• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Send-off sa Olympic-bound athletes ‘di tuloy

Posted on: July 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng walang sendoff ceremony na mangyari sa Malacañang para sa mga national a­thletes na lalahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na inaasahan niyang magiging mahigpit ang Palasyo sa mga bibisita kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“I don’t want to p­reempt the President and the Malacañang pero iwas na lang sa possible transmission,” ani Ramirez. “Malamang it will be not only simple but talagang a

 

 

“Nakakatakot sa transmission lalo na at may variant. So hindi namin ina­asahan iyan (send-off ceremony),” dagdag pa ng PSC chief.

 

 

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Naging tradisyon na para kay Presidente Duterte ang magbigay ng send-off sa mga atletang sasabak sa mga international competitions kagaya ng Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games.

 

 

Kabuuang 19 atleta ang sasalang sa Tokyo Olympics sa pangunguna nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting at 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso ng golf.

 

 

Hindi pa nananalo ng gold medal ang Pilipinas mula nang sumali sa Olympics noong 1924 sa Paris.

 

 

May tsansa rin para sa medalya sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan at skateboarder Margielyn Didal.

Face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum, “may happen sooner than expected” – Malakanyang

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ng Malakanyang na ang pilot implementation ng face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum  “may happen sooner than expected” dahil ang mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay dumarami na.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos iulat ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ang pamahalaan ay nakapagbakuna na ng 11.7 million doses ng coronavirus vaccines “as of July 4.”

 

Aniya ang desisyon ni Pangulong Duterte na huwag munang magdaos ng face to face classes ay dahil sa banta ng COVID-19.

 

“The President has decided that for now, with the presence of new variants, ayaw muna niyang isugal ‘yung kalusugan ng mga kabataan (He doesn’t want to put the children’s health at risk). But this will not be the same forever,” ayon kay Sec. Roque.

 

Inulit ni Sec. Roque na nais ni Pangulong Duterte na mas maraming tao ang mabakunahan bago pa magdesisyon na ibalik ang face-to-face classes.

 

“Ang sabi naman ng Presidente, ‘Gusto ko munang mabakunahan ang ating mga taumbayan.’ As to how many, hindi natin sigurado po,” aniya pa rin.

 

“But with 12 million of our people being vaccinated and with some cities of Metro Manila hitting 70, even 100 percent of their population being given the first dose, sabihin natin na hindi naman po magtatagal at baka posibleng magkaroon na tayo ng pilot,” dagdag na pahayag.

 

“Antayin lang natin ma-administer pa itong mga bakuna na ito,” ani Sec. Roque.

 

“As of July 4,” ang pamahalaan ay nakapag-administer ng 11,708,029 doses ng COVID-19 vaccines na may 2,868,905 indibidwal na nakatanggap ng dalawang required shots.

 

Ang kabuuang doses na naibakuna sa 18th week ng national vaccination ay umabot sa record high na 1,642,615 doses.

 

Samantala, hinikayat naman ng gobyerno ang lahat ng nabibilang sa priority groups na A1 hanggang A5 na magparehisto sa kanilang local government units, magpabakuna na at kompletuhin ang required number ng doses gaya ng itinakda.

 

Palagi namang ipinaaalala ng Malakanyang sa publiko na ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa minimum public health standards, kahit ano pa ang vaccination status, upang maiwasan na kumalat ang COVID-19. (Daris Jose)

Kate Beckinsale’s Electrifying Return To Action Reveals In First ‘Jolt’ Trailer

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AMAZON Studios has just released the official trailer for Jolt, a new action film starring Kate Beckinsale

 

 

The trailer is witty and colorful, feeling like a cross between Atomic Blonde and Crank. It begins with Lindy, portrayed by Beckinsale, explaining that she has a condition that “makes her snap” while she sits on a train and begins to grab a sandwich out of a passerby’s hands before smashing it into his face.

 

 

The trailer goes on to depict Lindy attempting to live a normal life, something she can only accomplish by shocking herself with an electric device to try and contain her own violent tendencies. Soon, a building explodes with Lindy’s lover inside, and the rest of the trailer showcases Beckinsale in some electrifying action set pieces.

