• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2020

Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.

 

Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

 

Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Minority leader Franklin Drilon kung bakit walang alokasyon para sa Social Amelioration program o SAP gayung tumaas ang bilang ng mga pamilyang Filipino na naghihirap dulot ng COVID-19 pandemic.

 

Paliwanag ng kalihim, para sa taong 2021 ay mayroon lamang regular na programa ang DSWD at ito ay ang pamamahagi ng 4Ps.

 

Sabi ni Avisado, ang P200 bilyon budget para sa SAP sa ilalim ng Baya­nihan 1 na nagbenepisyo sa may 18 milyong Pinoy ngayong taon at panibagong P6 bilyon sa Bayanihan 2 ay ibinigay dahil hindi makapagtrabaho ang karamihan dulot ng lockdown.

 

Kaya walang probisyon ng SAP para sa susunod na taon.

 

Bukod dito, nag-i-invest umano ang gobyerno sa infrastructure projects na magbibigay ng “multipier effect” para magkaroon ng maraming trabaho at magpapataas sa ekonomiya ng mga Filipino na mas mabuti umano kaysa mamahagi ng ayuda.

Mga nasa collegiate athletes sa UAAP, binigyan na ng go signal ng IATF para makapag-praktis

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUWEDE  nang makapag- ensayo ang mga koponan na kabilang sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.

 

Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpa- praktis ng mga student athletes ng Collegiate athletics association.

 

“Iyong mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga teams,” ayon kay Presidential spokeperson Harry Roque.

 

Ani Sec. Roque na saklaw ng IATF approval ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

 

Kaugnay nito’y sinabi ni Sec. Roque na kailangan pang maglabas  ng guidelines ang Commission on Higher Education o CHED tungkol dito.

 

“pinapayagan na po ang training ng mga student athletes ng collegiate athletics associations subject sa guidelines na ilalabas ng Commission on Higher Education,” aniya pa rin.

 

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersiya sa ginawang pagpapraktis ng UST basketball team na growling tigers sa Sorsogon na nauwi sa pagsisiyasat. (Daris Jose)

SC binasura ang petition renaming MIA to NAIA

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition ng lawyer na si Larry Gadon upang ipawalang bisa ang 33-year-old na batas sa pagbabago ng Manila International Airport (MIA) upang maging Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

Sa isang full session noong Martes, ang mga justices ng SC ay sumangayon lahat na hindi pagbigyan ang petition dahil sa kakulangan ng basehan. Ito ang wika ni SC spokesman Brian Keith Hosaka.

 

Sa petition na inihain ni Gadon noong August 27, sinabi niya na ang dating senator Benigno Aquino III ay hindi maaaring maging isang bayani kung kaya’t hindi dapat pinangalan ang airport sa kanya.

 

Kung kaya’t hiningi niya sa SC na ipahayag na ang Republic Act 6639 ay null at void dahil ang decision sa pagbabago ng pangalan ng country’s main gateway ay hindi sangayon sa guidelines ng National Historical Commission of the Philippines na ang isang public place ay bibigyan ng pangalan o renamed dahil sa isang tao within 10 years ng kanyang kamatayan maliban lamang kung “high reasons.”

 

Si Aquino ay pinatay sa tarmac ng MIA noong August 21, 1983. Ang nasabing batas ay ginawa noong November 27, 2987 upang bigyan ng honor ang nasabing statesman.

 

“The 8th Congress has abused its discretion in passing the shortest law in history. It was the shortest law in the country with only 44 words, including the title. The law was created for the purpose of political name recall,” ayon kay Gadon

 

Ayon kay Gadon kanyang nirerespito ang desisyon ng SC subalit nalulungkot siya dahil hindi pinahalagayan ng justices ang essence ng kanyang petition.  (LASACMAR)

Valenzuela namamahagi nang learning packets at modules sa mga mag-aaral

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng mga libreng backpacks o school kits na naglalaman ng mga notebook at kagamitan sa paaralan sa lahat ng mga mag-aaral sa kindergarten at elementarya sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lungsod na nagsimula noong Agosto 25, 2020.

 

Kasama ang DepEd-Valenzuela, ang naka-iskedyul na pamamahagi ay mahigpit at naaayon sa pagsunod sa minimum health standards and safety protocols sa ilalim ng GCQ sa Metro Manila. Kasama dito ang pagpayag sa mga magulang at tagapag-alaga na kunin ang mga kits at learning packets sa iba’t ibang itinalagang paaralan sa lungsod.

 

Nasa 80,233 mga mag-aaral ng Kindergarten hanggang grade 6 ang makakatanggap ng libreng mga school kits na magamit nila habang ginagamit ang pinakabagong platform ng Valenzuela para new normal’s distance learning modality, ang Valenzuela LIVE Online Streaming School.

