“MARTYR or Murderer”, the sequel to Darryl Yap’s Mega Blockbuster hit “Maid in Malacañang” is showing in cinemas on March 1, 2023.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
“MARTYR or Murderer”, the sequel to Darryl Yap’s Mega Blockbuster hit “Maid in Malacañang” is showing in cinemas on March 1, 2023.
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpirma ng memorandum of agreement sa ARTCORE Productions, Incorporated para sa nalalapit na Manila Film Festival.
Ang The Manila Film Festival (TMFF) ay nakatakdang maging pangunahing bahagi ng taunang pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo na tatakbo rin sa loob ng isang linggo.
Ang Manila LGU ay nagnanais na simulan ang regular na screening tuwing Biyernes o Sabado (Hunyo 16 o 17), ang premiere night sa Miyerkules (Hunyo 14), at ang screening ng mga judge ay sa Huwebes hanggang Sabado (Hunyo 15 hanggang 17).
Itatampok ng TMFF ang mga pelikulang ginawa ng mga mag-aaral dahil ang pagdiriwang ay naglalayong hanapin ang susunod na henerasyon ng mga batang Filipino filmmakers.
Bukas ito sa mga pelikula ng mga batang Filipino filmmakers mula sa iba’t ibang panig ng bansa dahil ang panawagan para sa mga orihinal na feature film screenplays ay bukas para sa mga senior high school at college students sa buong bansa.
Walong pelikula ang pipiliin para sa public screening at competition proper at pananatilihin ng mga filmmaker ang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian at ibabahagi ang mga ito sa Lungsod ng Maynila at ARTCORE.
Hihilingin din ng TMFF sa Department of Education at Commission on Higher Education na suportahan ang arts and culture project ng Lungsod ng Maynila. Susubukan din nilang magkaroon ng online streaming screening ng mga entry.
Magpapakilos din ito ng suporta mula sa mga may-ari ng teatro at pinuno ng komunidad sa Maynila at ng Department of the Interior and Local Government. (Daris Jose)
SPEAKER Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa matapos ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Japan
Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga mumuhunan at negosyante mula Japan na nais magtatag ng negosyo sa Pilipinas.
Ayon kay Romualdez, ‘overwhelmed’ ang Pangulo dahil, hindi lang mga dati nang kumpanya ngunit may mga bago rin na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.
” So I don’t see why we won’t be getting a deluge or kumbaga tsunami talaga of investments and expansion of business opportunities,” wika ni Speaker Romualdez.
Patunay aniya dito ang 35 kasunduan at letters of intent na nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ibinahagi rin ni Speaker, nasa 1,500 na Japanese business firms pa ang nais dumalo sa naturang pulong ngunit hindi na magkasya sa venue.
Dagdag pa ng House leader, nakatulong ang presensiya ng mga economic managers para masagot ang ilan sa katanungan ng potential Japanese investors at makuha ang kanilang tiwala.
“We met with various sectors in business community. And the whole length and breath of the industry. The President had engagements with them. He was fielding all questions on all their concerns, whether they be on tax issues, incentives, tariffs, anything that mattered. And we have the economic managers in tow. So they were immediately available to address these concerns, ” ani Romualdez.
Ibinunyag din ni Romualdez ang ulat mula sa Department of Finance at Department of Trade and Industry, na maraming Japanese businessmen ang nagpahayag ng interes na makilahok sa mga aktibidad ng Pangulong Marcos Jr., sa kanyang pagbisita sa bansang Japan.
Isa dito ang isang Japanese firm ang nakipag partner sa Aboitiz na magdadala ng mga bagong teknolohiya sa bansa para sa bagong power sources.
Nagpahayag din ang nasabing kumpanya na mag invest ng $1.5 billion sa energy sector ng bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.
Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders at retailers.
Ayon kay DA Assistant Secretary for consumer affairs at spokesperson Kristine Evangelista nakipagpulong sila sa mga stakeholders’ kasama ang mga importer, traders at retailer.