 

 

Check out the official trailer and synopsis below: https://www.youtube.com/watch?v=3BSSoD73TSk

 

 

Lindy is a beautiful, sardonically-funny woman with a painful secret: Due to a lifelong, rare neurological disorder, she experiences sporadic rage-filled, murderous impulses that can only be stopped when she shocks herself with a special electrode device. Unable to find love and connection in a world that fears her bizarre condition, she finally trusts a man long enough to fall in love, only to find him murdered the next day. Heartbroken and enraged, she embarks on a revenge-filled mission to find his killer, while also being pursued by the police as the crime’s prime suspect.c vl,.4\u

 

 

On top of Beckinsale, Jolt boasts a star-studded supporting cast. Bobby Cannavale (Ant-Man and the Wasp), Jai Courtney (Suicide Squad), Laverne Cox (Orange Is the New Black), David Bradley (Doctor Who), Ori Pfeffer (Hackshaw Ridge), Susan Sarandon (Thelma and Louise), and Stanley Tucci (The Lovely Bones) all co-star.

 

 

Tanya Wexler is directing the film from a script by Scott Wascha. Wexler also directed the unique comedies Hysteria and Buffaloed, while Jolt will serve as Wascha’s first screenwriting credit to date.

 

 

Beckinsale is no stranger to action films, headlining many installments of the long-running Underworld franchise. Although Jolt will be Beckinsale’s first big action movie since Underworld: Blood Wars, the English actress is also set to appear in several other upcoming projects, including Charlie Day‘s directorial debut El Tonto and Prisoner’s Daughter, directed by Catherine Hardwicke.

 

 

Jolt will be released on July 23 exclusively on Amazon Prime.

(source: collider.com)

(ROHN ROMULO)

MAINE, kaabang-abang ang gagawing mga tasks o goals mula sa kanyang checklist na tampok sa ‘BuKo Originals’

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA pagsasanib-puwersa ng Cignal TV Inc. at APT Entertainment Inc. isang bagong comedy channel ang malapit nang matunghayan ng mga manonood para maghatid ng 24/7 na feel-good entertainment at walang katapusang saya.

 

 

Simula ngayong ika-2 ng Agosto, magbubukas na ang BuKo (Buhay Komedya), ang kauna-unahan at nag-iisang 24/7 local comedy channel na handog ang refreshing lineup ng comedy classics, hit sitcoms, gag shows, at all-new original programs na pagbibidahan ng mga hinahangaang artista at talento sa bansa.

 

 

Ang BuKo ay may hatid na refreshing blend ng comedy at lifestyle shows na mahahati sa tatlong programming blocks: ‘BuKo Originals’, ‘Tawang Pinoy Klasiks’, at ‘Throwback Tawanan’.

 

 

Authentic Pinoy humor at creativity ang tampok sa BuKo Originals tulad ng #MaineGoals, isang lifestyle-oriented show ng phenomenal star na si Maine Mendoza kung saan gagawin niya ang mga tasks o goals mula sa kanyang checklist.

 

 

Kabilang din sa programming block na ito ang Kusina ni Mamang na hosted ni Pokwang, at ang kuwelang News Patol na magre-report ng mga patolang balita, iho-host ito nina Jose Manalo at Wally Bayola.

 

 

Hatid naman ng Tawang Pinoy Klasiks ang mga well-loved Pinoy comedy classics gaya ng Iskul Bukol, Wow Mali, Bubble Gang, OGAG, Loko Moko, Tropang Trumpo, at iba pang comedy TV hits.

 

 

Sa Throwback Tawanan naman matutunghayan ang ibat-ibang sikat na comedy series at game shows na kinagigiliwan ng mga manonood, katulad ng Pidol’s Wonderland, Celebrity Samurai, Mac and Chiz, Sugo mga Kapatid, at marami pang iba.

 

 

Sa unique mix ng classic, well-loved, at mga bagong programa ng BuKo, siguradong hatid ng bagong comedy channel na ito ang feel-good na bonding para sa buong pamilya.

 

 

“Cignal TV Inc. is committed to continuously provide the best possible content for our viewers. It is an honor for us to partner with APT Entertainment, a stalwart in the industry when it comes to providing entertainment that resonates with Filipino audiences.

