• September 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P6 bilyong pinsala ng EL Niño sa agriculture

AABOT sa P6.87 bilyong halaga ng produktong agrikultura ang nasira dahil sa El Niño.

Ayon sa Department of Agriculture, nasa 223,214 na magsasaka Ang naapektuhan nang matinding tagtuyot.

Kabilang sa mga nasirang produkto ang palay, mais kamoteng kahoy, high-value crops, livestock, at poultry products.

Tinamaan nang matin­ding tagtuyot ang mga lugar ng Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Ayon sa DA, ang production loss sa bigas at nasa 25,196 metric tons (MT) o katumbas ng 0.12% ng target production na 20.29 million MT sa 2026, habang ang production loss sa mais ay nasa 126,883 MT o katumbas ng 1.44% ng target production na 8.80 million MT sa 2026.

Nasa kabuuang 249,028 ektarya ng agricultural land ang naapektuhan kung saan 192,766 ektarya ang may tsansa pang maka-recover habang 56,262 ektarya ang wala nang tsansa na maka-recover.