• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

11-man Gilas lineup para sa Asian Games, kumpirmado na

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUMPIRMADO na ang 11-man lineup ng Gilas Pilipinas para sa men’s basketball event ng 2026 Asian Games sa Japan.

Pangungunahan nina RJ Abarrientos, Robert Bolick, Sedrick Barefield, Jerrick Ahanmisi at Adrian Nocum ang all-PBA squad na sasabak sa pag-depensa sa gintong medalya ng Pilipinas.

Kasama rin sa koponan sina Justin Arana, Justine Baltazar, Brandon Bates, Brandon Ganuelas-Rosser, Zav Lucero at Don Trollano.

Nananatiling bukas ang ika-12 puwesto para kay naturalized player Justin Brownlee, na patuloy na nagpapagaling mula sa ilang injury at hinihintay pa ang clearance mula sa kanyang mga doktor.

Mas mabilis at mas agresibong sistema ang nais ipatupad ni Cone sa bagong bersyon ng Gilas, dahil mas maliit ang lineup kumpara sa mga nakaraang koponan.

Layunin ng Pilipinas na maidepensa ang gintong medalya na napanalunan nito noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas kontra Bahrain sa Setyembre 11, bago harapin ang Kazakhstan sa Setyembre 12 at China sa Setyembre 14.

Kung hindi makakasama si Brownlee, sinabi ni Cone na handa ang koponan na laruin ang torneo gamit ang 11-man lineup.

Masaya na sa buhay kaya tatakbong palayo sa pulitika…SHARON, ‘di nagpaapekto kaya ’no comment’ sa hidwaan nina Sen. KIKO at Sen.  ROBIN (ni: ROHN ROMULO)  

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI nga nagpaapekto si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa naging hidwaan ng kanyang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan at ng dating karelasyon na si Sen. Robin Padilla.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, diretsahang tinanong si Sharon ni Boy Abunda tungkol sa mga kumalat na memes at reaksiyon ng publiko matapos ang naging palitan ng salita ng dalawang senador.

“No comment,” sagot ni Sharon.

Pagbibiro pa ni Mega, “Ganito na lang, ‘Uy, Ex ko (Robin). Uy, husband ko.’ Tapos na!’

“Stop there. No, I don’t want to comment because sa amin, it was a non-issue.”

Natanong din si Sharon ni Kuya Boy kung hindi ba niya kino-consider na pasukin ang mundo ng pulitika.

Malinaw ang sagot ng Megastar na, “I would consider running…..away from politics.” 

Dagdag pa niya, “Tatakbo ako palayo diyan. Ang sarap ng buhay ko. I love my life. 

“I love that I’m able to make people happy, thousands at the time, in concerts, TV shows, movies. It’s a gift. I take care of it.

“I love the work that I have. I love singing. I love acting. I love working with actors, new and, you know, people I’ve worked with before. 

“New directors. I become family on the set with everybody I’m working with.” 

Diin pa ni Sharon, “It’s special to me, so I wouldn’t trade it for a life in politics. No, it’s a horror story.”

***

NADAGDAGAN na naman ang ‘anak-anakan’ ni Sharon sa katauhan nina Barbie Forteza at Khalil Ramos na nakasama niya sa “Honor Thy Mother” na magsisimula nang ipalabas sa Prime Video PH simula September 11.

Nasa listahan din ng malalapit na young stars kay Sharon sina Julia Montes, Alden Richards, at Julia Barretto.

Inamin ni Sharon kay Kuya Boy na na-in love talaga siya sa dalawang Kapuso stars dahil sa kanilang personalidad, talento at pagiging mabuting anak.

“I have fallen in love with Barbie, very hard.  Barbie and Khalil,” pahayag niya.

Puring-puri ni Mega si Barbie at labis ngang humanga sa kahusayan sa pag-arte ng Kapuso Princess at talagang nakipagsabayan at hindi nagpahuli.

“She’s not a good actres, she’s a great actress,” papuri niya.

“Magaling si Barbie, masarap ka-eksena.”

Dagdag pa ni Mega, “Barbie is amazing for her age. Sabi ko nga, parang limang lifetime na ang pinagdaanan ng batang ito sa lalim ng emosyon, she’s so good.”

Hindi rin nagpahuli si Khalil dahil puring-puri din siya ni Sharon.

“I adore Khalil, he’s such a good boy!”

Napansin din ni Mega ang magandang pagpapalaki sa aktor dahil bukod sa pagiging mahusay na artista, kapansin-pansin daw ang pagpapahalaga nito sa kanyang mga magulang at pamilya.