 

Ang mga learning packets ay naglalaman ng mga module na idinisenyo para sa specific school na may kasamang mga worksheet, lingguhang gawain sa pag-aaral sa bahay, indibidwal monitoring plans, pagtatasa, presentasyon at aktibidad para sa mga mag-aaral nang lingguhan. Inaasahan na 140,869 na mag-aaral ng Kindergarten hanggang Grade 12 ang makakatanggap ng learning packets.

 

Ang mga mag-aaral ng Espesyal na Edukasyon (SPED) ay rin sa listahan ng mga makakatanggap din ng mga learning packets at school kits.

 

Sa pagbubukas ng pasukan sa Oktubre 5, titiyak ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na ang mga mag-aaral ay mahusay na naibigay para sa nakatuon sa Education 360 ° Investment Program na si Mayor REX Gatchalian ay nagpasimula noong 2013. (Richard Mesa)

Ho nasasabik na sa Pasko

Posted on: September 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BUWAN na ng setyembre  kya ramdam na ng dating athlete-TV host na si Gretchen Ho ang Kapaskuhan.

 

“I have spent the past four years greeting the start of the Christmas season on TV w/ a loud ‘ho-ho-ho’,” ppahayag nitong isang araw sa Instagram account niya ng former Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association of the Philippine (UAAP) women’s volleyball star.

 

Dinugtong pa ng 30-year, 5-foot-6 na nasa posisyong middle blocker at open spiker, “Obviously my favorite season for obvious reasons and while it is sad that I can no longer do this on @ukgdos, the joy of the yuletide season will always be with me.”

 

Para hindi nga rin makapaniwala ang Tsinitang dalaga sa mga throwback photo niya na kanyang ipinaskil dahil aniya kuha ito na, “Parang mga 6 months ago lang. Let’s bring a little bit of Christmas to our social media feeds, shall we?! Ho ho ho.”

 

Pinanapos niyang maghahanap na rin siya nang mabibilihan ng parol na isa sa mga sagisag ng Kapaskuhan. (REC)

4 DRUG PERSONALITIES HULI SA 408-K SHABU

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM sa apat na hinihinalang drug personalites na nasakote ng pulisya sa buy-bust operation ang higit sa P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan city.

 

 

Kinilala ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, hepe ng NPD-DSOU at DDEU ang mga naarestong suspek na si Rommel Villanueva, 40, Arthur Peñalosa, 42, Hernan Potoza, 23, at Resty Santiago, 26, habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasama na si Yuki Paragatos ng Navotas city.

 

 

Bandang ala-1:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, kasama ang team ng SWAT/DMFB ang buy-bust operation sa Blk 56, Lot 25, Phase 2 F3, Dagat-dagatan, Brgy. 8, Caloocan city matapos ang natanggap na report na ang mga suspek ang nagpapakalat ng illegal na droga sa Brgy’s 8 at 26 at iba pang mga barangay sa CAMANAVA area.

 

 

Nakagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover na nagpanggap na poseur-buyer ng P7,000 halaga ng shabu.

 

 

Nang magkaabutan na ng droga at marked money ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek na naaktuhan pang sumisinghot ng shabu ang iba sa kanila habang nagawa namang makatakas ni Paragatos.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na nasa P408,000 ang halaga, P7,000 buy-bust/boodle money, ilang drug paparaphernalia at cellphone. (Richard Mesa)

PDu30, bibili ng pinakamurang Covid-19 vaccine

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DALA ng kakulangan sa pondo ay tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bibili ang Pilipinas ng pinakamurang  COVID-19 vaccine na magiging  available sa merkado.

 

Ang katwiran ng Pangulo ay pareho lang naman ang epekto ng lahat ng vaccines.

 

“It’s there. I think it’s Moderna, it is a US company, I think they are ready by September. . . . Sinovac, China is also ready,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

“Kung sino magbigay ng mura doon tayo pupunta. We know we don’t have much money, kung mahal masyado, we will go for the less expensive ones,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Sa ilalim ng panukalang  Bayanihan to Recover as One Act, na naghihintay na lamang ng lagda ng Chief Executive, ang P10 billion standby fund para sa COVID-19 vaccines at para sa  testing  ay isinantabi na.

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na babayaran ng  Philippine government ang  vaccines na magiging  available sa mga  Filipino para labanan ang COVID-19.

 

Idinagdag pa nito na hihilingin niya saRussian at Chinese governments na makapag- loan ang Pilipinas para sa vaccine bunsod  ng “economic hemorrhage” na kinahaharap ngayon ng bansa.

