• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2021

RFID sa NLEX mataas na ang detection capability

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinaganda at mas mataas na ang detection capability ng RFID na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX), ang unit ng Metro Pacific Tollways Corp., upang mabigyan ang mga motorista ng magandang customer experience sa mga toll gates.

 

 

 

“We have finished installing RFID early detection features in 188 toll lanes, completing the current RFID upgrading project at the toll lane level throughout the NLEX and Subic-Clark-Tarlac Expressway network,” ayon sa pamunuan ng NLEX.

 

 

 

Ang proyekto ay may ginawang masinsinan na pag-aaral sa aspeto ng engineering review kung saan nakita ang mas epektibong positioning ng RFID antennas at sensors upang mas madaling malocate ang RFID sticker na nakalagay at nakakabit sa mga sasakyan.

 

 

 

Kumapara sa dating RFID, ang RFID scanners ngayon ay puwedeng malaman ng advance hanggang tatlong (3) sasakyan at mas madaling madetect at maproseso ang toll rate transactions.

 

 

 

“Part of the commitment to our customers is to consistently improve our electronic systems and services, providing them with a better experience each time they travel,” saad ni NLEX president at general manager Luigi Bautista.

 

 

 

Maliban sa paglalagay ng mas epektibo at magandang RFID, ang NLEX ay naglagay din ng driver-friendly contactless terminals upang maiwasan ang mga RFID scanner glitches.

 

 

 

Kailangan lamang na ipatung ang kanilang Easytrip card sa mga nasabing terminals upang maiwasan ang unnecessary queuing sa mga toll lanes.

 

 

 

Noong nakaraang taon, ipinagutos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng cashless transactions simula noong Dec.1, 2020 upang mabigyan ng proteksyon ang mga tao mula sa pandemic.

 

 

 

Subalit maraming naging problema ang simula ng pagpapatupad ng nasabing cashless transactions.

 

 

 

Ayon kay DOTr secretary Arthur Tugade na hindi talaga nila maiiwasan ang pagkakaron ng cash booths para sa mga emergencies. Ang NLEX ay mayron pa rin na mga cash lanes sa kanilang toll plazas.

 

 

 

Sinabi naman ng SMC na mayron din silang isang cash lane kada toll plaza upang ang mga sasakyan na walang RFID stickers ay mapayagan pa rin pumasok at mabigyan ng Autosweep stickers at upang maiwasan ang pagsisikip ng traffic sa sa mga toll plazas.  LASACMAR

Mga senador na nagsasagawa ng senate inquiries, habol lang ay exposure- PDU30

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng mga Senate inquiries na habol lamang ng mga ito ay “exposure” dahil sa nalalapit na ang 2022 national elections sa bansa.

 

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Sabado na may iba’t ibang opisyal ng pamahalaan ang nasasayang ang oras at effort sa pagdalo sa Congressional hearings sa halip na gawin ang kanilang trabaho para tugunan ang COVID-19 pandemic.

 

Aniya, ang mga imbestigasyon na ito ay maiiwasan kung babasahin muna ng mga mambabatas ang mga “voluminous” reports na ipdadala sa kanila na may kinalaman sa Bayanihan 1 at 2 Laws.

 

“At the very least, they would have at least cared to read those reports so we could have avoided these hearings… this daily hearing, your honor. They are only on their fifth day, and I think they intend to break the record on the hearing of the Binay investigation for 25 days, your honor. We’re wasting so much time and effort in fighting a pandemic, your honor. We cannot waste a day hearing on all these matters, your honor,” ayon kay Medialdea.

 

Kinatigan naman ni Pangulong Duterte ang posisyon ni Medialdea sabay sabing isa si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa madalas na pinapatawag sa Congressional hearings.

 

“Papaano tayo makatrabaho neto kung nandoon kayo? (How can we work if you are all there?) Well anyway, I’ll tell you why. The reason is, it is election time and they want exposure and they think that if they come up with certain corruption cases, true or false, they can get the mileage,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“The only reason also why we are doing it to them is because they cannot have… Gordon cannot have his cake and eat it too. So, ‘yung tinutumbok n’ya e sasagot ako ,” dagdag na pahayag ng Pangulo ung saan ang tinukoy ay si Senador Richard Gordon, nangunguna sa Senate investigation kaugnay sa di umano’y overpriced pandemic-related goods.

