PINANGASIWAAN ni Pangulong Rodrigo Roa ang panunumpa sa tungkulin ni Police General Camilo Cascolan bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief.
Kasama ni Cascolan ang kanyang pamilya sa nasabing seremonya na idinaos sa Malakanyang.
Umaasa naman ang Malakanyang na maipatutupad ni Cascolan ang batas, aalisin ang mga kurakot na pulis at mapanatili ang tagumpay ng giyera laban sa ilegal na droga sa ilalim ng kanyang maiksing termino.
Si Cascolan ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre.
“I will lead this organization along the footsteps of my predecessors and along the shadows of their leadership and building on what they have started,” ayon kay Cascolan sa kanyang assumption speech nitong September 2.
“I will lead the PNP along with the vision of a highly-capable, effective, and credible PNP that provides better and more reliable, more efficient and more effective police services,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi ni Cascolan na ang police force ay hindi magiging epektibo kung wala ang suporta ng komunidad. (Daris Jose)