May inamin naman si Sharon sa kanyang role sa “Honor Thy Mother.”

“I’ve done ‘Saving Grace’, medyo mataray ako doon, but this is the most mataray I’ve been.  It’s the first time I’m in this territory…”

Marami na nga ang excited at nag-aabang sa pag-ere ng series sa Friday, September 11 sa Prime Video PH.

Magkakaroon ng docu-film and series ang ‘I’mPerfect’…SYLVIA, sobrang saya na nominado sina KRYSTEL at EARL sa Gawad Urian (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMAARIBA ang “ImPerfect” dahil isa ito sa walong pelikula na pinagpipilian para maging official entry ng Pilipinas sa prestigious na Academy Awards o Oscars.

Bukod dito, ang dalawang lead stars ng pelikula ay nominado sa nalalapit 49th Gawad Urian; sina Krystel Go bilang Best Actress nominee at si Earl Amaba na nominado naman bilang Best Actor.

Hiningan namin ng reaksyon si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios kung ano ang reaksyon niya sa pagkaka-nominate ng mga anak-anakan niyang sina Krystel at Earl sa Urian na gaganapin ngayong October.

“Siyempre masaya ako,” bulalas ni Sylvia.

“Iyon yung goal ko, na mapansin talaga yung mga bata, ma-nominate, huwag na ako, huwag na kami, iyong mga bata.”

Ang “kami” na tinutukoy ni Sylvia ay ang mga beteranang aktres na mga kaibigan ni Sylvia na sina Lorna Tolentino at Janice de Belen na nasa cast rin ng “ImPerfect.”

Ano ang reaksyon ni Krystel nang nalaman nitong nominado siya sa URIAN?

“Sabi ko sa kanya, ‘Krystel nominated ka for Urian!’  

“Sabi niya,  ‘Ha?! Ang ganda ng birthday ko!’ “Sobrang hapy siya.

“Si Earl yung nanay niya ang sinabihan ko.”

The fact na kapwa napansin ng Urian sina Krystel at Earl ay labis na ikinagalak ni Sylvia.

“Doon ako masaya! Ang saya ko.

“So… ang saya-saya ko, doon ako focused, na masaya ako para doon sa mga bata.

“Pati ang mga nanay nila, masaya! Kasi nagkakatulungan kami para sa mga bata kaya pare-pareho kaming mga nanay na masaya,” sinabi pa ng mahusay na aktres.

Bukod dito ay isasali naman ang documentary film ng “I’mPerfect” na ang direktor naman ay si Ditsi Carolino.

“Kaya ang ‘ImPerfect’ na docu, from abroad to Philippines, ito’ng ImPerfect na pelikula from the Philippines to abroad.

“Less than two hours ang docu at ang director ay si Ditsi Carolino.

“Ang puso ng pelikula yung documentary.

“Ang puso kasi dito, story ha, ito makikita kung paano naghirap, kung paano ginawa, kung paano lumabas na yung mga batang may Down syndrome, nakagawa ng pelikula.

“So dun niyo sila hahangaan, mas lalong hahangaan,” saad pa ni Sylvia.

“This year sa abroad ipapalabas ang docu, next year dito sa Pilipinas ang docu, next year may series na rin ng mga bata.”

Si Sigrid Andrea Bernardo na direktor ng “I’mPerfect” na pelikula ang direktor rin ng serye.

“Imperfect cast pero iba ito, hindi connected sa dati. Ang ganda ng title, ayoko pang ilabas,” patikim na sinabi ni Sylvia tungkol sa kanilang upcoming 2027 series na either mainstream TV o online streaming.

Ipapalabas rin sa Prague ang “I’mPerfect.”

At sa patuloy na pag-ariba ng Nathan Studios, tatlong pelikula na co-prod sila ang in competition sa Busan International Film Festival ngayong Oktubre; ang “Filipiñana”, “Nagi Notes” at “Ria.”

Gumawa ng history bilang first Filipina recipient…LEA, ginawaran na ng sariling ’star’ sa Hollywood Walk of Fame (ni: REY PINEDA) 

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GUMAWA ng history ang award-winning actress and singer na si Lea Salonga.

Nitong Sabado, September 5, 2026 ay ginawaran na ang Filipina Broadway icon ng kanyang sariling star sa Hollywood Walk of Fame sa Los Angeles, California.

Tinanggap ni Lea ang kanyang star para sa kategorya ng Live Performance.

Nagsilbing singing voice si Lea nina Mulan at Princess Jasmine na mula sa Disney animated films.