 

Inakusahan din nito si Gordon nang paggamit kay sinibak na Police Colonel Eduardo Acierto sa kanyang imbestigasyon.

 

Inaulit naman ni Pangulong Duterte ang kanyang alegasyon laban kay Acierto, sinasabing di umano’y nasa likod ng pag-angkat ng AK-47 rifles, na di umano pa rin ay ibinibigay sa New People’s army (NPA).

 

BInanggit din ng Pangulo ang di umano’y pagkakasangkot ni Acierto sa importasyon ng shabu na natagpuan sa loob ng magnetic lifters at ang kanyang di umano’y partisipasyon sa  extortion o pangingikil sa Chinese businessmen.

 

“‘Yan ang trabaho ni Acierto (That is Acierto’s job). He is guilty of treason against the country and a criminal at that, and he is being utilized by Gordon… Kaya Gordon sumabay ka na kay Acierto pareha na kayo, halos pareha na ang style niyo,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“Namumulitika itong si Gordon using itong dubious characters and underworld characters who became a character in police files for committing crimes,” dagdag na pahayag nito.

Mag-asawa kulong sa P4M shabu sa Caloocan

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang isang mag-asawa na tulak umano ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Leo Gonzales alyas “Netoy”, 50 at Adela Gonzales alyas “Dina”, 42, kapwa ng No. 6511 Mangga St., Brgy., 178 ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Sta- tion Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activity ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong surveillance at validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang mga tauhan ng 5 th at 6 th MFC RMFB- NCRPO ang buy-bust operation sa bahay ng mga suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagawang makipagtransaksyon sa kanila.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 60 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000.00, buy- bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money at isang small box.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Fil-Canadian tennis player Leyla Fernandez tiniyak ang malakas na pagbabalik sa US Open

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa si Filipino-Canadian tennis player Leyla Fernandez na magtatagumpay na sa kaniyang pagbabalik sa paglalaro sa US Open.

 

 

Ito ay matapos na mabigo siya kay Emma Raducanu sa finals ng US Open.

 

 

Ikinumpara pa ng 19-anyos na si Fernandez ang sarili sa New York na matapos ang 20 taon na September 11 terror attack ay matatag pa rin ito.

 

 

Bago kasi ang finals kay Raducanu ay tinalo ng ranked 73 sa buong mundo ang ilang mga sikat na tennis players gaya nina Naomi Osaka, 17th-ranked Angelique Kerber at ranked number 5 na si Elina Svitolina.

 

 

Kahit na natalo ay pinasalamatan niya ang pamilya nito na sumuporta mula sa simula at maging si Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Brooklyn Nets coach Steve Nash.

 

 

Ang coach ni Fernandez ay ang kaniyang ama na dating Ecuadorian footballer habang ang ina nito ay isang Fiipino-Canadian.

JIMUEL, handa nang makipagbasagan ng mukha sa loob ng ring; mas gusto ang boxing kesa mag-showbiz

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI man gusto ni 8-time boxing champion na si Manny Pacquiao na may sumunod sa kanyang yapak bilang boxer, handa na si Jimuel Pacquiao na makipagbasagan ng mukha sa loob ng ring.

 

 

Nagti-training na para maging boksingero si Jimuel sa Wild Card Boxing Gym kung saan kasama niya si Jonas Sultan.

 

 

Pinaghahandaan ni Jimuel ang kanyang laban this month sa YouTuber na si Boy Tapang.

 

 

Kung si Pacman ang masusunod, hindi siya pabor na maging boksingero ang kanyang panganay. Alam niya kung gaano kahirap ang maging isang boxer at ayaw niyang pagdaanan ito ng kanyang anak.

 

 

Pero tulad niya, passion din ng kanyang anak na si Jimuel ang boxing kaya hindi siya nakatanggi when his son asked for his blessing.

 

 

Ang tanging hiling ni Pacman ay maging amateur boxer lang muna ang kanyang anak at huwag muna umakyat sa professional ranks.

 

 

Alam ni Jimuel na may pressure na nakasampa sa kanyang balikat lalo dahil sa impresibong boxing career ng kanyang ama subalit determinado at handa si Jimuel na gumawa ng sariling pangalan sa mundo ng boxing.

 

 

“The pressure is always there, laging nandoon kahit sa pagbo-boxing. Hindi naman ito maiiwasan. But I take it as a challenge and I wanna make a name for myself. I believe I can do it,” pahayag ng binata sa mga kanyang previous interviews.