 

 

With our collaboration to produce BuKo, and with it historically being the first 24/7 local comedy channel in the country, we are further fueled by our shared passion to create and offer quality programming and top-notch entertainment for all,” pahayag ng FVP/Head for Channels and Content Management ng Cignal TV na si Sienna Maris G. Olaso.

 

 

Katulad din ng Cignal TV Inc., ibinabahagi ng APT Entertainment ang karangalan sa pagbubuo ng BuKo at sa paghahatid ng unique content para sa bagong comedy channel.

 

 

“In these unprecedented times when Filipinos need to be entertained more than ever, we are pleased to work with Cignal in bringing BuKo to life. Through this new comedy channel, we take pride in offering highly entertaining content that will fill homes with collective laughter as families spend quality time watching our shows on BuKo,” tugon naman ng CEO & President ng APT Entertainment na si Michael Tuviera.

 

 

Ang Buko Channel ay opisyal na magbubukas ngayong August 2, 2021 sa Cignal TV Channel 2 at SatLite Channel 2. Puwede ding ma-access ang BuKo sa Cignal Play app, available sa App Store atGoogle Play. Para sa Cignal postpaid and prepaid subscription inquiries, bumisita sa https://cignal.tv.

 

 

Ang Cignal Plan ay available for Prepaid 100 and Postpaid 250, habang ang SatLite Plan starts at P49.

(ROHN ROMULO)

5 nalambat sa drug buy-bust sa Malabon

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon city.

 

 

Ayon kay Malabon police deputy chief PLTCOL Aldrin Thompson, dakong alas-7:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Kenneth Geronimo ng buy bust operation sa kahabaan ng Borromeo St. Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kay Herby Aquino, 36, at Ricky Operario, 50.

 

 

Sinabi ni SDEU investigator PSSg Salvador Laklaken Jr, nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 4.51 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P30,600, buy bust money at isang 357 Magnum Smith & Wesson Revolver na kargado ng 3 bala.

 

 

Dakong alas-11 naman ng gabi nang maaresto din ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Juluis Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni Malabon police chief Col. Albert Barot sa buy bust operation sa Macopa Road, Brgy. Potrero sina Fortunato Blanco, 30, Raymark Bautista, 30, at Jay-ar Urbano, 21.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 2.05 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,940 at P500 buy bust money. (Richard Mesa)

QC HALL HINIKAYAT ANG MGA RESIDENTE NITO NA SAMANTALAHIN ANG LIBRENG SWAB TEST

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT samantalahin ng mga residente ng Kyusi ang ibinigigay na libreng swab testing ng City hall ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang malaman na may isang ginang ang napa anak sa tricycle dahil hindi tinanggap nang isugod sa ospital dahil walang swab test na isa sa protocol ng mga ospital bago tumanggap ng mga pasyente sa loob ng opsital.

 

 

Ayon sa QC LGU ay dati nag may libreng swab testing sa kanila kaya muling ipina alala niito sa mga residente ng Kyusi na samatalahin ito lalo na ang m,ga malapit nang manganak o yung mga kailangan na mag pa confine o mag pa opera sa opsital. Pinaka layunin din ng libreng swab testing ay upang makaiwas na ang mga taga Kyusi na gumastos sa swab testing na kung minsan ay umaabot sa P2,500- 5,000 bawat test

 

 

Ayon kay CESU head Dr. Rolando Cruz, ang mga  residente ng QC na nais sumailalim sa libreng  COVID-19 testing ay maaaring magpa- book online sa  https://bit.ly/QCfreetest. Para makakuha ng appointment. (RONALDO QUINIO)

Pasabog ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng SAP, watusi lang- Sec. Roque

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WATUSI lang kung ituring ng Malakanyang ang alegasyon ni Senado Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP).

 

“Watusi po. Akala ko atom bomb ‘yon pala watusi. Wala po . walang kuwenta kasi puro generalized allegations po. Walang bill of particulars. Walang specific instance, walang ebidensiya, wala man lang follow up dahil kagaya nga po ng sinabi ni Senador (Richard) Gordon “paano naman yan .. papaimbestiga siya sa Senado pero wala iyong proponent, sino iyon magtatanong,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tila ipinamukha naman ni Sec. Roque kay Pacquiao na mali ang sistemang nais na itulak ng senador sa usaping kanyang pinalutang.