 

Kaugnay nito, inanunsyo naman ni Pangulong Duterte na napatag na  ng Pilipinas ang kurba ng covid 19 dahil sa kampanya nito na labanan ang paglaganap ng  COVID-19 sa bansa.

 

“We had obedience and people followed that meant a lot and contributed to what is happening now that there’s a flattening of cases,” anito.

 

“Yung local government also played a vital role in the enforcement of anti-virus measures. I salute you for doing your duty very well,” ang pahayag ng Pangulo.

 

Samantala, ang apela naman ng Pangulo sa publiko ay manatiling bigilante sa kabila ng positibong development.

 

Aniya, hindi ito nangangahulugan na nawala na si  COVID-19 kundi nagpapalutang-lutang lamang ito. (Daris Jose)

10 pang ruta ng mga PUJs, binuksan sa Metro Manila; higit 1-K jeep, makikinabang

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 16,000 na ngayon ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) ang balik kalsaa matapos nang payahan ng Land Trnasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 10 ruta dito sa Metro Manila.

 

 

Sa pagbubukas ng mga ruta aabot naman sa 1,006 na otorisadong jeepneys ang bibiyahe sa iba’t ibang ruta.

 

 

Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular No. 2020-043 kabilang sa mga rutang papayagang bumiyahe ang T138 Edsa/North Ave.-Quezon City Hall; T139 Marcos Ave.-Quirino Highway via Tandang Sora; T340 Dapitan-Libertad via L. Guinto; T341 Divisoria-Retiro via JA Santos; T342 Divisoria-Sangandaan; T395 Libertad-Washington; T396 Baclaran-Escolta via Jones, L. Guinto; T397 Baclaran-QI via Mabini; T398 Blumentritt-Libertad via Quiapo, Guinto at T399 Blumentritt-Vito Cruz via L. Guinto.

 

 

Mahigpit pa rin naman ang paalala ng LTFRB na huhuliin nila ang mga jeepney na bibiyaheng wala sa mga otorisadong ruta.

Kung maalala, mula noong isailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) noong Hulyo, napatupad agad ang LTFRB ng “calibrated at gradual opening” ng public transportation sa Metro Manila at kalapit na mga probinsiya.

Ang mga jeepney din na papayagan ay ang mga road worthy at susunod sa health protocols na itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF).

Lim pinababayan ng mga magulang na dumiskarte

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MASKI  mga matatagumpay at tanyag ang mga magulang, nagsasariling diskarte si Karate Sports Pilipinas Federation, Inc. (KSPFI) star Jamie Kristine Lim para masundan ang mga yapak ng ama’t ina.

 

 

Solong supling ang ang 23-taong, may may taas 5-4 at ipinanganak sa Maynila na karateka ,nina Philippine Basketball Association (PBA) legend Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. at abogadang dating Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Darlene Berberabe.

 

 

Kuwento ng dalaga: “My parents, both parents, are very supportive and they actually never pressured me to be as amazing as they are.”

 

 

Naka-gold medal siya sa 30th Southeast Games PH 2019 nitong Disyembre pagsunod sa kakulay na medalyang mga natamo rin ng tatay niya sa 1985 International basketball Federation (FIBA) Asia Chammpionship for Men sa Kuala Lumpur at sa 1984 FIBA Asia Champions Cup sa Malaysia rin.

 

 

Dinagdag nang nakababatang Lim, “They just love me and what was important to them was for me to do my best in everything I do.”

 

 

Tapos ang karatista ng Summa Cum Laude sa BS Mathematics  sa University of the Philippines-Diliman noon lang isang taon. Pinarehasan ang naabot na karangalan ng ina sa nasabi ring pamantasa.

 

 

At pinangwakas na pahayag nang naghahjabol mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, na siya ang nakakaramdam ng presyur dahil sa sobrang pag-idolo sa kanyang mga magulang.

 

 

“They’re the best for me, they’re the best in their field, they’re still very down to earth and kind-hearted and I just aspire to be like them that’s why I really wanna be like them.” (REC)

KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA 13K NA

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

 

Sa datos ng Quezon City Health Department, pumalo  na sa 13,604 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

 

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU o ang QC Epidemiology and Surveillance Unit  at district health offices nito.

 

Sa naturang bilang ay nasa  2,763 na lamang  ang masasabing nasa aktibong kaso ng pandemiya.

 

10,392 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 449 ang nasawi.

 

Batay pa sa datos, nasa 14,347 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing. Patuloy parin na nag papaalala ang QC government na palaging sumunod sa mga health protocols tulad ng pag susuot ng face mask at face shield at mag gamit ng alcohol at apg huhugas ng kamay ng sabon at tubig. (RONALDO QUINIO)