 

 

Nakagawa si Jimuel ng isang iWant series para sa ABS-CBN pero mas gusto niya ang boxing kaysa showbiz.

 

 

      ***

 

 

MULING gumaganap ng gay role si Christian Bables sa Joel Lamangan film na Bekis On The Run.    

 

 

Gay man ang role ni Christian sa movie. Iba naman ito sa roles niya sa Die Beautiful at Panti Sisters kung saan bading na bading talaga siya at cross dresser pa. Pero nakatulong naman daw ang pagganap niya sa mga nasabing movie para magampanan niya ang role niya credibly sa Bekis on the Run.

 

 

Kasama rin sa movie si Diego Loyzaga, na gumaganap na kuya ni Christian.

 

 

The movie also stars Kylie Verzosa as Adriana, ang ex-gf ni Diego at at si Sean De Guzman as Martin, na ex-boyfriend naman ni Christian.

 

 

Nakatrabaho na ni Sean si direk Joel sa launching film niya na Anak ng Macho Dancer at Lockdown kaya sanay na ito sa torrid kissing at bed scene.

 

 

Pero nakumbinsi ni Direk Joel si Christian na magkaroon ng bed scene at torrid kissing scene with Sean.

 

 

Bukod sa pagiging isang comedy-drama film, tatalakayin din ng Bekis On The Run ang corruption at ang hindi pinag-usapan na mga bading na miyembro ng military.

 

 

At dahil gawa ito ni direk Joel, siguradong may matinding statement ito about corruption.

 

 

Nakatakdang ipalabas ang Bekis on the Run sa Vivamax on September 17.

 

 

***

 

 

MATINDI ang epekto ng COVID-19 sa entertainment industry.

 

 

Maraming nawalan trabaho. Since nagsimula ang pandemya ay nagsara ang mga sinehan at hindi pa rin nagbubukas up to now.

 

 

Kahit na itinuloy ang Metro Manila Film Festival 2020 ay via streaming lang ang mga film entries kaya mababa lang ang kinita ng mga entries, unlike noong may sinehan at pwedeng dayuhin ang screening sa mga malls.

 

 

May annunsiyo na ang MMFF Execom para sa mga interesadong sumali sa MMFF this year. May abiso na sila kung kailan ang deadline ng submission ng entries.

 

 

Pero wait and see pa rin ang attitude ng mga producers. Paano ka nga naman sasali kung wala pa rin sinehan kung saan pwede ipalabas ang entries.

 

 

Mahirap na naman sumugal sa festival kung sarado pa rin ang sinehan at via streaming lang ang panonood dahil tiyak na maliit lang ang kikitain ng producers na susugal sumali sa festival.

 

 

Pero siyempre ang mga taga-movie industry ay umaasa na matatapos din ang pandemya at makababalik rin ito sa dating kalakaran na pwede ng buksan ang sinehan.

 

 

May mungkahi na buksan ang sinehan pero ‘yung mga bakunado lamang ang pwedeng manood. Kailangan din na sumunod sa ipinapatupad na safety protocols.

 

 

Papayag naman kaya ang IATF, considering na mataas pa rin ang kaso ng Covid-19 cases sa bansa?

(RICKY CALDERON)

BRITNEY SPEARS, engaged na sa longtime boyfriend na si SAM ASGHARI

Posted on: September 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ENGAGED na ang pop superstar na si Britney Spears sa kanyang longtime boyfriend na si Sam Asghari.

 

Nangyari ang proposal ni Sam pagkatapos magwagi si Britney sa kanyang pinaglalaban na freedom mula sa conservatorship ng kanyang amang si Jamie Spears. Nag-file last week si Jamie ng petition sa korte para maalis na siya bilang conservator ng singer.

 

Ibig sabihin nito ay hawak na ng 39-year old singer ang buhay niya, kasama na roon ang pag-asikaso ng kanyang finances at pagpapakasal sa kanyang boyfriend na si Sam.

 

Pinost ni Britney sa social media ang engagement ring sa daliri niya na may caption na: “I can’t f***ing believe it!”

 


      Kinumpirma ng manager ni Asghari na si Brandon Cohen ang engagement ng dalawa: “The couple made their long-standing relationship official today and are deeply touched by the support, dedication and love expressed to them.”

