• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2023

Evaluation ng courtesy resignations, target na hindi aabutin ng 3 buwan –PNP chief

Posted on: February 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TARGET  ng Philipine National Police (PNP) na matapos sa loob ng tatlong buwan ang evaluations at discussions ng five-man advisory group sa mga resignations ng top officials ng organisasyon.

 

 

Sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakatakda nilang isapinal ang mga house rules na gagamitin sa pagsusuri at pagtatasa ng mga third level officers.

 

 

Aniya, ang five-man panel ay nakagawa na ng paunang draft para sa mga alituntunin upang magkomento, at sila ay gagawa ng panghuling rekomendasyon o rectification sa loob ng linggo.

 

 

Kabilang din aniya sa titingnan nila ay ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng mga opisyal.

 

 

Nauna nang hiniling sa mga third level officials ng Philippine National Police na magsumite ng kanilang courtesy resignation dahil layunin ng gobyerno na alisin ang hanay ng mga pulis na nauugnay sa iligal na droga.

 

 

May kabuuang 943 Philippine National Police generals at colonels ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Pinangunahan ni Azurin ang limang miyembro na panel, na kinabibilangan din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating Defense Secretary Gibo Teodoro, dating police general Isagani Nerez at dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Sadang.

 

 

Sinabi ng hepe ng pulisya na pagkatapos ng pagproseso ng five-man advisory group, ang kanilang mga natuklasan ay ipapadala sa National Police Commission para sa pinal na pagsusuri, bago ito ipasa kay Pangulong Marcos para sa kanyang pag-aprub. (Daris Jose)

‘Pinoy Tasty’ at ‘Pinoy Pandesal’ may taas presyo na

Posted on: February 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGTANGGOL  ng grupo ng mga panadero ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang “Pinoy Tasty: at “Pinoy Pandesal”.

 

 

Mayroon kasing P40.50 ang presyo ng Pinoy Tasty mula sa dating P38.50 kada balot hbang ang Pinoy Pandesal ay nasa P25.00 kada balot na mayroong P1.50 ang pagtaas.

 

 

Ang nasabing dagdag presyo isang linggo matapos na ianunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong suggested retail price.

 

 

Sinabi ni Christopher Ah, Executive Vice President of Filipino-Chinese Bakery Association, Inc., na ang mga raw materials na sangkap sa paggawa ng mga tinapay ay tumaas ng mula 25 hanggang 30 percent.

 

 

Depensa pa nito na ang pagtaas ay minimal lamang at kahit na may bagong suggested retail price ay may ilang bakeries aniya ang nagpasyang itigil muna ang paggawa ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal dahil sa taas ng presyo ng mga sangkap na paggawa.

P2-P2.20 rollback sa diesel posible

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY aasahang muling pagbaba sa presyo ng diesel sa susunod na linggo kasabay sa Valentine’s Day.

 

 

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines Inc., aabutin ang rollback sa krudo ng may P2 hanggang P2.20 kada litro.

 

 

Ang price adjustment umano ay epekto ng  galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

 

 

Wala namang abiso ang kumpanya ng langis sa pagbaba ng halaga ng gasolina

 

 

Karaniwang naipatutupad ang price adjustment tuwing Martes ng bawat linggo. (Gene Adsuara)

$600 milyong infrastructure deal naisara sa Japan trip

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUHA ng $600 milyong infrastructure investment ang Pilipinas mula sa mga Japanese investors.

 

 

Ito’y matapos magkasundo ang Filipino business tycoon na si Manny V. Pangilinan at major Japanese investor na Mitsui & Co. na mamuhunan sa sektor ng imprastraktura.

 

 

“We signed an agreement with Mitsui and several parties and management to commit to invest $600 million in the infrastructure,” pahayag ni Pangilinan na bahagi ng business delegation ni Pangulong Ferdinand Marcos sa 5-day working visit nito sa Japan.

 

 

Nais din umano ng Mitsui & Co. ng investment sa mga priority sectors ng administrasyon partikular na sa agriculture, infrastructure at renewable energy.

