• October 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang P785.2-million budget para sa OVP sa susunod na taon

IPINANUKALA ng opisina ni Vice President Sara Duterte ang P785.2 milyong badyet para sa susunod na taon.

Mababa ito ng 11.7% sa P889.236-million approved budget ngayon taon.

Ito ay upang maipagpatuloy ng OVP ang mga programa at serbisyo nito maging ang kinakailangang operational requirements sa kabila ng pagbaba sa budget nito.

Sa P785-million panukalang budget, P220.232 million ay ilalaan sa Personnel Services, P561.651 million sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), at P3.321 million para sa Capital Outlay. 

Ang P561 million budget para sa MOOE, sinabi ng OVP na P193.103 million ay ilalaan sa procurement ng goods at probisyon sa livelihood assistance grants sa ilalim ng OVP’s “MagNegosyo Ta ‘Day” program at iba pang assistance at service-oriented initiatives.

Samantala, isang hiwalay na P15.544 million ay “automatically appropriated” para sa Retirement and Life Insurance Premium ng mga plantilla personnel, ayon pa sa OVP.

Ang iba pang programa na tinukoy ng OVP na popondohan ay ang “Pagbabago Campaign” para sa 150,000 learners, disaster operations, Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE) Program, Libreng Sakay, wheelchair distribution, provision ng Al-Janazah Kits at iba pang supplies, at “You Can Be VP” Program, at iba pa. (VINA de GUZMAN)