 


      Ito ang magiging third marriage ni Britney, Una siyang kinasal noong 2004 sa kanyang childhood friend na si Jason Alexander in Las Vegas. Pero tumagal lang ng ilang araw ang kanilang marriage at nag-file agad sila ng annulment.

 

 

Second marriage ng singer ay sa dancer na si Kevin Federline, also in 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak. They divorced in 2007.

 

Ang bagong fiance ni Britney na si Sam ay 27-years old at pinanganak sa Iran. Isa siyang personal trainer and actor na lumabas sa Showtime series na Black Monday. Nagsimula silang mag-date ni Britney noong 2016.

 

 

***

 

 

KABILANG ang Unang Hirit host na si Love Añover-Lianko na tinamaan ng sakit na COVID-19.

 

Sa kanyang post sa social media, nagpapasalamat ito sa mga nagdasal para ma-survive niya ang naturang sakit. Pinost pa ni Love ang medical certificate na issued September 11 na nagsasabing nakumpleto niya ang 14-day isolation at naka-recover na siya sa COVID-19.

 

      “To God be all the glory. You are the greatest, Lord. Our warmest gratitude to Dr. Percival P. Pangilinan M. D. for helping us and guiding us through the 14-day quarantine and knocking down COVID, eventually.

 

 

We owe you, Doc. Also, to everyone who have prayed, offered masses, sent food, fruits, messages, texts, called, and everythaaang! I am positive– your prayers, love and care have made us stronger to fight this battle. I hope you are all doing good and may God bless us and protect us all.”

 


      Nagbigay din ng words of encouragement si Love sa mga nakikipaglaban pa rin sa sakit na COVID-19.

 

      “And if you are going through the same phase we have been through, may God give you all the strength you need– physically, emotionally, and mentally, and may God heal you. #GRATEFUL #weSURVIVEDcovid”

 


      ***

 

NAGING pleasant ang experience ng veteran actors na sina Bing Loyzaga, Noel Colet at Lloyd Samartino sa mga young stars ng teleseryeng Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

 


      Isang buwan daw nilang nakasama ang mga Gen Z stars sa lock-in taping ng teleserye at wala raw naging pasaway sa mga ito.

 

Sey ni Bing: “I’ve worked with so many young stars of different generations. Yaman din lang at nasa showbiz tayo for more than 40 years na and you can just imagine kung ilang mga artista na ang nakatrabaho ko. Gumanap na akong Ate, tita, mother, kontrabida, you name it.

 

 

Kaya hindi madaling mag-adjust agad with new stars kaya may standard ka nang inaasahan from them parati. But with this cast, ang gaan talaga. Walang naging pasaway and they are all behaved. Ang babait nila sa amin and they really listen sa amin. Ramdam namin yung respeto nila sa aming mga nakakatanda sa kanila.”

 


      Para naman kina Lloyd at Noel na mga naging heartthrobs noong ’80s, parang naging barkada na raw nila ang nakasama nilang mga young stars sa set.

 

“It’s a good experience working with new stars every time. Nakakabilib ang energy nila sa set. Kami namang mga veteran stars, we are happy na nae-experience naming makatrabaho ang mga batang ito, who are not just good-looking at mga mukhang mga artista talaga, but are very, very talented. They actually inspire us to work more. Nakakahawa ang energy nila,” sey ni Lloyd.

 

Sey naman ni Noel: “Kung meron kaming natuturo sa kanila, sila rin ay may natuturo sa amin. It’s a give and take thing for us and these young actors. Kaya hindi mo sila iti-treat na parang katrabaho lang, para mo na rin silang barkada. And they ask us questions about being actors noon. Gusto rin nilang matuto sa mga pinagdaanan namin noon.”
(RUEL J. MENDOZA)

Ads September 13, 2021

Posted on: September 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATTEO, pinuna ng basher sa pagbubuhat ng barbell at tinawag na ‘copycat clown’

Posted on: September 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINOST ni Matteo Guidicelli ang video ng pagbubuhat niya ng barbell na may bigat na 130 kg na kitang-kita kinaya niya per sa bandang huli’y nahirapan na talaga talaga siya.

 

 

Caption niya, “PR UNLOCKED TODAY!! #StayHard

 

 

“Training with Coach Arnold has always been “hard working” sessions. That’s why we do the ice baths for better recovery. Even if I disagree with him, I just do what he says in the end of the day. Just shut up and work mindset!