 

 

Sinabi ng Mitsui na patuloy silang magsasaliksik ng iba pang negosyo na maaring makatuwang ang Pilipinas kabilang na sa agrikultura, renewable energy at digital transformation.

 

 

“We can point to so many of the developments that happened in the Philippines with the assistance of the different Japanese funding agencies and government-to-government arrangements, the commercial arrangements — and these have been for the benefit of both our countries,” pahayag naman umano ni Pangulong Marcos.

 

 

Nagpasalamat din ang Pangulo sa Japanese businessmen dahil sa tulong para mapalakas ang ekonomiya ng bansa. (Daris Jose)

$10 bilyong investment nakuha ni Pangulong Marcos sa Japan trip

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa $10 bilyong halaga ng investment mula sa limang araw na working visit sa Japan.

 

 

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang ibig sabihin nito ay P550 bilyon at libu-libong trabaho.

 

 

Paliwanag pa ni Pascual na nasa bola na ngayon ng Pilipinas kung paano pananatilihin pa sa bansa ang mga dayuhang negosyante.

 

 

“Pero ang complaint pa rin nila mabagal. Long time ago, we have held on the ball. We need to shoot the ball now and make a score. Let’s not drop the ball,” ayon pa sa kalihim.

 

 

Ito rin umano ang dahilan kung kaya patuloy na pinagsusumikapan ni Pangulong Marcos na madaliin ang proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas.

 

 

Inihalimbawa niya ang  itatayong “Green Lane” kung saan naging simple at madali ang pagproseso ng mga requirements ng mga dayuhang mamumuhunan.

 

 

Sa ngayon umano ay wala namang siyang naririnig na reklamo sa mga dayuhang mamumuhunan maliban sa mabagal na proseso ng papales.

 

 

Tiniyak pa ni Pascual, na agad na mararamdaman ng taong bayan ang mga naiuwing investment ni Pangulong Marcos at kumpiyansa na marami pang investment na makukuha ang Pangulo lalo at matagal pang matatapos ang taon.

 

 

Nasa buwan pa lamang umano ng Pebrero suba­lit bilyong halaga na ng investment ang nakuha ng Pangulo. (Daris Jose)

Fare discount sa seniors, PWDs at estudyante, pinaalala ng LTFRB

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan na  ang pagkakaloob ng 20 percent discount sa mga pasaherong elderly, PWDs at estudyante.

 

 

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na may karampatang parusa ang hindi susunod sa batas hinggil dito bukod sa parusang igagawad sa kanila ng LTFRB.

 

 

Alinsunod sa  RA  11314 o  “Student Fare Discount Act” na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,  makakatanggap ng 20 percent discount sa  pamasahe ang mga estudyante tulad ng mga senior citizen at persons with disability (PWD) sa alinmang public utility vehicle (PUV).

 

 

May hiwalay pang kautusan ang LTFRB hinggil dito sa ilalim ng naipalabas na  Memorandum Circular No. 2017-024 na nagbibigay ng diskwento sa mga estudyante, senior citizen, at PWD.

 

 

Nakasaad sa LTFRB memorandum na makakatanggap ang mga estudyante ng diskwento sa pamasahe simula Lunes hanggang Linggo, maging sa panahon ng summer break, at mga legal at special legal holiday sa mga PUVs tulad ng  public utility bus, public utility jeepney, taxi at iba pang katulad na vehicles-for-hire, tricycle, train, aircraft, at marine vessels.

Panukalang Magna Carta para sa mga Filipino seafarers, aprubado ng komite

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng House Committee on Overseas Workers Affairs sa ang substitute bill sa ilang panukalang batas na magtatatag ng Magna Carta para sa Filipino Seafarers, upang protektahan ang kanilang mga karapatan at isulong ang kapakanan ng mga marino, gayundin ang pagpapasigla ng industriya.

 

 

Ang mga ito ay ang House Bills 368, 379, 736, 1515, 1647, 1758, 2269, 2287, 3953, 4438, 4563, at 5795.

