• October 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UNHA, NAKIISA SA PAGSISIMULA NG NATIONAL SHELTER MONTH 2026

NAKIISA ang National Housing Authority (#NHA) sa pagsisimula ng National Shelter Month 2026 na ginanap sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Auditorium ngayong araw, Oktubre 5, 2026.

Personal na pinangunahan ni General Manager Joeben Tai ang delegasyon ng NHA sa official ribbon-cutting ng naturang programa na naka-angkla sa temang “Tahanan. Pamayanan. Kinabukasan.”

Bilang panimula, nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati si DHSUD Undersecretary Richard Michael N. Dimagiba, na kumatawan kay Secretary Jose Ramon P. Aliling, sa mga dumalo.

Sinundan ito ng isang keynote address mula kay Quezon City 6th District Congresswoman Maria Victoria “Marivic” G. Co-Pilar, na siyang kasalukuyang chairperson ng Committee on Housing and Urban Development sa Kongreso.

Naghandog din ng kani-kanilang mensahe ng suporta ang NHA, sa pangunguna ni NCR-North Sector District Manager Mishella T. Cruz, kasama ang iba’t ibang pinuno ng Key Shelter Agencies (KSAs) tulad nila Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) CEO Marilene C. Acosta, Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) Executive Commissioner Atty. Avelino D. Tolentino III, Social Housing Finance Corporation President (SHFC) President and CEO Federico A. Laxa, at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) President and CEO Renato L. Tobias.

Naging highlight ng seremonya ang paggawad ng mga titulo para sa mga benepisyaryo ng Disiplina Village – Arkong Bato at Navotaas Homes Phase 3.

Naglatag din ang NHA ng isang information booth upang ipakilala ang mga proyekto’t programa ng ahensya, at tugunan ang ilang katanungan ng publiko hinggil sa pabahay.

Ayon sa DHSUD, marami pang nakalinyang programa ang mga KSA para sa month-long celebration ng National Shelter Month 2026. (PAUL JOHN REYES)