• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2021

SHARON, pabirong sinabi kay Sen. KIKO na napaka-swerte at parang tumama sa Mega Lotto

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGAGANAP na ang first collaboration nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ngayong gabi.

 

 

Post ni Kiko sa kanyang Instagram, “ITO NA ANG COLLAB NA PINAKA-AABANGAN N’YO!

 

 

“Magsasama ang inyong Daddy Neighbor Kiko at aking aking sweetheart @reallysharoncuneta sa isang buong episode ng #Recipick, kaya sure kaming ito ang vlog na hindi niyo dapat ma-miss! Kumusta naman kaya ang aming pagta-tandem sa kusina?

 

 

“Tara na at samahan niyo kami ngayong darating na MARTES, SEPTEMBER 14, 2021, 8:00PM, para sa isa na namang nakakabusog, nakakatuwa at nakakakilig na episode.

 

“Sa mga #TeamKiwie BISITAHIN ang aming Youtube channel at huwag kalimutan na mag LIKE, SUBSCRIBE at CLICK THE NOTIFICATION BELL para laging updated at hindi ma-miss ang aming mga bagong video: https://www.youtube.com/kikopangilinan diyan, MAKE SURE TO SAVE THE DATE at mag kita-kita tayo ulit online. Promise, mag-eenjoy kayo rito!”

 

 

Post naman ni Mega, “Sa susunod na vlog ni neybor @kiko.pangilinan YouTube po!

 

Repost from @sharoncunetanetwork Hi Everyone! I’m doing a special crossover to cook something delicious on KIKONEK with my one and only “Neighbor” and Sweetheart , Kiko.”

 

 

Sa ending ng one minute video na kung saan pinalisip ni Mega ang niluto niyang Filipino style birthday spaghetti, may pabirong siyang sinabi kay Kiko, “napaka-biniyayaang lalaki nito, kaswerte mo, tumama ka sa lotto, sa Mega Lotto.”

 

 

Tiyak na marami pang kulitan at lambingan sina Sharon at Kiko sa natuwang segment ng Kikonek Youtube channel.

 

 

***

 

 

IBINAHAGI ni Miss Universe 2011 3rd runner up Shamcey Supsup-Lee na nag-positive sila sa COVID-19 sa pamamagitan ng kanyang social media account.

 

 

Ibinalita ng national director ng Miss Universe Philippines na isa na rin siyang certified COVID-19 survivor, matapos na makipaglaban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

 

 

Inakala niyang common flu lamang ito pero hindi pala at kahit fully-vaccinated na sila at puwede pa rin talagang magka-COVID-19.

 

 

Sa IG post niya, kasama ang isang larawan na mukhang galing talaga sa sakit, may caption ito na, “Covid-free. A few weeks ago, what we all thought was just a simple flu turned out to be covid.

 

 

“It came as a shock because we were all fully vaccinated but we still got infected and even had mild to moderate symptoms. I would describe it as a really really bad flu.

 

 

“It was also the first time that I’ve experienced a total loss of smell and taste. Lucky enough, we were able to get better at home.

 

 

Dagdag pa ng beauty queen, Praying for everyone’s safety and for the pandemic to end soon.

 

 

Samantala, nalalapit na nga ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 sa magaganap sa September 25 kung saan ipapasa na ni Rabiya Mateo ang kanyang korona and hopefully makadalo rin si Shamcey.

(ROHN ROMULO)

Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna.

 

 

”Binago na nga ‘yung strategy. Mukhang nahuli yata yung mungkahi mo ,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show Counterpoint.

 

 

Sinabi kasi ni Sotto na kailangang tutukan ng pamahalaan ang ”treatment and prevention” sa pamamagitan ng medisina at hindi nakatuon lamang sa pagbabakuna sa mga filipino laban sa Covid-19.

 

 

Ang buwelta naman ni Panelo, walang masama sa nilalayon ng gobyerno na pataasin ang vacci- nation efforts para protektahan ang mga filipino mula sa nakamamatay na sakit. ”

 

 

‘Yung pagdating sa bakuna, hindi ho mababago ang strategy natin doon. The more bakuna, the better for us. Tama yung strategy na ‘yun — bakuna, bakuna, bakuna ,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni National Task Force against Covid- 19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naghahanda na ang pamahalaan na bumili ng mas maraming bakuna bilang booster shots.