 

 

Tiniyak ni Kabayan Party List Rep. Ron Salo, chairman ng komite, sa mga nagsusulong ng panukala na isinasaalang-alang ng komite ang kanilang mga alalahanin sa pagbalangkas ng pinagsama-samang panukala.

 

 

Kabilang sa mga pangunahing probisyon ng panukala ay ang karapatan ng mga marino sa pagsulong at pagsasanay sa edukasyon sa makatwiran at abot-kayang gastos.

 

 

Isinasaad din sa panukalang Magna Carta ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga marino, gayundin ang iba pa nilang mga karapatan at pribilehiyo.

 

 

Nagpahayag naman ng kanilang suporta ang ilang ahensiya ng gobyerno sa pagsasabatas ng panukala, kabilang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pinangungunahan ni Administrator Arnel Ignacio.

 

 

Samantala, inaprubahan din ng komite ng komite ang mosyon na isama ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa paggawa ng mga ipatutupad ng mga tuntunin at regulasyon.

 

 

Umaasa si Salo na ang panukalang batas ay maisasalang sa deliberasyon sa plenaryo sa susunod na linggo. (Daris Jose)

‘Friends’, nai-record uli after four decades: JACKIE LOU, labis-labis ang pasasalamat kay SHARON sa kanilang duet

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PAGKARAAN ng apat na dekada, muling nai-record ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang ’80s hit na “Friends,” na kung saan kasama ang matalik na kaibigan na si Jackie Lou Blanco.

 

 

Sa Instagram ni Sharon, ibinahagi nga niya ang ilan sa mga lines ng song, na isinulat ni George Canseco para sa kanilang 1983 Viva Films na “Friends In Love”, na naging daan para sila’y maging magkaibigan.

 

 

Napapanood ang official music video sa official YouTube channel ni Sharon.

 

 

Sa kanyang post last week, “Others would call this a duet. I prefer to call this version done ‘by Jacquilou Blanco featuring Sharon Cuneta.’ It’s also my first music video since the one I did for the theme song of my movie, ‘Caregiver’ in (was it?) 2008!

 

 

“Abangan nyo po! I tweaked a couple of lines in the song written by the great George Canseco for our movie ‘Friends In Love’ to turn it into a song about just real friendship,” sabi niya.

 

 

“I might be wrong — but I don’t think there’s been a song about just friendship in years! So here’s @jackielou.blanco‘s and my surprise for you.”

 

 

Sa comment section ng post, nagpasalamat si Jackie Lou kay Sharon.

 

 

“From the bottom of my heart, Mama @reallysharoncuneta. Your doing this with me is what has made this song so special. From my heart that is filled with so much joy, Thank you so much!!! I love you Mama. Like you said, I hope they all enjoy our surprise,” say ng aktres.

 

 

Iba’t-iba naman ang naging reaction netizens na yun iba ay natuwa at may nag-nega rin..

 

 

“Ang cringe…”

 

 

Anong cringey? Mga hilaw s experience at friendship gaya mo makaka comment ng ganyan.”

 

 

kung ipinanganak ka na nung panahon ng “friends in love” at nasundan mo ang careers nila, you will not say that.”

 

 

“Saan diyan ang cringe? Ang ganda Ganda ng bagong version eh!”

 

 

“Darating talaga tayo sa certain age ng buhay naten na magiging sentimental tayo lalo sa mga past memories natin. At ang swerte mo pag narating mo yung age.”

 

 

“i remember the movie, gandang ganda.”

 

 

“Ang OA naman nila sa video.”

 

 

“Yung mga nega ang reaction hindi naabutan malamang ang time na pinalabas ang Friends in Love the movie. It’s nice to see Jackie Lou and Sharon maintaining their bond and still singing beautifully.”

 

 

“Bakit may iyakan portion. Parang ang drama naman ng video. Sana plain and simple na lang.”

 

 

“Malamang kasi Di mo binasa ang sinulat ni Ate Shawie that they’ve lost touch with each other. They reconnected after many years!”