 

“Hindi po ganyan ang trabaho ng Senado. Dapat ay ayusin muna ang trabaho niya bilang isang senador, patunayan ang kanyang mga paratang dahil kung hindi politika lamang ang mga pinagsasabi ni Senator Pacquiao,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sa isang online media briefing, inilabas ni Pacquiao ang kanyang pasabog na korapsyon sa gobyerno at sinabing nasa 1.3 milyong benepisyaryo ng SAP ang hindi umano nakakuha ng tulong nga­yong may pandemya dulot ng COVID-19.

 

Kinuwestyon din ni Pacquiao ang paggamit ng e-wallet na Star Pay sa programa ng SAP.

 

Sinabi pa ni Pacquiao na nalulula siya sa korap­syon kung saan ang isyu pa lamang ay umaabot na sa P10.4 bilyon.

 

“Nalulula po ako. Doon po sa binanggit ko na isang isyu lamang P10.4 billion na po kaagad ‘yon. Malaking pera po,” ani Pacquiao.

 

Ayon sa senador, sa 1.8 milyon aniyang benepisyaryo ng SAP, nasa 500,000 lamang ang nakakagamit ng Stay Pay app. Kailangan aniyang i-download ang nasabing app para makuha ang kanilang benepisyo.

 

“Batay sa ating im­bestigasyon, lumalabas na sa inisiyal na disbursement sa Star Pay account para sa 1.8 million beneficiaries, na katumbas ng 14 billion… Bakit parang 1.8 million na binigyan ng SAP sa Star Pay ay 500,000 lamang po na katao ang na-download nito,” ani Pacquiao.

 

Dahil dito, balak ni Pacquiao na maghain ng isang resolusyon upang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang Star Pay.

 

Ibinunyag din ni Pacquiao na naglaan umano ang Department of Social Welfare and Development ng P50 bilyon para sa application gayong nasa P62,000 lamang ang kapital nito. (Daris Jose)

6,585 na ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal — NDRRMC

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Paparami nang paparami ang bilang ng populasyong apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pagpapatuloy ng mga aktibidad nito habang nasa Alert Level 3, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Sa ulat ng ahensya ngayong 8 a.m., Martes, nasa 6,585 na ang naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa rehiyon ng CALABARZON — 3,480 sa kanila ay nasa mga evacuation centers na.

 

 

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 2 (increasing unrest) to Alert Level 3 (magmatic unrest). At 1516H (3:16 PM) PST, Taal Volcano Main Crater generated a short-lived dark phreatomagmatic plume 1 kilometer-high with no accompanying volcanic earthquake,” wika ng state volcanologists, Huwebes.

 

 

“This means that there is magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions.”

 

 

Dahil dito, mariing inirerekomenda ng Phivolcs ang agarang evacuation ng mga residente mula sa Agoncillo at Laurel, Batangas dahil sa banta ng “pyroclastic density currents” at volcanic tsunami.”

 

 

“So far, inalis na po previously ang mga community sa volcano island. We are coordinating with Phivolcs po and the RDRRMC CALABARZON for developments,” wika ni Mark Timbal, spokesperson ng NDRRMC kanina.

 

 

Tinitiyak pa naman ngayon nina Timbal kung gumugulong na sa ngayon ang mga evacuation.

 

 

Ipinaalala naman ngayon sa publiko na Permanent Danger Zone ang kabuuang Taal Volcano Island. Pinagbabawalan din ngayon ang pagpasok ngayon sa high-risk areas gaya ng dalawang lugar na nabanggit sa itaas.

 

 

“In addition, communities around the Taal Lake shore are advised to take precautionary measures and be vigilant of possible lakewater disturbances related to the ongoing unrest,” patuloy ng Phivolcs.

 

 

Ngayong Alert Level 3 ang Bulkang Taal, posible na ang “hazardous eruption” nito sa loob ng ilang araw o linggo.