Napagkasunduan nilang irekomenda ang P125 kada kilo ng suggested retail price (SRP) para sa mga inangkat na red onions na ngayon ay naaprubahan na.
Ang suggested retail price ay nag-average ng halaga ng mga red onions, na humigit-kumulang P77 kada kilo, ang presyo ng wholesaler na humigit-kumulang P94-110 kada kilo at ang gastos ng mga retailer tulad ng renta.
Naghahanap ng paraan ang Department of Agriculture na ipatupad ang Suggested Retail Price sa kalagitnaan ng linggo upang mabigyan sila ng oras na mai-palaam sa publiko ang impormasyon at para sa mga retailer na mag-adjust.
Nilinaw din ng opisyal na ang mga red onions lamang ang magkakaroon ng SRP dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagpasok ng mga imports at local harvests. (Daris Jose)
SA celebrity screening ng pilot episode ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ namin unang narinig ang bagong version ni Gary Valenciano ng ‘Kapalaran’ na pinasikat noong ’70s ni Rico J. Puno, na may kurot sa puso habang pinakikita ang mabigat na eksena ni Miles Ocampo na kung saan nanganganak siya sa loob ng isang palengke.
Kaya naman sa ginanap grand mediacon ng serye ng pinagbibidahan ng Hari ng Primetime na si Coco Martin, ikinuwento niya ang mga detalye kung kung bakit napili niya ang kantang ‘Kapalaran’ bilang isa sa themesong, na talaga namang bagay na bagay at marami talagang makaka-relate.
Ayon kay Coco, “Para siyang milagro para sa akin. Kasi, noong araw na bago kami mag-storycon, iniisip ko kung ano ang magiging disenyo ng stage, kung anong magiging hitsura ng over-all.
“Sabi ko sana kahit storycon pa lang, gusto ko na maramdaman na ng mga actor, ano ‘yung project, ano ‘yung konsepto. Naisip ko, sabi ko, gusto ko, parang pagpunta nila, parang nadoon ka na mismo sa Quiapo. Tapos okey na lahat, nakita ko ‘yung design, in-approve na.”
Dagdag pa Coco,“Sabi ko, gusto ko, habang naglalakad ‘yung mga artista, may tumutugtog na kanta. Na parang themesong na.
“Tapos sabi kong ganoon, ang alam kong themesong ng ‘Batang Quiapo,’ ‘Doon Lang, eh. Tapos noong tiningnan ko, inaral ko, ganoon, ayun bagay.
“Pero noong kakalipat ko ng kakalipat ng pinakikinggan ko, mayroon akong narinig na kanta, na isa sa mga kinanta ni Gary Valenciano, ‘yung ‘Kapalaran.’ Sabi ko parang bagay din siya.
“Kasi parang kuwento siya ng bawat tao. Hindi ‘yung karakter lang ni Tanggol (Coco). Parang lahat nakare-relate. Lalo na pagdating sa Quiapo, ‘di ba, parang nandoon tayo para magdasal, magsimba, para magkaroon tayo ng maayos na buhay di ba?
“Parang inano ko siya, sabi ko, sakto mayroong Gary V.
“Tapos noong umaga, bago ako mag-storycon, nagkita kami ni Sir Gary dahil may taping sila ng ‘ASAP,’ niyakap ko siya, nagpasalamat ako dahil nga sa ‘Ang Probinsyano.’”
“Sabi ko Sir Gary, kinanta mo pala ‘yung ‘Kapalaran?’ Nagamit mo na ba ‘yun sa pelikula o teleserye?
“Sabi niya, ‘hindi pa. Pero matagal ko nang nakanta ‘yan’
“Sabi ko,’Sir Gary pwedeng makiusap? Pwede ko ba siyang magamit mamaya sa storycon namin, doon sa ‘Batang Quiapo’?
“Kasi naiisip ko, parang siya ‘yung bagay doon sa seryeng gagawin namin, ‘yung ‘Batang Quiapo.’
“Sabi niya, ‘Sige! Go! Go!”natatawang kuwento ng matulunging aktor.
“And after that, ang ginawa ko, pinatugtog ko.