 

 

“As a naturally awkward person I felt uncomfortable watching this. But I am happy for their genuine friendship. Bilib ako sa mga tao who can do this kind of closeness na constant hugging and holding hands.”

 

 

“Sweet and refreshing to see. Isn’t it nice to rekindle old friendships.”

 

 

“I dunno about others, pero for me refreshing yung blending, refreshing silang 2 panoorin. And! I love it when people are given another chance at anything kahit anong age na nya, so kudos to Jacki Lou and so nice for Mega to help a friend out! Dami nang nega sa mundo, pati ba naman supposed good reunion binabash nyo? Hay!”

 

 

“For those saying it’s cringey…may not have had friendship that can be compared to theirs. For a person to have a true friend for over 5 years is a blessing already, what more for 4 decades? #friendshipgoals.”

(ROHN ROMULO)

Mas tumatapang habang tumatanda: HEART, ‘di na ipipilit na mabuntis dahil dagdag pressure lang

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HINDI na raw ipipilit ni Heart Evangelista ang mabuntis dahil dagdag pressure daw iyon sa pagsasama nila ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Pababayaan na lang daw nilang dumating ang hinihiling nilang sanggol sa natural na paraan para iwas stress sa kanilang dalawa ni Chiz.

“Hindi ko siya pinag-uusapan actually, kahit maraming nagtatanong because no matter how you put it, it’s always painful to lose a child. And I didn’t just lose one; I lost twins.

“I must say, it wasn’t just because dahil artista ka. Of course subconscious, ‘yung mga makikita mong comments ‘di ba? Pero because dahil lahat ‘yon at kahit ‘yung ibang kilala mo sa buhay mo, they expect that for me. At this point hindi siya binibigay sa akin, so bakit ako magmumukmok or bakit ako magse-celebrate rin? I will just live my life and I’m happy.

“Kasi kung pipilitin mo ‘yung hindi para sa ‘yo, para saan pa? But kung para sa ‘yo, eh ‘di para sa ‘yo. I’m not giving up but I’m not pressuring myself,” sabi ni Heart.

Kaarawan ni Heart ngayon, Pebrero 14, at mas lalo raw siyang tumatapang habang nadadagdagan ang edad niya.

“Habang tumatanda ka tumatapang ka. You gain wisdom and you become strong to defend yourself, to defend your loved ones,” sey ni Heart.

***

EXCITED sa mga big scenes sa bago niyang pagbibidahan na teleserye si Jak Roberto.

Ayon sa Sparkle hunk, matutupad daw ang hiling niya noon pa na magkaroon ng project kunsaan may mga action na eksena sa teleserye na ‘The Missing Husband.’

Sey ni Jak: “Matagal ko nang gusto talagang gumawa ng aksyon ulit. Sunud-sunod kasi ang mga drama na ginawa natin last year. Para maiba naman di ba? Kakaiba rin ang role ko dito kaya sobra akong nae-excite.”

Ikinatuwa rin si Jak na makakatrabaho sa teleserye ang cast na first time niyang makakatrabaho lahat.

“Halos lahat yata ngayon first time ko lang makakatrabaho sa teleserye. Maganda rin na mga bagong actors and actresses ang makakasama natin. New experience ito para sa aming lahat,” sey ni Jak na ang co-stars ay sina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Joross Gamboa, Nadine Samonte, at Sophie Albert.

Huling napanood si Jak sa ‘Bolera’ kunsaan nagpakita siya ng husay sa pag-arte at nakipagsabayan siya sa husay din nila Kylie Padilla, Gardo Verzosa at Jaclyn Jose.

***

PERFORMANCE level si Rihanna noong nakaraang Linggo sa pag-headline niya sa Super Bowl LVII Halftime Show.

Suot ni Rihanna ang flaming-red jumpsuit with shiny breastplate noong lumabas siya mula sa glass planel suspened far above the field ng State Farm Stadium in Glendale, Arizona. Ang effect ay parang naglalakad ang singer sa isang stairway to heaven.