 

“Today we unlocked a PR on squats. 130kg.
Posting the full video, for the full experience! Watch until the end!!  @arnoldaninion.”

 

 

Nag-react naman ang ilang celebrities na ginawang pagwi-weightlifting ni Matt.

 

 

“My gosh Matteo!!! Pls. Take care,” say ni Karen Davila.

 

 

Pinusuan naman ito ni Richard Yap at comment niya, “hardcore!”

 

 

Say naman ni Eruption, “Extraordinary!!!! Bro, when he said “3 MORE” pati ako pagod na just hearing him say that! @arnoldaninion @matteog.”

 

 

Sagot naman ni Matteo, “@eruption23 I know @arnoldaninion voice man….. Like a little bird.…”

 

 

Comment naman ni Coach Arnold, “Thanks for bailing last sec and leaving it up to me to rack your weight.  Hey I can’t complain that’s the job of the spotter, outstanding work tho.”

 

 

Marami namang nabahala na netizens at pinag-iingat si Matteo, dahil puwede nga naman siyang mabalian sa ginagawa niyang pagbubuhat ng sobrang bigat.

 

 

Pero may isang basher ang nag-comment na, “Who are these jokers, wannabe Hidilyns: Hidilyn is LEGIT, trained, sacrificed years to where she is now,,,, and here comes the copycat clowns. fast track na naman?: c’mon: Wala na bang magawa itong mga toh?”

 

 

Sagot naman ni Matteo na parang tinawanan lang ang basher, “@erwinrichardgomz these clowns are too funny..” at naka-tag ang kanyang coach na si @arnoldaninion

 

 

Agad namang nag-react ang followers ni Matt basher…

 

 

“basher spotted again. crush mo siguro c matt no? lagi ka kc nakasubaybay sa kanya. bka ikaw yong walang magawa nakatutok ka plagi sa ig ni matt updated kumbaga. oi! crush nya…aminin!!!!

 

 

“Are you out of your mind? He is known to be an athlete ever since and he has always been working out. Where the hell did that come from?? Tama bang i-compare mo si ms. hidilyn kay sir @matteog eh hindi naman sya nakikipagcompete? You’re way too hilarious and annoying. Ugh.”

 

 

Sagot naman ni basher, “athlete???of freakin what???,,, same thing w his military bogus s—-, ? FAST TRACKED ‘privileged’, I don’t buy that shit , especially if u use it to torment your UNARMED SELF MADE parents in law! MF!”

 

 

‘Di rin napigilang mag-react ni Coach Arnold, “talk is cheap. Come over anytime. wag mo na e damay si Hidalyn. speak for yourself na Lang and post your squat then come to me.”

 

 

“says the guy who’s profile pic is a dog.  show us your face you bogus clown.”

 

 

Sagot naman ng basher, “you can come on urself , if that satisfies you. ur just trying to promo urself, FAST TRACK, who are you by the way, muscle head? U & ur ingles expat bs: trying to make :₽, right???”

 

 

Say pa ng netizens: “ikaw ang matagal ng clown na bashers ni matt. wala ka nabang magawa sa buhay mo?”

 

 

“how much do they pay you po? I’m sure malaki TF nyo para ganyan kalaki galit nyo.

 

 

I don’t need TF* to spot bogus clowns.”

 

 

Payo pa nito kay Coach Arnold, “ I suggest you go to the front or put a mirror para makita mo ang ichura ng kino coach mo na natatae na sa overweight na pinagagawa moh.”

 

 

Sumang-ayon naman ang isang netizen, “agree pilit ginagaya Ang Hindi nmn nya linya. SI hidilyn nkabuhat Yun Ng ganun kabigat dahil many yrs Yun nag training about 10yrs. It takes time!”

 

 

Resbak ng netizen, “Hoy! Jiselleconcepcion oo nga noh dapat nagpaalam lahat ng mga nagwe weight lift kay hidilyn kasi sya lang may karapatan sa ganyan. Pano kaya yun? Pagkakaalam ko wala naman balak mag olympics si matteo. patawa ka teh.”

 

 

Comment pa ng ibang netizens sa opinyon ng basher:

 

 

“dude, 1st time makakita ng naeexercise? ung utak mo kulang sa exercise. it shows based on your comment. lol! like CMON WALA NA BANG MAGAWA IKAW SA LIFE MO.”