“Sabi ko, ‘yan ang patutugin natin, habang naglalakad ‘yung mga tao.
“Nagulat sina Tita Cory (Vidanes), sir Deo (Endrinal).
“Sabi nila, in fairness sa ‘yo, nakapagpa-record ka agad.
“Sabi ko, ‘hindi! Hiniram ko lang ‘yan sa YouTube,” natatawang kuwento pa ni Direk Coco.
“Kaya noong nagkita uli kami, sabi ko Sir Gary, yun na ba ang gagamitin natin o kakantahin niya uli para sa teleserye. Sagot naman niya, ‘hindi, gagawa tayo ng bago.”
Para sa amin, mas nahigitan pa ni Mr. Pure Energy ang version niya, dahil mas lalo itong naging madamdamin na for sure marami na naman ang mai-LSS sa kanta, habang pinapanood ang FPJ’s Batang Quiapo na mapapanood simula ngayong February 13, 8:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z,TV5, iWantTFC, and Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page.
Si Love Poe nga pala ang gaganap na leading lady ni Coco, na sa trailer pa lang ay may chemistry ang kanilang kulitan. Makakasama nila sina Charo Santos, Cherry Pie Picache, John Estrada,Pen Medina, McCoy de Leon, Alan Paule, Lou Veloso, Lito Lapid, Irma Adlawan, Mercedes Cabral at marami pang iba.
Mula ito sa mahusay at maaksyon direksyon nina Malu Sevilla at Coco Martin.
(ROHN ROMULO)
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan ang ginagawang pagsusulong ng kanyang administrasyon para sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal, kung saan ‘signatory’ ang Pilipinas.
Kamakailan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) sa ipinalabas nitong kalatas na itinutulak ng Pangulo ang ratipikasyon para sa free trade agreement.
Unang lumutang noong Agosto 2012, ang RCEP ay kinabibilangan ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kasama ang China, Japan, South Korea, Australia, at New Zealand.
Inaprubahan ito ng nakalipas na administrasyon noong Setyembre ng nakaraang taon at dinala sa Senado para sa ‘concurrence.’
Bago pa umupo sa puwesto, nagpahayag na ang Chief Executive ng kanyang reserbasyon ukol sa RCEP, sabay sabing nais niyang makita kung paano ito makaaapekto sa sektor ng agrikultura.
Gayunman, sinabi pa rin ni Pangulong Marcos na isinusulong ng kanyang administrasyon ang Congressional ratification, “which I am promised will be coming soon – of the Philippines’ participation in the Regional Comprehensive Economic Partnership, or RCEP.”
Nauna rito, nakikita naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magagawang i-ratify ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnerships o RCEP free trade agreement sa loob ng unang quarter ng taon.
Prayoridad aniya kasi ng Senado ang ratipikasyon ng RCEP at sa katunayan ay magkakaroon na ng pagdinig patungkol rito na itinakda sa Pebrero 7.
“This free-trade agreement among Southeast Asian economies, plus Japan, China, South Korea, Australia, and New Zealand, will result in greater market access for 92% of products from the Philippines,” ang wika pa rin ng Pangulo.
Sa isinagawang panel session, sinabi naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual na “many prospective foreign investors… who would want to access ASEAN and the East Asian market said they would consider the Philippines if we were part of RCEP.”
Aniya pa, “the Philippines risked being bypassed in favor of other ASEAN countries that have access or ratified their accession to RCEP.”
Inaasahan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na makalilikha ang RCEP ng 10.47% na dagdag sa exports ng bansa at 2.02% dagdag sa real gross domestic product.
Kinakatawan naman ng RCEP ang 50% ng global manufacturing output; 50% ng global automotive output; 70% ng electronics; 26% ng global value chain (GVC) trade volume; 60% GVC para sa electrical/machinery, petroleum/chemicals, textiles/apparel, metal, at transport equipment, 35% ng kontribusyon sa global exports ng electronics at machineries; at ang pangunahing GVC hubs ng big economies gaya ng South Korea, Japan, at China. (Daris Jose)
MASUSING pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang palawigin o i-extend ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng Mitsubishi Motors Corporation sa Tokyo, sinabi ng Chief Executive na habang isinasagawa ang pag-aaral, ang pamahalaan ay “very much of the mind that we have to encourage this investment because it is an industrial and high-end manufacturing operation.”