Opening song ni Rihanna ay ang “Bitch Better Have My Money,” at sunud-sunod na ang mga inawit niyang hit songs niya na “Where Have You Been,” “Only Girl (in the World),” “We Found Love,” “Rude Boy,” “Work,” “Wild Thoughts,” “Pour It Up,” “All of the Lights,” “Run This Town,” and “Umbrella.”

Tinapos niya ang kanyang performance with “Diamonds” habang kumikislap ang stadium at sinabi niya sa ang “Thank you, Arizona!”

At ang pinaka-highlight ng gabing iyon ay ang pagkumpirma ni Rihanna na siya ay buntis sa ikalawang anak nila ng partner niyang si A$AP Rocky.

The Apple Music Super Bowl Halftime Show was produced by DPS. Roc Nation and Jesse Collins served as executive producers, with direction by Hamish Hamilton.

(RUEL J. MENDOZA)

Pinaratangan ng netizens dahil maganda ang hugis ng ilong: RYZA, naaaliw at natatawa na lang sa tsikang nagparetoke

Posted on: February 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BEST birthday raw para kay Heart Evangelista ang kanyang kaarawan ngayong taong ito.  

 

 

Ika-38th birthday ni Heart today, Valentine’s Day at ang ang hindi inaasahang pa-birthday surprise raw sa kanya ng kanyang Mister na si Senator Chiz Escudero ang mukhang nagpa-kilig kay Heart.

 

 

Obviously, isa sa espesyal at memorable teleserye ni Heart ang “Hiram Na Mukha” na ginawa niya sa ABS-CBN kaya gano’n na lang ang saya niya na may sculture siya ng mismong mukha niya base sa serye.

 

 

Sa caption ni Heart, “17 years ago I filmed my telenovela “Hiram na Mukha” they took a molding of my face at that time.  I was 21 years old… through the years I always wondered where the molding was.  I briefly mentioned it to my husband 3 years ago and lo and behold… he was able to locate the original cast and had it commissioned by one of my favorite artists, @ferdiecacnio.  Amazing.  

 

 

“The happiest birthday indeed. Thank you @escuderochiz.”

 

 

Walang duda all fell into places with Heart, lalo na ngayong kaarawan niya.  Ilang araw pa lang bago ang mismong birthday niya ay sunod-sunod na ang mga bonggang pa-dinner party para sa kanya ng iba’t-ibang grupo na halos lahat ay pang-shala o sosyalan talaga.

 

 

***

 

 

MAY mga kinukuwestiyon pala ang ganda ni Ryza Cenon.  May ilang netizens na pinaparatangan o iniisip na dahil maganda ang hugis ng ilong niya ay nagpa-retoke siya.

 

 

Siyempre, naaaliw at natatawa na lang si Ryza.

 

 

Lalo na at alam niya sa sarili niya na natural ang mukha niya at pwede rin siyang gawan ng before and after photos at makikita kung may tremendous change ba.

 

 

Ilan sa comment na ipinost pa ni Ryza sa kanyang Facebook account, “I love your look no’ng cute pa ang ilong mo honestly. Just saying.”

 

 

“Puro retoke mga artista ngayon.”

 

 

Ang caption ni Ryza sa shinare na screenshot na may laugh emoji, “Yung di nila matangga[ na natural na maganda ilong mo. Thank you Mommy sa pamana po na magandang ilong.”

 

 

Minessage namin si Ryza at binirong retokada pala siya. Natatawa lang ito at saka sumagot na, “Hindi po, hindi po kailangan.”

 

 

Sey pa rin niya, “Masyado po akong busy sa anak ko. Kung magpaparetoke ko baka masira po mukha ko lalo.  Kasi, bugbog na bugbog na po ‘ko kay Night sa mga siko, head-butt niya sa ilong ko. Ha ha ha!”

 

 

Sa isang banda, mukhang matutupad ang wish ni Ryza na this year, gusto niyang magpaka-aktibo muli sa pag-arte. 

 

Siya ang balita naming magiging kontrabida kay Yassi Pressman sa bagong serye na “Kurdapya.”

 

(ROSE GARCIA)