• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mindoro humakot ng mga coach

Kung ang ilang mga koponan mga manlalaro ang sinusungkit upang magpalakas, iba naman ang Mindoro Tamaraws na naghahanda sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)  2020-21.

 

 

Humakot ang team ng coaching staff sa pangunguna ni former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach Joe Silva na minsang nagmando sa University of the East Red Warriors.

 

 

Kasamang nirekrut ni Silva ng team sina Marvin Bienvenida at Joel Cagulangan ng La Salle Greenhills.

 

 

Isang mabuting pagkakataon naman ito para kay team owner/ coach Justin Tan para sa pagtimpla sa tropa. (REC)