• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

NADINE, patuloy na lumalaban sa mga kumplikasyon tuwing nagbubuntis at muntik nang makunan

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na lumalaban ang aktres na si Nadine Samonte sa mga nagiging kumplikasyon tuwing nagbubuntis siya.

 

 

Sa pinost ng former Kapuso actress via Facebook, muli niyang pinagdaraanan sa kanyang ikatlong pregnancy ang hormonal disorder na Polycystic ovary syndrome or PCOS at Antiphospholipid or APAS.

 

 

According to the Mayo Clinic website: “PCOS is a hormonal disorder common among women of reproductive age. Women with PCOS may have infrequent or prolonged menstrual periods or excess male hormone (androgen) levels. The ovaries may develop numerous small collections of fluid (follicles) and fail to regularly release eggs.

 

 

“Antiphospholipid (AN-te-fos-fo-LIP-id) syndrome occurs when your immune system mistakenly creates antibodies that make your blood much more likely to clot. This can cause dangerous blood clots in the legs, kidneys, lungs and brain. In pregnant women, antiphospholipid syndrome also can result in miscarriage and stillbirth.”

 

 

Makikita sa pinost na photo ni Nadine at maraming pasa sa kanyang tiyan. Makikita rin ang isang syringe at isang bote ng Tinzaparin sodium.

 

 

Ayon sa Wikipedia: “Tinzaparin is an antithrombotic drug in the heparin group. It is a low molecular weight heparin (LMWH) marketed as Innohep worldwide. It has been approved by the U.S. Food and Drug Administration (FDA) for once daily treatment and prophylaxis of deep vein thrombosis (DVT) and pulmonary embolism (PE).”

 

 

Ayon sa post niya, muntik na raw ma-miscarriage ni Nadine ang ikatlong baby nila ng mister niyang si Richard Chua.

 

 

“Everyday is a struggle but its more of a blessing. Feeling my tummy grow everyday is what im thankful for. Thank you Lord for our 3rd baby. Yes i still have PCOS and mostly APAS . This journey is particularly different from my 2 kids. We almost lost our baby during my first trimester but with Gods grace and Guidance hindi nya kami pinabayaan. God is Good.”

 

 

Pinagdaanan ng 33-year old StarStruck season 1 alumna ang pagsubok na ito sa dalawang anak nila ni Richard na sina Heather Sloane (4 years old) at Austin Titus (2 years old).

 

 

In-announce ni Nadine last June via social media na buntis siya sa third baby nila ni Richard.

 

 

Aware si Nadine sa pagdaraanan niyang hirap sa pagbuntis sa ikatlong pagkakataon. Pero hindi raw siya nagrereklamo.

 

 

“And more to come. Not complaining but hey i can say im one strong momma here fighting for my babies. Ang dami kong iniyak sa journey na to hehe pero i wont give up EVER! Ill fight and stay strong for them!!! Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin to. Hello to our rainbow baby soon. Our last,” post pa niya.

 

 

Kumukuha naman ng lakas si Nadine sa kanyang mister na si Richard.

 

 

Post niya sa Facebook: “My strength @rboy_chua love you. Rboy Chua”

 

 

***

 

 

SINA Andrea Brillantes, SB19 at ang First Yaya star Sanya Lopez ang mga nagwaging Top Celebrity Award sa first-ever TikTok Awards noong nakaraang Linggo.

 

 

Ginawaran sila para sa kanila

 

 

“Siyempre unang una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa TikTok and of course congratulations to everyone who won an award also and participated. Sobrang thankful kami to be receiving this kind of award. Sobrang honored, malaking opportunity po ito para sa amin. Alam naman natin na maraming artist ang natutulungan ng TikTok ngayon. We are very honored to be part of it,” sey ng grupong SB19 sa pagtanggap ng kanilang award.

 

 

Pre-recorded naman ang video ni Andrea dahil hindi siya physically nakadalo sa event.

 

 

“Hindi ko inakala na mananalo ako ng award sa TikTok. Thank you to my fans dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging ganito kalaki ang platform ko sa TikTok and I wouldn’t be able to express myself with it,” sey ni Andrea.

 

 

Hindi rin ini-expect ni Sanya na mabibigyan siya ng award ng TikTok dahil gumawa lang daw siya ng videos para makapagbigay aliw sa maraming fans.

 

 

“Hindi ko akalain na makaka-receive po ako ng award from TikTok. I dedicate this award sa aking family, friends, sa lahat po ng bumoto sa akin,” sey ni Sanya.