 

 

Nakatuon aniya ang pansin ng pamahalaan sa pag-update ng polisiya nito pagdating sa granu- lar lockdowns sa halip na city- wide at province-wide community quarantine.

 

 

Dapat sana, ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim na ng regu- lar general community quarantine (GCQ) mula Setyembre 8 hanggang 30 para bigyang-daan ang pilot granular o localized lockdowns.

 

 

Subalit, nagdesisyon naman ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na ipagpaliban ang GCQ habang nakabinbin naman ang pagpapaabas ng final guidelines sa granular lockdowns.

 

 

Dahil dito, nananatili naman ang Kalakhang Maynila sa ilalim ng stricter modified enhanced community quarantine hanggang Setyembre 15. (Daris Jose)

Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield.

 

 

Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield.

 

 

Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban.

 

 

Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana ni Belfort subalit tinamaan siya ng COVID-19 kaya ipinalit si Holyfield isang linggo bago ang laban.

Medvedev kampeon sa US Open matapos ilampaso ang world’s No. 1 na si Djokovic

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkampeon si Russian tennis player Daniil Medvedev sa US Open matapos talunin si Novak Djokovic.

 

 

Dominado ng 25-anyos na Russian player ang buong laro 6-4, 6-4, 6-4.

 

 

Ito ang unang grand slam title na nakuha niya.

 

 

Bago makaharap ni Medvedev si Djokovic ay tinambakan niya si Felix Auger Aliassime ng Canada sa semifinals.

 

 

Dahil sa pagkasilat kay Djokovic, napigilan ni Medvedev na hakutin nang karibal ang iba pang Grandslam titles ngayong taon.

NAVOTAS TUMANGGAP NG 28 BAGONG SCHOLARS

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022.

 

 

Sa 28, 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang mga guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.

 

 

“We wish to congratulate our new academic scholars as well as their parents. While the pandemic has brought about overwhelming challenges to our school sector, our scholars persevered and strived to excel in their studies. They truly deserve the educational aid they will be getting from our city government,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ang mga iskolar ay sumailalim sa isang kwalipikadong pagsusulit noong Hulyo at isang interview noong Agosto.

 

 

Ang mga iskolar ng high school ay makakatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa mga libro, transportasyon, at food allowance.

 

 

Ang scholars ng Navotas Polytechnic College ay makakatanggap P22,000 bawat academic year para sa tuition, libro, transportation, at food allowance habang ang scholars ng iba pang colleges o universities ay makakatanggap ng P262,000.

 

 

Samantala, ang teacher-scholars ay makakatanggap ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition, libro, transportation, food allowance, at research grant.

 

 

Mula nang mailunsad ito noong 2011, ang NavotaAs Academic Scholarship ay nagawang suportahan ang edukasyon ng 999 na mga iskolar.

 

 

Bukod sa academic scholarship, nag-aalok din ang pamalaang lungsod ng mga iskolarship sa mga mag-aaral na magagaling sa palakasan at sa sining.

Mga kawani ng gobyerno hindi na papayagang makalabas

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na ang Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na may kinalaman sa inaasahang pagpapatupad ng pilot implementation para sa gagawing alert level system sa NCR.

 

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang naturang policy shift na naka- takdang gawin sa mga susunod na araw ay magiging dalawa na lamang ang magigiging quarantine classification na ipaiiral at ito ay ang ECQ iatf at GCQ.

 

 

Magkagayon man, ang dos and donts sabi ni Roque na ipatutupad ay depende na sa alert level na nakataas sa lugar.

 

 

Sinasabing kada siyudad na o munisipyo aniya ito sabi ni Roque.

 

 

Kapag nakataas aniya ang Alert level 4 sa isang area, wala pa din ayon kay Roque na dine in.. personal services…. wala pa ding mass gathering. subalit pinaplantsa pa aniya ang detalye tungkol dito.

 

 

Paliwanag nisec. Roque, sa bagong polisiya ay magpapatupad ang lahat ng lugar ng granular lockdown.

 

 

Tanging mga health at allied health professionals na lamang umano ang ituturung na APOR.

 

 

Hindi na din daw papayagang makalabas kahit kawani ng pamahalaan kung ito ay nasa lugar na nasa ilalim ng Alert level 4.

 

 

Kaugnay nitoy kikilos naman ang DSWD para umasiste sa maaapektuhan ng ipatutupad na alert level system.