“It is something that would be important to the Philippines because we are trying to encourage now… both for local businesses and businesses from other countries and businesses from Japan… we are trying to encourage this capital investment to improve the share of manufacturing contribution to the GDP (gross domestic product),” diing pahayag ni Pangulong Marcos.
“This seems to be the direction that the Philippines is going, ayon sa Pangulo sabay tukoy sa nilalayon na “balance the economy.”
“Right now, services is a large majority of the contribution to GDP, which is alright, and we want to keep that going. But we want to balance the contribution from different sectors of the economy,” ani Pangulong Marcos.
Kapuwa naman nakalista ang Mitsubishi Motors Philippines Corporation (MMPC) at Toyota Motor Philippines (TMP) sa CARS program ng gobyerno, nag-aalok ng insentibo para sa mga manufacturers na handang mag- assemble ng mass-market cars sa loob ng bansa.
Sa ilalim ng CARS program, ang mga lalahok na carmakers ay bibigyan lamang ng anim na taon para mag-comply sa minimum volume target sales na “200,000 units each” para sa kanilang enrolled car models para makakuha sila ng insentibo.
Sa naging presentasyon naman ng Mitsubishi, sinabi nito na ang Pilipinas ay nagsisilbi bilang isa sa pinakamahalagang merkado para sa kompanya at nagpahayag ng commitment na i-promote ang green energy factory kasama ang solar rooftop project nito. (Daris Jose)
UMABOT sa 200 na pag-uusap ang nangyari sa pagitan ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan sa 5-day official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“In the morning of the first day, our Department of Trade and Industry Secretary Pascual reported that the business matching event that DTI arranged for 85 Philippine companies yielded more than 255 meetings with Japanese counterparts,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang high-power luncheon at networking event ng mga pangunahing Japanese business organizations, araw ng Biyernes.
Sinabi ng Pangulo na sinamahan siya ng grupo ng 114 negosyante “whose activities span the whole gamut of Japan-centric business opportunities —manufacturing, construction, real estate, retail, food service, trading, telecommunications, aviation, recruitment, mining, and agribusiness.”
Sinaksihan din ni Pangulong Marcos ang paglagda sa 35 investment deals sa larangan ng imprastraktura, enerhiya, manufacturing, at healthcare na sinelyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Japanese government at iba’t ibang kompanya.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang malakas na macroeconomic fundamentals, liberal investment reforms, at infrastructure program ng Pilipinas.
Hinikayat ng Pangulo ang mga Japanese businessmen na mamuhunan sa bansa.
“As we go along our development journey, I invite all of you to continue and enhance that partnership. When you ‘think growth, think Philippines’ so that together, we will reap the benefits of robust, sustainable, and inclusive growth for our businesses and for our peoples,” ang wika ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan.
“Let’s make it happen in the Philippines,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.
Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.
Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon ang kanyang official visit upang mailatag ang “blueprint” ng ugnayang Philppines-Japan sa pagbangon ng dalawang bansa sa epekto ng pandemya.
Sa kabilang dako, nakatakdang rebyuhin ng Pilipinas ang “tripartite agreement” sa dalawang kaalyadong bansa ang Estados Unidos at Japan.
Sinabi ng Pangulo, ‘maraming iba pang isyu” na ibinangon ng delegasyon ng Pilipinas sa Tokyo ay ang pagpapatibay ng mga alyansa sa mga matagal nang kasosyo nito.
Sinabi ng chief executive na ito ay bahagi ng isang patuloy na proseso upang makagawa ng higit pang mapagtibay ang pakikipagtulungan at alyansa ng dalawang bansa.
Nauna nang nagkasundo sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin ang ugnayan ng depensa at seguridad ng Maynila at Tokyo. (Daris Jose)