 

 

Naging host ng kauna-unahang TikTok Awards ay sina Billy Crawford at voice talent Inka Magnaye.

 

 

Nag-perform naman noong gabing iyon sina Moira dela Torre, Ella Cruz, Sofia Pablo, EA Guzman, Mark Herras, Donnalyn Bartolome, DJ Loonyo, Zendee, Maris Racal, Rico Blanco and rappers Gloc 9, and Shanti Dope.

 

 

***

 

 

MUKHANG paurong ang pagkakaroon ng edad ng New York-based fashion designer na si Vera Wang dahil nag-celebrate ito ng kanyang 72nd birthday, pero mukha siyang nasa line of 30.

 

 

Pinost ni Wang ang naging birthday bash niya noong nakaraang June 27 na tinawag niyanh “Prosecco Party”.

 

 

Hindi makapaniwala ang mga bisita ni Wang na 72 years old na ito, pero very fit ang katawan nito na parang teenager.

 

 

Ang sikreto raw ng youthful look niya ay: “Focus your mind on something you love to do. My work. My life. My daughters. Do something you love.”

 

 

Sumikat si Wang dahil sa mga bonggang wedding gowns niya na sinuot ng maraming celebrities tulad nina Victoria Beckham, Lily Aldridge, Jessica Simpson, Hilary Duff, Ivanka Trump, Kaley Cuoco, Chelsea Clinton, Kim Kardashian, Alicia Keys at Mariah Carey.

(RUEL MENDOZA)

Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa C130 plane crash

Posted on: July 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo.

 

 

Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong.

 

 

Bilang aniya commander-in-chief, masakit sa kaniya ang malagasan ng maraming sundalo.

 

 

Tiniyak nito na hanggang sa kaniyang pagtatapos ng termino ay dadagdagan niya ang mga benepisyo na ibibigay sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

 

 

Iginawad din ng pangulo ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan sa mga sugatan at ang Order of Lapu-Lapu with Rank of Kalasag sa mga napatay na mga sundalo.

 

 

Magugunitang kabilang ang tatlong sibilyan sa nadamay sa pagbagsak ng eroplano kung saan ang mga ito ay nagtatrabaho sa quarry malapit sa paliparan ng Patikul, Sulu.

 

 

Samantala, nagsasagawa na ng “full investigation” ang Armed Forces of the Phi­lippines sa pagbagsak ng Hercules C-130 plane ng Philippine Air Force, kamakalawa ng umaga sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu.

 

 

Sinabi ni AFP spokesman Major Gen. Edgard Arevalo, na hinahanap na ng militar ang flight data recorder o black box ng C-130.

 

 

Nasawi sa trahedya ang 52 indibiduwal kabilang ang 49 sundalo at 3 sibilyan habang sugatan ang 47 sundalo at apat na sibilyan.

 

 

“Tama ang kaniyang speed paglapag. The gears landed on the right spot. Subalit for unknown reason, ay nag-overshoot ito sa runway kaya ito ang aalamin sa investigation,” dagdag pa ni Arevalo.

 

 

Bagama’t hindi brand new ang eroplano, nasa maayos naman itong kondisyon.

 

 

Umakyat naman na sa 52 ang nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu.

 

 

Sinabi ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na mayroong dalawa pang nasawi na sundalo habang sila ay nasa ospital.

 

 

Sa kabuuan ay mayroong 49 na sundalo ang nasawi at tatlo naman ang sibilyan na nadamay.

 

 

Mayroon namang 51 ang nasugatan kung saan 47 dito ay mga sundalo at apat ang sibilyan.

 

 

Magugunitang 96 na mga sundalo ang Philippine Air Force (PAF) C-130 na eroplano habang papalapag na sana sa paliparan sa Sulu. (Daris Jose)

IATF niluwagan ang panuntunan sa pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng PH

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Niluwagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga panuntunan sa interzonal travel para sa mga fully-vaccinated person kabilang na ang mga senior citizens.

 

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na base sa IATF Resolution 124-B na ang mga interzonal travelers na fully vaccinated laban sa COVID-19 ay maaaring ipakita na lamang ang kanilang COVID-19 vaccination proof imbes na ang kanilang COVID-19 test results.

 

 

Ayon sa IATF Resolution 124-B na ang mga indibidwal ay maikokonsidera na fully vaccinated dalawang linggo matapos na matanggap ang ikalawang dose ng bakuna at kapag ang bakuna ay mayroong emergency use authorization o Compassionate Special Permit (CSP) ng Food and Drug Administration (FDA) o mula sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO).