 

 

Huling beses na umabot sa Alert Level 4 ang bulkan ay noong Enero 2020, kung saan libu-libo ang lumikas. Umabot din hanggang sa Kamaynilaan ang peligrosong ashfall ng naturang volcano. (Gene Adsura)

BEA, ‘di pa siniseryoso ang lovelife dahil ‘di pa mapatawad ang isang tao; kahit happy na kay DOMINIC

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL na palang gustong ma-meet nang personal ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo, si Ms. Jessica Soho ng Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA Network, dahil nanonood daw siya nito every Sunday. 

 

 

Kaya naman right after makapirma ng contract niya si Bea sa Kapuso Network ay pumayag siya agad na ma-interview ni Jessica na ginawa nila sa 16-hectare Beati Firma farm ng actress sa Iba, Zambales.

 

 

Isa sa topic na napag-usapan nina Bea at Jessica ang lovelife nito, at nabanggit ang boyfriend na si Dominic Roque, simple na ‘happy’ ang sagot ni Bea.

 

 

Sa ngayon daw ay hindi pa niya siniseryoso ang lovelife niya, dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa raw niya mapatawad ang isang tao.  Hindi man pinangalanan ni Bea kung sino ang guy, pero maraming nagsabi na si Gerald Anderson daw iyon.

 

 

Half-British, half-Filipino si Bea, hindi niya kilala ang ama, pero hindi na raw niya hinahanap ito, dahil mabait at responsible ang kanyang stepfather at masaya sa kanya ang mommy niya.

 

 

Magkasama nga bang aalis sina Bea at Dominic para sa kanilang US trip?

 

 

Pareho silang nag-post sa kanilang social media na papunta silang US pero hindi sinabi kung saan at kung ilang araw silang mawawala.

 

 

***

 

 

BUKOD sa maraming followers sa kanyang Tiktok account si Kapuso actress Sanya Lopez, tinanggap ni First Yaya lead star ang pinakabago nyang achievement sa kauna-unahang “Tiktok PH Awards” last July 5 at iniuwi niya ang Top Celebrity Award.

 

 

Tuwang-tuwa si Sanya at nagpasalamat sa kanyang mga fans. Hindi raw niya in-expect ang award dahil nag-umpisa lamang siyang mag-TikTok for fun and entertainment para sa kanyang mga fans.

 

 

“Maraming salamat po,” sabi ni Sanya.

 

 

“I’m very happy and surprised. Di ko akalain na aabot din ako ng 10 million followers.”

 

 

Ipinagpasalamat din ni Sanya ang successful finale ng pinagbidahan niyang primetime series na First Yaya.

 

 

Sa ngayon ay abala naman si Sanya sa role niya bilang si  Maya sa Agimat ng Agila ni Bong Revilla. 

 

 

Exciting na ang mga eksena ngayon, dahil kung si Gabriel (Bong) ay tagapag-ingat ng agimat ng agila, magkalaban ba sila ni Maya na siya namang binigyan ng agimat ng Bakunawa?

 

 

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, napapanood ang Agimat ng Agila every Saturday, 7:15PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

 

 

***

 

THANKFUL ang bagong Kapuso comedian-actress na si Pokwang na sunud-sunod ang projects niya sa GMA Network.

 

 

Hindi pa siya pumipirma ng contract sa network, nag-guest na siya sa The Boobay And Tekla Show at sinundan agad ito ng isang drama episode ng Wish Ko Lang titled “Ang Forever ni Miss Virgie,” na isa siyang principal pero na-in love sa kanya ang dati niyang student, played by Jeric Gonzales.

 

 

Ngayong Saturday naman, July 10, sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap si Pokwang sa isang real-life drama anthology, sa Magpakailanman titled ‘Nanay Kontesera.”

 

 

Lahat ng klase ng trabaho ay papasukin ni Helen (Pokwang) to support her three children na ang isa ay may kapansanan pa.

 

 

At nagsimula na ring mag-taping si Pokwang ng bagong episode ng Pepito Manaloto na babalikan ang pagsisimula ng story nito, sa bagong cast, kasama pa rin sina Michael V at Manilyn Reynes. 

 

 

Mapapanood na ang pilot episode nila sa July 17, 6:00PM.

(NORA V. CALDERON)

Ads July 7, 2021

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments