Gumawa ng history bilang first Filipina recipient…LEA, ginawaran na ng sariling ’star’ sa Hollywood Walk of Fame (ni: REY PINEDA)
- Published on September 7, 2026
- by Francis Paolo Torres
GUMAWA ng history ang award-winning actress and singer na si Lea Salonga.
Nitong Sabado, September 5, 2026 ay ginawaran na ang Filipina Broadway icon ng kanyang sariling star sa Hollywood Walk of Fame sa Los Angeles, California.
Tinanggap ni Lea ang kanyang star para sa kategorya ng Live Performance.
Nagsilbing singing voice si Lea nina Mulan at Princess Jasmine na mula sa Disney animated films.
Si Lea ang ika-2,855 star sa iconic na Hollywood Boulevard landmark.
Inanunsyo ng Hollywood Chamber of Commerce sa kanilang website na si Lea ang kauna-unahang Filipina na tumanggap ng nasabing iconic recognition.
Ayon sa post, magsisilbi raw itong inspirasyon hindi lamang para sa bansang Pilipinas, kundi maging sa mga susunod na henerasyon na gustong sundan ang yapak ng nasabing music icon.
***
MULI na namang binulabog ni Jamie Evangelista-Geisler, asawa ang aktor na si Baron Geisler ang social media.
Kamakailan lang kasi, nag-post ito ng isang mensahe na nagtatanong at tila gulung-gulo ang isipan.
Ayon sa post ni Jamie, normal lang daw ba sa mag-amo na magkatabi kapaq natutulog?
Nangangahulugan na sinisiguro nitong magkatabing natutulog sina Baron at ang alalay/maid/PA nito.
Dinugtungan pa niya ito na “morally accepted” at “asking for a confused wife”.
Kung tiningnan mo ngayon ang threads accounts, burado na ang nasabing post. Subali’t di ito nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens.
May nakapag-screenshot sa nabanggit na post at ibinandera ito sa Reddit.
Ang hindi matukoy ay kung ang pinatutungkulan ba nito ay ang asawang si Baron o ibang tao.
Ang tanong, ang isang ordinaryong empleyado ba ay mangangailangan ng alalay? Hindi ba’t kadalasan mga artista lang talaga ang madalas may kabuntot na PA o alalay?