P2-P2.20 rollback sa diesel posible
- Published on February 14, 2023
- by @peoplesbalita
MAY aasahang muling pagbaba sa presyo ng diesel sa susunod na linggo kasabay sa Valentine’s Day.
Ayon sa Unioil Petroleum Philippines Inc., aabutin ang rollback sa krudo ng may P2 hanggang P2.20 kada litro.
Ang price adjustment umano ay epekto ng galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.
Wala namang abiso ang kumpanya ng langis sa pagbaba ng halaga ng gasolina
Karaniwang naipatutupad ang price adjustment tuwing Martes ng bawat linggo. (Gene Adsuara)