 

 

Kung walang vaccination card ay maaring ipakita ang certificate of quarantine completion na mula sa Bureau of Quarantine.

 

 

Lahat din aniya ng mga bumabiyahe ay kailangan din na sumailalim sa health and exposure screening protocols pagdating nila sa kanilang desitnasyon. (Daris Jose)

Pres. Duterte posibleng samahan ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics – PSC

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Malaki ang posibilidad na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte para saksihan ang pagsabak ng mga atletang Filipino sa Tokyo Olympics mula Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez, isa ang pangulo sa tatlong opisyal ng gobyerno na nakatakdang sumama sa 19 atletang maglalaro sa Olympics.

 

Bukod sa pangulo, kabilang din dito sina training director Marc Velasco at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino para magbigay ng anumang pangangailangan ng mga atleta.

 

 

Tiwala rin si Ramirez na sa 19 na mga manlalaro ng bansa ay malaki ang tsansa ng bansa na makakuha ng gintong medalya.

PH experts: Mix and match ng COVID-19 vaccines dapat ‘parehong platform’

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi raw mamadaliin ng Pilipinas ang clinical trial para sa mix and match ng mga bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ayon sa Department of Health, nag-pulong na ang all expert panel ng ahensya matapos aprubahan sa Germany ang pagtuturok ng AstraZeneca at mRNA vaccines bilang una at ikalawang dose.

 

 

Paliwanag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa nila ang report ng manufacturers ng mga bakunang ginamit sa pag-aaral.

 

 

Pero sa ngayon ang inirerekomenda raw ng mga Pilipinong dalubhasa ay ang mix and match ng mga bakunang may parehong platform.

 

 

“There are mRNA, viral vector vaccines, at iba pa,” ani Vergeire.

 

 

Bukod sa ulat ng vaccine manufacturers, hinihintay din daw ng DOH ang resulta ng isang malaking pag-aaral sa vaccine mix and match na nakatakdang ilabas sa ikatlong quarter ng taon.

 

 

Pati na ang mga datos tungkol sa pag-aaral ng bakuna sa mga bata.

 

 

Binigyang diin ni Vergeire na sa ilalim ng emergency use authorization ng mga bakuna sa Pilipinas, hindi pa inirerekomenda ang mix and match.

 

 

Gayundin ang pagbabakuna sa mga menor de edad, matapos simulan ng Indonesia ang pagtuturok ng Sinovac vaccines sa mga bata.

DOH: ‘Bentahan ng COVID-19 vaccines’ iniimbestigahan na ng NBI

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hihintayin na lang daw ng Department of Health (DOH) na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng umano’y bentahan ng COVID-19 vaccines.

 

 

Pahayag ito ng ahensya matapos maaresto ang isang nurse at dalawang indibidwal na sangkot umano sa pagbebenta ng 300 doses ng bakunang Sinovac.

 

 

“Iniimbestigihan na ito ngayon ng NBI at ayaw naming i-preempt whatever their findings would be,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“Ang imbentaryo namin everyday, so our LGU’s submits to vaccine cluster nationally and regionally after itong imbentaryo ng mga bakuna na nagamit versus yung bakunang mayroon sila. May mga tao rin tayong nagmo-monitor ng logistics.”

 

 

Muling pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na huwag tangkilikin ang mga ibinibentang bakuna dahil sa ngayon libreng ipinapamahagi ng pamahalaan ang COVID-19 vaccines.

 

 

Umapela rin ang opisyal sa mga sangkot sa bentahan ng bakuna na intindihin ang pangangailangan ng bansa sa bakuna, lalo na’t limitado pa rin ang pandaigdigang supply.

 

 

“Intindihin natin na marami pa sa ating mga kababayan ang nababakunahan at hindi ito ang panahon para pagkakitaan natin ang isang bagay na mahalaga sa mga Pilipino.”

 

 

Nilinaw na ni Manila Mayor Isko Moreno na kahit empleyado ng Gat Andres Bonifacio Medical Center ang naarestong nurse, ay hindi naman vaccine supply ng lungsod ang pinaniniwalaang naibenta nito.

Obiena nag-uwi muli ng gold medal sa sinalihan nito sa Sweden

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakakuha ng gold medal si pole vaulter EJ Obiena bago ag pagsabak nito sa Tokyo Olympics.

 

 

Nanguna kasi ito sa Taby Stav Gala Street Pole Vault na ginanap sa Stockholm, Sweden .

