NAGING emosyonal si Jennylyn Mercado habang bini-video ang muling pagkikita ng kanyang mag-amang sina Dennis Trillo at Baby Dylan.
Nauna na kasing pumuntang Las Vegas si Jennylyn at Baby Dylan para magbakasyon. Sumunod naman si Dennis sa Amerika matapos ang taping nito para sa ‘Maria Clara at Ibarra’.
Sa isang Instagram video ay makikita ang bonding moment ng mag-ama na parehong masayang-masaya sa muli nilang pagkikita.
Ngayong tapos na si Dennis sa MCI taping, balitang si Jennylyn naman ang sasabak sa taping ‘Love. Die. Repeat’ na nahinto ang taping last year dahil nabuntis si Jennylyn.
Leading man dito ni Jen si Xian Lim na una munang mapapanood sa ‘Hearts On Ice’ sa GMA.
***
NAKASENTRO ang JanB ENTERTAINMENT, isang hybrid company (into digital, mainstream & on the ground media) sa pagpapalaganap ng halos lahat ng uri o genre ng musika tulad ng Soul, R&B, Pop, Rock, OPM at global music.
Isasakatuparan nila ito sa pamamagitan ng kanilang mahuhusay na artists na tulad ng Pinoy artist based in New York na si Eytch Angeles na kamakailan lang ay kasama ng Filipino alternative rock band na Sponge Cola sa U.S. Jeepney Tour 2023 bilang isa sa mga front acts.
Si Eytch ang umawit at sumulat ng latest single niyang Sa Kalawakan.
Ipinakilala rin ng JanB Entertainment ang mga artists nila na sina Ashley, Tif, Almyn, Boyong at Chelle.
Masuwerte ang mga baguhang artist dahil mabilis na ngayong ipakalat ang anumang nais nilang ibahagi sa publiko, tulad ng kanilang musika, dahil sa napakaraming platforms sa social media ngayon.
***
HINDI totoong tinalikuran na ni Katrina Halili ang showbiz dahil sa Palawan na ito namamalagi.
Tuloy pa rin ang showbiz career niya, sa katunayan ang pagigigng visible niya sa sari-saring proyekto ng GMA
tulad na lamang ng teleserye na ‘Unica Hija’ at ang latest ay ang guesting ni Katrina sa ‘Magpakailanman’ ni Ms. Mel Tiangco.
Kapag walang taping, umuuwi si Katrina sa Palawan dahil narooon ang kanyang anak na si Katie.
“Parang gusto ko munang mag-focus sa anak ko and ibang life din naman kasama yung family ko sa Palawan.
“Alam mo yun, kapag hindi rin naman ako nagsu-shoot,” pahayag ng aktres.
(ROMMEL L. GONZALES)
SOME icons are meant to fly. Watch the official trailer of “AIR” from director Ben Affleck and starring Matt Damon.
NAG-TRENDING sa Twitter ang #MCIHulingHalik na eksena sa GMA Network historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” na muling pagkikita nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), na pumasok na ang story sa second book na isinulat ni Jose Rizal, ang “El Filibusterismo.”
PINAPLANTSA na ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtayo pa ng dagdag na 3 hanggang apat na subway sa Metro Manila na mag-uugnay sa Cavite.
PINAPAYAGAN na ng Supreme Court na magsampa ng reklamo ang mga ama bilang kinatawan ng kanilang anak laban sa mga abusadong ina.
DALAWANG Pinoy na una nang naibalitang nawawala sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey ang kumpirmadong nasawi sa Antakya, pero sa kabutihang palad ay natuklasang buhay naman ang isa sa mga nawawala.
TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa Philippine government ang stable supply ng liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.
DAIG pa talaga ng mag-asawang sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista ang ibang mga loveteams ngayon.
AABOT sa 47,099 overseas Filipino workers ang maaapektuhan ng suspensyon ng deployment sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).