• October 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAHIT NASUNUGAN, TANGGAPAN NG VICE MAYOR ATIENZA SA MANILA CITY HALL, BUKAS

SA KABILA ng naganap na sunog sa tanggaan ng Manila Vice Mayor Chi Atienza, tiniyak nito na tuloy ang kanilang operasyon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog 5:45 ng umaga na inakyat lamang sa unang alarma.

Partikular na natupok ng apoy ang pantry ng nasabing tanggapan kung saan posible umanong sa electrical wiring ang naging sanhi ng sunog.

Paliwanag ni Vice Mayor Chi, wala nang iba pang gamit na iniwang nakasaksak maliban sa refrigerator na karaniwan naman aniyang hindi tinatanggal ang saksakan.

Wala rin aniyang mga mahahalang dokumento na nasunog gayundin ang mga gamot para sa mga nangangailangan na mga ManileƱo ay hindi naman nasunog bagama’t nabasa lamang dahil sa pagbuhos ng tubig ng mga bumbero.

Naapula ang sunog 6:21 ng umaga .

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay pansamantala munang sarado ang tanggapan ng bise alkalde ngunit tuloy ang kanilang operasyon upang nakapagbigay pa rin ng tulong sa mga nangangailangan.

Aniya, maglalagay na lamang sila ng lamesa sa harap ng kanyang tanggapan upang ma-cater ang mga humihingi ng medical assistance lalo na ang mga senior citizens.

Matatagpuan ang tanggapan ng bise alkalde sa ikalawang palapag ng gusali ng MCH.

Samantala, inanunsyo na rin ni Manila Mayor Isko Moreno -Domagoso na hindi suspendido ang pasok ng mga kawani kahapon Araw ng Miyerkoles.

 (Gene Adsuara )