 

 

Naitala nito ang 5.80 meter mark sa nasabing torneo kung saan tinalo niya sa torneo si 2016 Olympic gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

 

 

Noong nakaraang araw ay nagwagi ng silver medal si Obiena ng magtala ito ng 5.87 meter sa torneo na ginanap sa Poland.

 

 

Kabilang si Obiena sa 19 na Filipino atleta na sasabak sa Tokyo Olympics  na magsisimula sa Hulyo 23.

Movie nina DANIEL at CHARO, magku-compete sa ‘74th Locarno Film Festival’ sa Switzerland

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG first feature film ni Carlo Francisco Manatad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ay kabilang sa official selection ng ika-74 na Locarno Film Festival sa Switzerland, kung saan magkakaroon ito ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section.

 

 

Ang Kun Maupay Man It Panahon ang nag-iisang competing film mula sa Pilipinas ngayong taon sa Locarno, isang A-List international film festival na nagsisilbing platform para sa auteur cinema.

 

 

Ang Cineasti del Presente section para sa unang o ikalawang feature film ng emerging global talents ay igagawad ang Pardo d’oro at award para sa directing pati na rin ang mga parangal para sa Best Actor at Best Actress.

 

 

Pinagbibidahan nina Daniel Padilla, Rans Rifol, at Charo Santos-Concio, ang drama tungkol sa pinsalang dulot ng Bagyong Yolanda (Haiyan) sa Lungsod ng Tacloban sa Leyte ay nasa Waray na dialect.

 

 

Pagkatapos naminsala ang Yolanda noong Nobyembre 2013, hinahanap ni Miguel (Padilla) ang dalawang babae sa kaniyang buhay: ang kaibigang si Andrea (Rifol) at nanay na si Norma (Santos-Concio). Nais ni Miguel na lumikas sa malaking siyudad bago pa dumating ang kasunod na bagyo.

 

 

Isinulat ang Kun Maupay Man It Panahon ni Manatad na taga-Tacloban kasama sina Giancarlo Abrahan V at Jérémie Dubois. Ang mga producer nito ay sina Josabeth Alonso, Vincent Wang, at Armi Rae Cacanindin na sinabing, “After seven years, finally, we’ve come to this!”

 

 

Noong 2019, pinili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Kun Maupay Man It Panahon para sa FDCP Project Market habang noong 2021, pinili ito ng FDCP FilmPhilippines Office upang tanggapin ang International Co-production Fund (ICOF) na may halagang PHP 2.5 million.

 

 

“We are tremendously proud of the journey of ‘Kun Maupay Man It Panahon,’ which is a milestone in Philippine regional cinema. FDCP is honored to have supported Carlo Francisco Manatad’s journey from the development and production of this project until now when it’s ready to be shown to the world. We thank Locarno for giving it a world premiere and express our heartfelt gratitude to all international film labs, programs, and organizations for believing in and extending support to a Filipino regional film,” wika ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

 

 

Ang production companies sa likod ng Kun Maupay Man It Panahon ay Cinematografica, planc., iWantTFC, Globe Studios, Black Sheep, Quantum Films, and CMB Films mula sa Pilipinas, House on Fire mula sa France, AAND Company mula sa Singapore, KawanKawan Media mula sa Indonesia, at Weydemann Bros. mula sa Germany.

 

 

Napili rin ang Kun Maupay Man It Panahon ng Sorfund Pitching Forum, Talents Tokyo, Cannes Cinefondation L’Atelier, at Hanoi Project Market at developed ito sa La Fabrique des Cinema du Monde, Torino Film Lab Feature Lab 360, Semaine de la Critique Next Step, at EAVE Ties that Bind.

 

 

Nakatanggap din ito ng suporta mula sa Aide aux cinemas du monde na managed ng Centre national du cinema et de l’image animee at Institut francais, Torino Film Lab | Creative Europe – MEDIA Programme of the European Union, Brot fur die welt – Bread for the World Protestant development service, Visions Sud Est na suportado ng SDC (Swiss Agency for Development and Cooperation), Doha Film Institute, Asian Cinema Fund for Script Development, Talents Tokyo Next Masters Support Program, at Berlinale World Cinema Fund, isang initiative ng German Federal Cultural Foundation at Berlin International Film Festival ng may pakikipagtulungan sa Federal Foreign Office at may karagdagang suporta mula sa Goethe-Institut.

