Send-off sa Olympic-bound athletes ‘di tuloy
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng walang sendoff ceremony na mangyari sa Malacañang para sa mga national athletes na lalahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na inaasahan niyang magiging mahigpit ang Palasyo sa mga bibisita kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“I don’t want to preempt the President and the Malacañang pero iwas na lang sa possible transmission,” ani Ramirez. “Malamang it will be not only simple but talagang a
“Nakakatakot sa transmission lalo na at may variant. So hindi namin inaasahan iyan (send-off ceremony),” dagdag pa ng PSC chief.
Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Naging tradisyon na para kay Presidente Duterte ang magbigay ng send-off sa mga atletang sasabak sa mga international competitions kagaya ng Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games.
Kabuuang 19 atleta ang sasalang sa Tokyo Olympics sa pangunguna nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting at 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso ng golf.
Hindi pa nananalo ng gold medal ang Pilipinas mula nang sumali sa Olympics noong 1924 sa Paris.
May tsansa rin para sa medalya sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan at skateboarder Margielyn Didal.