 

 

”yaan mo na, first time nya makakita ng nagwowork out ng ganyan. sa dami ng gumagawa nyan c matteo tlaga idol nya.”

 

 

“You seem to know their lifestory, you follow him for sure! Youre just envious. People hate what they dream of being! Bad character bro. The pandemic is getting into you!!!”

 

 

“Lalim ng hugot.” Siguro may masamang ginawa personally si matteo sayo para manggigil ka ng ganyan.”

(ROHN ROMULO)

DENNIS, parang winner sa rami ng bumati at nakapagpapirma pa kay BONG JOON HO; JOHN, wagi ng Volpi Cup for Best Actor sa ‘ 78th VIFF’

Posted on: September 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SI John Arcilla ang tinanghal na Best Actor at ginawaran ng Coppa Volpi (Volpi Cup) sa katatapos na 78th Venice International Film Festival sa Venice, Italy. 

 

 

Hindi naka-attend si John sa filmfest pero ang Kapuso Drama Actor na si Dennis Trillo na nominated ding Best  Actor sa On The Job: The Missing 8 ang siyang dumalo, kaya binati niya agad sa Instagram si John ng: “Heneral!!! Saludo kami sa ‘yo! Congratulations idol!”

 

 

Pero sulit na sulit naman ang pag-attend ni Dennis sa filmfest.  Para na rin siyang winner, dahil tumanggap din siya ng mga congratulations pagkatapos ipalabas ang trailer ng movie na dinirek ni Erik Matti, sa Palazzo del Cinema di Venezia, bago ini-announce ang winner sa Best Actor.

 

 

Naging instant fan din si Dennis nang mami-meet niya nang personal ang mga sikat na movie personalities na um-attend din ng filmfest.

 

 

Instagram story posted ni Dennis: “nanaginip ba ako?” Dahil ang mga bumati sa kanya ay sina @alexandernanau, @cynthiaerivo @sarahgadon #bongjoonho. Hollywood levelingst!

 

 

Dinala pa ni Dennis ang book niyang Parasite na sinulat ng kilalang South Korean film director, producer and screenwriter na si  #bongjoonho, ang Jury President ng filmfest, at IGs caption niya: “dinala ko ‘to para papirmahan sa tito ko! Thank you tito Bong!”

 

 

Na-meet din ni Dennis ang direktor ng Nomadland na si Chloe Zhao.

 

 

Kasamang nag-attend ni Dennis sa filmfest sina direk Erik Matti, Reality Entertainment producer Dondon Monteverde, at direk Quark Henares. 

 

 

Dennis wore the black suit and Barong Tagalog ni Francis Libiran.  Nag-stay sila sa Hotel Excelsior, Venice Lido Resort.  After ng filmfest ipalalabas sa Rome ang On The Job: The Missing 8. 

 

 

Congratulations!!!

 

 

***

 

 

NAKAKA-MOVE on na si LJ Reyes ngayong kasama na niya ang mga anak na sina Aki at Summer, at kapiling na sila ng mommy niya sa New York.

 

 

Mukhang nagsimula na siyang maglibang-libang dahil nag-post siya sa Instagram story niya na nanood na siya ng fashion show sa New York Fashion Week.

 

 

Ikinagulat niya na isa sa mga rumampa sa fashion show ay si Gigi Hadid.

 

 

Sa IG caption niya: “My first #NYFW!!! And it was such an eye candy!!! And can’t get over @gigihadid and these creations!”

 

 

***

 

 

NAGING emosyonal si Rayver Cruz sa interview sa kanya after niya muling pumirma ng exclusive contract sa GMA Network.

 

 

Hindi niya napigilan ang mapaluha sa pagpapasalamat sa mga bossing ng network sa trust na ibinigay sa kanya.  Bukod kasi sa pagiging actor niya, mas na-develop ang husay niya sa pagsayaw, pagkanta at maging isang host sa mga shows niya rito.

 

 

Hindi raw niya in-expect na madi-develop siya ng network sa pagho-host simula nang isama siya sa The Clash singing competition two years ago. At ngayon ay magsisimula na silang mag-taping ng The Clash 4 na sila muli ni Julie Anne San Jose ang host, kasama pa rin sina Ken Chan at Rita Daniela as Journey Hosts.

 

 

Host and performer din si Rayver every Sunday sa noontime show na All-Out Sundays.

 

 

Isa rin sa ipinagpasalamat ni Rayver ay natupad na ang pagkakaroon niya ng sariling bahay mula sa mga kinita niya sa network.

