kung kaya’t sila ay pinapayagan na magpatupad ng kanilang sariling coding schemes.

 

 

 

Ang mahuhuling motorista na lumabag sa number coding ay magmumulta ng P500 ayonsa single ticketing system na pinatutupad sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code.

 

 

 

Nilabas ng MMDA ang bagong matrix para sa mga multa kung saan ito ay nakalagay at makikita sa Facebook page ng MMDA.

 

 

 

Samantala, ayon sa bagong matrix, ang mga mahuhuli ay kinakailangan magbayad ng mga sumusunod: P500 kada isa para sa number coding, tricycle ban at arrogance/discourteous conduct; P1,000 kada isa para sa disregarding traffic sign, attended illegal parking o di kaya ay kung ang driver ay nasa loob ng sasakyan, obstruction, overloading, defective motor vehicle accessories, loading at unloading sa mga bawal na lugar, overspeeding at walang seatbelt; P2,000 kada isa para sa unattended illegal parking, light truck ban at unauthorized modification at P3,000 naman para sa truck ban.

 

 

 

Depende naman sa kung ilan beses ginawa ang offenses, ang mga mahuhuli ay magmumulta ng P1,000 sauna, P2,000 sa ikalawa, at P2,000 na may kasamang seminar sa mga susunod na offenses para sa reckless driving.

 

 

 

Para naman sa dress code, P500, P750 at P1,000. Papatawan ng P2,000 at P5,000 para sa illegal counterflow; P1,000, P2,000 at P5,000 sa hindi paggamit ng child restraint system (CRS). Bibigyan naman ng multang P1,000, P3,000 at P5,000 para sa substandard na CRS; P1,500, P3,000 at P5,000 at P10,000 kung hindi gumagamit ng motorcycle helmet. Habang P3,000 at P5,000 sa paggamit ng helmet ng walang import commodity clearance o ICC marking. Papatawan din ng P3,000, P5,000 at P10,000 kung hindi sumunod sa Children’s Safety on Motorcycles Act. LASACMAR