• September 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 28th, 2026

Kalihim ng Tanggulang Pambansa Gilberto “Gibo” Teodoro, tinalakay ang lumalalang ugnayan ng Pilipinas at Tsina

Posted on: September 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA GINANAP na Saturday News Forum noong September 26, 2026, tinalakay ni Kalihim ng Tanggulang Pambansa Gilberto “Gibo” Teodoro ang lumalalang ugnayan ng Pilipinas at Tsina, kabilang dito ang seryosong banggaan noong Setyembre 18 sa pagitan ng barko ng China Coast Guard at ng BRP Datu Magat Salamat ng BFAR , na naganap sa loob ng sariling eksklusibong sonang pang-ekonomiya ng Pilipinas.

Ibinahagi rin niya ang mas malalawak na hakbang para sa kaligtasan ng bansa, ang patuloy na pagpapatibay at modernisasyon ng Sandatahang Lakas, at ang pagpapatupad ng Komprehensibong Konsepto ng Tanggulang Kapuluan , upang pangalagaan ang soberanya at karapatan ng Pilipinas sa sarili nitong karagatan. ( SER MORALES Sr.)

Paging direktor ni VP Sara sa isang pribadong kumpanya habang siya ay Bise Presidente, bawal sa saligang batas 

Posted on: September 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI maaaring manilbihan si Sara Duterte bilang Bise Presidente habang direktor ng isang pribadong kumpanya, ayon kay House prosecution spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Sa isang kapihan sa Quezon City nitong Sabado, binanggit ni Adiong ang nakasaad sa Saligang Batas, Article VII, Section 13, na ipinagbabawal ang Presidente, Bise Presidente at mga miyembro ng Gabinete na humawak ng anumang posisyon o interes sa pribadong kumpanya.

Ayon kay Adiong, nakalista pa rin si Duterte bilang corporate director ng isang kumpanya kahit na nahalal na siya bilang Bise Presidente.

Batay sa records ng Securities and Exchange Commission (SEC), nakalista si Duterte bilang stockholder at miyembro ng board of directors ng Metro City Chow Foods Corp. mula 2022 hanggang 2025. 

“Even without getting into details, that alone is a violation of the Constitution, her being the second highest official in the land,” sinabi ni Adiong sa Saturday News Forum. 

Idinagdag ni Adiong na nakadeklara ito sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Duterte.

“Hindi lang siya passive shareholder. She is also one of the directors of one of the companies that she declared in her SALN,” tinukoy ni Adiong. 

“On that basis alone, I think she has already betrayed [public trust]. But then again, we don’t want to preempt,” dagdag ng kongresista.

Aniya, ang Senate impeachment court pa rin ang may desisyon kung may paglabag ba o wala. “So without preempting the court, whether or not she’s guilty, that’s entirely up to the court.” (VINA de GUZMAN)

Tambay, kalaboso pagbabanta, panunutok ng baril sa kabarangay sa Valenzuela 

Posted on: September 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LAGLAG sa selda ang 32-anyos na tambay nang tutukan ng baril at binantaang papatayin ang stainless fabricator na nag ‘Marites’ umano sa kanya na tulak sya ng droga sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. 

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, naglalakad sa Encarnacion St. Brgy. Marulas si alyas “Rex”, 41, ng Brgy., Marulas dakong alas-5:30 ng hapon patungo sa bahay ng isang kaibigan nang masalubong niya ang kabarangay na si alyas “Jay”, malapit sa abandonadong pumping station sa lugar.

Nagulat na lamang ang biktima nang tutukan siya ng baril ni “Jay” at sinabihang papatayin dahil sa bintang na ipinagkakalat umano niya na drug pusher ang suspek.

Sa labis na takot ay nagtatakbo palayo si “Rex” hanggang makahingi ng tulong kina P/Cpl. John Melo De Paz at P/Cpl. Inglis Balagtas ng Valenzuela Police Sub-Station 3 na nagkataong nagpapatrulya sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nasamsam sa suspek ni Cpl. De Paz ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng limang bala sa chamber at nang hanapan siya ng kaukulang dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay wala siyang naipakita.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong Grave Threat at paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearm and Ammunition sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

No. 4 top most wanted person sa kasong Rape sa Navotas, himas-rehas 

Posted on: September 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGWAKAS na ang sampung taon pagtatago ng isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa matapos matimbog ng tumutugis na kapulisan sa Navotas City. 

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang 36-anyos na akusado ay nakatala bilang No. 4 sa Top Ten Most Wanted Person sa Navotas City Police Station.

Nagtago umano ang akusado nang malaman niyang tinutugis siya ng pulisya kasunod ng arrest warrant laban sa kanya na inilabas ng Regional Trial Court (RTC), Branch 287, Navotas City, noong September 19, 2016 para sa kasong Rape.

Gayunman, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela na muling naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar kaya agad ikinasa ng pulisya ang operation laban sa kanya.

Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner siya ng mga operatiba Navotas Police Intelligence Section malapit sa kanilang bahay sa Barangay San Roque.

Inaresto siya ng pulisya sa bisa ng nasabing arrest warrant na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ani BGen. Capili, patuloy na pinalalakas ng NPD ang mga pagsisikap nito sa paghahanap at paghuli sa mga wanted na indibidwal, partikular ang mga Top Most Wanted Persons, sa pamamagitan ng sustained intelligence gathering, inter-unit coordination, at focused police operations. (Richard Mesa)

Higit P.2M shabu, nasabat sa 2 tulak sa Valenzuela

Posted on: September 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak ng illegal na droga kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang naarestong mga suspek ay si alyas “Ligaya”, 40, at alyas “Rene”, 23, kapwa residente ng Brgy., Karuhatan.

Isinagawa ng mga operatiba NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy bust operation laban sa mga suspek malapit sa VCG Tree Cutting Services, Simeon Doon Compound, Barangay Karuhatan, sa koordinasyon sa PDEA.

Dakong alas-6:57 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos umanong magsabwatan na magbinta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 30.9 grams ng suspected shabu na may estimated standard drug price na P210,120.00 at buy bust money.

Ayon sa pulisya, na-inquest na ang mga suspek kaugnay sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26, Article II ng R.A 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Richard Mesa)

MAYOR AT ILANG KAWANI NG ISANG LGU SA QUEZON PROVINCE NA WALANG SUOT NA HELMET, AGAD NA INISYUHAN NG SCO

Posted on: September 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang agarang pagkilos laban sa isang mayor at ilang kawani ng isang Local Government Unit (LGU) sa Quezon Province na nasangkot sa paglabag sa batas-trapiko matapos makitang bumibiyahe sakay ng kanilang mga motorsiklo nang walang suot na standard protective motorcycle helmet.

Nang makarating sa ahensya ang video at mga larawang may kaugnayan sa insidente, agad na nagbigay ng direktiba si Asec. Lacanilao sa Intelligence and Investigation Division (IID) na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga rehistradong may-ari at itinalagang rider ng mga sangkot na motorsiklo.

Kaya naman, nakapag-isyu ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) upang bigyan sila ng pagkakataong magpaliwanag kaugnay ng nasabing paglabag. Inaatasan ang mga ito na humarap sa tanggapan ng IID ng LTO Central Office sa Oktubre 1, 2026, para sa pagdinig. Kinakailangan din nilang magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig, upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot ang mga rider sa mga kasong nakasaad sa SCO, kabilang ang Mandatory Use of Motorcycle Helmets. Kailangan din nilang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagsususpinde o pagbawi ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Kasabay nito, inilagay sa alarm ang tatlong motorsiklo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Preventively suspended din nang 90 araw ang mga lisensya ng mga rider at inatasang agarang pagsuko ng mga ito sa IID.

“Bilang mga kawani ng pamahalaan, dapat tayo mismo ang nangunguna sa pagsunod sa batas. Hindi natin maaaring ipatupad ang mga batas-trapiko sa iba kung tayo mismo ay hindi sumusunod dito,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

“Akala nila palalampasin natin ang kanilang ginawa. Hindi ganoon ang LTO. Anuman ang paglabag, makakarating at makakarating ito sa aming tanggapan, at kikilos kami para panagutin ang mga lumalabag,” dagdag niya.

Patuloy ang LTO sa pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang laban sa mga paglabag sa batas trapiko, anuman ang katayuan o pinanggalingang ahensya ng mga sangkot. Muling nagpapasalamat ang ahensya sa publiko sa patuloy na pag-uulat ng mga paglabag. Makakaasa ang publiko na walang pinipili ang LTO sa pagpapatupad ng batas at pananagutin ang sinumang mapatunayang lumabag dito. 

(PAUL JOHN REYES)

Higit P6 bilyong pinsala ng EL Niño sa agriculture

Posted on: September 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AABOT sa P6.87 bilyong halaga ng produktong agrikultura ang nasira dahil sa El Niño.

Ayon sa Department of Agriculture, nasa 223,214 na magsasaka Ang naapektuhan nang matinding tagtuyot.

Kabilang sa mga nasirang produkto ang palay, mais kamoteng kahoy, high-value crops, livestock, at poultry products.

Tinamaan nang matin­ding tagtuyot ang mga lugar ng Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Ayon sa DA, ang production loss sa bigas at nasa 25,196 metric tons (MT) o katumbas ng 0.12% ng target production na 20.29 million MT sa 2026, habang ang production loss sa mais ay nasa 126,883 MT o katumbas ng 1.44% ng target production na 8.80 million MT sa 2026.

Nasa kabuuang 249,028 ektarya ng agricultural land ang naapektuhan kung saan 192,766 ektarya ang may tsansa pang maka-recover habang 56,262 ektarya ang wala nang tsansa na maka-recover.