 

 

Napapanood ngayon si Rayver sa Nagbabagang Luha with Glaiza de Castro, after Eat Bulaga sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

PAOLO, dinipensahan ang sarili sa nag-i-insist na higit three days sa Baguio City; may hamon sa mga nagpa-picture

Posted on: September 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL nga sa “as a friend” na statement ni Paolo Contis, sa kabila na si LJ Reyes ay mukhang ginagawa ang mga puwedeng ways para makapag-moving on siya sa New York, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang isyu nila.

 

 

Kasama ang mga memes ng ‘as a friend’ at ang pag-i-insist ng mga netizens na hindi totoong three days lang si Paolo sa Baguio City.

 

 

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, naka-text nito si Paolo at shinare ni Ogie ang sagot sa kanya ng actor.

 

 

Dinipensa nito ang sarili sa mga nagkukuwestiyon ng talagang bilang ng araw na nasa Baguio siya. Sabi raw ng ngayo’y controversial actor, “Naloloka na rin ako mare! Ang sabi nila, 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pero pakisabi gawin na nilang 30 days, Ha ha ha!”

 

 

Sabi pa rin daw ni Paolo, “Paano mangyayari ‘yun? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30 nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, taping ako ng Dear Uge, so ano ‘yun, inaaraw-araw ko ang akyat-panaog sa Baguio?

 

 

      “Ano ‘to, roadtrip every other day? Saka ang nakakaloka pa rito, ang daming paparazzi, ang daming curious sa everyday events ko. Nagtataka lang ako, ang daming nagpa-picture sa akin noong August 28 na nagpabakuna ako sa Caloocan, bakit walang nag-post?

 

 

“Now is the best time na i-post niyo ‘yun dahil pinagbibintangan akong lima o sampung araw ako sa Baguio. Sayang walang CCTV noong nagpabakuna ako.”

 

 

Tawang-tawa naman si Ogie sa last sentence ng text ni Paolo sa kanya nang sabihin nito na, “Ikaw na ang bahala, Mare. As a friend.”

 

 

***

 

 

NAPAPA-“SANA ALL” na lang sa kilig ang mga netizen na nasusubaybayan ang love story nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

 

 

       Dahil nga open na sa kanilang relationship, so malaya na rin silang nagpo-post sa kanilang mga social media accounts ng mga sweet moments nila together.

 

 

Kinilig at nag-trending din dahil pinag-usapan ang tila home dinner date ng dalawa.  Eh, shinare ito ni Bea sa kanyang Instagram na ni-repost naman ni Dominic.

 

 

Nagpaka-romantic dinner date sila sa bahay, with a dim light, candlelit dinner at obvious din na may pa- bouquet of flowers pa si Dominic kay Bea.

 

 

***

 

 

“BABY Boy” talaga ang tingin ng bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez sa kanyang kauna-unahang leading man sa GMA-7 na si Kelvin Miranda.

 

 

Pero kung tutuusin, 8 years lang pala ang age gap nila dahil 30 years old si Beauty at 22 years old naman si Kelvin. Pero dahil in real-life, mukha namang mas ang experience talaga ni Beauty ay mas older man, considering na nga ang husband niya, kaya bagets na bagets ang tingin niya kay Kelvin na leading man niya sa kanyang Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette na magsisimula nang mapanood sa GMA Afternoon Prime starting today, September 13.

 

 

Sey ni Beauty tungkol kay Kelvin, “Ito ‘yung pinaka-baby boy ko na leading man.

 

 

“Sobrang taas ng energy. Alam mo naman ang mga bagets, ‘di ba? Sobrang taas talaga ng energy ni Kelvin. It’s very nakakatuwa kasi, it’s very infectious, so nakakahawa ‘yung energy niya sa taping.

 

 

      “I admire him because he’s very eager to go to work everyday, so nakikita ko ang sarili ko dati sa kanya. It makes me grounded kasi parang I have so much to learn pa rin kahit bata o matanda ‘yung partner ko, ang dami ko pa rin maatutunan sa kanila, especially sa kanya.”

 

 

Sabi pa ni Beauty, nagulat daw siya sa nakita niya rin na chemistry nilang dalawa.

 

 

“Na-surprise talaga ko na we have a beautiful chemistry on screen,” sey pa niya.

(ROSE GARCIA)