• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC HALL HINIKAYAT ANG MGA RESIDENTE NITO NA SAMANTALAHIN ANG LIBRENG SWAB TEST

DAPAT samantalahin ng mga residente ng Kyusi ang ibinigigay na libreng swab testing ng City hall ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang malaman na may isang ginang ang napa anak sa tricycle dahil hindi tinanggap nang isugod sa ospital dahil walang swab test na isa sa protocol ng mga ospital bago tumanggap ng mga pasyente sa loob ng opsital.

 

 

Ayon sa QC LGU ay dati nag may libreng swab testing sa kanila kaya muling ipina alala niito sa mga residente ng Kyusi na samatalahin ito lalo na ang m,ga malapit nang manganak o yung mga kailangan na mag pa confine o mag pa opera sa opsital. Pinaka layunin din ng libreng swab testing ay upang makaiwas na ang mga taga Kyusi na gumastos sa swab testing na kung minsan ay umaabot sa P2,500- 5,000 bawat test

 

 

Ayon kay CESU head Dr. Rolando Cruz, ang mga  residente ng QC na nais sumailalim sa libreng  COVID-19 testing ay maaaring magpa- book online sa  https://bit.ly/QCfreetest. Para makakuha ng appointment. (RONALDO QUINIO)