Golden boy” Carlos Yulo, masayang ibinahagi ang pagkakasungkit ang dalawang gintong medalya sa 2026 Asian Games
- Published on September 28, 2026
- by Francis Paolo Torres
MULING nagningning ang tinagurian “Golden boy” na si Carlos Yulo nang makasungkit ito ng dalawang gintong medalya sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026. Ito ay kasunod ng kanyang tagumpay sa men’s floor exercise noong Huwebesm na nagbigay rin sa Pilipinas na unang gintong medalya sa 2026 Asian Games.
Pinatunayan ng 26-year-old gymnast ang husay nito sa floor exercise at vault event sa men’s artistic gymnastics na ginanap sa Nagoya General Gymnasium. Nagtala si Yulo ng average score na 14.599, daan upang manguna sa vault. Sa unang vault, nakakuha siya ng 14.733, habang 14.466 naman ang kanyang iskor sa ikalawang vault, na may 5.2 difficulty at 9.266 ang nakuha niyang iskor para sa execution.
Samantala, nakapag-uwi rin ng bronze medal ang kanyang nakababatang kapatid na si Eldrew Yulo.
Matatandaan din na’ nakapag-uwi si Yulo ng dalawang gintong medalya sa floor exercise at vault, noong nakaraang 2024 Paris Summer Games.