 

 

Ang Kun Maupay Man It Panahon co-producers ay sina Ling Tiong, Yulia Evina Bhara, Milena Klemke, Yvonne Wellie, Jakob D. Weydemann, at Jonas Weydemann habang executive producers sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Roldeo Endrinal, Jamie Lopez, Ginny Monteagudo-Ocampo, Olivia Lamasan, Quark Henares, Jan Pineda, Alonso, Cacanindin, at Arleen Cuevas.

 

 

Ang iba pang miyembro ng production team ay sina Patricia Sumagui (line producer), Lim Teck Siang (director of photography), Whammy Alcazaren (production Designer), Benjo Ferrer III (editor), Andrew Florentino (music), Roman Dymny (sound design), Sam Manacsa (art director), at Thesa Tang (wardrobe).

 

 

Ang Locarno Film Festival, na idaraos mula Agosto 4 hanggang 14, ay nagpapalabas ng arthouse films mula noong 1946. Noong 2015, nagkaroon ng premiere ang short film ni Manatad na Junilyn Has sa Pardi di Domani section ng Locarno.

 

(ROHN ROMULO)

P10.4 bilyon nawawalang ayuda itinanggi ng DSWD

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tahasang itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang akusasyon ni Senador Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyong pondo buhat sa ‘social amelioration program (SAP)’.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na handa ang ahensya na humarap sa anumang imbestigasyon ukol sa SAP fund.

 

 

“Nais din natin bigyan diin na wala pong nawawalang pondo hinggil sa SAP implementation,” ayon kay Dumlao.

 

 

Ipinaliwanag ng opisyal na noong Abril, tinapos na nila ang paggamit sa mga ‘financial service providers (FSPs) na naka-partner nila sa pamamahagi ng SAP.  Ang natitirang pondo para sa mga benepisyaryo ay ibi­nigay umano nila ‘manually’ lalo na sa mga nagkaroon ng isyung teknikal.

 

 

“Ang FSPs, kabilang ang Starpay, ay ni-liquidate lahat ng budget na kanilang natanggap. Anumang pondo kanilang natanggap ay ni-refund sa DSWD. It is now being distributed sa mga natitira pang SAP beneficiaries,” ayon kay Dumlao.

 

 

Ipinaliwanag ng opisyal na noong Abril, tinapos na nila ang paggamit sa mga ‘financial service providers (FSPs) na naka-partner nila sa pamamahagi ng SAP.  Ang natitirang pondo para sa mga benepisyaryo ay ibi­nigay umano nila ‘manually’ lalo na sa mga nagkaroon ng isyung teknikal.

 

 

“Ang FSPs, kabilang ang Starpay, ay ni-liquidate lahat ng budget na kanilang natanggap. Anumang pondo kanilang natanggap ay ni-refund sa DSWD. It is now being distributed sa mga natitira pang SAP beneficiaries,” ayon kay Dumlao. (Daris Jose)

ARCHDIOCESE NG LIPA, NAGLABAS NG GUIDELINES SA MGA TAAL EVACUEES

Posted on: July 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  ng panuntunan ang Archdiocese of Lipa para sa mga parokya na muling tumanggap ng mga evacuees matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang taal.

 

 

Batay sa inilabas ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC, hinikayat nito ang mga parokya na maglaan ng silid para mga pamilyang posibleng mapalikas.

 

 

Pinaalalahan ang mga parokya sa pagpapatupad ng mga health guidelines at protocols kasabay ng pagtanggap sa mga evacuees.

 

 

Sinasabing dapat ay may 20 metro kwadrado na pagitan ang bawat pamilya na may 3 hanggang 5 miyembro habang inatasan din ang mga Simbahan na maglaan ng maayos na palikuran at sanitation booth.

 

 

Kaugnay nito, pinayuhan din ng Arkidiyosesis na maghanda ang mga Parokya ng sapat na food and non food items at nakahandang tumugon ang tanggapan ng LASAC sakaling magkaroon ng kakulangan nito.

 

 

Naka antabay din ang Simbahan sa mga posibilidad na maaring maging epekto ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

 

 

Una nang binuksan para sa mga evacuees ang parokya ng Our Lady of Miraculous Medal sa Agoncillo, Batangas.

 

 

Batay sa datos nasa 14,000 residente na ang apektado ng paglikas mula ng itaas ng PHILVOCS ang alert level 3 sa bulkan.

 

 

Magugunitang Enero ng taong 2020 nang huling pumutok ang bulkang taal kung saan tinatayang nasa mahigit 235,655 na pamilya ang naapektuhan. (GENE ADSUARA)