Si Lea ang ika-2,855 star sa iconic na Hollywood Boulevard landmark. 

Inanunsyo ng Hollywood Chamber of Commerce sa kanilang website na si Lea ang kauna-unahang Filipina na tumanggap ng nasabing iconic recognition.

Ayon sa post, magsisilbi raw itong inspirasyon hindi lamang para sa bansang Pilipinas, kundi maging sa mga susunod na henerasyon na gustong sundan ang yapak ng nasabing music icon. 

***

MULI na namang binulabog ni Jamie Evangelista-Geisler, asawa ang aktor na si Baron Geisler ang social media.

Kamakailan lang kasi, nag-post ito ng isang mensahe na nagtatanong at tila gulung-gulo ang isipan.     

Ayon sa post ni Jamie, normal lang daw ba sa mag-amo na magkatabi kapaq natutulog?     

Nangangahulugan na sinisiguro nitong magkatabing natutulog sina Baron at ang alalay/maid/PA nito.     

Dinugtungan pa niya ito na “morally accepted” at “asking for a confused wife”.     

Kung tiningnan mo ngayon ang threads accounts, burado na ang nasabing post.     Subali’t di ito nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens. 

May nakapag-screenshot sa nabanggit na post at ibinandera ito sa Reddit.     

Ang hindi matukoy ay kung ang pinatutungkulan ba nito ay ang asawang si Baron o ibang tao.

Ang tanong, ang isang ordinaryong empleyado ba ay mangangailangan ng alalay?     Hindi ba’t kadalasan mga artista lang talaga ang madalas may kabuntot na PA o alalay?

Ads September 7, 2026

Posted on: September 7th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Drivers license ni Tiger Woods sinuspendi ng limang taon

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUSPENDIDO ng limang taon ang drivers license ni American golf star Tiger Woods.

Bahagi ito ng kaniyang plea bargain sa mga prosecutors para mabawasan ang kaniyang kaso na driving under the influence dahil sa aksidenteng kinaharap niya Florida.

Bukod sa nasabing suspendido ang lisensiya nito ay tinaggap din ni Woods ang pagbabayad ng nasa $1,000 bilang bahagi ng kasunduan sa Martin County, Florida.

Naaresto si Woods noong Marso matapos ang self-accident kung saan nagpositibo ito sa breathalyser subalit hindi na pumayag pa na sumailalim sa anumang drug test.

Una ng naghain ang 50-anyos na si Woods ng not guilty plea dahil sa misdemeanor charges at nagpasya itong sumailalim sa rehabilitation.

Alex Eala pasok na sa ikatlong round ng US Open

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PASOK na sa ikatlong round ng US Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa score na 6-1, 6-4.

Sa unang set pa lamang ay dominado na ng seeded 17 ng torneo na si Eala sa laban nila na ginanap sa Louis Armstrong Stadium.

Pagpasok ng ikalawang set ay bahagyang nakahabol si Oliynykova subalit hindi hinayaan ni Eala na umabot pa ng ikatlong set kaya tinapos na nito ang laro.

Ang nasabing resulta ay tila pagganti ni Eala sa Ukrainian tennis player na unang nakatalo sa kaniya noong Mayo sa Strasbourg tournament.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakapasok sa ikatlong round ng US Open dahil noong nakaraang taon ay hanggang ikalawang round.

Susunod na makakaharap nito ay ang sinumang mananalo sa pagitan nina Francesca Jones ng United Kingdom at Iva Jovic ng US.

Pagpapasinaya sa OsMal extension, parking buildings at groundbreaking ng multi-purpose building sa Malabon 

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG panibagong tagumpay ang nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa patuloy nitong pagsisikap na pagbutihin ang paghahatid ng serbisyo-publiko, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony ng bagong multi-purpose building na may limang palapag, at pagpapasinaya sa bagong Ospital ng Malabon (OsMal) extension building at parking building sa F. Sevilla Blvd. Barangay Tañong.

“Patuloy nating isinusulong ang mga proyektong magpapalapit at magpapahusay sa serbisyo ng ating pamahalaan. Sa pamamagitan ng mga bagong pasilidad na ito, mas magiging maayos, mabilis, at dekalidad ang serbisyong maibibigay natin sa ating mga kababayan,” ani Mayor Jeannie.

Bahagi ang mga bagong pasilidad ay ng pangako ng Pamahalaang Lungsod na mabigyan ang mga Malabueño ng pinabuti, madaling mapuntahan, at de-kalidad na serbisyo ng gobyerno habang pinapalakas ang imprastraktura na kinakailangan upang suportahan ang lumalaking pangangailangan ng komunidad.

