• October 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 8th, 2026

House Bill (HB) No. 9805 ang probisyon sa Labor Code at Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 ukol sa illegal recruitment, aprubado na ng Kamara

Posted on: October 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA BOTONG 247, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang mas mahigpit na batas laban sa illegal recruitment sa pamamagitan na tratuhin ang sabwatan ng dalawang unlicensed recruiters bilang isang sindikato at kasuhan ng economic sabotage.

Aamyendahan ng inaprubahang House Bill (HB) No. 9805 ang probisyon sa Labor Code at Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 ukol sa illegal recruitment.

“With President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. leading the national government and Speaker Bojie Dy at the helm of the House, our job is to make the law catch up with the way illegal recruitment actually operates. Two unlicensed recruiters working together can already destroy several families, so the protection of the law should not depend on waiting for a third conspirator,” ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos.

Mananatili ang illegal recruitment in large scale kapag ang krimen ay ginawa laban sa tatlo o mahigit pang katao o grupo habang ang syndicated and large-scale illegal recruitment ay patuloy na itatrato bilang economic sabotage.

Nakapaloob sa panukala na maaaring mag-initiate ang Department of Labor and Employment o anumang law enforcement officer ng reklamo para sa illegal recruitment.

Mananatili pa rin ang malawak na depinisyon ng illegal recruitment na sumasako sa canvassing, enlisting, contracting, transporting, utilizing, hiring o procuring workers, kabilang na ang referrals, contract services at pangako o advertisements para sa overseas employment na ginawa ng walang required license o authority.

Gayundin ang pananatili ng pagbabawal sa nakagawiang kabiguan na mag-reimburse ng documentation at processing expenses kung ang hindi natuloy o nagtagumpay ang deployment na hindi kasalanan ng manggagawa.

Ang mga pagbabago ay idinisensyo upang maiwasan na magsabwatan ang maliliit na unlicensed recruitment groups at matakasan ang pananagutan sa ginawa nilang paglabag.

Ang mga author ng panukala ay kinabibilangan nina Speaker Dy, Marcos, Agimat party-list Rep. Bryan Mercado-Revilla who chairs the House Committee on Overseas Workers Affairs, Cavite 2nd district Rep. Lani Mercado-Revilla, Cavite 1st district Rep. Ramon Jolo Revilla, TINGOG party-list Reps. Yedda Marie Romualdez, Andrew Julian Romualdez, and Jude Acidre,

Quezon City Rep. Ralph Wendell Tulfo, ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo, Davao de Oro 2nd district Rep. Leonel ‘Jhong’ Ceniza, Marinduque lone district Rep. Reynaldo Salvacion, TRABAHO party-list Rep. Johanne Monich Bautista, AKBAYAN party-list Rep. Dadah Kiram Ismula, Butuan lone district Rep. Jose ‘Joboy’ Aquino II, GABRIELA party-list Rep. Sara Jane Elago, Bulacan 6th district Rep. Salvador Pleyto, DUMPER-PTDA party-list Rep. Claudine Bautista-Lim at CIBAC party-list Rep. Bro. Euardo ‘Eddie’ Villanueva.

 (VINA de GUZMAN)

Kelot na umararo ng saksak sa kababatang tricycle driver sa Malabon, tiklo

Posted on: October 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA malubhang kalagayan ang 47-anyos na tricycle driver matapos tatlong beses na inundayan ng saksak sa katawan ng kanyang kababata sa Malabon City.

Nakaratay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak ang biktimang si alyas “ Niyoki”, habang nakapiit naman ngayon ang suspek na si alyas “Ome”, 47.

Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakaupo sa kanyang tricycle ang biktima dakong alas-2:00 ng hapon sa Brgy. Longos nang mula sa kanyang likuran ay pa-traidor siyang inundayan ng tatlong saksak sa katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek subalit, naaresto naman ito kaagad ng mga tauhan ni Col. Mission sa follow-up operation habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo ng suspek, na tumangging magsalita sa ginawang pananaksak sa kanyang kababata, habang hinihintay ang pagbuti ng kalagayan ng biktima upang alamin ang dahilan ng kanilang alitan. (Richard Mesa)

Mister, timbog sa pampasabog at baril sa Caloocan 

Posted on: October 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 51-anyos na lalaki matapos arestuhin dahil sa panggugulo ay nakuhanan pa ng baril at pampasabog sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nirespondehan ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang natanggap na reklamo hinggil sa panggugulo umano ng isang lalaki sa Brgy., 28 dakong alas-7:15 ng umaga.

