Masaya na sa buhay kaya tatakbong palayo sa pulitika…SHARON, ‘di nagpaapekto kaya ’no comment’ sa hidwaan nina Sen. KIKO at Sen. ROBIN (ni: ROHN ROMULO)
- Published on September 7, 2026
- by Francis Paolo Torres
HINDI nga nagpaapekto si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa naging hidwaan ng kanyang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan at ng dating karelasyon na si Sen. Robin Padilla.
Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, diretsahang tinanong si Sharon ni Boy Abunda tungkol sa mga kumalat na memes at reaksiyon ng publiko matapos ang naging palitan ng salita ng dalawang senador.
“No comment,” sagot ni Sharon.
Pagbibiro pa ni Mega, “Ganito na lang, ‘Uy, Ex ko (Robin). Uy, husband ko.’ Tapos na!’
“Stop there. No, I don’t want to comment because sa amin, it was a non-issue.”
Natanong din si Sharon ni Kuya Boy kung hindi ba niya kino-consider na pasukin ang mundo ng pulitika.
Malinaw ang sagot ng Megastar na, “I would consider running…..away from politics.”
Dagdag pa niya, “Tatakbo ako palayo diyan. Ang sarap ng buhay ko. I love my life.
“I love that I’m able to make people happy, thousands at the time, in concerts, TV shows, movies. It’s a gift. I take care of it.
“I love the work that I have. I love singing. I love acting. I love working with actors, new and, you know, people I’ve worked with before.
“New directors. I become family on the set with everybody I’m working with.”
Diin pa ni Sharon, “It’s special to me, so I wouldn’t trade it for a life in politics. No, it’s a horror story.”
***
NADAGDAGAN na naman ang ‘anak-anakan’ ni Sharon sa katauhan nina Barbie Forteza at Khalil Ramos na nakasama niya sa “Honor Thy Mother” na magsisimula nang ipalabas sa Prime Video PH simula September 11.
Nasa listahan din ng malalapit na young stars kay Sharon sina Julia Montes, Alden Richards, at Julia Barretto.
Inamin ni Sharon kay Kuya Boy na na-in love talaga siya sa dalawang Kapuso stars dahil sa kanilang personalidad, talento at pagiging mabuting anak.
“I have fallen in love with Barbie, very hard. Barbie and Khalil,” pahayag niya.
Puring-puri ni Mega si Barbie at labis ngang humanga sa kahusayan sa pag-arte ng Kapuso Princess at talagang nakipagsabayan at hindi nagpahuli.
“She’s not a good actres, she’s a great actress,” papuri niya.
“Magaling si Barbie, masarap ka-eksena.”
Dagdag pa ni Mega, “Barbie is amazing for her age. Sabi ko nga, parang limang lifetime na ang pinagdaanan ng batang ito sa lalim ng emosyon, she’s so good.”
Hindi rin nagpahuli si Khalil dahil puring-puri din siya ni Sharon.
“I adore Khalil, he’s such a good boy!”
Napansin din ni Mega ang magandang pagpapalaki sa aktor dahil bukod sa pagiging mahusay na artista, kapansin-pansin daw ang pagpapahalaga nito sa kanyang mga magulang at pamilya.
May inamin naman si Sharon sa kanyang role sa “Honor Thy Mother.”
“I’ve done ‘Saving Grace’, medyo mataray ako doon, but this is the most mataray I’ve been. It’s the first time I’m in this territory…”
Marami na nga ang excited at nag-aabang sa pag-ere ng series sa Friday, September 11 sa Prime Video PH.