Ang bagong pasinayang OsMal Extension Building ay isang gusaling may tatlong palapag na nakalaan para sa pinalawak na serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng lokal na ospital. Magsisilbi itong mga karagdagang serbisyong medikal at pangkalusugan, kabilang ang Physical Rehabilitation Center, Rehabilitation Clinic, Neurodevelopmental Clinic, at Animal Bite Center. Magbibigay rin ito ng mga pasilidad para sa newborn at hearing screening, pati na rin ng mga karagdagang serbisyo at ward sa OB-Gyne.

Habang ang parking building na may apat na palapag ay magbibigay ng kabuuang 189 parking slots na binubuo ng 107 parking slots para mga kotse, 78 parking slots para sa mga motorsiklo, at 4 para sa mga PWD.

Samantala , sinabi ng City Engineering Department (CED) ang itatayong 5-Storey Multi-Purpose Building ay idinisenyo upang magbigay ng mga komersyal, opisina, institusyonal, at multi-purpose na espasyo. Ang ground at second floor nito ay maglalaan ng paradahan at mga inuupahang komersyal na espasyo, habang ang ikatlo at ikaapat na palapag ay maglalaman ng mga flexible na opisina para sa mga kwalipikadong nangungupahan at organisasyon.

Ang ikalimang palapag ng gusali ay magsisilbing multi-purpose and institutional facility para sa city government programs, seminars, conferences, workshops, public consultations, assemblies, at iba pang community activities.

“Ang mga pasilidad na ito ay bahagi ng patuloy nating pagsisikap na bumuo ng mas matatag at mas handang Malabon—isang lungsod na may sapat at maayos na imprastraktura upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng ating mga mamamayan,” sani ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.
(Richard Mesa)

PBBM, tinintahan ang batas na magpapalawak sa access sa free tertiary education

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang batas na mag-aamyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTE) bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na palawakin ang access sa abot-kaya, dekalidad na mas mataas na edukasyon para sa mga estudyanteng Filipino.

Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang Republic Act (RA) 12325, o isang Act Enhancing the UAQTE, sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

Winika ng Pangulo na binigyang diin ng bagong batas ang commitment ng administrasyon na gawing mas accessible ang tertiary education sa mga estudyante na nahaharap sa financial barriers sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral kabilang na ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“The original law made tuition and other school fees free in public higher education and state-run technical-vocational institutions while providing assistance to learners with limited financial means through the Tertiary Education Subsidy (TES),” ani Pangulong Marcos.

“Today, we take that another step further. The amendments ensure that government assistance reaches those who need it most, particularly students from poor and disadvantaged families, including qualified 4Ps beneficiaries,” aniya pa rin.

Hangad ng pagsususog na mapahusay ang implementasyon ng free tertiary education program sa bansa at makapagbigay ng higit na suporta sa mga kuwalipikadong estudyante na nagsusumikap na maipagpatuloy ang mas mataas na edukasyon.

Sa pamamagitan ng bagong batas, binibigyang mandato nito ang lahat ng state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), at state-run technical-vocational institutions (TVIs) na magpatupad ng Equity and Inclusion Plans para suportahan ang mga estudyante mula sa ‘disadvantaged backgrounds’ sa pamamagitan ng target na hakbang gaya ng ‘fee waivers at priority access to facilities.

Ang iba pang mahalagang policy amendments ay pagpapalawak sa TES, pagtatatag ng education assistance, regularna paga-adjust ng grants, at pagpapahusay sa accountability monitoring.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng gobyerno ang mamuhunan sa’ education at skills development,’ na aniya’y mahalaga para mapahusay ang ‘productivity, employment opportunities, at national competitiveness.’

“While we have opened the doors of our public colleges, universities, and technical-vocational institutions, the responsibility of government does not end there. We must help all our learners remain in schools or training until they complete their studies and acquire the skills they need to succeed,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa ulat, “The original UAQTE, or RA 10931, provides free tuition and other school fees for qualified students in state universities and colleges, local universities and colleges, and state-run technical-vocational institutions.”

“RA 10931 also institutionalizes the Tertiary Education Subsidy and student loan programs to help students meet other education-related expenses.”

Inaasahan naman na dahil sa pag-amiyenda ay mapalalakas nito ang mga mekanismo at tulungan na tiyakin na mas maraming estudyanteng pinoy ang papasok at makokompleto ang tertiary education.

Sinasabing, mapalalawak ng bagong batas ang saklaw ng TES kabilang na ang subsidiya para sa internship o Related Learning Experience, professional licensure expenses, at allowance para sa mga estudyante na may kapansanan.

Pinapayagan nito ang one-year extension para makompleto ang programa sa ilalim ng justifiable circumstances.

“RA 12325 also introduces a pilot program to support disadvantaged students in priority programs at private higher education institutions and TVIs, upholding the complementarity between public and private education,” ayon sa ulat.

Ipinag-uutos din nito sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education Act (UnIFAST) Board na rebisahin at i-adjust ang halaga ng TES kada dalawang taon “to account for inflation and changing education costs.”

Sa ilalim ng bagong batas, “single learner reference code will be established to improve the targeting and monitoring of beneficiaries from secondary to tertiary education.”

Samantala, inatasan naman ang Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority na magtatag ng pormal na komite na lulutas sa mga reklamo ng mga estudyante.

Ipinag-uutos din ng batas ang isang komprehensibong taunang report sa Kongreso ukol sa program outcomes, kabilang ang employment tracer studies at budget utilization. ( DARIS JOSE)

PBBM, ipinagmalaki ang mga nagawa ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon

Posted on: September 5th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang mga nagawa ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mabigyan ng mas magandang pagkakataon ang mga Pilipino.

Sa seremonya ng paglagda sa mga amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na dumami ang mga benepisyaryo ng libreng higher education.

“Nadagdagan natin ang mga benepisyaryo ng libreng higher education mula sa dalawang milyon na estudyante at ngayon ay nasa 2.6 milyon na sa unang semestre ng school year na ito,” ani Pangulong Marcos.  

Makatutulong ang mga amyenda sa UAQTEA upang mapalawak ang tulong ng pamahalaan para sa mga estudyanteng kumukuha ng college at vocational courses.

Binanggit din ng Pangulo ang Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program na inilunsad noong Enero para sa mga mahusay na nagtapos ng Senior High School na kukuha ng mga prayoridad na kurso sa higher education o TVET.

“Noong Enero ngayong taon, inilunsad natin ang Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program para sa mga mahusay na nagtapos ng Senior High School na kukuha ng mga prayoridad na degree program sa higher education o priority TVET diploma programs,” ang tinuran ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na dumami ang undergraduate scholars sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST)-Science Education Institute, mula sa humigit-kumulang 45,000 noong School Year 2022-2023 hanggang 48,520 noong School Year 2025-2026.

Binigyang-diin din ng Pangulo na nananatiling pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon ang edukasyon,” ang winika ng Pangulo.

 “Tulad lang ng nabanggit ko sa aking SONA ngayong taon, ang edukasyon pa rin ang pangunahing nagtataguyod ng kakayahan, kung kaya ito ang nangunguna sa listahan ng aking administrasyon,” ani Pangulong Marcos.

 “At patuloy nating tutuparin ang pangakong ito,” dagdag ng Pangulo.

Patuloy na sinusuportahan ng pamahalaan ang mga estudyante upang makapagtapos ng college degree o Technical-Vocational Education and Training (TVET) program.

Hinikayat naman ng Pangulo ang mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at sinabing hindi nila kailangang harapin ang kanilang paglalakbay nang mag-isa.

“At sa ating mga benepisyaryo, ang mahabang landas ay nasa inyong harapan, ngunit hindi ninyo kailangan maglakad nang nag-iisa. Narito ang inyong pamahalaan upang tulungan kayong makapasok, manatili, at makatapos sa paaralan o pagsasanay,” ani Pangulong Marcos.

Inutusan din ng Pangulo ang Commission on Higher Education (CHED), TESDA, Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) at iba pang kaukulang ahensya na kumpletuhin ang implementing rules and regulations sa itinakdang panahon at tiyaking maayos ang pagpapatupad ng batas.

“Ngayon, tinutupad natin ang ating pangako para sa dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pundasyon nito at pagpapalawak ng oportunidad para sa milyon-milyong Pilipinong mag-aaral,” ani Pangulong Marcos.  

 “Patuloy nating bigyan ang bawat Pilipinong mag-aaral hindi lamang ng pagkakataong magsimula, kundi pati ng suportang kailangan upang matapos ang kanilang sinimulan. Bawat mag-aaral na makapagtapos ng college degree o TVET program ay nagbibigay ng higit na pag-asa sa pamilya, mas malaking oportunidad sa komunidad, at mas matibay na bansa,” aniya pa rin. ( DARIS JOSE)