 

 

Inaasahang sisimulan ang bagong set up sa Setyembre 16. (Daris Jose)

Gobyernong Duterte, hindi pinaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng PPE -Galvez

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng pamahalaan na hindi nito pinapaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng personal protective equipment (PPE).

 

 

”Noong panahon po na iyon, kahit na ang US, Canada at mga western countries, wala pong makunan ng face masks at PPEs—kumukuha po sila sa China. Hindi po natin fine-favor ang China kasi kung tutuusin po, wala po tayong capacity to pro- duce PPEs at the time ,” ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force against Covid-19.

 

 

Ani Galvez, ang mabilis na delivery ng PPE sets sa pagsisimula ng pandemiya sa bansa ay mahalaga upang kagyat na mabigyan ng proteksyon ang mga healthcare workers laban sa nakamamatay na virus.

 

 

Bunsod ng nakalululang situwasyon, hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dagdagan ang logistical capabilities sa Department of Health (DOH).

 

 

Ginamit ang C-130 ng AFP para kunin ang mga delivery ng PPE sets.

 

 

”Bakit natin ginamit ang C130? Kasi po sabi ng supplier, kapag papatay-patay kayo, mawawala ‘yung supply, kukunin ng ibang countries, kasi nag-aagawan po ng supply eh. Wala pong lumilipad na eroplano noon kasi naka-lockdown po tayo,” ayon kay Galvez.

 

 

Ang PPE sets aniya ay inilagak sa Camp Aguinaldo in Quezon City.

 

 

”Wala pong warehouse ang DOH sa pag-iimbak ng mga PPE ,” aniya pa rin.

 

 

Aniya pa, karamihan sa mga per- sonnel ng DoH ay nahawa na ng Covid-19 noong panahon na iyon.

 

 

Ang desisyon naman ng pamahalaan ay batay sa “whole- of-government approach” Covid-19 response. (Daris Jose)

LONG -AWAITED “THE MATRIX” FOURTH FILM “RESURRECTIONS” REVEALS FULL TRAILER

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FROM visionary filmmaker Lana Wachowski comes The Matrix Resurrections, the long-awaited fourth film in the groundbreaking franchise that redefined a genre. 

 

 

The new film reunites original stars Keanu Reeves and Carrie-Anne Moss in the iconic roles they made famous, Neo and Trinity.

 

 

Check out the film’s full trailer below and watch The Matrix Resurrections in Philippine cinemas soon.

 

 

Facebook: https://www.facebook.com/watch/?v=399036525193501

 

 

YouTube: https://youtu.be/4T7BN8J9hJc

 

 

About The Matrix Resurrections:

 

 

The Matrix Resurrections also stars Yahya Abdul-Mateen II (“Candyman,” the “Aquaman” franchise) Jessica Henwick (TV’s “Iron Fist,” “Star Wars: Episode VII – The Force Awakens”), Jonathan Groff (“Hamilton,” TV’s “Mindhunter”), Neil Patrick Harris (“Gone Girl”), Priyanka Chopra Jonas (TV’s “Quantico,”), Christina Ricci (TV’s “Escaping the Madhouse: The Nellie Bly Story,” “The Lizzie Borden Chronicles”), Telma Hopkins (TV’s “Dead to Me,”), Eréndira Ibarra (series “Sense8,” “Ingobernable”), Toby Onwumere (TV’s “Empire”), Max Riemelt (series “Sense8”), Brian J. Smith (series “Sense8,” “Treadstone”), and Jada Pinkett Smith (“Angel Has Fallen,” TV’s “Gotham”).

 

 

Lana Wachowski directed from a screenplay by Wachowski & David Mitchell & Aleksander Hemon, based on characters created by The Wachowskis.  The film was produced by Grant Hill, James McTeigue and Lana Wachowski.  The executive producers were Garrett Grant, Terry Needham, Michael Salven, Jesse Ehrman and Bruce Berman.

 

 

Wachowski’s creative team behind the scenes included “Sense8” collaborators: directors of photography Daniele Massaccesi and John Toll, production designers Hugh Bateup and Peter Walpole, editor Joseph Jett Sally, costume designer Lindsay Pugh, visual effects supervisor Dan Glass, and composers Johnny Klimek and Tom Tykwer.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents, In Association with Village Roadshow Pictures, In Association with Venus Castina Productions, The Matrix Resurrections. The film will be distributed worldwide, including the Philippines, by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #TheMatrixMovie

(ROHN ROMULO)

18-anyos British tennis player Raducanu naibulsa ang 1st US Open title matapos talunin ang Filipina-Canadian na si Fernandez

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naibulsa ng teenager at British professional tennis player na si Emma Raducanu ang kanyang kauna-unahang US Open matapos talunin ang teenager din na Filipina-Canadian na si Leyla Fernandez.