Pagdating sa lugar, naabutan ng mga pulis ang suspek na nagsisigaw at nang kanilang awatin ay pumalag ito at tumangging magpaawat na naging dahilan upang mapilitan silang arestuhin ito.

Nasamsam ng mga pulis sa suspek ang isang itim na sling bag na naglalaman ng isang hand grenade at isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Nang hanapan siya ng mga kaukulang dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing mga armas ay walang naipakita ang suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong Article151 of the Revised Penal Code, paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act at R.A 9516. (Richard Mesa)

UNHA, NAKIISA SA PAGSISIMULA NG NATIONAL SHELTER MONTH 2026

Posted on: October 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKIISA ang National Housing Authority (#NHA) sa pagsisimula ng National Shelter Month 2026 na ginanap sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Auditorium ngayong araw, Oktubre 5, 2026.

Personal na pinangunahan ni General Manager Joeben Tai ang delegasyon ng NHA sa official ribbon-cutting ng naturang programa na naka-angkla sa temang “Tahanan. Pamayanan. Kinabukasan.”

Bilang panimula, nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati si DHSUD Undersecretary Richard Michael N. Dimagiba, na kumatawan kay Secretary Jose Ramon P. Aliling, sa mga dumalo.

Sinundan ito ng isang keynote address mula kay Quezon City 6th District Congresswoman Maria Victoria “Marivic” G. Co-Pilar, na siyang kasalukuyang chairperson ng Committee on Housing and Urban Development sa Kongreso.

Naghandog din ng kani-kanilang mensahe ng suporta ang NHA, sa pangunguna ni NCR-North Sector District Manager Mishella T. Cruz, kasama ang iba’t ibang pinuno ng Key Shelter Agencies (KSAs) tulad nila Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) CEO Marilene C. Acosta, Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) Executive Commissioner Atty. Avelino D. Tolentino III, Social Housing Finance Corporation President (SHFC) President and CEO Federico A. Laxa, at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) President and CEO Renato L. Tobias.

Naging highlight ng seremonya ang paggawad ng mga titulo para sa mga benepisyaryo ng Disiplina Village – Arkong Bato at Navotaas Homes Phase 3.

Naglatag din ang NHA ng isang information booth upang ipakilala ang mga proyekto’t programa ng ahensya, at tugunan ang ilang katanungan ng publiko hinggil sa pabahay.

Ayon sa DHSUD, marami pang nakalinyang programa ang mga KSA para sa month-long celebration ng National Shelter Month 2026. (PAUL JOHN REYES)

Publiko, binalaan sa ‘Ber Months’ travel at hotel scams

Posted on: October 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINALAAN ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko laban sa mga pekeng hotel accommodation, travel promotion at iba pang online scam na maaaring lumaganap ngayong “Ber Months.”

Ayon kay NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano, dapat maging mapanuri ang publiko sa pag-book online ng hotel, resort, airline ticket, tour package at iba pang travel-related services, lalo na sa mga alok na sobrang baba ng presyo o may malalaking discount.

Payo ni Abrahano, tiyaking lehitimo ang hotel, travel agency o booking account bago magbayad at direktang beripikahin ang booking sa opisyal na website o verified contact channels ng establisimyento.

Hinimok din ng NCRPO ang publiko na iwasang magpadala ng bayad sa personal na account para sa mga transaksyong pangnegosyo at huwag ibigay ang password, one-time password (OTP), banking credentials at iba pang sensitibong impormasyon. Hindi rin dapat magpadala sa pressure ng umano’y flash sale o offer na may agarang deadline.

Kung mabiktima ng online travel scam, pina­yuhan ang publiko na itago ang mga screenshot, resibo, account details at iba pang rekord ng transaksyon at agad itong i-report sa awtoridad.

Ads October 8, 2026

Posted on: October 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments