Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday, August 23, ibinahagi niya ang isang makahulugang birthday greeting kay Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III, na tinatawag din niyang “Daddy,” na nagdiriwang ng kaarawan noong Agosto 24.Makikita ang isang masayang group photo ng pamilya Sotto kasama sina Sharon at asawa na si
Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Mensahe niya, “Happy Birthday, Daddy (Tito Sen).”
Naging espesyal nga ang advance birthday celebration para kay Sharon dahil magkasabay ang kaarawan nina Tito Sen at Sen. Kiko.
Pahayag pa ni Sharon, “So touched that you shared your birthday song and cake with Kiko. We love you so much!”
Sa dulo ng IG post ni Mega mararamdaman ang labis niyang kaligayahan, na kung saan nilagyan niya ito ng red hearts, birthday cake, balloons, folded hands, party popper at iba pang happy emojis.Marami naman ang bumati at natuwa sa naturang IG post ni Sharon, na kitang-kita talaga ang pagiging close nila bilang isang pamilya.Samantala, nag-post din si KC Concepcion ng kanyang sweet birthday kay Sen. Kiko kalakip ang ilang photos…
“Happy 63rd birthday, Dad! @kiko.pangilinan
“So grateful for nights like this~~ family close, hearts full, and you and Mom at the center of it all.”
Dagdag pa niya, “Here’s to more soul-nourishing moments and happy memories to come. Praying for the BEST of this new year ahead!!
“All my love, now and always @reallysharoncuneta”
Na sinagot naman ni Sen. Kiko ng, “AMEN and A M E N. Thank you kace.”
HINDI umubra ang Philippine Men’s National Football Team (PMNFT) sa Vietnam 1-0 sa pagsisimula ng FIFA ASEAN Cup 2026 na ginaganap sa Si Jalak Harupat Stadium sa Indonesia.
Sinubok ng Pilipinas ang reigning ASEAN Hyundai Cup champions subalit hindi nila napigilan ang Vietnam sa kampanya ng FIFA-organized Southeast Asian tournament.
Nanguna sa panalo ng Vietnam si Nguyen Dinh Bac sa loob ng 25 minuto ng laro.
Pinilit ng Pilipinas na maitabla ang laban subalit nananatiling mailap para sa kanilang goal.
Susubukan nilang makabawi sa araw ng Miyerkules sa paghaharap nila ng Pakistan na isa samga guest teams sa labas ng Southeast Asia.
Ito ay matapos na talunin si Mays Alreem Abukhadijah ng Jordan sa pamamagitan ng Referee stopped contest.
Ipinakita ng two-time Olympic medalist ang kaniyang lakas sa women’s 60kg. class sa Nishio Gymnasium laban sa 20-anyos na kalaban.
Nangyari ang pagpapahinto ng referee sa natitirang 1:51 na oras sa ikalawang round.
Nakontrol ng 34-anyos na si Petecio ang bawat suntok ng Jordanian boxer.
Susunod na makakaharap ni Petecio si Chengyu Yang ng China.
Makakasama ni Petecio ang ilang boksingero ng bansa na nakapasok na rin sa quarterfinals sa pamamagitan nina Carlo Paalam sa men’s 55 kg class at makakaharap nito si Jiaomao Zhang.
Habang si Junmilardo Ogayre ay makakaharap si Olympic at World gold medalist Abdumalik Khalov mula sa Uzbekistan.
MULING nagningning ang tinagurian “Golden boy” na si Carlos Yulo nang makasungkit ito ng dalawang gintong medalya sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026. Ito ay kasunod ng kanyang tagumpay sa men’s floor exercise noong Huwebesm na nagbigay rin sa Pilipinas na unang gintong medalya sa 2026 Asian Games.
Pinatunayan ng 26-year-old gymnast ang husay nito sa floor exercise at vault event sa men’s artistic gymnastics na ginanap sa Nagoya General Gymnasium. Nagtala si Yulo ng average score na 14.599, daan upang manguna sa vault. Sa unang vault, nakakuha siya ng 14.733, habang 14.466 naman ang kanyang iskor sa ikalawang vault, na may 5.2 difficulty at 9.266 ang nakuha niyang iskor para sa execution.
Samantala, nakapag-uwi rin ng bronze medal ang kanyang nakababatang kapatid na si Eldrew Yulo.
Matatandaan din na’ nakapag-uwi si Yulo ng dalawang gintong medalya sa floor exercise at vault, noong nakaraang 2024 Paris Summer Games.
PANSAMANTALANG sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapataw ng excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 125, sinuspinde ang excise tax sa naturang mga produktong petrolyo, bagama’t may mga partikular na gamit na hindi saklaw ng kautusan.
Ayon sa kautusan, sinuspinde ang excise tax sa LPG, maliban kung ito ay ginagamit bilang hilaw na materyal sa paggawa ng mga produktong petrochemical o bilang panggatong sa mga sasakyang de motor.
Suspindido rin ang excise tax sa kerosene, maliban kung ginagamit ito bilang aviation fuel o panggatong ng mga sasakyang panghimpapawid.
Inilabas ang EO matapos na sertipikahan ng Department of Energy (DOE) na ang average na presyo ng Dubai crude oil, batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS), sa nakalipas na 30 araw ay umabot sa USD 99.41 kada bariles. ( DARIS JOSE)
TINULIGSA ni ACT Teachers Party-List Representative at House Deputy Minority Leader Antonio Tinio ang Department of Finance (DOF) sa muling hindi pagsali sa diesel at gasolina sa panukalang ikalawang yugto ng excise tax suspension, na sinabi ng DOF na nakatakdang aprubahan ng pangulo sa susunod na linggo.
Nanawagan si Tinio kay Finance Secretary Frederick Go na bigyang paliwanag na “will not be progressive” ang tax relief sa diesel at gasolina dahil ang makikibanag umano dito ay mayayaman lamang.
“Palagi na lang ganito ang excuse ng DOF at economic managers ng administrasyon—na mayayaman ang mas gumagamit daw ng diesel at gas—kahit napakalayo nito sa katotohanan,” ani Tinio. “Walang makukuhang kaluwagan mula sa panibagong excise suspension ang jeepney driver na kumokonsumo ng 30 litro ng diesel kada araw. Ganun din ang magsasakang gumagamit ng hand tractor, mangingisdang may pumpboat, o mga nagbibiyahe ng mga produkto sa palengke.”
Nagbabala ang mambabatas na ang pagpapatuloy sa pagpapatupad ng excise taxes sa diesel at gasolina ay magbibigay ng mas mabigat na inflation sa mga susunod na linggo.
“Kapag pumalo na ang diesel sa ₱18.31 per liter sa mga susunod na linggo, bawat piso ng excise tax—isama na natin ang VAT na ayaw ring tanggalin ng administrasyong Marcos—ay ipapasa sa commuters at consumers. Kahit di nagmamay-ari ng sasakyan ang mahihirap, binabalikat nila ang impact ng inflation sa bawat bagay at serbisyong binibili nila,” anang mambabatas.
Ibinasura ni Tinio ang pananaw ng DOF na magreresulta ang diesel at gas tax suspensions sa tinatayang P12 billion na lost revenues kada buwan.
“Apparently, the DOF’s primary concern is protecting its revenue collection while the people’s already meager incomes are being devoured by inflation,” giit ni Tinio. “Government is again holding hostage direly needed economic relief for the people, with new and heavier tax burdens as ransom.”
Kinondena pa nito ang pananatili ng 12% Value-Added Tax (VAT) sa petroleum products at hindi pagpapatupad ng price freeze sa LPG at kerosene.
“Hanggang ngayon, walang suporta ang administrasyon sa panawagang tanggalin na ang VAT sa petroleum products. Wala pa ring price freeze man lang sa LPG at kerosene samantalang automatic dapat iyon kapag state of emergency, ayon sa batas. Mukhang hanggang dito na lang talaga ang administrasyon—calculated minimalism sa pagbibigay ng kaluwagan sa mamamayan sa panahon ng krisis,” ani Tino.
(VINA de GUZMAN)
PUNO ng emosyon ang muling pagsasama ni Mary Jane Veloso at ng kanyang pamilya matapos siyang makalaya mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City nitong madaling araw ng Sabado, kasunod ng paggawad sa kanya ng absolute pardon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mula pa sa Nueva Ecija ay bumiyahe sakay ng puting coaster ang mga kaanak ni Veloso, kabilang ang kanyang dalawang anak, inang si Celia, at amang si Cesar, upang salubungin siya sa kanyang paglaya.
Kitang-kita ang pananabik, iyakan at mahigpit na yakapan sa muling pagkikita ng pamilya. Nakasuot ng puting t-shirt at pantalon si Mary Jane, na naghihintay sa labas ng CIW kasama ang mga tauhan ng Bureau of Corrections.
Hindi umano makapaniwala si Mary Jane at maging ang kanyang mga magulang na tuluyan na siyang nakalaya.
“Ako rin, hindi makapaniwala. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala. Pero mabait ang Lord. Mabait ang Panginoon,” ani Mary Jane habang mahigpit na niyayakap at hinahalikan ang kanyang ina.
Sumagot naman si Celia: “’Di ako makapaniwala talaga, anak. Dito ka na sa tabi ko ngayon.”
Sa kanilang pag-uusap, nangako ang mag-ina na aalagaan ang isa’t isa ngayong malaya na si Mary Jane. Ipinangako pa ng kanyang ina na ipagluluto siya ng paborito nitong inihaw na bituka ng manok.
Matatandaang mahigit 15 taon na nakulong si Mary Jane sa Indonesia matapos mahatulan sa kasong may kaugnayan sa droga at malagay sa death row. Sa pamamagitan ng kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia, nailipat siya sa kustodiya ng Pilipinas noong Disyembre 2024. ( DARIS JOSE)
TATANGGAP ng P60 dagdag sa arawang sahod ang mga minimum wage earner sa Metro Manila simula Sabado, Setyembre 26, sa ilalim ng bagong wage order na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa DOLE, lahat ng employer sa National Capital Region ay kailangang sumunod sa Wage Order No. NCR-28 na nagkabisa noong Sabado.
Sa ilalim ng kautusan, tataas ang arawang minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural sector mula P695 patungong P755.
Para naman sa agricultural workers, tataas ito mula P658 patungong P718 kada araw.
Saklaw rin ng P60 na dagdag ang mga manggagawa sa service at retail establishments na may 15 pababa ang empleyado, at manufacturing establishments na may mas mababa sa 10 regular na manggagawa.
Inilabas ang Wage Order No. NCR-28 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – NCR matapos ang konsultasyon sa pagitan ng labor, employers, at gobyerno habang nakabinbin pa sa korte ang naunang wage order na P85.
Ang Wage Order No. NCR-27 ay nagtatakda ng P85 na dagdag sa dalawang tranches – P60 na dapat epektibo noong Hulyo at P25 sa Enero 2027. Nahinto ang implementasyon nito matapos kwestyunin sa korte ng Readycon Training & Construction Corp. at R-II Builders Corp. Naglabas kalaunan ng injunction ang isang korte sa Pasig City na humaharang sa NCR-27.
Sa bisa ng NCR-28, ang minimum wage sa NCR ay P755 kada araw para sa non-agricultural workers at P718 para sa agricultural workers.
Tiniyak ng DOLE na babantayan nito ang pagsunod sa bagong sahod. ( DARIS JOSE)
MARIING tinutulan ng isang mambabatas ang panukalang taasan ang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) na dagdag pondo ng gobyerno para sa repair ng mga pangunahing kalsada sa bansa.
Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, hindi na kailangan taasan ang MVUC kung dagdag pahirap sa mga motorista.
“Naiintindihan natin ang pangangailangan para sa mas malaking pondo para sa maintenance ng ating mga kalsada. Pero hindi ibig sabihin na ang pinakamadaling paraan ay agad na ipasa ang dagdag na gastusin sa ordinaryong motorista,” sinabi ni Quimbo.
Batay sa proposed adjustment ng Department of Finance (DOF), ang kasalukuyang MVUC collections ay hindi sapat na pondohan ang mga maintenance ng mga kalsada dahil sa inflation.
Sabi ni Quimbo, kung kailangan ng dagdag na revenue, tingnan muna kung saan mas may kakayahang mag-ambag.
“Hindi dapat automatic na ang ordinaryong taxpayer at motorista ang sasalo ng dagdag na pasanin,” ani Quimbo.
Aniya, ang road maintenance ay responsibilidad ng gobyerno. “At dapat hanapan ng paraan na hindi dagdag-pasanin para sa mga ordinaryong Pilipino ang magiging default na solusyon,” dagdag ng kongresista.
(VINA de GUZMAN)