 

 

Sa unang set nagkaroon nang adjustment ang dalawang teenage tennis rising star dahil hindi pa nila makuha ang kanilang momentum.

 

 

Dikit ang unang apat na set at naitabla pa ito sa 4-4, pero kinalaunan ay nakuha ng 5 foot 9 na si Raducanu sa 5-4 lead hanggang sa maabot nito ang 6-4 at naipanalo ang unang set.

 

 

Sa ikalawang set, nakalamang pa si Fernandez matapos iposte ang 2-1 lead pero naagaw ito ni Raducanu nang maitabla at iniangat pa sa 3-2 ang kalamangan.

 

 

Lalo pang ibinaon ni Raducanu ang Fil-Canadian nang maabot ang 4-2 at 5-2 lead.

 

 

Bumawi pa sa sunod na game si Fernandez pero hindi nagpatinag si Raducanu na tinapos ang laro sa 6-3 lead at naibulsa ang US Open title.

 

 

Sa US Open, kailangang maipanalo ang dalawang set na mayroong tig-anim na games para magkampeyon sa torneyo.

 

 

Ang Filipina Canadian na si Leyla ay ranked number 73 sa buong mundo, habang ang 18-anyos na si Raducanu mula sa Britanya ay pang-150 sa ranking.

 

 

Ang 19-anyos na si Fernandez ang pinakabatang manlalaro mula pa noong taong 1999 kung saan 17-anyos pa lamang noon na si Serena Williams, ay tinalo ang tatlo sa top-5 players sa isang major tournament.

 

 

Sa panig naman ni Raducanu, kabilang sa marami niyang record ang unang British woman na sumabak sa major singles final sa loob ng 44 na taon.

 

 

Ang ina ni Raducanu ay isang Chinese.

 

 

Samantala, sa panayam kay Fernandez na ang ina ay isang Pinay, labis daw ang kanilang pasasalamat sa mga Pinoy fans na nakaabang din sa kanyang mga laro.

FAILURE OF BIDDING SA OMR MACHINE

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments
NAGDEKLARA ng failure of bidding ang Commission on Elections (Comelec) Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa pagkuha ng  karagdagang optical mark reader (OMR) machines para sa May 2022 elections.
Inanunsyo ni SBAC chairperson, lawyer Allen Francis Abaya sa virtual opening ng bids ang kabiguang mag-bid matapos hindi magsumite ng kanyang bid ang nag-iisang bidder na SMMT-TIM Inc.
Ang service provider ay hindi ng nagsumite ng bid nito na binabanggit ang mas mataas na gastos s electronic components dahil sa coronavirus pandemic.
“We have given the procurement documents a thorough study, trying to find ways to comply with all the requirements within the approved budget. Unfortunately, we have determined that the budget is not sufficient to cover all of Comelec’s conditions stated in the TOR (Terms of Reference),” saad sa liham ng kumpanya sa komite.
“As stated in our letter of queries and appeal dated August 14th with reference number SMMT 2021S-0075, the pandemic has disrupted the global supply chain servicing the electronic sector resulting in huge backlogs in the manufacturing process…For these reasons, it is with deep regret that we inform you that we cannot participate in the bidding scheduled on September 9, 2021,” ayon pa sa kumpanya.
Inamin ng SMMT-TIM Inc. na handa silang ibigay ang mga serbisyo nito at hiniling para sa komisyon na muling bisitahin ang badyet para sa proyekto.
“We wish to affirm that SMARTMATIC is very much interested to participate in this endeavor if the budget allocation is adjusted as provided by the local procurement law to address these pandemic-caused cost increases,” nakasad pa sa liham na nilagdaan ni  Filipinas Ordona, ang otorisadong kinatawan ng kumpanya.
Sinabi ni Abaya na isasaalang-alang nila ang apela ng kompanya.
Ang pag-bid ay para sa pag-upa ng OMR / OPSCAN Precinct Counter na may mga ligtas na digital (SD) cards. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)